Pokwang Isiniwalat Na ang Dahilan Kaya Nagpunta sa Abogado!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Buong tapang na sinagot ng komedyanteng si Pokwang ang mga naging katanungan ni Tito Boy Abunda hinggil sa controversial na mga isiniwalat niya sa social media hinggil sa naging hiwalayan nila ng dating partner na si Lee O'Brian.

Isa sa mga naitanong ni Boy Abunda ang tungkol sa viral photo nina Pokwang at Malia na papunta sa isang abogado. Matatandaang hindi nilinaw noon ni Pokwang kung ano ang sadya nila sa pagkikitang iyon.

“Yung kayo'y nasa loob ng auto papunta sa abogado, ano ang ibig sabihin nito, Pokee?” tanong ni Boy Abunda.

“Kasi, Tito Boy, meron po kaming mga gustong bawiin na. Like yung mga YouTube channel namin. Siya po kasi nagmo-monetize noon, siya po nagha-handle... Feeling ko dapat mabawi na namin yon,” malinaw na sagot ni Pokwang.

Nilinaw naman ni Pokwang na hindi sila nag-file ng kaso laban kay Lee sa kabila ng hindi pagsusustento nito sa anak. Nagpunta lamang umano sila sa abogado upang mabawi nila kay Lee ang dapat na mabawi at para isaayos na rin ang custody ni Malia.

“Hindi po. Hindi po kami nag-file ng case. Inaayos lang po yung sa custody ng bata at saka yung dapat naming mabawi na lang. Yung YouTube channel namin saka social media (accounts), makuha namin. And kung ano yung dapat iano namin kay Malia kasi sa totoo lang five years kang hindi nag-aabot, alam mo yan pero nanahimik ako doon,” saad ni Pokwang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo