Bela Padilla Pumalag Sa Banat Ng Isang Netizen! Isnubera at Mataray?

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Pinalagan ng aktres na si Bela Padilla ang tweet ng isang netizen na nagsasabing disappointed ito sa kanya dahil hindi niya pinagbigyan ng isang picture.


Binanatan nang todo at hindi inatrasan ni Bela Padilla ang isang fan na tumawag sa kanyang isnabera at supladita nang ipangalandakan nito ang naranasan nitong pagtataray mula sa aktres nang matanggihan sa photo op sa nakaraang Harry Styles Concert dito sa Manila.


Sa isang tweet sinabi ng isang fan  na dismayado siya kay Bela Padilla dahil napakataray pala nito.


“Super nakaka-disappoint si bela padilla kagabi huhu she was such a cunt.”


Marami kaagad ang nakapansin sa tweet na ito lalo pa't napaka bulgar ng salitang ginamit na ang ibig sabihan ay 'vagina'.


Agad itong nakarating kay Bela at hindi niya nagustuhan ito kaya sunod-sunod ang kanyang mga banat laban sa nasabing netizen.


“Pangit mo kabonding. Wala akong inirapan, kahit isa, imbento. Isa ka sa isang libong di napagbigyan. If I didn’t TYWK (Treat You With Kindness), it was probably you shoved your phone in my face.”


“Just to clarify, when you say “can I please have a photo with you?” you give me room to say no,” paliwanag ng aktres.


Gayunpaman hindi natinag ang fan at nanindigan pa sa umano'y pagmamaldita ni Bela at sinabing inirapan lahat ng aktres.


Lahat ng mga nais magpa-picture sa kanya at nang turn na nila ng kanyang kaibigan na magpa-picture, pinag-group photo shoot sila nito at dito na raw umirap si Bela.


Agad namang dumipensa si Bela at pinabulaanan ang pahayag nito.


“Such a lie. I took photos with soooo many people. You must’ve treated me a certain way. Also, don’t call people c*nts with no context. May I remind you, I’m a fan who paid for my ticket with NO obligation to take photos with people who treat me rudely.”


Inilabas din ni Bela ang mga resibo na siyang magpapatunay umano na walang katuturan ang mga banat ng netizen sa kanya.


Ibinahagi ng aktres ang kuhang larawan niya kasama ang mga guards, vendors at fans nang dumating siya sa venue ng alas-3 ng hapon.


Sa huli tinapos ni Bela ang bangayan nila ng nasabing fan nag mag-private na ito sa Twitter at humingi ng paumanhin sa kanya.


“Because you deleted your original post and went private (and apologized personally, which I appreciate..) I will delete my replies to you. TPWK and again, be mindful of your words.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo