Napahiya! "Nag-walk Out" Si Miss Thailand Matapos Di Tinawag Sa Top16 Finalist Ng Miss Universe 2022

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Sparkle

 


Marami ang nadismaya sa resulta ng Miss Universe, lalo na ang Thailand fans nang hindi nakapasok ang kanilang pambato.

Tila nagwalk-out nga sa entablado at maiyak-iyak ang naturang kandidata ng Thailand. Ika nga, akala niya ay makakapasok siya sa finalist, dahil ang bagong may-ari ng Miss Universe na si Thai billionaire Anne Jakrajutatip, ay kababayan niya mula sa Thailand.

Marami ang nagsasabi na kahawig niya si Catriona kaya naman nakakakuha siya ng atensyon ng lahat ng pageant fanatics.

Marami rin ang nagsasabi na walang originality ang kanyang make-up at styling, na nakaka-umay dahil sa panggagaya niya kay Catriona.

Hindi na bago ang kanyang aura pagdating sa patalbogan ng hitsura at styling. Samantala, may mga nagsasabi rin na hindi dahil sa pag-aari ng Thailand ang Miss Universe ay panalo agad ang Thailand.

Tama raw ang ginawa ng Miss Universe Organization sa pagpili kung sino ang karapat-dapat manalo. Maging patas sa lahat at walang halong pandarayang masasangkot nito. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo