Alex Gonzaga May Cake Joke sa Birthday ng Kanyang Daddy Bonoy!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging laman ng usapin online ang actress, TV-host, vlogger na si Alex Gonzaga matapos ibahagi sa kanyang social media ang isang cake joke sa kaarawan ng kanyang Daddy Bonoy.

Masayang ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram account nila ng kanyang Daddy Bonoy. Kasama sa kanyang Instagram gallery, ay ang larawan ng isang plain cake na walang icing kung saan pabiro niyang sinabi na dapat rin itong umiwas sa cake na may icing.

"Happy birthday, daddy! Love you always! [heart emoticon] Pasensya ka na tinapay na lang muna mapapadala ko sayo pam-birthday. Mag-iiwas iwas na rin kayo sa [cake emoticon] mahirap [laughing-crying emoticon] na @bopingonzaga_," pahayag ni Alex sa kanyang caption.

Agad namang bumuhos ang mensahe ng pagbati sa comment section ng kanyang Instagram post.

Matatandaang na umani ng baklash si Alex Gonzaga matapos kumalat ang isang video kung saan makikita ang pamumunas ni Alex ng icing ng kanyang birthday cake sa waiter na may hawak rito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo