Trina Candaza Nagsalita Na Sa Kasal Ni Carlo Aquino and Charlie Dizon Wedding!

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Matindi ang pinagdadaanang lungkot ni Trina Candaza, dating kinakasama ng aktor na si Carlo Aquino, matapos maganap ang pagpapakasal ng aktor sa babaeng ipinalit sa kanya na si Charlie Dizon.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens dating nag-live in sina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos nilang mabiyayaan ng isang anak. Subalit, ginulat nila ang kanilang mga tagahanga ng lumabas ang mga haka-haka sa social media patungkol sa kanilang paghihiwalay na kalaunan ay pareho nilang kinumpirma sa lahat.


Matapos kumalat sa social media ang ilang mga larawan at videos kung saan makikita ang pagpapakasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon may ilang mga netizen ang binalikan ang dating panayam ni Trina Candaza kung saan inilahad niya kung gaano siyang nasaktan dahil sa naging relasyon nila ni Carlo Aquino.


Inamin noon ni Trina Candaza noon sa isang panayam kung paano niya pilit na inaayos ang nasisirang relasyon nila ni Carlo Aquino para sa kapakanan ng kanilang anak subalit may mga bagay umano na kahit anong pilit ay hindi parin mangyayari.


Samantala, marami naman ang nakapansin sa ibinahaging social media post ni Trina Candaza sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.


Makikita sa social media post ni Trina Candaza ang pag-flex niya ng kapirasong painting at blangkong pader, walang inilagay na caption si Trina Candaza kaya naman hindi malaman ng ilang mga netizens ang pinapahiwatig ni Trina.


May mga naghinalang may kaugnayan ang ibinahaging post ni Trina sa pagpapakasal ngayon ni Carlo Aquino. May mga nakisimpatya kay Trina Candaza at sinabing kahit na masakit man ang nangyayari ngayon sa kanyang buhay ay dapat na magpatuloy lamang ang aktres at darating din rin ang tamang tao para sa kanya.


"blankness and roughness of emotions...hugs ms.trina.... the right guy will come to you in a way you never expected....pray ka ni God na bibigyan ka niya ng lalaking makakaintindi sayo...yong mas mahal ka..."


Samantala, may mga nagbibigay naman ng payo kay Charlie Dizon matapos pakasalan nito si Carlo Aquino na may history ng pagiging babaero. Hiling ng marami na sana ay hindi maranasan ni Charlie ang pinagdaanan ni Trina Candaza sa kamay ni Carlo Aquino.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo