ALLTV May Bagong Nang Partner Sa Primetime, Tanong Papatok Kaya?

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


 Tila bumabawi na ngayon ang AMBS ALLTV dahil may panibago na silang programa na iaalok sa mga manonood.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, kamakailan lamang ay nagkapirmahan ng kontrata ang ALLTV at METV Pilipinas. 


Hinggil umano ito sa pagpapalabas ng well-loved Asian hit series sa primetime weekdays na nagsimula noong March 6.


Napapanood na ngayon ang romantic-comedy series na 'Hot Mom' tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7pm to 8pm sa ALLTV channel 2.


“ALLTV strives to bring a different kind of television experience to our Pinoy audience and this partnership with METV Pilipinas is a great opportunity for the station to deliver this kind of quality entertainment,” pahayag ni Ms. Maribeth Tolentino, ALLTV President.


Panalo sa mga Pinoy televiewers ang nasabing hit Asian series na pinagbibidahan ng award-winning actress na si Sun Li . 


Gumanap siya bilang si Xia Bing, isang quirky, goal-oriented fashionable lady na ang pangarap sa buhay ay maikasal at magkaanak lamang hanggang sa umabot siya ng 30s.


Pero mawiwindang siya sa biglaang pagbubuntis at wala sa planong pagpapakasal kasama ang dyowa na si Yuan Bao (Zhang Yi). Haharapin nila ang hamon ng buhay.


Matatandaan na nagkaroon ng soft launch ang ALLTV noong September 2022.


“We’re grateful for this partnership with ALLTV and we look forward to the start of bringing together a new flavor of content to our fellow kababayans,” bulalas naman ni Peter Paul Sales, METV Pilipinas President. (Roldan Castro)




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo