Fans Ni Zeinab Tinawag Na ‘Balimbing’ Si Xian Gaza!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring pambabatikos si Xian Gaza mula sa mga fans ng social media personality na si Zeinab Harake, matapos ang pagbabahagi niya ng mga larawan kasama sina Skusta Clee, Pastillas Girl at Flow G.


Tiwanag na “balimbing” ng fans ni Zeinab Harake ang Pambansang Marites na si Xian Gaza matapos umano itong sumawsaw sa isyu ni Zeinab, at dating nobyo na Skusta Clee.


Agad naman itong pinabulaaanan ni Xian Gaza at nilinaw na hindi siya isang balimbing.


Inilahad din niyang noong pang 2020 sila magkaibigan ni Angelica Yap.


“Sabi ng mga fans ni Zeinab eh balimbing daw ako kasi tinropa ko si Angel. Para po sa kaalaman ng lahat eh magkaibigan na kaming dalawa since January 2020."


“Pinakilala siya sa akin ni Sachzna sa Thailand at Singapore,” paglalahad ni Xian Gaza.


Paglilinaw pa niya na hindi umano siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito, dahil para raw siyang Venn diagram na nag-iisang tao sa gitna.


“Here’s the funny plot twist: Si Angel at Sachzna ay hindi na okay ngayon. Si Zeinab at Sachzna ay hindi rin okay. Si Angel at Zeinab ay hindi din okay. Kung ilalagay natin sila sa isang Venn diagram eh ako yung isang tao sa gitna nila.”


Kaya naman imbes na tawagin umano siyang “balimbing” ay dapat mas tawagin siya bilang “tunay na kaibigan”. 


“Siguro instead of saying na balimbing ako, mas appropriate yung “tunay na kaibigan”.


"Na kahit mag-away away pa kayo eh nandito ako para sa inyong lahat. Walang magbabago. Hindi ako makikisawsaw sa gulo niyo pero kapag may kalaban kayo ay asahan niyo ko sa tabi niyo. See less.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo