Kim Chiu, Inalok Noon Ng Pelikula Kasama Si Jackie Chan

Martes, Marso 14, 2023

/ by Sparkle

 


Nag-alok ng movie project ang kampo ng Hong Kong superstar na si Jackie Chan sa young actress na si Kim Chiu, kinumpirma ng isang opisyal ng Star Magic.


Si Chan mismo ang pumili ng young star matapos niyang makita ang picture nito, sabi ni Thess Gubi, public relations head ng Star Magic, sa abs-cbnNEWS.com.


"Nakita yata ang picture niya, either pinresent ang picture niya or siya mismo ang nakakita ng picture ni Chiu," she said.




Pumayag si Chiu na gawin ito, ibinahagi ni Gubi. "Go na go si Kim para sa project."


Dagdag pa ni Gubi, nakatakda nang lumipad ang young actress sa hindi natukoy na lokasyon para kunan ang pelikula, ngunit napostponed ito.


Sumali si Chiu sa Star Magic family ng ABS-CBN matapos manalo sa reality program na “Pinoy Big Brother Teen Edition” noong 2006. Isa siyang mainstay ng musical variety show na “ASAP XV.”




Kilala rin siya bilang long time on-screen partner ni Gerald Anderson, na napapabalitang ex niya.


Ang huling movie project nina Chiu at Anderson ay "Till My Heartaches End" under Star Cinema.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo