Heart Evangelista Mala-Ginto Ang Awrahan Sa Louis Vuitton Fashion Show!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Jerome

 

Hindi nga daw maikakailang reyna ng Fashion trends sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.


Sa katunayan nga daw ay muli nitong pinatunayan ang kanyang lugar o trono sa fashion industry sa kanyang muling pagdalo sa ginanap na Fashion Week sa Paris.


Kilala nga ang kanyang wardrobes na puno nga ng mga mamahaling brand mula sa damit, bags at sa mga jewelries. 


 Hindi na nga bago ang pangalang Heart Evangelista sa industriyang ito.


Sa katunayan nga daw ay palaging nasa front seat si Heart sa Paris Fashion Week na kadalasan ay ibinabahagi niya sa kanyang social media accounts.


Ngayong taon nga ay muli na namang lumipad ang actress sa tinaguriang City of Love at Fashion Capital of the Western World ang Paris.


Upang dumalo sa mga malalaking Fahion shows na inorganisa ng mga malalaking fashion brands. 


Makikita nga sa ibinahaging mga video ni Heart sa kanyang social media account kung saan ay makikita ang kanyang mga branded OOTD habang kinukuhanan siya ng mga larawan ng mga photographers.

  



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo