Cristy Fermin, Hinamon sina Jason Hernandez at Moira Dela Torre, Magpartner Reveal Na

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin sa latest episode ng Showbiz Now Na ang isyung nagkabalikan na sina Moira Dela Torre at estranged husband nitong si Jason Hernandez.


Kamakailan lamang, parehong nagbahagi sina Jayson at Moira ng mga larawan kung saan may kasama silang partner. Parehong hindi pinakita ng dalawa ang kabuuang hitsura ng mga ito.


Kaya naman naniniwala ang ilang mga netizens at mga tagahanga nila na nagkabalikan na ang dalawa in-private.


Subalit, itinanggi na ni Moira Dela Torre na siya ang babaeng kasama ni Jason sa mga kumakalat na larawan.


Kaya naman naglabas ng saloobin si Manay Cristy Fermin at napapatanong kung bakit kinailangan pang ipost nina Moira at Jason na may kasa-kasama na silang iba gayung tinatago naman ang mga mukha nito.


"Bakit mo ipo-post? Ano ito? para guluhin mo ang utak ng mga tagahanga mo at mga bashers?"


"Ito namang si Jason, o e ano ngayon, kung meron kang katabing babae na nakasumbrero, nakadukdok... bakit mo kailangang ilabas? Ano 'to naghahanap kayo? Bulok na bulok ang ginagawa niyong pagpapansin," pahayag ni Cristy Fermin.


Dahil sa pagkainis ni Manay Cristy Fermin sa aniya'y pagpapapansin ng dalawa, hinamon niya ang mga ito na mag face reveal na sa mga kasama nilang partners at nang magkaalaman na.


"Nakakainis lang. Ginagawa niyong tanga ang publiko. Ginagawa niyong tanga ang mga bashers, At lalo niyong ginagawang tanga ang mga sarili niyo."


"Ipakita niyo ang mukha ng kasama niyo... Katabi ni Moira na naka-abresiete siya, ipakita mo ang mukha. Ikaw naman Jason, may katabi ka na nakadukdok at nakasumbrero ka, ipakita mo ang face value." 


Sina Moira Hernandez at Jason Hernandez ay ikinasal noong 2021 subalit, ginulat nila ang lahat ng aminin nila sa publiko ang paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo