James Reid At Liza Soberano Road To GMA!?

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Napa-react ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin hinggil sa nabalitaan nilang road to GMA ang controversial celebrities na sina James Reid at Liza Soberano.


Ibinahagi ni Romel Chika sa kanilang Showbiz Now Na vlog na may narinig umano siyang bali-balitang lilipat sa GMA sina Liza Soberano at James Reid.


"Kaming magkakaibigan, nag-uusap usap. may nagtext sa'kin na may nauulinigan daw na ito daw kina James at Liza e road to GMA pala daw ito," ani Romel.


Agad naman itong inalmahan ni Manay Cristy Fermin at sinabing hindi dapat baunin ng dalawa ang ka-negahan sa nasabing network.


"Pero kung papasok man sila sa anumang pintuan, Hindi maganda na ang puhunan mo ay ka-negahan. Wala pa ring pinakamaganda kundi positibong kwento," pagpupunto ni Cristy Fermin.


Sina James Reid at Liza Soberano ay parehong umaani ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pagiging Careless ng mga ito.


Marami ang hindi nagustuhan ang paraan ng rebranding ni Liza Soberano dahil lumalabas na naging plastik ito at inggrata.


Samantalang hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang ginawang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon sa gitna ng isyu ni Liza Soberano.


Isa pa ay pinatunayan lamang umano ng dalawa ang pagtatraydor nila kay Nadine Lustre.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo