Ogie Diaz Binara Si Willie Revillame Dahil Tsinugi Ang Wowowin at Toni Sa AllTV!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Naglabas ng sunod-sunod na tweets ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa napapabalitang pagpapahinto ng ilang programa ng AMBS AllTV.

Matapos opisyal na inanunsyo ng pamunuan ng AMBS ang balitang pansamantalang hihinto muna ang ilang programa nila, agad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Marami sa mga netizens ang natatawa at sinabing nakarma ang mga artistang lumipat sa nasabing estasyon.

Samantala, nanawagan naman si Willie Revillame at sinabing hindi dapat pagtawanan ang pagkakahinto ng kanilang programa. Bagkus ay dapat pang ipagdasal dahil marami umanong mahihirap ang mawawalan ng tyansang matulungan.

Sa tweet ni Ogie Diaz, tila muling pinasaringan niya ang mga Congressman na hindi bumuto para bigyan muli ng franchise ang ABS-CBN noon. Ayon kay Ogie tila nakarma ang mga ito dahil hindi na nanalo sa eleksyon subalit ang ABS-CBN ay nagpapatuloy pa rin.

Tanong pa ni Ogie Diaz, “Wala ba from the congress ang tatayo para makiusap sa all tv na wag munang magpahinga dahil kawawa naman ang mga taong mawawalan ng trabaho?”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo