Bb Gandanghari at Robin Padilla Nag Duet Hinarana Ang Kanilang Inang Si Eva Carino

Sunday, January 15, 2023

/ by Sparkle

 


Magkasama ang magkapatid na Robin Padilla at Rustom Padilla o kilala bilang BB Gandanghari para bisitahin ang kanilang ina na si Eva Carino.

Habang nandoon sila sa bahay ng kanilang ina, napagtripan ni Robin at BB na kumanta at bumati sa kanilang ina.

Kinanta nila ang theme song at paboritong kanta ng kanilang yumaong ama na si Roy Padilla Sr., na alay sa kanilang ina.

Magkasabay kumanta ang magkapatid na Padilla at kinikilig ang mama nilang si Eva.

Kahit matanda na ang magkapatid na sina BB Gandanghari (56) at Robin Padilla (53), halatang young at heart pa rin sila lalo na sa kanilang mahal na ina na si Eva Carino.

Nasa Pilipinas si BB Gandanghari noong Disyembre pa para magbakasyon at bisitahin ang kanyang pamilya. Uuwi na rin si BB Gandanghari ngayong buwan sa America kung saan isa na siyang ganap na US Citizen.


No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo