Issa Pressman Tinawag Na Baby Si James Reid Sa Video! Netizens Kinilig!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Jerome

 

Pinakilig ng kontrobersyal na singer na si Issa Pressman ang kanilang mga tagahanga ni James Reid matapos niyang tawaging baby si James sa isang video.


Sa nasabi kasing video ay kumanta si Issa Pressman ng isang dedicated na kanta para sa boyfriend nito ngayon na si James Reid.


Talaga naman na nagtrending ito ng husto dahil sa very public na ng relasyon nilang dalawa ngayon hindi tulad noon.


Ngunit matindi man ngayon ang pambabatikos na kanilang natatanggap mula sa mga netizens dahil sa ginawa nilang paglantad ng kanilang totoong relasyon, ay tila hindi naman sila apektado pareho.


Kagimbal-gimbal nga ang natatanggap nilang pambabash mula sa mga netizens lalo na sa mga fans ni Nadine Lustre, dahil niloko daw nila si Nadine noon.


Bagama't matindi nga ang natatanggap na pambabatikos sa kanilang dalawa ay tila hindi naman daw sila apektado dahil ang mahalaga daw ay masaya sila sa kanilang relasyon at sa pagmamahalan nilang dalawa.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo