Ogie Diaz Sinagot Ang Sinabi Ni Liza Soberano Sa Interview Ni Boy Abunda!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


 Matapos magtrending ang part 2 ng exclusive interview ni Liza Soberano sa programa ni Boy Abunda sa GMA7, agad na bimuweltahan ni Ogie Diaz ang kanyang dating alaga.


Kasalukuyang viral si Ogie dahil sa kanyang komento tungkol kay Liza sa kanyang bagong ‘Showbiz Update’ vlog na na-publish nitong Lunes.


Sa kaparehong araw, gumawa rin ng ingay online si Liza matapos maipalabas ang ikalawang bahagi ng panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda”.


Samantala, may isang netizen ang nag-react sa vlog ni Ogie, kung saan humingi si Ogie ng paumanhin sa aktres, na tinawag din niyang "anak." 


Prangka na pinakiusapan ng netizen si Ogie na huwag nang gamitin ang nasabing term of endearment para kay Liza.


“Di ba sabi ko wag mo na syang tawaging anak. Galing mo inunahan mo ung interview ni tito boy. Para masabing mabait ka. Matapos mong sirain. Alam na namin style mo bulok,” tweet ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Ogie at sinabing ano ba dapat ang itawag niya kay Liza kung ganon.


“Ano po itatawag ko?, “Tita? Lola?” pagpupunto ng talent manager.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo