Lorna Tolentino Itinanggi Ang Matandang Babae Na Kapatid Ni Rudy Fernandez!

Huwebes, Marso 23, 2023

/ by Lovely


 Itinanggi ng batikang aktres na si Lorna Tolentino ang pahayag ng isang matandang babae na siya umano ay kapatid ni Rudy Fernandez.


Naging usap-usapan kamakailan ang isang lola na nagsasabing kapatid siya ng yumaong action star na si Rudy Fernandez, asawa ng award-winning actress na si Lorna Tolentino. Nagpakilala ang lola bilang si “Teodola Galacio,” isang 85-anyos na babae.


Ikinuwento ni Teodola ang mga nakaraan nila ni Rudy, ang kanyang nakababatang kapatid. Si Rudy ay pitong buwan pa lamang, ayon sa matandang babae, nang pinakain niya ito mula nang magkasakit ang kanilang ina. Ibinunyag din niya na siya at si Rudy ay may pitong kapatid.


“Pitong buwan pa lang siya noong pinapakain ko siya kasi nagkasakit ang nanay namin, pito kaming magkakapatid,” saad Teodola.


Naibinenta umano ang kanilang lupa para pambayad sa ospital dahil sa kalagayan ng ina. Dagdag pa nito, napabalitang ampon si Rudy. Rehistrado raw siya ng kanyang adoptive parents.


Samantala, ayon kay Lorna Tolentino na hindi totoo ang mga pinagsasabi ng matanda dahil hindi adopted ang yumaong si Rudy Fernandez.


“Nakakahiya naman na sagutin pa si lola na lahat ng legal documents ay meron si Daboy. Proof na talagang Padilla-Fernandez at baby pictures. Ate Merle is Rudy’s eldest sister,” saad ni Lorna.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo