Pokwang Sinabing Genes Lamang Ang Ambag Ni Lee O'Brian Sa Anak Nilang Si Malia!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Muling sinagot ng celebrity mom na si Pokwang ang komento ng isang netizen na nagsasabing kamukhang-kamukha ni Malia ang ama nitong si Lee O'Brian.


Ayon kay Pokwang, kahit kamukha ni Lee ang anak wala naman itong ambag sa pagpapalaki sa bata.


Ipinunto pa niyang siya lamang ang mag-isang nagtaguyod sa pangangailangan nila mula pa noong siya ay nagbubuntis.


“Nagmana sa ama,” komento ng netizen.


“Nagmana sa ama binuhay mag isa ng ina,” prangkang sagot ni Pokwang.


Naghiwalay sina Lee at Pokwang noong 2021 sa hindi malamang dahilan. Nanatili naman si Malia sa pangangalaga ng ina, mukhang gumana ang kanilang co-parenting arrangement. 


Gayunpaman, sa unang bahagi ng taong ito, nagsimula ang comedienne na gumawa ng "hugot" na mga post na tila idinirekta laban kay Lee. 


Kamakailan, naging mas vocal si Pokwang sa kanyang mga post laban kay Lee at ibinunyag din niyang ikinokonsidera niya ang legal na aksyon laban sa kanyang estranged partner.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo