Dating Miyembro Ng Showtime Na Si Nikko Natividad Binanatan Si Vice Ganda

Walang komento

Huwebes, Hunyo 6, 2024

Lalong naging masalimoot ang isyu sa pagitan ng It's Showtime host na si Vice Ganda at sa dating guest nila sa segment na Expecially For You na sina Axel at Christine dahil marami nang sumasawsaw sa isyu matapos bawiin ni Vice Ganda ang kanyang paghingi ng paumanhin kay Axel.


Naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang naging Facebook post ng dating kabahagi ng noontime show na si Hashtag Nikko Natividad kung saan tila idiniin niya lalo ang dating kasamahan sa It's Showtime na si Vice Ganda.


Matatandaan na sinita ni Vice Ganda ang searchee na si Axel sa ginawa niya kay Christine dahil nakita nilang tila naasiwa ito sa paglapit ng husto ni Axel.


Matapos ang segment, kaagad na naglabas ng pahayag si Axel kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang intensyon sa ginawa kay Christine, sinigundahan naman ito ni Christine at iginiit niya sa video na wala siyang naramdamang may balak si Axel na halikan siya.


Matapos ang pagbibigay ng pahayag ni Christine, naglabas ng tweet si Vice Ganda kung saan humingi siya ng paumanhin kay Axel sa kanyang nagawa.


Subalit, nitong June 4, muling naglabas ng pahayag si Vice Ganda at binawi ang kanyang public apology kay Axel dahil nakausap umano niya at ng kanilang psychologists si Christine at inamin nito na totoong na-offend siya sa ginawa ni Axel.


Iginiit ni Vice Ganda na wala siyang ginawang masama dahil ginawa niya lang ang kanyang responsibilidad bilang main host ng It's Showtime.


Subalit, matapos ang pagbibigay ng pahayag ni Vice Ganda, lumabas ang video kung saan iyak ng iyak si Christine at sinasabing ginawa siyang sinungaling nina Vice Ganda.


Dahil dito, nakakuha ng simpatya si Christine lalo na sa mga taong noon pa man ay naiinis na kay Vice Ganda isa na sa mga nag-call out at tila nagdiin kay Vice Ganda ay si Nikko Natividad na dating myembro ng Hashtag na pinasikat ng It's Showtime.


Sa isang Facebook post ni Nikko Natividad, nagbigay siya ng opinyon at inilahad niya ang kanyang paniniwala sa nangyari at tila ibinunton ang sisi kay Vice Ganda.


Ayon kay Nikko Natividad, walang intensyon ang lalaki na manyakin ang babae sa live tv kahit pa talagang gusto niyan bumeso rito. Ang nakikita niya lamang na mali sa sitwasyon ay hindi umano alam ng lalaki na kailangan pa pala niyang humingi ng permiso bago bumiso.


Naawa lamang siya kay Axel dahil nakagawa umano ito ng pagkakamali ng hindi niya sinasadya. Naawa rin umano siya sa babae na nababatikos na rin ngayon.


Higit sa lahat naawa siya kay Axel na labis na napahiya sa TV dahil sinabihan ito ni Vice Ganda na tatadyakan at kakasuhan pa.


Nakakarelate din umano siya sa nararamdaman ni Axel dahil naranasan na rin niyang ipahiya sa TV at ipower trip.


Bagama't hindi naman binanggit ni Nikko na ang sinasabing experience ay sa It's Showtime kaagad  na nag-iisip ang mga netizens dahil hindi naging maganda ang pag-alis nito noon sa show.


Sa kasunod na post ni Nikko, binatikos niyang muli si Vice Ganda sa paglalagay nito ng Charoot sa mga masasakit na biro para lumusot.


Samantala, wala pang pahayag si Vice Ganda sa mga natatanggap niya ngayong pambabatikos.



 

Christopher De Leon Iniwan Ng Kanyang Asawang Si Andy Andolong Dahilan, Alamin!

Walang komento


 Ibinahagi ng misis ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong na minsan ay sinubok rin ng pagkakataon ang pagsasama nila bilang mag-asawa.


Sina Sandy Andolong at Christopher De Leon ay nagsasama na rin sa loob ng mahigit 40 years subalit hindi rin pala naging madali ang kanilang pinagdaan bilang buhay mag-asawa.


Sa kamakailang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda ni Sandy Andolong, nitong martes inaming ng aktres na nilayasan niya noon ang kanyang asawa na si Christopher De Leon.


"There was a time I left him. We had two boys that time si Rafael and Miguel. I left the house kasi parang ang chaotic. It was too much already. It was beginning to have a really bad effect on my two children at that time. So I left Christopher," pag-amin ni Sandy.


Dagdag pa ni Sandy Andolong, na nagulat na lamang si Christopher nang umuwi ito sa bahay nang wala na siya.


Ayon sa pagbabahagi ni Sandy Andolong, na noong umalis siya sa bahay ay nanatili siya ng isang linggo sa kumbento para magdasal at humingi ng guidance at direction mula sa Panginoon.


"Nag-LSS (Life in the Spirit Seminar) kami together because he kept telling me, 'No, I want this to work. I don't want to lose you. I don't want to lose the boys. I want to have a complete family,' kasi he comes from a broken family, I came from a broken family, I have an absentee father at that time. So ayun, nag-Oasis kami. That's when things settled down na," pagkukwento ni Sandy Andolong.


Sina Christopher De Leon at Sandy Andolong ay magkarelasyon na noon pang 1980, ikinasal naman sila noong 2001. Nire-new naman nila ang kanilang mga vow noong 2019 sa Halong Bay sa Vietnam.


Mayroon silang limang anak na sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.



Kyline Alcantara, Inamin Na Hindi Pa Siya Handa, Kobe Paras Na-Basted

Walang komento

Aktres na si Kyline Alcantara nagbigay ng pahayag kung handa na ba siyang umibig muli sa gitna ng mga usapin patungkol sa relasyon nila ng basketball player na si Kobe Paras.


Kamakailan lamang ay inililink ng maraming mga netizens ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa basketball player na si Kobe Paras matapos mapansin ng maraming mga netizens ang pagkakahawig ng mga larawan na ibinahagi nila sa kani-kanilang social media accounts.


Bukod pa rito, inirepost rin ni Kobe Paras ang ibinahaging larawan ni Kyline Alcantara kamakailan sa social media na tila nagpapahiwatig ito na may namumuo na sa kanilang pagitan.


Samantala, sa isang panayam kay Kyline Alcantara, hayagan siyang tinanong ng reporter kung handa na ba siya ulit na pumasok sa relasyon matapos ang failed relationship nila ni Mavy Legaspi.


Kaagad naman itong sinagot ni Kyline Alcantara at sinabing hindi pa talaga siya handa na umibig muli dahil nais na muna niyang kilalanin ng mas mabuti ang kanyang sarili.


Pinili rin ni Kyline Alcantara na dedmahin ang katanungan sa kanyang kung sino-sino ang mga lakaking nagpapalipad hangin sa kanya o ang kanyang mga manliligaw.


Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag sina Mavy Legaspi at Kyline ALcantara patungkol sa totoong naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Subalit, marami sa mga netizens ang naghinala na may ginampang papel ang ina ni Mavy Legaspi na si Carmina Villaroel sa nangyari sa kanilang relasyon.



 

MTRCB, Chairman Lala Sotto Binalaan Si Vice Ganda Dahil Sa Pamamahiya Kay Axel at Christine!

Walang komento


 Hinimok ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga netizens na hindi lamang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa ilang mga palabas sa telebisyon sa social media kundi magsampa din ng pormal na reklamo sa kanilang ahensya para matugunan nila ng maayos ang kanilang mga inirereklamo.


Sa gitna ng isyung kinakaharap ng noontime show na It’s Showtime, matapos ang desisyon ni Vice Ganda na bawiin ang kanyang paghingi ng tawad sa isang contestant ng kanilang segment na “EXpecially For You,” ilang netizens ang bumisita sa Facebook page ng MTRCB para ilabas ang kanilang pagkadismaya sa Kapamilya noontime show at hilingin sa ahensya na patawan ng parusa ang nasabing noontime show.


Hiniling ng maraming mga netizens na aksyunan ng ahensya ang It’s Showtime dahil sa umano’y pagpapahiya ng mga ito sa kanilang contestant sa national television.


Bilang tugon, hinimok ng MTRCB ang mga netizens na magsampa ng pormal na reklamo laban sa It’s Showtime.


“Para sa mabilis na resolusyon ukol sa inyong ulat, mangyari lamang po na i-access ang aming complaint/feedback form, sa pamamagitan ng link na ito: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSc6t8UtJ9ZEUseejrsidUHE2OobBRcz3tQtGHwH2U4xsDwRew/viewform?” sagot ng MTRCB sa komento ng netizens na nagrereklamo sa It's Showtime.


“Mahalagang paalala: Punan ang mga kinakailangan na impormasyon na hinihingi sa form upang masiguro ang epektibong pagtugon sa inyong report, complaint, o feedback,” dagdag pa nila.


Matatandaang humingi sana ng paumanhin si Vice Ganda sa kalahok na si Axel Cruz matapos niya itong sawayin dahil sa gesture nito sa searcher na Maria Christine.


Matapos sabihin ni Christine na ayos lang siya sa mga kilos ng dsearchee na si Axel, subalit makalipas ang ilang araw ay muling naglabas ng pahayag si Vice Ganda kung saan binawi niya ang kanyang apology kay Axel at iginiit na hindi nararapat ang ginawa ni Axel.


Matapos lumabas ang pahayag Vice Ganda sa national TV, labis na naapektuhan si Christine sa pahayag ng komedyante kaya tinawagan niya ang staff ng It’s Showtime para ipahayag ang kanyang pagkadismaya habang umiiyak.


Ayon sa kay Christine, ang naging pahayag ni Vice Ganda ang dahilan kung bakit siya binabatikos ngayon dahil pinalabas nitong isa siyang sinungaling.




Kasinungalingan Ni Vice Ganda at It's Showtime Isiniwalat Na ni Christine!

Walang komento


 Nagwawala at naging histerikal ang dating Expecially For You contestant na si Christine habang kausap ang isang staff ng It's Showtime.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video kung saan makikitang umiiyak si Christine habang kausap ang isang staff ng It's Showtime habang sinasabing pinagmumukha umano siyang sinungaling ng show dahilan para maibaling sa kanya ang pambabatikos ng mga netizens.


Isa sa mga dahilan kung bakit binabatikos ngayon si Christine ng maraming mga netizens ay ang paglalabas ng statement ng mga It's Showtime host sa pangunguna ni Vice Ganda na umanoy nagsinungaling si Christine sa inilabas nitong video kung saan inihayag niyang hindi siya na offend sa pagtatangka ni Axel na i-beso siya.


Sa ibinahaging video ni Christine, inilahad niyang hindi siya na-ooffend at naiitindihan niya kung ano ang gustong gawin sa kanya ni Axel ang searchee noong panahong iyon.


Subalit, ilang araw matapos ang pagpapahayag na ito ni Christine ay bigla na lamang naglabas ng pahayag ang buong It's Showtime family sa pangunguna ni Vice Ganda kung saan sinabi niyang muli nilang nakausap sina Christine at Axel.


Dito, inamin ni Christine na totoong na-offend siya sa nangyari at mayroon siyang personal na dahilan kung bakit sinabi niya sa video na okay lamang sa kanya ang ginawa ni Axel.


Subalit, ang naging pahayag nina Vice Ganda ay pinagdududahan na ngayon ng maraming mga netizens dahil sa pagkalat ng video mula sa taong malapit kay Christine kung saan makikita ang dalaga na nakasalampak sa sahig at walang tigil sa pag-iyak dahil ginawa umano siyang sinungaling ng It's Showtime gayung ipinaliwanag na niya sa video ang kanyang side.


Nag-ugat ang isyung ito sa episode ng Expecially For You ng It's Showtime kung saan napansin nina Vice Ganda at iba pang mga host ang naging reaksyon ni Christine sa biglang paghila sa kanya ni Axel para i-beso.


Kaagad itong sinaway ni Vice Ganda at inilahad na hindi niya dapat iyon ginawa o kaya naman ay dapat ay humingi muna siya ng permiso mula kay Christine.


Umani naman ito ng mga negatibong komento para kay Axel dahil sa pagiging bastos nito, agad naman naglabas ng pahayag si Axel kung saan iginiit niya na wala siyang balak na halikan si Christine, Sinigundahan naman ito ni Christine sa kanyang video at iginiit na ayos lamang sa kanya ang nangyari.


Kaagad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Axel sa kanyang nagawa, subalit makalipas ang ilang araw ay muling naglabas ng pahayag si Vice Ganda kung saan binabawi niya ang paghingi ng tawad kay Axel dahil tama lamang ang kanyang ginawa dahil totoo namang nakaramdam ng pagkaoffend si Christine.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng It's Showtime patungkol sa mga kumakalat na video ni Christine.


@patoothing Replying to @johanisabasher Christine other statement #itsshowtime #christine #expeciallyforyou #axel #viceganda ♬ original sound - PatPat

Ang Nangyari Kay Dina Donnevie | Nirevive Sa Ospital Matapos Mawalan Ng Malay

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 5, 2024


 Inalala ng seasoned actress na si Dina Bonnevie sa isang vlog ng kapwa niya veteran star na si Amy Austria ang nangyari sa kanya noon sa hospital kung saan namatay siya sa loob ng mahigit isang minute.


Binalikan ni Dina Bonnevie ang kanyang near death experience kung saan humiwalay umano ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at napunta sa hindi niya alam na lugar.


Ang pangyayaring ito ay naganap noong 23 years old pa lamang siya noong mga panahong kinakaharap niya ang mga pagsubok mula sa kanyang trabaho, sa kanyang kalusugan at sa kanyang marriage noon kay Vic Sotto.


Ayon kay Dina Bonnevie, na-clinically dead siya sa loob ng isang minuto at sampung Segundo. Ang dahilan nito ay 

overfatigue dahil sa mga panahong iyon ay marami siyang ginagawang pelikula, nang sabay-sabay. Nag-dubbing rin siya habang pino-promote ang kanilang pelikula.


Pagbabahagi ni Dina Bonnevie, na bago siya maisugod sa hospital ay nagperform siya kasama si Alma Moreno sa programa nitong Lovely Ness para i-promote ang kanyang pelikula.


Matapos ng kanilang performance, halos ay bumagsak na siya kaya naman tumakbo na siya sa kotse at pagdating niya sa bahay ay kaagad niyang sinabihan ang kanyang anak na si Danica na tawagan ang ninang nitong doctor.


Nang nasa banyo na umano siya para maglinis ng kanyang mukha bigla na lamang siyang bumagsak.


Naitakbo naman kaagad siya sa hospital subalit, mula nang bumagsak siya ay wala na umano siyang nakikita.


Pagdating niya sa hospital ay narinig pa umano niya ng mga sinabi ng doctor para siya mailigtas. Subalit, makalipas ng ilang sandali, ay wala na siyang narinig.


Bigla na lamang umano siyang nakatayo at nakita ang kanyang kapatid na nakatingin sa EKG Monitor. Kinausap umano niya ito at niyaya na umuwi na pero hindi ito nakikinig sa kanya.


Hinawakan niya umano ito subalit, tumagos lamang ang kanyang mga kamay. Umiiyak na umano ito at nakatingin lamang sa monitor.


Nang tingnan niya ng hinigaang bed ay nakita niya ang kanyang sarili. Hanggang sa bigla na lamang siyang hinigop at wala nang ibang nakita at naramdaman kundi pure peace at calmness.


May narinig din umano siyang boses na nagtatanong sa kanya kung handa na ba siyang sumama sa liwanag. Pumayag naman siya subalit ay naalala niya ng kanyang anak na si Danica kaya humingi siya ng kunting oras dahil nais niyang makausap muna ang kanyang anak.


Narinig umano niya ang pagtawag sa kanya ni Danica at nakita niya ito sa dulo ng tunnel na inaabot sa kanya ang kamay. Nang tinanggap niya ng kamay ni Danica ay doon na siya nagkamalay.


Nakita niyang dinidi-fibrillator na siya at shinashock para magising.


Agad niyang hinanap ang kanyang anak na si Danica subalit sinabi sa kanya ng kanyang kapatid na naroon sa bahay ang kanyang anak.


Unang ibinahagi niya ang nangyari sa kanya sa kanyang kapatid subalit hindi ito naniniwala sa kanya.


Kaya naman mula noon ay hindi na niya sinabi kanino man ang kanyang kakaibang karanasan dahil ayaw niyang masabihan na siraulo dahil talagang hindi kapani-paniwala ang kanyang kwento.


Mas kinilabutan umano si Dina nang makita niya sa bookstore ang librong “Embraced by the Light” dahil parehong-pareho ang kuwentong nasa libro sa kanyang naging karanasan.


Mula noon ay hinanap na niya ang religion na para sa kanya, sinubukan niyang aralin ang Buddhism, Taoism, Hinduism, Quran, at New Age hanggang sa maging isa na siyang Christian.




Lie Reposposa Muling Nagbigay ng Health Update

Walang komento


 Muling nagbigay ng health update ang Pinoy Big Brother 8 Finalist na si Lie Reposposa patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang pangangatawan ngayon sa gitna ng pakikipaglaban niya sa kanyang mga karamdaman.



Ibinahagi ni Lie Reposposa ang mga pagsubok na kanyang kinakaharap dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan at kung gaano na siya ngayon nababahala dahil sa nangyayari sa kanya.


Sa kanyang kamakailang Facebook post, ipinahayag ni Lie Reposposa ang kanyang pagkabahala dahil nakararanas siya ng matinding pagkalagas ng buhok at labis na pagbaba ng timbang.


Matatandaang noong nakaraang buwan, ibinunyag ni Lie Reposposa na siya ay na-diagnose na may Pulmonary tuberculosis at anemia dahilan para lalo siyang pumayat. Pinili niyang aminin ang kanyang karamdaman sa publiko para maging malinaw ang lahat at makaiwas sa mga maliyosong mga netizens na pinag-iisipan siya ng masama dahil sa pagbagsak ng kanyang katawan.


Inamin rin ni Lie Reposposa noon ang kanyang paghihirap maski sa paggalaw na kailangan pang may umalalay sa kanya at inamin rin niya na nawalan na siya ng ganang kumain.


“Mahirap gumalaw at mahina yong katawan ko pati paglakad minsan kailangan ng alalay dahil parang matutumba ako at wala din akong ganang kumain parang malapit na mag byebye kapagod mag we’ll miss you nalang kayo ng advance para malaman ko sino talaga may paki sakin joke lang hahahhaha laban pero gusto ko lang din po sabihin na hindi po talaga ako buntis sinasabayan ko lang po yong mga taong nag sasabing buntis ako sorry po sa mga nag expect at napaniwala ko hehe yun lang Godbless,” pag-amin noon ni Lie.


Sa isa pang post, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang mga nalalagas na buhok at nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa kanyang kalagayan.


Dahil rin sa kanyang sitwasyon na ito, naisip ni Lie na magpakalbo na lamang.


Vice Nagulat, Vic Sotto May Request Kay Vice Ganda!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga haka-hakang nakikipag-usap si Bossing Vic Sotto kay Vice Ganda para magkaroon sila ng collaboration upang matigil na ang matagal nang haka-haka patungkol sa pagiging magkaaway nila dahil sa pagiging host sa magkatapat na noontime shows.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, nagpapahiwatig ngayon si Bossing Vic Sotto ng panibagong gagawin na pelikula na maaring entry nito sa darating na Metro Manila Film Festival sa darating ng December 2024.


May mga naglabasang mga haka-haka naman na baka ito na ang pelikulang pagsasamahan nina Vic Sotto at kapwa noontime show host at komedyante na si Vice Ganda.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Vic Sotto na open siya sa pagkakaroon nila ng collaboration ni Vice Ganda para na rin matigil ang matagal nang iniisyu sa kanila magmula nang magkatapat ang kanilang shows na noontime slot.


Sa ngayon ay hindi pa tuluyang kinumpirma ni Vic Sotto kung muli na ba siyang mapapanood sa 50th Anniversary ng Metro Manila Film Festival ngayong taon subalit siniguro niya sa kanyang mga tagahanga na may surpresa siyang gagawin ngayong taon.


Samantala, muling pinabulaanan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon ang mga bali-balitang malapit nang magsara ang kanilang longest running noontime show dahil ilang buwan na itong hindi kumikita ang malapit nang tuluyan na malugi.


Ayon sa legendary trio, malabo itong mangyari dahil kumikita naman sila dahil puno ang kanilang commercial load at marami pa rin silang mga advertiser.


Maging ang ilang mga netizens ay nagsasabing imposible itong mangyari dahil kahit nangunguna na ngayon ay It's Showtime sa ratings ay kumikita parin naman at marami pa rin ang sumuporta sa Eat Bulaga.



Christine at Axel Sinupalpal Si Vice Ganda Dahil Sa Maling Statement Nito Sa Showtime!

Walang komento


 Lalong lumaki ang isyu sa pagitan ng It's Showtime host na si Vice Ganda at dalawang guest/contestant sa segment ng It's Showtime na Expecially For You na sina Christine at Axel.


Matapos ang paglalabas ng official statement ng It's Showtime Family sa pangunguna ni Vice Ganda kung saan binawi niya ang kanyang naging tweet kung saam humingi siya ng paumanhin kay Axel sa mga masasakit na salitang binitawan niya laban rito matapos ang insidenteng pagtatangka niyang magnakaw ng halik kay Christine.


Sa official statement ng It's Showtime na ipinahayag nila noong martes June 4, 2024, sinabi ni Vice Ganda na nakausap niya sina Axel at Christine. Inamin umano ni Christine na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel at nabastusan sa gesture nito.


Nakausap rin umano niya si Axel at naipaliwanag rito ang buong pangyayari dahilan para bawiin niya ang kanyang paumanhin.


Iginiit ni Vice Ganda na walang mali sa kanyang ginawa kay Axel dahil ginawa lamang umano niya ang kanyang responsibilidad na protektahan ang mga guest ng kanilang show.


Inakala ng mga netizens na matatapos na ang usaping ito subalit, tila lalong gumulo ang lahat ng lumabas ang video ni Christine na umiiyak habang kausap ang isang staff ng It's Showtime dahil tila ginawa umano siyang sinungaling mga ito. Pahiwatig na hindi naman talaga niya binawi ang kanyang naging pahayag noon na walang masama sa ginawa ni Axel sa kanya at naiintindihan niya ang binata.


Lumalabas na pinilit ng It's Showtime si Christine na bawiin ang kanyang pagtatanggol kay Axel para lalabas sa madlang pipol na tama lamang ang ginawa ni Vice Ganda na pagsaway kay Axel. 


Subalit, dahil sa naging pahayag ni Vice Ganda si Christine naman ang pinuntirya ng mga bashers at tinatawag na sinungaling at clout chaser dahil sa nangyari. Hindi ito matanggap ni Christine kaya nilabas na nila ang video kung saan nagrereklamo siya sa isang staff ng It's Showtime dahil pinagmukha umano siya ng mga ito na sinungaling.


Maging si Axel ay naninindigan rin sa kanyang naunang pahayag kung saan iginiit niyang wala siyang balak na halikan si Christine dahil bro-code lamang daw ang balak niya una pa lamang.


"Explain ko lang yung nangyari sa Showtime Expecially For You. Syempre hindi ako napili. Lalapit na ako kay Christine syempre nakaamba na yung kamay niya ng apir. Ginawa ko, nakipag-apir ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya.


"Ang balak ko talaga sana ay bro-code. Yung bro-code na yon yung shake hands, after shake hands didikit yung balikat tapos tap sa likod for comfort."



Axel Cruz Binanatan Si Vice Ganda Dahil Sa Pagbawi Ng Apology

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang Expecially For You searchee na si Axel sa pagbawi ni Vice Ganda sa kanyang apology matapos ang pag-amin umano sa kanila ni Christine na totoong nakaramdam siya ng pagka-off dahil sa inakalang pagnanakaw niya ng halik.


Ikinagulat ng maraming mga netizens at maging ng mga madlang pipol ang pagbawi ni Vice Ganda sa kanyang inilabas na public apology para kay Axel sa pamamagitan ng isang tweet noong June 2, 2024.


Matatandaan na humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Axel dahil napagsalitaan niya ito dahil sa nakita niyang tila bigla na lamang sinunggaban nito ng halik ang kanilang guest at searcher na si Christine.


Nauna rito ang paglabas ng pahayag si Axel at iginiit na wala naman sa plano niya na halikan si Christine dahil nakipag-high five lamang umano siya rito at nakipag-bro code. Ang tanging intensyon lamang umano niya kaya hinala niya ang kamay ng babae ay nais niyang pagdikitin ang kanilang mga balikat.


Sa kabila nito, inamin naman ni Axel na talagang may pagkakamali rin siya dahil hindi niya ipinarating kay Christine ang nais niyang gawin. Subalit, pinagdidiinan niya na wala sa kanyang intensyon na mambastos ng babae.


Naglabas rin ng video si Christine kung saan ipinagtanggol niya si Axel sa mga taong nambabatikos rito matapos ang insidente sa It's Showtime. Marami kasi ang mga nanghuhusga kay Axel at kung ano-ano na lamang ang tinatawag rito lalo na ang mga tagahanga ni Vice Ganda.


Kaagad rin namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda dahil napag-isipan niya ng masama si Axel sa nangyari dahilan para ito naman ang batikosin ng mga netizens dahil sa pag-iisip ng masama kay Axel gayung wala naman pala itong intensyon na bastusin si Christine.


Samantala, labis namang nagulat ang marami nang bawiin ni Vice Ganda ang kanyang naging tweet at nanindigan itong walang masama sa kanyang ginawa kay Axel dahil ginawa lamang niya ang kanyang responsibilidad. Isa pa, nagkausap na rin umano sila ni Christine kung saan inamin nito ang totoong naramdaman ng biglang lumapit sa kanya si Axel.


Inamin umano ni Christine na talagang na-off ito sa ginawa ni Axel subalit, pinili nitong magsinungaling sa publiko noong una dahil sa isang mabigat na dahilan na hindi na isiniwalat ni Vice Ganda.


Maging ang ilang mga It's Showtime host ay nagbigay rin ng pahayag kung saan makikita umano sa kanilang anggulo na talagang iba ang intensyon ni Axel.


Sa kabilang banda, nagbigay na rin umano ng pahayag si Axel kung saan sinabi niyang napaka-unfair ni Vice Ganda dahil nagalit ito sa kanyang gayung man hug lang naman ang balak niyang gawin nila ni Christine subalit sa ibang searche na bumeso sa searcher ay ok lamang ang mga ito at nagpakita pa ng kilig.


Tinitingnan ngayon ni Axel na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nina Vice Ganda dahil hindi naman siya kapogian katulad ng mga naunang searchee.


Nagtataka rin umano ito kung bakit bigla na lamang na binawi ni Christine ang naging pahayag sa video at kumampi na rin ito kay Vice Ganda.


Samantala, may ilang mga netizens ang naghinala na baka ay nasulsulan na umano ni Vice Ganda si Christine kaya bigla na lamang nitong sinabing nabastusan siya sa ginawa ni Axel.



Sarah Lahbati Nakakaiyak Ang Inamin Tungkol Sa Set-up Niya Sa Pag-Aalaga Sa Mga Anak!

Walang komento


 Sa kabila ng mga pinagdadadaanan ng actress-model na si Sarah Lahbati at sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang mga projects ay hindi pa rin niya kinakalimutan na bigyan ng sapat na oras at atensyon ang kanyang mga anak.


Sa kamakailang Instagram post ni Sarah Lahbati inamin ng aktres na minsan ay pumapasok sa kanyang isip ang hirap ng pinagdadaanan niya ngayon at kung paano niya ibabalanse ang kanyang oras sa kanyang mga anak at trabaho ngayong naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.


Gayunpaman iginiit ni Sarah Lahbati na masaya siyang nakakasama niya ang kanyang mga anak at very blessed din siya na siya ang naging ina ng mga ito.


"sometimes i wonder how i will manage everything, how i will balance it all, but then i am reminded of how lucky i am to be your mom.


"life is like a wave, and i should just ride it… i feel blessed to watch both of you grow up into kind young boys. life isn’t perfect, but we are truly blessed, and my heart is full," caption ni Sarah Lahbati sa kanyang post kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang mga anak.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at mga tagasuporta ni Sarah Lahbati. Marami ang napahanga sa aktres sa ipinakita niyang katatagan sa kabila ng pagiging single mom niya ngayong naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.


Ipinahayag naman ng marami na kahit ganoon ang kinahihinatnan ng kanilang relasyon ni Richard Gutierrez ay very blessed pa rin si Sarah dahil sa pagkakaroon niya ng mga anak at hindi rin siya iniwan ng mga tapng totoong nagmamahal sa kanya kagaya na lamang ng kanyang mga magulang at kaibigan.


"Always try to be the BEST MOM that you can be, you’re little men will always be proud of how you stood for them. Keep slaying Sarah. You are loved."


"Ang Saya NG mga anak MO mommy pag ikaw ang kasama kapag ikaw ang kasama completo na sila ❤️napaka buti mong Ina "


"You are a strong woman you don't play victim,you don't point fingers even if they want you down.You stand and you deal it with class and elegance"


Heart Evangelista Sumumpa Bilang Presidente Ng Senate Spouse Foundation

Walang komento


 Sumumpa ang fashion-icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista nitong June 5, 2024 bilang bagong Pangulo ng Senate Spouses Foundation kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan ng iba pang mga asawa ng mga nakaupong senador.


Ang naganap na oath taking ay isang makabuluhang okasyon na ginanap sa harap ng mga prominenteng personalidad sa Senate Building.


Si Heart Evangelista ang pumalit kay Audrey Tan-Zubiri sa pamumuno ng nasabing organisasyon matapos ang pagreresign ni Senate President Juan Miguel Zubiri bilang Senate President nitong nakaraang buwan ng Mayo.


Sa kaparehong araw, kaagad na nanumpa bilang bagong Senate President ang mister ni Heart Evangelista na si Senator Francis Escudero.


Kabilang sa mga nanumpang opisyales sa Senate Spouses Foundation sina Kathryn Pimentel bilang Vice President, Neil Llamanzares bilang Assistant Secretary, Treasurer Representative naman si Lani Revilla at Legal counsel si Emmeline Villar.


Kaagad namang ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang panunumpa kalakip ang kanyang pagiging grateful sa pagtitiwala sa kanya.


"I am so honored to stand before everyone of you today as the new President of the Senate Spouses Foundation Inc. As I stand side by side with these men and women - my fellow spouses and officials who were involved in SSFI long before me, I could not help but be grateful for welcoming and supporting me in this challenging journey ahead. 


"As I have said during our very first meeting, l am ready to honor the challenge of working together to find ways to uplift our people and our communities.♥️


"The legacies left by all the ladies before me, a treasure of stories and testaments of service to the nation is something that encourages me to continue what they have started - to make a difference and to inspire not only SSFl members but also individuals and groups who have the power to do something in improving the lives of people around us.♥️


"With your support, fellow spouses, SSFI support staff, the Senate community and of course of Senate President Chiz, I am bravely taking on these duties. It is inspiring to see what we can accomplish and what kind of changes we can all make together. ♥️Maraming salamat po."


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang panunumpang ito ni Heart Evangelista.


"Even before, you were already very helpful to our kababayan, especially during the pandemic. You helped more than 200 families and gave more than 500 tablets to students. We are excited that you can help and serve more of our people. Congrats, Madam Heart!"


"Apaka husay @iamhearte such an inspirations to many people!! Hard working"



Krishnah Gravidez Nag Withdraw Sa Miss Charm Philippines 2024

Walang komento


 Inanunsyo ni Miss Charm Philippines 2023 na si Krishnah Marie Gravidez noong linggo, June 2, 2004 na tatalikuran na niya ang kanyang puwesto sa Miss Charm International pageant.


“After much consideration and reflection, I regret to inform you that I have decided to withdraw from the Miss Charm International competition,” pagpapahayag ni Krishnah Marie Gravidez sa kanyang Instagram post. 


Tinanghal bilang Miss Charm Philippines 2023 si Krishnah Marie Gravidez ang beauty queen mula sa Baguio noong May 2023 matapos mapabilang  sa Top 5 ng Miss Universe Philippines 2023 competition. 


Kung saan si Michelle Dee na representative ng Makati ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines, habang si Pauline Amelinckx ng Bohol ay idineklara bilang Miss Supranational Philippines 2023.


Nag-succeed si Krishnah Marie Gravidez kay Annabelle McDonnell, na nagtapos bilang first runner-up sa Miss Charm 2022 competition na ginanap noong February 2023. 


Gayunpaman, wala pang detalye tungkol sa susunod na edisyon ng Miss Charm pageant hanggang sa ngayon.


Hindi naman isiniwalat ni Krishnah Marie Gravidez ang totoong dahilan kung bakit siya nagresign sa bilang Miss Charm Philippines 2023 sinabi naman ni Krishnah Marie Gravidez na palagi niyang isi-cherish ang mga memories at lessons na natutunan niya sa buong duration ng kanyang pagiging Miss Charm Philippines 2023.


Nagpapasalamat rin siya sa kanyang ng experiences at friendships na nakuha niya along the way sa kanyang journey sa pageant.


Pinasalamatan rin ni Krishnah Marie ang kanyang mga supporters na patuloy na sumusuporta sa kanyang journey sa pageant industry.


Hindi man sinabi ni Krishnah Marie kung ano ang gagawin niya sa hinaharap ay nagbigay siya ng clue na sisimulan niya ang new chapter sa kanyang buhay.


Kaagad naman na nagparating ng pagsuporta ang kanyang mga kapwa beauty queen kabilang na sina Michelle Dee at Pauline Amelinckx.



Kapatid Ni Christine Nagsalita Na Sa Paglaglag Ni Vice Ganda, Iyak Siya Ng Iyak!

Walang komento


 Tila patindi na nang patindi ang isyung kinasasangkutan ng mga It's Showtime hosts sa pangunguna ni Vice Ganda sa naging pag-call out nila sa isang searche na si Axel base sa nakita nilang pagtatangka nito na magnakaw ng halik sa searcher na si Christine.


Matatandaan na hindi nagustuhan ng ilang mga It's Showtime ang ginawang paglapit ni Axel kay Christine dahil sa palagay nila ay magnanakaw ito ng halik sa babae at halata umano sa body language ni Christine na hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Axel sa kanya.


Subalit, ilang araw matapos ang episode na ito ng It's Showtime, ay naglabas ng video si Christine sakanyang TikTok account kung saan iginiit niyang walang ginawang masama si Axel at hindi rin umano nito intensyon na halikan siya dahil brotherly hug lamang umano ang pakay nito sa kanya kaya ito lumapit ng husto.


Kasunod nito, naglabas rin ng tweet si Vice Ganda kung saan nagpublic apology siya kay Axel dahil hindi naman pala na-off si Christine at namali lamang sila sa pag-assess ng sitwasyon.


Subalit, nitong Martes June 4, 2024, bago magtapos ang airing ng It's Showtime, muling nagbigay ng public statement si Vice Ganda kung saan binawi niya ang public apology niya kay Axel dahil muli umano nilang nakausap si Christine kung saan inamin nito na totoong na-off siya sa ginawa ni Axel.


Dahil dito, iginiit ni Vice Ganda na wala siyang dapat na ihingi ng tawad kay Axel dahil wala namang mali sa kanilang ginawa at nag-react lamang sila batay sa nakikita nila.


Tama rin naman umano ang kanilang ginawa dahil pinoprotekhan lamang niya si Christine.


Maging si Axel ay nakausap na rin umano nina Vice Ganda kung saan sinabi nitong naiintindihan niya ang nangyari at may napulot na leksyon upang maiwasan na ang pangyayari sa susunod.


Sa kabilang banda, lalong naging masalimoot ang isyung ito nang kumalat ang video kung saa makikitang umiiyak si Christine habang kausap ang staff ng It's Showtime at sinasabing ginagawa siyang sinungaling ng mga ito dahil matapos niyang sabihin sa isang video na hindi siya na off ay sinabi naman niya sa It's Showtime na talagang hindi niya nagustuhan ang nangyari.


Umani ito ng samu't-saring komento ang nasabing kwento at naging hati na ang opinyon ng mga netizens, may mga kumampi sa It's Showtime at sinabing ginawa lamang nito ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga guests subalit may mga nagsasabi rin na kaya kinall-out ni Vice Ganda si Axel dahil hindi naman ito pogi.


Nagbigay na rin ng pahayag ang kapatid ni Christine kung saan ipinakita nito ang video ng kanyang kapatid na maririnig pa ang pakikipag-usap nito sa staff ng It's Showtime. Hindi nagustuhan ng kapatid ni Christine ang panlalaglag ni Vice Ganda sa kanyang kapatid dahilan para mabaling rito ang galit ng mga netizens.



Anak Ni Sharon Cuneta Na Si Miel Pangilinan May Matinding Mensahe Sa Mga Nanlalait Sa Kanyang Pangangatawan

Walang komento


 Naglabas ng hinanakit ang isa sa mga anak ni Sharon Cuneta at dating senador na si Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi nito sa kanyang TikTok account matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa ilang mga netizens na hindi nagustuhan ang kanyang sexual identification.


Bukod pa rito nakatatanggap rin si Miel Pangilinan ng mga negatibong komento dahil sa kanyang timbang, hugis ng katawan at paghihitsura.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan nila ng kanyang anak na si Miel Pangilinan na kuha sa kanilang pagbabakasyon sa Japan.


Pahayag ni Sharon Cuneta sa caption ng kanyang post, marami pa umano silang mga larawan sa pagbabakasyon nila sa Italy subalit uunahin niya munang ibahagi ang mga larawan nila sa Japan.


Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Sharon Cuneta ang pagkain nila ni Miel sa Muji Diner ang mga sumunod na larawan naman ay kinunan naman umano sa Ginza.


Sa halip na papuri ang matanggap ng mag-ina sa pagbabakasyon nila sa iba't-ibang magagandang lugar, pagpipintas sa kanilang sizes ang natanggap nila sa mga netizens lalong lalo na sa size ni Miel.


Unang napansin ng mga netizens ang kilay at mata ni Sharon Cuneta sa mga pictures na ibinahagi nila. Sinundan naman ito ng mga katakot takot na pamumuna sa pangangatawan ni Miel Pangilinan.


Pinuna ng maraming mga netizens ang labis na pagpayat ng anak ni Sharon Cuneta na tila naging obese na at prone sa maraming sakit. May mga nangaral din kay Sharon Cuneta dahil tila pinapapabayaan umano nito si Miel gayung responsibilidad naman ng isang ina na alagaan ang mga ito at ilayo samga sakit.


Nakarating naman kay Miel ang lahat ng mga natatanggap niyang mga negatibong komento mula sa mga netizens kaya naman sa isang video nagpahayag na siya ng kanyang reaksyon rito at ang kanyang sama ng loob sa lahat ng mga taong nagsasabing sayang ang genes ni Sharon Cuneta na napunta sa kanya.


Ayon kay Miel Pangilinan, hindi na niya alam kung saan siya dapat na lumugar dahil kung may sasabihin siya laban sa mga taong nambabatikos sa kanya ay may masasabi pa rin sa kanya ang ibang tao kung saan tatawagin siya bilang isang sensitive person.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo