Paulo Avelino May Gustong Iparating Kay Xian Lim

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely

Naging malaman ang naging pahayag ng actress-host na si Kim Chiu na tila pinasaringan na niya ang dating karelasyon na si Xian Lim sa pag-iingay patungkol sa naging paghihiwalay nila noong nagdaang taon.


Ayon sa naging pahayag ni Kim Chiu sa kamakailang panayam sa kanya, hindi naman umano mapag-uusapan ang kanilang nakaraang break up kung walang nagsisindi nito. Iginiit pa ni Kim Chiu na hindi na siya magbibigay pa ng pahayag dahil nais niyang manahimik na lamang silang dalawa ni Xian Lim at bigyan ng respeto ang isa't-isa.


Kaagad namang naiugnay ng maraming mga netizens na ang tinutukoy ni Kim Chiu na nagsisindi ng apoy para sila mapag-usapan ay ang pag-iingay ngayon ni Xian Lim sa mga naging interviews nito kung saan nagbibigay ito ng reaksyon sa mga kumakalat na balita patungkol sa kanilan paghihiwalay.


Inilahad din ni Kim Chiu na wala na talaga siyang balak na magbigay pa ng pahayag sa mga kumakalat na isyu sa naging hiwalayan nila ni Xian Lim dahil nais na niyang mag-umpisa ng bagong buhay ngayong 2024 at ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan dahil ayaw na rin niyang sumama pa ang kanyang loob.


Sa kabilang banda, maging ang on-screen partner ng aktress na si Paulo Avelino ay nagbigay na rin ng mensahe dahil tila naawa na siya ngayon kay Kim Chiu na pilit binabahiran ni Xian Lim ang pangalan.


Hiling umano ni Paulo Avelino na sana ay manahimik na lang at irespeto ang aktres sa pananahimik nito sa isyu. Hindi rin naman umano tama na ang lalaki pa ang mag-ingay nang mag-ingay at siyang pumapatol sa mga isyu.


Samantala, may ilang mga netizen naman ang nagsasabi na kung sakaling totoong wala namang kasalanan ni Xian Lim ay magiging unfair naman para rito na nakakatanggap ng pambabatikos at nadadamay pa ang kanyang mga mahal sa buhay.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo