Ogie Diaz Tinira Si Willie/Isko Moreno Sinupalpal Si Ogie Parang Nabuhusan Ng Malamig Na Tubig

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Jerome

 

Ogie Diaz tila pinataaman ng deretsong banat  si Wowowin host na si Willie Revillame, nitong linggo ng gabi sa kanyang makahulugang post. 

Matatandaang umani ng maraming pambabatikos ang host na si Willie kasunod ng kanyang na unang pagsita sa mga nakikisaya pa umano sa pagtatapos ng ilang programa ng bagong network ng mga Villar.

Saad niya, "Sana hindi ganun ako naman willing tumulong dahil sa sobrang bless namin, you have to understand na nagsisimula palang po ang AllTV, nagsisimula palang kami sanggol palang ito. Talagang wala pang comercial na papasok dito kasi wala pa kaming reach, wala pa kaming signal sinisimulan palang eh. Ipagdasal niyo kami, ipagdasal niyo kami na maging successful ito para maraming mga station na maraming magawa, marami kayong marinig na kabutihan, i-set aside niyo yong politika."

Subalit tila hindi naman na gustuhan ng talent manager na si Ogie Diaz ang mga sinabi ni kuya Will, una itong nag pakawala ng tweet ukol sa mga Kongressista umanong bumoto para hindi mairenew ang prankisa ng ABS-CBN.

 "Andami palang congressmen na bumoto sa no to abs-cbn franchise ang na-Lotlot & Friends nitong 2022, no? Wala na yung pinapanginoon nila, pero andiyan pa din yung abs-cbn. Patuloy na pinapanood ng mga nag-no to franchise cong." pahayag ni Ogie.

Tila kontrobersyal naman ang sumunod na hirit ng showbiz personality na tila tungkol sa nakaraan.

"Wag umiyak. Kung nung araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman naramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya wag mamalimos ng simpatya. Kaya mo yan. Wala kang di kinaya." 

Para naman sa mga netizen na nag comment sa tweet, ang Wowowin host daw ang pinapatamaan ni Ogie Diaz. Sunod naman niyang sinabi na, "Wala ba from the congress ang tatayo para makiusap sa all tv na wag munang magpahinga dahil kawawa naman ang mga taong mawawalan ng trabaho?" 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo