Darna National Costume Ni Celeste Cortesi Binatikos Ng Netizens!

Sabado, Enero 14, 2023

/ by Sparkle

 


Miss Universe season na naman sa Pilipinas, kaya karamihan sa ating LGBTQIA+ members ay excited na suportahan si Celeste Cortesi, ang Philippine candidate para sa Miss Universe.

Noong Enero 12, ginanap ang preliminary competition ng mga kandidata para sa Miss Universe pageant. Rumampa sila suot ang kanilang national costume, evening gown at swimwear. 

Nagulat ang mga netizens sa national costume na napili ng Miss Philippines team nang pumasok siya sa stage dahil naka-darna costume siya.

Maraming miyembro ng LGBTQIA+ ang pumalakpak sa pagpili ng pangkat ni Celeste para isuot ng ating pambato sa national costume.

Iminungkahi pa ng netizens na sana raw ay nagmodern Maria Clara outfit o nagcostume ng mga Sang'gres sa isang serye si Celeste. Pati si Jollibee napag-initan din for national costume ni Celeste.

Saad naman ng isang netizen, “Whatever. I just hope she brings home the crown.”

Iyan din ang wish ng bagong Darna kapamilya star na si Jane De Leon nang i-repost niya sa twitter ang tweet mula sa Miss Universe social media account.

Tweet ni Jane, “Slay @celestecortesi. Bring home the bacon, our Queen.”

Bukod kay Jane, naglabas din ng pahayag ang pamilya ni Mars Ravelo, na lumikha ng Darna. Feeling proud ang pamilya ni Mars Ravelo sa pagpasok ni Celeste sa Miss Universe suot ang costume ni Darna.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo