Judges at Host Ng Battle of the Judges Ipinakilala Na! Alden-Bea Issue Masasagot Na!

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Jerome

 


Kumpirmado na ngang magkakaroon na ng Battle of the Judges dito sa Pilipinas, at sa GMA network nga ito mapapanood.


Kaya naman maraming mga netizens ang excited na makapag audition dito. 


Dito nga ay magkakaroon ng mga pambatong performer, ang bawat celebrity Judges, at maglalaban para malaman kung sino ang magiging ultimate champion.


Inilabas na din ng GMA network ang mga pangalan ng mga magiging Judge, sa nasabing reality competition ng Kapuso network.


Heto nga ang mga pangalan ng mga magiging Judges, sina Atty. Annette Gozon, Boy Abunda, Jose Manalo at ang actress na si Bea Alonzo. 


At ang sinasabing magiging host naman ng show na ito, ay walang iba kundi ang Asia's multi media star na si Alden Richards. 


Marahil ay ito na din nga ang pangalawang proyekto na pagsasamahan nina Alden at Bea Alonzo sa ilalim ng GMA management.


May mga bulong-bulongan kasi na hindi nga daw magkasundo itong si Bea at Alden. Patunay nga daw ito ay ang pagback out ni Bea sa gagawin sana nilang pelikula ni Alden.Na Korean adaptation movie na A moment to remember.


At dito na nga malalaman kung totoo nga ba na hindi sila magkasundo at nagkaalitan sila.










Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo