Cristy Fermin Muling Binanatan Ang Ama ni Liza Soberano Sa Pangungunsinti Nito Sa Pagiging Ungrateful Ng Anak!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


Muling inalmahan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang panibagong pahayag ng ama ni Liza Soberano na si John Soberano.


May kaugnayan umano ang naging pahayag ng ama ni Liza patungkol sa kung kanino lang dapat tumanaw ng utang na loob ang kanyang anak.


"Meron po siyang sinabi na wala raw po dapat tanawing utang na loob ang kanyang anak kahit kanino. Para kay Ogie Diaz, sa ABS-CBN at sa mga direktor."


"Ang dapat lang daw tanawan ng utang na loob ni Liza ay ang kanyang mga fans," pagbabahagi ni Cristy Fermin.


Nagbigay din ng mensahe si Cristy Fermin para sa ama ni Liza na imbes patigilan ang isyu ay tila ginagatungan pa nito ang inis ng basher.


"Alam niyo naman na ginigipit na ang anak niyo ng bashing. Sa halip na nababawasan ang nagagalit sa anak niyo, dapat kinalma niyo. Kaso nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy," mensahe ni Cristy.


"Nakakalungkot, okay tanggap natin na ama siya ni Liza. Hindi natin aasahan na siya pa ang manlalaglag sa kanyang anak.


 Pero ang alam ko, sa taong nagmamalasakit lalo na ang magulang, kapag medyo kailangang kalusin ang anak gagawin niya 'yun," dagdag pa nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo