Paulo Avelino May Gustong Iparating Kay Xian Lim

Walang komento

Lunes, Hunyo 10, 2024

Naging malaman ang naging pahayag ng actress-host na si Kim Chiu na tila pinasaringan na niya ang dating karelasyon na si Xian Lim sa pag-iingay patungkol sa naging paghihiwalay nila noong nagdaang taon.


Ayon sa naging pahayag ni Kim Chiu sa kamakailang panayam sa kanya, hindi naman umano mapag-uusapan ang kanilang nakaraang break up kung walang nagsisindi nito. Iginiit pa ni Kim Chiu na hindi na siya magbibigay pa ng pahayag dahil nais niyang manahimik na lamang silang dalawa ni Xian Lim at bigyan ng respeto ang isa't-isa.


Kaagad namang naiugnay ng maraming mga netizens na ang tinutukoy ni Kim Chiu na nagsisindi ng apoy para sila mapag-usapan ay ang pag-iingay ngayon ni Xian Lim sa mga naging interviews nito kung saan nagbibigay ito ng reaksyon sa mga kumakalat na balita patungkol sa kanilan paghihiwalay.


Inilahad din ni Kim Chiu na wala na talaga siyang balak na magbigay pa ng pahayag sa mga kumakalat na isyu sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim dahil nais na niyang mag-umpisa ng bagong buhay ngayong 2024 at ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan dahil ayaw na rin niyang sumama pa ang kanyang loob.


Sa kabilang banda, maging ang on-screen partner ng aktress na si Paulo Avelino ay nagbigay na rin ng mensahe dahil tila naawa na siya ngayon kay Kim Chiu na pilit binabahiran ni Xian Lim ang pangalan.


Hiling umano ni Paulo Avelino na sana ay manahimik na lang at irespeto ang aktres sa pananahimik nito sa isyu. Hindi rin naman umano tama na ang lalaki pa ang mag-ingay nang mag-ingay at siyang pumapatol sa mga isyu.


Samantala, may ilang mga netizen naman ang nagsasabi na kung sakaling totoong wala namang kasalanan ni Xian Lim ay magiging unfair naman para rito na nakakatanggap ng pambabatikos at nadadamay pa ang kanyang mga mahal sa buhay.



 

Trina Candaza Nagsalita Na Sa Kasal Ni Carlo Aquino and Charlie Dizon Wedding!

Walang komento


 Matindi ang pinagdadaanang lungkot ni Trina Candaza, dating kinakasama ng aktor na si Carlo Aquino, matapos maganap ang pagpapakasal ng aktor sa babaeng ipinalit sa kanya na si Charlie Dizon.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens dating nag-live in sina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos nilang mabiyayaan ng isang anak. Subalit, ginulat nila ang kanilang mga tagahanga ng lumabas ang mga haka-haka sa social media patungkol sa kanilang paghihiwalay na kalaunan ay pareho nilang kinumpirma sa lahat.


Matapos kumalat sa social media ang ilang mga larawan at videos kung saan makikita ang pagpapakasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon may ilang mga netizen ang binalikan ang dating panayam ni Trina Candaza kung saan inilahad niya kung gaano siyang nasaktan dahil sa naging relasyon nila ni Carlo Aquino.


Inamin noon ni Trina Candaza noon sa isang panayam kung paano niya pilit na inaayos ang nasisirang relasyon nila ni Carlo Aquino para sa kapakanan ng kanilang anak subalit may mga bagay umano na kahit anong pilit ay hindi parin mangyayari.


Samantala, marami naman ang nakapansin sa ibinahaging social media post ni Trina Candaza sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.


Makikita sa social media post ni Trina Candaza ang pag-flex niya ng kapirasong painting at blangkong pader, walang inilagay na caption si Trina Candaza kaya naman hindi malaman ng ilang mga netizens ang pinapahiwatig ni Trina.


May mga naghinalang may kaugnayan ang ibinahaging post ni Trina sa pagpapakasal ngayon ni Carlo Aquino. May mga nakisimpatya kay Trina Candaza at sinabing kahit na masakit man ang nangyayari ngayon sa kanyang buhay ay dapat na magpatuloy lamang ang aktres at darating din rin ang tamang tao para sa kanya.


"blankness and roughness of emotions...hugs ms.trina.... the right guy will come to you in a way you never expected....pray ka ni God na bibigyan ka niya ng lalaking makakaintindi sayo...yong mas mahal ka..."


Samantala, may mga nagbibigay naman ng payo kay Charlie Dizon matapos pakasalan nito si Carlo Aquino na may history ng pagiging babaero. Hiling ng marami na sana ay hindi maranasan ni Charlie ang pinagdaanan ni Trina Candaza sa kamay ni Carlo Aquino.


Vice Ganda Pinaringgan Si Nikko Natividad Matapos Nito Kampihan Si Axel

Walang komento


 Muling binanatan ng Unkabogable Star at main host ng It's Showtime ang dating myembro ng Hashtag na si Nikko Natividad sa episode ng Expecially For You noong Sabado June 8, 2024 matapos siya nitong banatan sa ilang mga social media post na ibinahagi nito sa mismong social media account.


Matatandaan na ilang beses na nagpabahagi ng mga post si Nikko Natividad sa kanyang Instagram account kung saan pinaboran niya ang mga guest ng Expecially For You lalo na si Axel na labis umanong pinahiya ni Vice Ganda.


Sinabi pa ni Nikko Natividad na maging siya ay pinahiya rin noon ni Vice Ganda kaya naman alam na alam umano niya ang nararamdaman ni Axel. Binatikos rin niya si Vice Ganda sa pagsasabi nito ng charot sa dulo ng kanyang mga masasakit na salita para palabasing biro lamang ang lahat kahit totoong nakakaoffend na minsan.


Sa segment ng It's Showtime na Expecially For You noong sabado, napansin ni Vice Ganda na habang kinakausap niy ang kapatid ng searcher na si Onin ay pinaikot-ikot nito ang kinaupuan. Nilapit ito ni Vice Ganda at tila binantaan sa ginagawa, nilagyan niya ito ng charot sa dulo, pahiwatig na hindi seryoso ang kanyang banta sa kapatid ng searcher.


Ipinunto ni Vice Ganda ang pagsabi niya ng charot sa dulo na tila sinasakyan nito ang sinabi ni Nikko Natividad na palusot lamang niya ang pagsasabi ng charot sa dulo. 


Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang hindi umuurong si Vice Ganda sa kahit na sinong nambabatikos sa kanya dahil sa magkasunod na pambabanat niya kay Nikko Natividad na nakasama rin nila sa It's Showtime ng ilang buwan.


Lala Sotto Inaksyunan Na Ang Pamamahiya Ni Vice Ganda Kay Axel Cruz at Christine

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board Chairperson na si Lala Sotto sa gitna ng mga reklamong natanggap hinggil sa noontime show na It’s Showtime matapos sawayin ni Vice Ganda ang isang kalahok ng EXpecially For You sa national television.


Matatandaan na marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang anila'y pamamahiya ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda sa dalawang kalahok ng Expecially For You lalo na sa lalaking searchee na si Axel.


Ipinuto pa ng ilang mga netizens na kung sakali, pogi si Axel ay hindi ito pagsasabihan ni Vice Ganda kagaya na lamang sa mga naunang mga guest sa It's Showtime.


Marami rin ang nagsasabing hindi naging patas si Vice Ganda sa kanilang mga guest at sinadya nitong ipahiya si Axel kaya naman nararapat lamang umano itong bigyan ng leksyon ng MTRCB.


May mga netizens pa na hayagang nagpadala ng mga mensahe at komento sa Facebook page ng MTRCB, kung saan inudyukan sila ng admin ng page na magsampa ng opisyal na reklamo sa MTRCB upang mapag-aralan ng mga ito kung totoong may nilabag bang patakaran si Vice Ganda at ang iba pang mga hosts ng It's Showtime sa dalawang kalahok ng show na sina Axel at Christine.


Sa gitna ng mainit na usaping ito sa social media, naglabas ng pahayag ang kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz patungkol sa naging pahayag ni Lala Sotto ng matanong niya ito patungkol sa isyu.


Naitanong ni Ogie Diaz sa chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto ang patungkol sa kanyang saloobin sa isyu, na masaya naman umanong sinagot ng public official.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, naniniwala si Lala Sotto na tama at akma lamang ang ikinilos ni Vice Ganda sa sitwasyon na tila tinatangka ni Axel na halikan si Christine, sa kanilang pagkikita sa noontime show.


Ayon kay Lala Sotto, wala pa siyang opisyal na pahayag patungkol sa nangyari subalit na naniniwala siya tama lamang ang ginawa ni Vice Ganda sa nasabing sitwasyon.


Sa kabilang banda, naniniwala si Ogie Diaz na naging maingat na si Lala Sotto sa paglalabas ng mga pahayag kasunod ng mga batikos na natanggap niya nang pangunahan niya ang pagsususpinde ng It’s Showtime.



Matatandaang nasuspinde ng ilang linggo ang pag-ere ng It’s Showtime dahil sa mga aksyon nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment kasama ang kanilang mga batang host.



Gerald Anderson, Handa Nang Pakasalan Si Julia Barretto

Walang komento

Biyernes, Hunyo 7, 2024


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kung may balak na ba siyang pakasalan ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto.


Kamakailan lamang ay inusisa ni Karen Davila ang actor kung handa na ba itong magpakasal.


Kaagad naman itong sinagot ng actor at inamin na malapi-lapit na rin siyang lalagay sa tahimik dahil nasa tamang edad na rin naman siya.


Sa ibinahaging vlog ni Karen Davila, makikita ang pakikipagkwentuhan niya sa actor na si Gerald Anderson. Nang makita umano niya kung daano ka-busy si Gerald Anderson ay inusisa niya ito patungkol sa pagpapakasal.


Inamin naman ni Gerald Anderson na malapot na  itong mangyari dahil nasa 35 na rin naman siya.


"Malapit na actually. Kailangan siya 'yung mag-ano e ng household, siya yung magbabantay. Malapit-lapit na, syempre 35 na po ako," pahayag ni Gerald Anderson.


Naibahagi rin ni Gerald Anderson na ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay para na sa bubuuhin niyang pamilya sa hinaharap. Sinabi rin ni Gerald Anderson na hinding-hindi niya papalakihing spoiled ang kanyang mga anak para masanay ang mga ito na mahirap ang buhay.


"We'll see... I'm closer to that kasi five, three years ago tanong niyo sa akin 'yan, 'hindi'. Syempre that's why I'm doing all of this kasi gusto kong maalagaan ang mga anak ko na wala silang iisipin. But hindi sila pwedeng maging spoiled kasi hindi madali ang buhay.


"Everything I do in life is leading up to sa aspeto na 'yun," pag-amin ni Gerald Anderson.



Paulo Avelino at Kim Chiu Magsasama Sa Star Magic Ball 2024

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan sa social media ang pag-iimbita umano ng aktor na si Paulo Avelino sa aktres na si Kim Chiu na maging kapartner niya sa darating na Star Magic Ball na gaganapin sa June 2024.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na isa ang Star Magic Ball sa pinaka-engradeng kaganapan sa mga Kapamilya actress at inaabangan ito ng maraming mga tagahanga.


Sa pagkalat ng balitang may posibilidad na magkakapartner sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa Star Magic Ball 2024, labis na kinilig ang maraming mga fans nilang dalawa na umaasang magiging totohanan na ang kanilang pagiging on-screen partner.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon nagbigay ng formal invitation ang actor na si Paulo Avelino sa manager ni Kim Chiu upang hingin ang permiso nito na maging kapartner niya ang aktres sa darating na Star Magic Ball 2024.


Bagama't hindi pa nakasagot si Kim Chiu, marami na sa mga fans nilang dalawa ang naghihintay at nananabik na makita silang magkasama na rarampa sa red carpet.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa mga naging panayam ni Xian Lim kung saan ibinabahagi ng huli ang mga detalye sa naganap nilang paghihiwalay noong nakaraang taon.


Bilang tugon sa mga pahayag ni Xian Lim, sinabi ni Kim Chiu na sana ay manahimik na lamang si Xian Lim at huwag nang magbigay pa ng dahilan para lalong pag-usapan sa social media ang kanilang paghihiwalay.


Nais na rin umano ni Kim Chiu na manahimik na sa nangyari at wala na siyang balak pang magbigay ng detalye patungkol sa nangyari sa kanilang relasyon dahil nagtapos na iyon at ayaw niyang sumama pa ang kanyang loob.


Gusto na umano ni Kim Chiu na magsimula ng panibago yugto sa kanyang buhay ngayong 2024.




Kathryn Bernardo, Sinagot Ang Pasaring Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng ilang mga netizens ang social media post ni Daniel Padilla kung saan tila kinumpara niya si Kathryn Bernardo sa isang basura.


Sa isang Instagram stories ni Daniel Padilla


Hindi matanggap ng maraming mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang naging post ni Daniel Padilla dahil pinabalabas nito na hindi niya kawalan ang paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo dahil pinaglumaan niya lamang ito at naging basura na niya.


Ayon sa ilang mga netizens, walang karapatan si Daniel Padilla na pagsabihan ng ganoon si Kathryn Bernardo dahil siya naman ang nagloko. 


Samantala, marami naman sa mga netizens ang naghinala na may koneksyon ang ibinahaging post ng malapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo na si Sofia Andres kung saan makikita ang bonding nila ni Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang mga netizens na talagang sinusuportahan ng mga kaibigan ni Kathryn Bernardo ang aktres na pahiwatig na wala itong kasalanan sa nangyaring paghihiwalay nila ni Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, tila may kasagutan kaagad si Kathryn Bernardo sa naging post ni Daniel Padilla kung saan ibinahagi niya ang larawan na kuha noon sa pelikula niyang A Very Good Girl kasama ang multui-awarded actress na si Dolly De Leon.


Sa kanyang caption inilahad niyang, 'One year ago, no cheating."


Hinala ng maraming mga netizens na ito na ang sagot ni Kathryn Bernardo sa pa-cryptic post ni Daniel Padilla. Tila nagparamdam na umano si Kathryn Bernardo na talagang mayroong cheating na naganap na naging dahilan kung bakit sila naghiwalay noon ni Daniel Padilla.


Samantala, may mga naniniwala naman na ang tinutukoy ni Kathryn Bernardo sa kanyang post ay walang iba kundi ang anniversary ng kanilang pelikula ni Dolly De Leon na A Very Good Girl.




Coleen Garcia Inamin Ang Naging Panloloko Sa Kanya!

Walang komento


 Actress na si Coleen Garcia inamin na ilang beses na siyang naloko at naisahan subalit pinipili pa rin niyang magtiwala at magpatawad.


Inamin ng asawa ni Billy Crawford na si Coleen Garcia ilang beses na siyang naloko at tinraydor ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ng labis. Ang pag-amin na ito ni Coleen Garcia ay nangyari sa media con ng bago niyang pelikula under Viva Film at GMA Pictures kasama si Xian Lim na pinamagatang 'Playtime'.


Isa sa mga napag-usapan nila ay ang patungkol sa trust issues ni Coleen Garcia dahil napag-usapan nila ang patungkol sa mabilis na pagtitiwala sa ibang tao na nakakasalamuha kahit hindi pa ito lubusang kilala.


Ayon kay Coleen Garcia na madali lang talaga siyang magtiwala sa mga tao kaya naman palagi rin siyang nabibiktima ng mga manloloko. Ilang beses na rin umano siyang tinraydor at nasira ang kanyang tiwala.


Subalit, sa hindi niya malamang dahilan, ay madali pa ring naibabalik ang kanyang pagtitiwala sa tao at kaakibat nito ay ang pagbabalik ng expectation niya para rito.


Sa ngayon ay unti-unti na rin naman umano siyang natuto dahil sa pagkakaroon na niya ng pamilya at nauunawaan niya na marami talagang masasamang uri sa panahon ngayon.


Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang napapatanong kung nakaranas na ba siyang maloko ng kanyang asawang si Billy Crawford. 


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang paghihiwalay umano nina Coleen Garcia at Billy Crawford kasunod ng pag-viral ng larawan ni Billy Crawford kung saan makikita ang labis na pagpayat nito na tila may malaking problema na iniinda.




Kim Chiu, Ayaw Nang Balikan Ang Hiwalayan Nila Ni Xian Lim, Hiniling Na Manahimik Na Rin Ang Aktor

Walang komento


 Nagbigay na ng eksklusibong pahayag ang aktres na si Kim Chiu sa kamakailang panayam kay MJ Felipe ng ABS-CBN News tungkol sa mga isiniwalat kamakailan ng dati niyang nobyo na si Xian Lim sa mga naging interviews rito tungkol sa nakaraan nilang relasyon na nagtapos makalipas ng 12 years.


Sa nasabing pahayag isiniwalat ng aktres na mas gugustuhin niya kung titigil na si Xian Lim sa pagsasalita tungkol sa nakaraan nilang relasyon, dahil ayaw na niyang isipin ang nakaraan nilang dalawa.


Hinimok din ni Lim Chiu si Xian Lim na huwag nang gawing topic ang tungkol sa kanilang nakaraan at mag-iwan ng kaunting respeto sa isa't isa. 


Isiniwalat din ni Kim Chiu na matapos ang pagbabahagi niya ng kanyang break up message kay Xian Lim ay wala na talaga siyang balak na balikan pa ang kanilang nakaraan at magbigay ng pahayag patungkol rito.


Nais umano ni Kim Chiu na mag-umpisa ng baga at ayaw na niyang pag-usapan at balikan pa ang nakaraan nilang dalawa na nagtapos na.


Ipinunto pa ni Kim Chiu na bagama't nagtapos ang kanilang pagmamahalan ay nagging masaya naman siya noon kaya ayaw na niyang balikan pa ang kanilang paghihiwalay dahil ayaw niyang sumama ang kanyang loob.


“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past. Parang 'yung post ko nung December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire," pahayag ni Kim Chiu. 


“It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama 'yung loob ko," dagdag pa niya.


Muling nabuksan ang usapin patungkol sa paghihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim matapos ang pag-alma ng aktor sa mga taong bumabatikos sa kanya matapos ang kanyang pag-amin sa relasyon nila ni Iris Lee.


Sa pagsisiwalat ni Xian Lim snabi niyang hindi siya ang nagkipaghiwalay kay Kim Chiu kundi ang aktes mismo ang unang nambalewala at nakipaghiwalay sa kanya.



Vice Ganda, Inasar Lang Si Nikko Natividad Na Bumatikos Sa Kanya

Walang komento


 Sinagot na ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda ang natanggap niyang pambabatikos sa dating Hashtag member at actor na si Nikko Natividad.


Kamakailan lamang ay naglabas ng sunod-sunod na social media post si Nikko Natividad kung saan tila nagparinig siya kay Vice Ganda sa pampopowertrip nito sa dalawang participant ng Expecially For You na sina Axel at Christine.


Ayon sa ibinahaging post ni Nikko Natividad labis siyang naaawa sa mga ito dahil ang nais lamang nila ay makakuha ng exposure sa show subalit ang nakuha nila ay trauma dahil sa pamamahiya ni Vice Ganda.


Iginiit din ni Nikko Natividad na wala naman umanong masama kung sakaling totoong bebeso si Axel kay Christine dahil hindi naman nito magagawang bastusin ang babae harap ng kamera at nakikita sa buong mundo.


Ang tanging mali lamang umano ni Axel ay hindi ito nakahingi ng permiso kay Christine dahil hindi umano nito alam na kailangan pa pala niyang humingi ng permiso mula sa babae.


Nagpasaring din si Nikko Natividad kay Vice Ganda at sinabing nilalagyan lamang nito ng charot sa dulo ng pamamahiya nito sa tao ay ok na. Isiniwalat rin ni Nikko na nakakarelate siya sa pinagdadaanan ngayon nina Christine at Axel dahil maging siya ay naranasan na ring ipahiya noon ni Vice Ganda sa national TV.


Samantala tila sinagot naman ni Vice Ganda sa latest episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You ang naging pahayag ni Nikko Natividad kahit pa hindi naman nito hayagang sinabi ang pangalan nito.


Ayon kay Vice Ganda, "One year, one year lang naman ang inaatras mo, kaya.. kaya naming compute-in yan. Sige i-atras mo! Sige i-retract mo ang message mo! I-delete mo ganon!"


Sa huling bahagi pa ng kanilang programa ay tila inasar pa ni Vice Ganda si Nikko Natividad at kinantahang 'Niko walang pera'.




Hashtag Luke Sinupalpal Si Nikko Natividad Matapos Nito Tirahin Si Vice Ganda

Walang komento


 Sinupalpal ni Hashtag Luke ang dati niyang kasamahan bilang Hashtag na si Nikko Natividad matapos nitong batikusin si Vice Ganda dahil sa naging isyu nito sa mga Expecially For You contestant na sina Axel.


Kamakailan lamang ay binanatan ni Nikko Natividad si Vice Ganda kung saan iginiit niyang mali ang ginawa nitong pamamahiya kay Axel. Bukod pa rito, ipinapalabas din ni Nikko na maging siya ay pinahiya na rin dati ni Vice Ganda sa national television.


Binatikos ni Nikko Natividad si Vice Ganda at sinabing lalagyan lamang nito ng charot ang kanyang mga masasakit na biro ay lulusot na ito, inihayag rin niya ang kanyang awa para sa mga contestant na sina Christine at Axel na nais lamang umano makakuha ng exposure subalit malaking trauma ang inabot.


Makalipas ang ilang mga sandali ay binura rin naman kaagad ni Nikko ang kanyang ibinahaging posts, subalit tila nahuli na ang lahat dahil marami na sa mga netizens ang nakakuha ng screenshot nito.


Matapos magviral at naging lamang ng mga usap-usapan sa social media ang naging post ni Nikko, naglabas rin ng pahayag si Hashtag Luke. Subalit, taliwas sa mga sinasabi ng ilang mga personalities, ipinahayag niya ang kanyang pagsang-ayon sa ginawa ni Vice Ganda sa contestant na si Axel.


Sa isang social media post, iginiit niyang kung panoorin talaga ang video ay makikita naman talaga na hindi naging komportable ang babae sa ginawa ng searchee na si Axel.


"To be fair pag pinanood mo yung nangyari, Kahit ako Nakita ko na hindi comfortable yung reaction nung girl."


Kung pagbabasehan ang naging pahayag ni Luke Conde mahihinuhang pabor siya sa ginawa ni Vice Ganda dahil nakita rin niya ang pagiging uncomfortable ng babae.


Talagang pinagdedebatihan ngayon ng maraming mga netizens at maging ng ilang mga influencer kung tama o mali ang ginawang pag-call out ni Vice Ganda sa searchee ng Expecially For You. Sinadya nga ba ni Vice Ganda na ipahiya si Axel dahil hindi ito kapogian tulad ng ibang mga sumaling searchee sa It's Showtime.



Former Expecially for You Contestant Nico Locco Sinabing Bully Si Vice Ganda

Walang komento


 Former Expecially For You contestant na si Nico Locco nagbigay ng pahayag kung ano ang trato sa kanila ni Vice Ganda bilang mga guest sa It's Showtime.


Isa ang aktor at dating participant ng “EXpecially For You” na si Nico Locco sa mga personalities na sumaway sa pag-uugali ni Vice Ganda sa national television.


Sa kanyang Instagram post, nag-publish si Nico ng isang open letter para sa isang indibidwal na pinaniniwalaan ng mga tao na si Vice Ganda.


Kinall-out ni Nico ang nasabing indibidwal dahil sa umano'y paggawa nitong katatawanan ang ibang mga tao bilang isang uri ng comedy.


“If you have to make fun of people and take personal shots at them palagi to make people laugh, it’s sooo not funny. Para sa akin, it’s simply a lack of intelligence and creativity. I’m so tired of seeing it pa ulit ulit on tv. I won’t mention the show or network that repeatedly does it pero yeah, you know what I mean.” 


“Belittling someone to make people laugh doesn’t make you a comedian. It makes you a bully. I would love to see that specific person jump into their shoes for once para maramdaman niya what it feels like. Siguro he or she wouldn’t be laughing anymore,” saad ni Nico Locco.


Matatandaang nag-call out din si Vice Ganda kay si Nico Locco nang ibunyag ng ex-girlfriend ng huli na si Christine Bermas na niloko siya nito dahilan ng kanilang hiwalayan.


“Why did you still cheat? Why do cheater cheat kahit na nakita na nila yung pinakamaganda, pinakamabait, pinakamaalaga, pinagdarasal nila, bakit pa sila nagloloko? Do you understand yourself, bakit mo nagagawa yon?” pagtatanong ni Vice Ganda noon kay Nico.


Hindi naman linggid sa kaalaman ng lahat na maraming natatanggap na pambabatikos ngayon si Vice Ganda dahil sa pamamahiya umano niya sa isang contestant ng Expecially For You na si Axel at Christine.




Xian Lim Pinalagan Na Ang Bashers Na Patuloy Na Sinisi Siya Sa Break-up Nila Ni Kim Chiu!

Walang komento


 Muling nagbigay ng pahayag ang Kapuso actor at Director na si Xian Lim sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga fans ng kanyang dating kasintahan na si Kim Chiu, iginiit niya na hindi siya ang dapat na ibash ng mga ito dahil wala naman siyang ginawang masama kay Kim Chiu.


Hindi na nakatiis ang actor na si Xian Lim sa mga natatanggap niyang pambabatikos sa kanya ng mga netizens sa social media matapos ang hiwalayan nila ni Kim Chiu at sa kabila ng paglilinaw niyang hindi siya ang unang nakipaghiwalay sa Kapamilya actress.


Umalma na si Xian Lim sa mga natatanggap niyang pambabatikos sa social media dahil naapektuhan na umano nito ang kanyang showbiz career. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinitigilan ng ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na pilit na isinisi sa kanya ang nangyaring hiwalayan nilang dalawa.


Iginiit ni Xian Lim na hindi niya deserve ang mga natatanggap na pambabatikos dahil hindi naman umano siya ang unang sumuko sa kanilang pagmamahalan ni Kim Chiu kundi ito.


Ang mas nakakalungkot pa umano rito ay nadadamay na rin maging ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay kasama na ang kanyang bagong girlfriend na si Iris Lee gayung wala naman umano itong kinalaman sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu.


Iginiit din niya na hindi siya dapat na batuhin ng mga masasakit na salita dahil maayos naman umano silang naghiwalay ni Kim Chiu ni hindi umano sila galit sa isa't-isa.


Samantala sa isang panayam kay Xian Lim nitong June 6, 2024, inihayag ni Xian Lim na hindi niya na deserve ang mga pambabatikos sa kanya ng mga netizens kung saan sinasabi ng mga ito na kaya siya nag-iingay dahil mayroon siyang pelikula.


Nilinaw ni Xian Lim Na hindi ang pagkakaroon niya ng bagong pelikula ang dahilan kung bakit nilalabas na niya ang katotohanan sa naging relasyon nila ni Kim Chiu noon kundi nais lamang niya na maging malinaw na ang lahat lalo na't nagsisimula na siya ng panibagong journey kasama si Iris Lee na bago niyang iniibig.


Hiling ni Xian Lim sa mga netizens lalong lalo na ang mga tagahanga ni Kim Chiu na tigilan na ang pambabatikos sa kanya at huwag nang idamay pa ang kanyang mga mahal sa buhay dahil matagal na umano silang tapos ni Kim Chiu at masayang masaya sa kani-kanilang mga buhay.




Niño Muhlach May Mensahe Sa Mga Nanghusga sa Karelasyon ng Kanyang Ama!

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang dating child star na si Niño Muhlach sa mga pambabatikos na natanggap ng kanyang 82-anyos na ama hinggil sa pakikipagrelasyon nito sa isang 30-anyos na babae.


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, inihayag ni Niño Muhlach na nagulat siya na naging viral ang love story ng kanyang ama na si Alex Muhlach sa  partner nito na si Mae Fortaleza at umani pa ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.


Iginiit ng dating child actor na dapat pa na matuwa ang mga tao na nagmamahalan ang dalawang tao sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad.


“Dear bashers… di ba kayo natutuwa na may 2 tao na nagmamahalan? Kami nga mga kamag-anak eh natutuwa para sa kanila eh. Di naman kayo apektado di ba? Good vibes lang!” pahayag ni Niño Muhlach.


“Malas sa buhay when u talk bad about other people u dont know. Be happy guys!” dagdag pa niya.


Iginiit din niya na malaking tulong si Mae sa kanilang pamilya dahil ito ang nag-alaga sa kanyang ama na si Alex.


“Isa pa hindi naman namin magagawa ung alagang ginagawa nya sa Daddy ko eh. This is the happiest I have seen my dad. Bigat sa buhay pag puro ka negahan!”


Samantala naman ang ilang komento ng ilang mga netizens na sumusuporta sa pamilya Muhlach.


"Boss Niño Muhlach this has become a norm sa social media nowadays. I can see your last few posts halatang batang 80s and 90s tayo. Di tayo sanay sa ganyan. Disrespect thru comments pero di nila kaya sabihin ng harapan. They said lucky ang batch nyo kasi walang ganyan noon. Now lahat ng artista pati athletes they live with that daily na. Don't be stressed too much. We all know the truth naman."


"I'm a good friend of Alex Mullach and seeing Alex happy on his new girlfriend I feel more happy whatever age gap it is as long they are both in love to each other. Let the good vibes roll"


"Mga inggit kasi may taong . nagmamahalan na hindi hadlang ang edad gaya ng pagkukumpara nila . be happy less negativity sa buhay"


"Ang important bro Niño Muhlach is because of her you've seen your dad in his happiest moment and that is a precious sight to see & know."


Daniel Padilla, May Patama Kay Kathryn Bernardo, Matapos Magpaligaw Kay Alden Richards

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan sa social media ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla dahil sa kanyang ibinahaging post kamakailan sa kanyang social media account.


Sa kamakailang post ni Daniel Padilla sa kanyang social media account ibinahagi niya ang larawan ng ilog na punong-puno ng basura kalakip ang isang cryptic message patungkol sa pamumulot ng basura ng iba.


"To leave the world better than you found it. Sometimes you have to pick-up other people's trash."


Binigyan naman ito ng ibang kulay ng ilang mga netizens at kinokonekta nila ito sa dating girlfriend ng aktor na si Kathryn Bernardo. Marami sa mga fans at netizens na tila pinapasaringan ni Daniel Padilla si Alden Richards sa panliligaw nito ngayon kay Kathryn Bernardo at tila ipinapalabas pang basura na lamang niya ang aktres.


Samantala kaagad naman na rumesbak ang mga fans ni Kathryn Bernardo kung saan ipinunto nila na kung may basura mang naiwan sa relasyon ng dating celebrity couple, ito ay walang iba kundi si Daniel Padilla mismo hindi si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na bagamat hindi isiniwalat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon, marami ang naghinalang may kinalaman rito ang cheating ni Daniel Padilla base na rin sa mga inilabas na cryptic post ng mga taong malalapit kay Kathryn Bernardo.


Sa pagpapalabas ni Daniel Padilla ng ganoong uri ng post, mahihinuhang wala na talaga itong balak na balikan pa si Kathryn Bernardo at tila sumuko na rin ito sa kanyang panunuyo sa aktres na masaya na sa piling ng ibang lalaki.



Axel Nakakuha ng Simpatya Mula Sa Mga Netizens, Vice Ganda Binabatikos

Walang komento

Huwebes, Hunyo 6, 2024


 Nagbahagi ng ilang quotes ang EXpecially For You participant na si Axel Cruz sa kanyang social media page sa gitna ng usapan patungkol sa pagbawi ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa public apology para sa kanya.


Napansin ng mga netizens na ang mga quotes na ibinabahagi ni Axel ay tungkol sa mga pagsubok sa buhay,  dahilan para umani ng simpatya mula sa mga netizens. May mga nagbigay pa ng mga positibong komento para pasayan at i-lift si Axel na tila nade-depress ngayon dahil sa ginawang pamamahiya umano ni Vice Ganda.


May mga nag-udyok pa kay Axel na magsampa ng reklamo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para maturuan ng leksyon ang host at ang noontime show na It's Showtime na tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman at sa maaring epekto ng nangyari sa kanya at kay Christine.


May mga netizens ang naaawa sa dalawang participants dahil bigla na lamang itong napasama sa magulong mundo ng showbiz dahil sa naging pahayag ni Vice Ganda.


Ipinunto pa ng ilan na hindi mga celebrities sina Axel at Christine kaya hindi umano alam ng mga ito kung paano ihandle ang mga natatanggap na pambabatikos sa social media mula sa mga solid supporters ni Vice Ganda.


Samantala narito ang ilang komento ng mga netizens na nagpapakita ng simpatya kay Axel Cruz.


“Axel, wala kang ginawang mali….at kung sa paningin nila may mali wala silang karapatang ipahiya ka sa national TV. Dapat off cam na Yun at kinausap ka ng maayos. Ang ginawa nilang pamamahiya sayo yun ang mali. Power tripping si KUYA VICE, at ngayong sila sa Showtime ang napahiya sa ginawa sayo….minamanipula nila ang sitwasyon. Wag kang magpa uto, ireklamo mo sa MTRCB Yan… dahil hindi ganyan ang tamang approach sa pagtatama ng isang kamalian. Power tripping yang ginagawa sayo. PRIDE nila pinoprotektahan nila dahil nabash sila,” komento ng isang netizen na si Allan.


“Sa dami ng mga nagbibigay ng opinyon nila about sa issue nila Vice at Axel, sobrang konti lang ng mga nagri-reach out kay Axel. Ang lumalabas, this whole thing is more about cancelling/punishing Vice Ganda instead of defending and consoling Axel. Dapat both pero naka-focus talaga ang tao kay Vice. Kitang-kita mo ang agenda eh,” pahayag naman ni Jo.




Vice Ganda, Its Showtime Pinalalayas Sa GMA Network?!

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng matinding pambabatikos ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang pinangungunahan niyang show na It's Showtime kaugnay sa pinag-uusapang episode ng Expecially For You na kinasasangkutan nina Axel at Cristine.


Matatandaan na hindi nagustuhan ni Vice Ganda at iba pang mga It's Showtime hosts dahil nakita nilang tila hindi naging komportable si Cristine sa tangkang pagbeso ni Axel.


Kaagad itong pinagsabihan ni Vice Ganda at sinabing maaring makademanda si Axel sa kanyang ginawa, may nasabi pa si Vice Ganda na gusto niyang tadyakan si Axel dahil sa ginawa nito sa kanilang searcher.


Matapos ang show ay kaagad na naglabas ng isang social media post si Axel at nilinaw na wala siyang balak na halikan o i-beso si Christine dahil ang nais niya ay bro-code lamang.


Naglabas rin ng pahayag si Christine sa kanyang TikTok account kung saan sinabi niyang hindi siya na off sa ginawa ni Axel at alam umano niya na wala talaga itong balak na halikan siya.


Medyo na-off lamang siya ng kunti dahil hindi niya inasahan na hahawakan nito ang kanyang kamay sabay bro-code sa kanya.


Naglabas naman ng tweet si Vice Ganda kung saan humingi siya ng apology kay Axel sa kanyang nagawa dahil hindi naman pala na-off ang babae, subalit nitong June 4 ay biglang binawi ni Vice Ganda ang kanyang apology dahil naka-usap na umano niya si Christine kung saan inamin nito na totoong na-off siya at may malaking dahilan kung bakit inilabas niya ang video na nagsasabing hindi siya na off.


Samantala, matapos ang pagpapahayag ni Vice Ganda ay kumalat naman ang video ni Christine kung saan makikitang labis na umiiyak ito dahil pinalabas at ginawa siyang sinungaling ni Vice Ganda at ng It's Showtime.


Dahil dito, naglabasan na ang samu't-saring pambabatikos kay Vice Ganda at sa It's Showtime, inaakusahan silang nagmamahiya, gas lighter at nagmamanipula ng sitwasyon.


May mga nagtag pa sa MTRCB para mabigyan muli ng parusa ang It's Showtime dahil hindi umano maganda ang ginagawa nito sa kanilang contestant na walang kalaban-laban.


Samantala, marami naman ang nag-aabang kung ano ang magiging impact ng isyung ito sa pananatili ng It's Showtime sa GMA7.



Tinuldukan Na Kim Chiu Finally Paulo Avelino Maisasapubliko Na Ang Estado Ng Relasyon Nila!

Walang komento


 Tila nilaglag ng mga It's Showtime host ang kanilang co-host na si Kim Chiu sa kasalukuyang estado ng puso nito sa pangunguna ni Darren Espanto at Vice Ganda.


Matapos ang pagpopromote ni Kim Chiu sa kanilang upcoming show ng kanyang on-screen partner na si Paulo Avelino ay kaagad itong napuno ng pangangantyaw mula sa kanyang mga kasamahan sa show, pahiwatig na talagang alam ng mga kasamahan ni Kim Chiu sa It's Showtime ang totoong relasyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Samantala, lalong kinilig ang mga KimPau fans nang mapansin nilang binura na ni Kim Chiu ang kanilang mga larawan at videos na pinagsamahan noon ni Xian Lim sa kanyang Instagram account.


Ang tanging naiwan na lamang ay ang larawan nila ay ang pag-amin nila ng kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon.


Bagama't may mga nanghinayang pa rin sa mga pinagdaanan noon nina Kim Chiu at Xian Lim dahil naging masaya rin naman sila noon may mga nagsasabi naman na mas makakabuti kay Kim Chiu na bitawan na ang kanilang nakaraan ni Xian Lim at magmove on na dahil makikitang masaya na ito sa buhay kasama ang bagong girlfriend na si Iris Lee.


May mga nagsasabi naman na tila handa na umano si Kim Chiu na tanggapin si Paulo Avelino at tila tinuldukan na ang mga haka-haka patungkol sa kanilang relasyon ni Paulo Avelino.


Marami sa mga fans ng KimPau ang patuloy na umaasang totohanan na ang relasyon nina kanilang mga idolo ngayong napalapit na sila sa isa't-isa sa magkakasunod na proyekto.




Annabelle Rama Tinawag Na Chuckie Doll Si Sarah Lahbati, Gusto Ang Barbie Doll

Walang komento


 Muling nagbigay ng pahayag ang kilalang talent manager na si Annabelle Rama sa mga pekeng quotes na kumakalat ngayon sa social media tungkol sa kanyang reaksyon sa napapabalitang relasyon ng kanyang anak na si Richard Gutierrez sa aktres na si Barbie Imperial.


Sa isang Facebook post, itinanggi ni Annabelle Rama ang mga kumakalat na quotes at pinakiusapan pa ang mga netizens na huwag na itong pag-usapan pa at ipakalat sa social media.


Ang nasabing quotes ang isang tweet umano ni Annabelle Rama, na kaya naghanap ng iba ang kanyang anak na si Richard Gutierrez ay dahil ini-stress at pinahihirapan ito ni Sarah Lahbati. 


Trabaho ng trabaho umno ang kanyang anak habang si Sarah Lahbati au puro gastos at nanunumbat pa sa kanyang anak. Nakasaad rin sa nasabing post na pabor siya sa relasyon nina Richard at Barbie dahil napaka-sweet nito at maalaga.


“Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo,” pahayag ni Annabelle Rama.


Gayunpaman, sa kanyang sariling pananalita, sinabi ni Annabelle Rama na hinding-hindi siya lalaban kay 'Barbie' dahil sa kagandahan nito.


“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis,” dagdag pa nito.


Muli ring nagpasaring si Annabelle Rama sa isang indibidwal na inilarawan niya bilang "Chucky" na pinaghihinalaan ng maraming mga netizens na si Sarah Lahbati.


“Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana?!” 


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens na hindi nagustuhan ang pinaggagawa ni Annabelle na pakikialam sa relasyon ng anak.


"hoy kung si sarah man c chucky respeto naman sa nanay ng mga apo mo! Matandang to"


"kawawa ang manugang kapag ang biyanan ay kontrabida talagang mawawasak ang pamilya..Sarah is beautiful..mixed ang ganda..nakilala ko si sarah nung 10 years old palang siya sa geneva switzerland..nag organize kami nang little miss philippines at nanalo sya..magaling sumayaw may talent..kilala ko parents niya..simply buhay nila doon sa swiss dko lang lubos maisip bakit napunta sa magulong pamilya sa dami artista kay Gutierez pa napunta..ang tadhana nga nman"


"This is so sad. Knowing na nanay ng mga apo niya yun. Kaya ako I always advise my friends na to also check their future partner’s family padin kasi kahit di naman sila talaga makakasama mo for life or in one house, IBA PARIN kapag nangealam or may-say sila. IBA PARIN kapag kinunsinti. IBA PARIN kapag bigla kang inayawan ng family niya."




Barbie Imperial Bumati Noon Kay Sarah Lahbati Sa Kasal Nila ni Richard Gutierrez

Walang komento


 Isa si Barbie Imperial sa mga celebrities na mainit na pinag-uusapan sa social media ngayong linggo dahil sa posibleng relasyon nila ng married actor na si Richard Gutierrez na ilang buwan nang hiwalay sa asawang si Sarah Lahbati.


Sa pagkakaugnay ngayon nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez may ilang mga netizens ang naghukay ng mas malalim kung kailan nagsimula ang interasksyon nilang dalawa.


Subalit ang natuklasan ng mga netizens ay ang pagbati ni Barbie Imperial kay Sarah Lahbati pagkatapos nitong pakasalan si Richard Gutierrez noong 2020.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang screenshot ng pagkomento ni Barbie Imperial ng kanyang pagbati at kasiyahan para sa pagpapakasal nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


“Omg!!! Congrats ate Sarah! Best wishes,” komento ni Barbie Imperial.


Bukod dpa rito napansin rin ng maraming mga netizens na hindi na naka-follow sa isa't-isa sina Barbie Imperial at Sarah Lahbati.


Matatandaang namataan sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na magkasamang nagbakasyon sa South Korea noong nakaraang linggo, at pinatunayan ito ng ilang larawang inilathala ng mga netizens na nasa iisang bansa.



Nauna na rito ang pagkalat ng balitang  nagbakasyon din si Barbie Imperial kasama si Richard Gutierrez noong Holy Week, dahil nakita ng mga netizen ang pagkakapareho sa mga larawang ipinost ng dalawang celebrity sa social media.


Unang kumalat ang posibilidad ng pagkakaroon ng relasyon ng dalawa nang kumalat sa social media ang videos kung saan makikitang magkasama at very sweet sa isa't-isa sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa isang bar sa Alabang.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang naghinalang noon pa man ay crush na ni Barbie Imperial si Richard Gutierrez kaya noong magkaroon siya ng chance na mapalapit rito matapos ang paghihiwalay ng asawang si Sarah Lahbati ay hindi na niya ito pinalampas pa.


May mga nagsasabi naman na dapat ay maghanap na lamang ng ibang lalaki si Barbie Imperial iyong walang sabit para maging tahimik ang kanyang buhay.



Joey De Leon Nag Sorry Kay Miles Ocampo Dahil Sa Joke Nito Sa Actress

Walang komento


 Ibinunyag ni Miles Ocampo na humingi na ng paumanhin sa kanya ang Eat Bulaga host na si Joey de Leon kasunod ng mga komento ng beteranang komedyante tungkol sa kanyang timbang.


Matatandaang noong nakaraang buwan ay nakatanggap ng pambabatikos si Joey De Leon sa social media matapos niyang biruin ang timbang ni Miles Ocampo habang nakakatanggap ito ng birthday greetings mula sa kanyang mga co-host sa Eat Bulaga.


“Wala akong masabi kundi Pataas! Pataas ‘yung edad eh,” pahayag noon ni Tito Sotto na tinutukoy ang edad ni Miles Ocampo na nadadagdagan sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.


Bigla namang sumingit si Joey De Leon ng 'pataba' 'pataba', nang natahimik ang lahat sa kanyang hirit ay doon na niya itinama na 'pababa' muli sa kanilang segment na 'Pataas, Pababa'.


Sa isang media conference para sa kanyang nalalapit na solo lead, ang Teleserye na “Padyak Princess,” sinabi ni Miles Ocampo na ayos lang sa kanya ang biro ni Joey De Leon tungkol sa kanyang timbang dahil handa ang mga Dabarkads na i-absorb ang biro ng isa’t isa.


“Sa Dabarkads, bawal ang pikon do’n. Sanayan lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa… so walang problema po,” pagbabahagi ni Miles Ocampo.


“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga, (sabi niya) ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ eh segment naman po namin sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa,’” dagdag pa niya.


Isiniwalat din ni Miles Ocampo na isang araw matapos gawin ni Joey De Leon ang nasabing biro, ay personal itong humingi ng paumanhin sa kanya.


“Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Pero sabi ko, wala pong problema,” pahayag ni Miles Ocampo.


Matatandaan na sumailalim si Miles Ocampo sa operasyon sa kanyang Thyroid matapos ma-diagnose na may Papillary Thyroid Carcinoma.


Inalis ng mga doktor ang kanyang Thyroid, na nagresulta sa iba't ibang epekto, kabilang ang pagtaas ng timbang.


Ang pagtanggal ng thyroid ni Miles Ocampo ay nagpabagal sa kanyang metabolismo, na humahantong sa pagtaas ng timbang.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo