Sakit Ni Kris Aquino Natukoy Na Ng Isang Indian Doctor!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Isang magandang balita ang hatid nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa latest episode ng kanilang Youtube Vlog na Showbiz Now Na.


Ayon sa kanila bumubuti na umano ngayon ang kalagayan ng Queen Of All Media na si Kris Aquino dahil natumbok na umano ang mga sakit nito.


Ayon umano sa isang reliable source ni Cristy Fermin, natumbok na ng isang Indian Doctor ang sakit nito na matagal din bago natuklasan.


Sinadya pa umanong puntahan ito ni Kris Aquino at hindi naman ito nabigo.


"Mayroon pong nakapagparating sa amin na isang kaibigan na natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino."


"Ito po ay dahil kay Doctor Sudhir Gupta. Ito po 'yung Indian doctor na talaga pong dinadayo ng mayayaman sa buong mundo. Napakaganda na raw po ngayon ng kondisyon ni Kris Aquino," chika ni Manay Cristy Fermin.


Ibinahagi rin ni Manay Cristy Fermin na marami na talagang napapagaling ang doctor na ito.


Kaya naman inaasahan ngayon ng maraming tagahanga ng actress na gagaling na ito ng tuluyan.


"Thanks lord at gumaling na si Kris para sa mga anak nya"


"Happy to hear a good news from Kris.Praying for her fast recovery.🙏🙏"


"Salamat sa napakagandang balita at sa pagmamahal ni Ms Cristy Fermin, nakakatuwa na wala ng negativity. Pag palain kayong lahat at Ang show nyo❤🙏"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo