Nakakaawa! Luis Manzano Dinala Sa Nbi Para Sa Imbestigasyon Ng Flex Fuel Investment Scam

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Jerome



Pinatawag na ng NBI si Luis Manzano upang magpaliwanag tungkol sa investment scam daw umano ng Flex Fuel.

Nahaharap ngayon ang actor host na si Luis Manzano sa napakaraming reklamo, nag file naman ng ilang complaints ang nasa limang investors ng Flex Fuel sa NBI. Pahayag naman ng spokesperson ng mga nagreklamong investors, na magiging liable parin daw si Luis Manzano kahit na sa kabila ng paliwanag nito na hindi ito nangialam sa pagmamanage ng naturang negosyo.

Iginiit nitong nagpasya silang mag-invest dahil sa tiwala nila sa mga sinabi ni Luis sa kanila. Isa pa sa mga nakapag inganyo sa kanila ay ang pangakong monthly income na nasa 70 thousand pesos sa kanilang pag-iinvest ng 990 thousand pesos sa Flex Fuel sa ilalim ng co-ownership.

Matatandaang, nagsilabasan noon ang mga endorsement ng Flex Fuel kung saan si Luis ang naging endorser nito upang maraming mahihikayat na investor.

Samantala, nauna na palang naglabas ng warning ang SEC noong 2021 na ang ilang mga gas station na katulad ng Flex Fuel ay walang authority na mag-offer ng securities sa publiko.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo