Pokwang Inamin Na Umasang Magkakaayos Pa Sila Ni Lee Kaya Pinagtakpan Niya Ang Lahat Ng Baho!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Hayagang inamin ng komedyanteng si Pokwang ang dahilan kung bakit pinagtatakpan niya ang mga pagkukulang ni Lee O'Brian sa mga nauna niyang interviews.

Sa kanyang guesting sa inaabangang programa ngayon ng GMA7 na Fast Talk with Boy Abunda, naitanong sa kanya ni Tito Boy kung bakit niya nagawang pagtakpan noon si Lee O'Brian sa naunang  mga interviews niya.

"So naghiwalay kayo December of 2021. You did an interview July of 2022. Yung mga deklarasyon mo, mabuti siyang tao, mabuti siyang ama, walang third-party, walang pera involved. Bakit?" tanong ng host na si Boy Abunda.

Agad naman itong emosyunal na sinagot ni Pokwang, kung saan inamin niyang umaasa pa siya sa mga pagkakataong iyon na magiging maasyos pa ang lahat sa kanila kahit para man lang sa kanilang munting pamilya.

“Tito Boy, bilang isang ina, umaasa ako na maaayos pa kami. Kahit ang sakit-sakit na sa akin, kailangan kong magsinungaling kasi umaasa ako aayusin pa niya, magkakaayos pa kami.”

“Oo, naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance. Marami akong binigay na mga signals sa kanya na, 'Please, ayusin mo naman 'to para kay Malia.'” pag-amin ni Pokwang.

Inamin din ni Pokwang na sa mga panahong isinagawa niya ang mga panayam na iyon ay ang mahal pa niya si Pokwang.

“Mahal ko. Sa totoo lang mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling e, pagtakpan ko siya dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami,” dagdag pang pag-amin ni Pokwang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo