Dalawang Male Politicians Na Nalilink Kay Dominic Roque Nagsalita Na at Nilinaw Ang Kanilang Relasyon

Walang komento

Martes, Pebrero 20, 2024


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga netizens ang naging hiwalayan ng engaged showbiz couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo. Marami ang hindi makapaniwala sa ginawang desisyon ng dalawa dahil buong akala ng lahat na malapit na silang magpakasal at masaya ang kanilang relasyon.


Dahil sa biglaang paglabas ng balitang ito at dahil hindi naman naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, naglabasan ang samu't-saring mga hinala at spekulasyon patungkol sa totoong nangyari sa hiwalayan ng dalawa.


Kabilang sa mga pinaghinalaan ng mga netizens na dahilan hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay patungkol sa usapin ng pera. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na mas mayaman si Bea Alonzo kaysa kay Dominic Roque.


Ayon sa mga naglabasang mga balita, hindi umano pumirma si Dominic Roque sa inihandang prenuptial agreement ng mga magulang ni Bea Alonzo na una namang sinang-ayunan ng Dominic Roque.


May naglabasan ring ulat na umanoy may nag-aalagang mga lalaking pulitiko kay Dominic Roque. Ang mga ito umano ang nagpapatira kay Dominic Roque sa isang mamahaling condo unit na kahit ang ilang mga sikat na artista ay hindi naafford.


Kabilang sa pinaghihinalaang lalaking politiko ay ang isa sa mga executive ng TAPE Incorporated na si Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos. Kasunod nito, kinalkal ng mga netizens ang mga larawan nina Dominic Roque at Mayor Bullet Jalosjos na magkasama sa mga naging pagbabakasyon noon at sa mga riding journey dahil pareho nilang hobby ang pagmomotor.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Mayor Bullet Jalosjos patungkol sa mga isyung nag-uugnay sa kanila ni Dominic Roque kung saan pinabulaanan niya ang lahat ng mga isyu at iginiit na magkaibigan lamang silang dalawa.


Hindi rin umano alam ni Mayor Bullet Jalosjos ang patungkol sa sinasabing condo na pinapatirhan niya kay Dominic Roque dahil ang buong pagkakaalam niya ay umuupa si Dominic Roque sa condo na pagmamay-ari niya sa halagang 50 thousand pesos isang buwan.


Hiling naman ni Bullet Jalosjos na itigil na ang mga pang-iisyu sa kanilang dalawa ni Dominic Roque dahil nakakaapekto na umano ito sa kanilang mga reputasyon.


Maging ang isa pang pulitik na inililink kay Dominic Roque na si 'Joey' na siyang nagmamay-ari ng mga gasolinahan na sinusyuhan naman ni Dominic Roque. Iginiit rin niya na wala silang relasyon ni Dominic Roque na higit sa pagkakaibigan bukod pa rito, normal lamang na makikita silang magkasama dahil si Dominic ang brand ambassador ng kanilang gasoline station.




Detalye! Kristine Hermosa Pregnant Again Sa Pang Anim Na Anak Nila Ni Oyo Sotto at the Age of 40!!

Walang komento

Lunes, Pebrero 19, 2024


 Muling nagdadalang tao ang isa sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz na walang iba kundi si Cristine Hermosa sa pang-anim na anak nila ni Oyo Sotto sa kanyang edad ngayon na 40 years old.


Inamin naman ni Kristine Hermosa na bagama't hiniling niya na bibigyan sila ng kanyang asawa ng mga anak ng panginoon ay hindi umano niya inexpect na magkakaroon sila ng marami at madadagdagan pa ito.


Masayang ibinahagi ng dating aktres na si Kristine Hermosa na muli na naman silang nagbubuntis ng kanyang asawang si Oyo Sotto sa pang-anim nilang anak.


Samantala, sa isang Instagram post ibinahagi ni Kristine Hermosa ang larawan ng kanyang mister na si Oyo Sotto bilang pagbibigay pugay niya rito bilang isang haligi sa kanilang lumalaking pamilya. Kasunod naman nito ay ang larawan ng isang sonogram na larawan ng kanilang pang-anim na kasalukuyang nasa kanyang sinapupunan.


Ayon pa kay Kristine Hermosa na hiniling umano niyang mabuntis muli subalit hindi na siya nag-eexpect dahil sa kanyang edad. Gayunpaman, ipinahayag ni Kristine Reyes ang labis na kasiyahan na kapareho pa rin noong unang pagkakataon na siya ay nagdadalang tao.


Pagbabahagi ni Kristine Hermosa, "Funny as it may seem, but I still get those butterflies evertime I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. ibat ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy.  ibang level din when you can already see and hear the heartbeat iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God."


Dagdag pa niya, "One things for certain, we really cannot limit God’s power.. even how impossible it may seem —- God’s plans will always come into completion whether we like or not. akala ko noon, last na si Isaac… ngayon, hindi ko na talaga alam kay God.."


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kay Kristine Reyes sa panibagong blessings sa kanilang pamilya, marami ang masaya dahil magkakaroon na naman ng panibagong anghel sa kanilang buhay.


Ogie Diaz Ipinagtanngol Ang Bagong Karelasyon Ngayon Ni Xian Na Si Iris Lee Laban Sa Fans Ni Kim!

Walang komento


 Nagbigay ng saloobin ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa patungkol sa pagkakaroon ng panibagong girlfriend ng aktor na si Xian Lim ilang buwan matapos aminin ang hiwalayan nila ng kanyang girlfriend for more than 12 years na si Kim Chiu.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiiwasan na mahusgahan ng ilang mga netizens at fans ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang dating nobyo nito na si Xian Lim na may panibagong babae nang nagpapasaya sa kanyang puso.


Bukod pa rito, marami ang naiinis sa aktor dahil tila ginamit lamang umano nito ang pangalan ni Kim Chiu na hindi naman nawala ang kasikatan para kahit papaano ay makilala rin siya sa showbiz lalo na sa panahong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang showbiz career.


Naging mainit sa mga mata ng ilang mga netizens ang kumalat na larawan ni Xian Lim na may kaakbay na babae na nakahawak pa sa kamay niyang nasa balikat nito.


Hinala ng mga netizens na ito na ang panibagong girlfriend ni Xian Lim na siyang ipinalit niya sa kanyang dating nobya na si Kim Chiu. May mga naglabasan ring speculations na ang babaeng ito ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila.


Subalit, marami pa rin ang naniniwalang walang third party dahil naging opisyal lamang ang relasyon ng dalawa matapos ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na pambabatikos ng aktor, naniniwala pa rin ang kanyang mga tagahanga na wala namang masama sa pagkakaroon nito ng panibagong girlfriend ngayon dahil, una sa lahat ay single na ito.


Matagal na umanong naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim kaya deserve naman ng aktor na sumaya ngayon kasama ang babaeng handa siyang makausap anumang oras. Bukod pa rito, tila masaya na rin naman umano ngayon ang aktres kaya naman deserve nilang dalawa na magkaroon ng panibagong pag-ibig na magpapasaya sa kanila pareho.


Maging ang kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay naglabas na rin ng saloobin patungkol sa pagkakaroon ng panibagong girlfriend ni Xian Lim. Sa isang episode ng kanilang programa, naitalakay nila ang patungkol sa nasabing isyu.


Ayon kay Ogie Diaz, wala naman umanong masama kung sakaling totoong may relasyon na sila dahil hindi naman umano ito isinabay ni Xian Lim sa dating relasyon nila ni Kim Chiu.


Kung sakaling totoo rin umano ito, maaring sabihin na unang nakapagmove on si Xian Lim kaysa kay Kim Chiu dahil nakatagpo kaagad ng babaeng mamahalin. Samantalang hindi naman umano maitatanggi na nasasaktan parin si Kim Chiu dahil panay pa rin ang mga hugot nito sa tuwong naghu-host siya sa segment ng It's Showtime na Expecially For You.


Bukod pa rito, pinabulaanan din ni Ogie Diaz ang isyung nagkakamabutihan na sina Kim Chiu at Xian Lim dahil magkaibigan at magkasama lamang sila sa ilang mga projects.




Kumpirmado! Paulo Avelino at Janine Gutierrez Hiwalay Na! Kim Chiu Dawit Sa Hiwalayan Ng Dalawa?

Walang komento


 Tila hindi pa rin natatapos ang isyu ng mga celebrity couples na naghihiwalay dahil hindi pa man nakakamove on ang ilang mga netizens sa sunod-sunod na rebelasyon patungkol sa mga naghihiwalay na pinangunahan noon ng KathNiel hanggang sa hiwalayan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, usap-usapan naman ngayon ang hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan nadadawit naman ang pangalan ni Kim Chiu.


Sa isang episode ng YouTube vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad niyang naghiwalay na rin sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.


Noon pa man ay naging laman na ng mga usap-usapan ang patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, marami ang nagsasabing hindi naman naging sila habang may mga nagsasabi namang matagal na silang magkarelasyon.


Nauna na ring napabalitang matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa subalit nagkaayos rin naman nitong huling bahagi ng taong 2023 nang mamataan silang muling magkasama.


Samantala, sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan nila ang patungkol sa napapabalitang hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Ayon umano sa isa sa mga sources ni Ogie Diaz, totoong naghiwalay na umano sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Subalit, inilahad ni Ogie Diaz na sana naman ay hindi totoo ang balitang ito dahil nakakalungkot lamang na nagsusunod-sunod na ang mga nagaganap na hiwalayan ngayong taon.


Gayunpaman, base sa impormasyon na kanyang nakalap mula sa ilang mga sources na napagtanungan niya ay kumpiramdo na umano ang paghihiwalay ng dalawa. Ayon pa kay Ogie Diaz, totoo rin ang mga naging bali-balita noon patungkol sa hiwalayan ng dalawa subalit nagkakabalikan lamang ang mga ito.


Hiniling naman ni Ogie Diaz na kung sakaliman ay magbigay na ng pahayag ang dalawa patungkol sa isyung ito upang malinawan na rin ang mga netizens at kanilang mga tagahanga.


Komento naman ni Mama Loi, na tila hindi nagkalalayo ang hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa hiwalayan kamakailan nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil hindi rin nila sinasabi ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon naman kay Ogie Diaz, kung totoo mang single na ngayon si Paulo Avelino at liligawan nito si Kim Chiu, hindi na umano siya magtataka sakaling magkaroon ng relasyon ang dalawa.


Dahil nakikita naman umano niya ang closeness ng dalawa noong Linlang days pa lamang tiyak pa umanong magkakalapit ngayon ang dalawa dahil marami na silang project na magkasama.


Hindi rin umano magtatagal ang ligawan portion ng dalawa dahil pare-pareho namang mga single ang dalawa at kakahiwalay pa lamang sa kani-kanilang mga karelasyon


Sa kabilang banda, kumakalat naman ngayon ang mga haka-hakang baka may kinalaman si Kim Chiu sa nangyaring hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Marami ang naghinala na baka unti-unting nahuhulog si Paulo Avelino sa aktres dahil madalas na silang nagkakasama sa ngayon dahil sa sunod-sunod na proyektong kanilang pinagsasamahan.



Daniel Padilla Live Ipinakilala Na Ang Bagong Babae Sa Buhay Niya Ang Bilis Pinalitan Si Kath

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news sites matapos ipakilala ang panibagong babae sa kanyang buhay.


Kaagad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang babaeng kasa-kasama ngayon ni Daniel Padilla matapos ang ilang buwan ng paghihiwalay nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang komento ng mga netizens, tila may pagkakahawig umano ang babaeng ito kay Kathryn Bernardo. May mga naghinala naman na nililigawan ito ngayon ng aktor dahil makikita ang pagiging sweet ni Daniel Padilla sa babae.


Kinilala naman ng ilang mga netizen ang babae bilang isang social media influencer.


Samantala, may mga naghinala naman na baka ang babaeng ito talaga ang totoong third party at dahilan ng hiwalayan noon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Itinago lamang umano ito noon upang hindi madamay ang babae sa galit ng kanilang mga tagahanga.


May mga nagsasabi pa na talagang pinapatunayan lamang ni Daniel Padilla na matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo dahil kaagad siyang nagdadala ngayon ng babae sa event.


May mga nagsasabi pa na kaya pala tahimik si Daniel Padilla at Karla Estrada sa kabila ng labis ng pambabatikos kay Daniel mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo dahil totoo palang may kasalanan ang aktor, kung saan matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, lalo namang nagngingitngit ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa pagpapakita at pagpapakilala ngayon ni Daniel Padilla sa kanyang bagong babae matapos ang ilang beses niyang pagtangkang suyuin si Kathryn.


May mga naghinala pa na baka ginagawa lamang ito ni Daniel Padilla na isang panakip butas upang masabi ng mga netizens na nakakamove on na siya kay Kathryn Bernardo at masaya na rin sa kanyang buhay.


Matatandaan na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na masaya at kontento na ngayon si Kathryn Bernardo sa kanyang buhay ngayong nakalaya na siya sa relasyon nila ni Daniel Padilla.



Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto Nagkaayos Na Matapos Ang Kanilang Alitan Noong 2019

Walang komento


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens nang makitang magsama sa iisang event sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez na naganap noon pareho silang dumalo para sa ika-100 na kaarawan ng former senate president Juan Ponce Enrile.


Kahapon, February 18, 2024 sa Instagram post ng eventologist na si Tim Yap ibinahagi niya ang isang short video kung saan makikitang kasama niya sina Gretchen Barretto, Ruffa Guiterrez at Small Laude.


Kaagad naman umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging video ni Tim Yap. Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil sa wakas ay nagka-ayos na umano sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez.


May mga pumuri rin naman kay Tim Yap dahil ibinabahagi niya sa kanyang social media account ang pagsasama at pagkakaayos ng mga kilalang personalidad na nagkaroon ng alitan. Matatandaan na ibinahagi rin noon ni Tim Yap sa kanyang social media account ang pagkikitang muli at pagkakaayos nina Heart Evangelista at Marian Rivera.


Kung matatandaan na taong 2019 nang sumiklab ang parinigan sina Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto. Noong panahong iyon ay nasa kalagitnaan din ng hindi pagkakaunawaan an Barretto Family na kinakasangkutan naman ng tatlong magkakapatid na si Gretchen Barretto, Claudine Barretto at Marjorie Barretto bukod sa kanila nakisali na rin ang kanilang pamangkin na sina Julia Barretto at Nicole Barretto.


Sa pagkakataong iyon, walang pinapalampas na komento si Gretchen Barretto mapa-netizen man o katulad niyang celebrity na hindi niya nagugustuhan.


Noong November 2019, ibinahagi ni Gretchen Barretto ang screenshot ng post ni Julia Barreto kung saan makikita ang larawan ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto. Makikita rin sa nasabing screenshot ang komento ni Ruffa Gutierrez na nagkomento ng 'fresh' sa nasabing post.


Sa caption ng post inihayag ni Gretchen Barretto ang pagiging sawsawera ni Ruffa Gutierrez. 


Mensahe ni Gretchen Barretto sa para kay Ruffa kanyang post, "sawsaw pa more ruffy! take it! take!"


Ang tinutukoy na 'take it, take it' ni Gretchen Barretto ay ang kinasangkutan nilang Manila Film Festival 1994 Scam.


Makalipas naman ang ilang minuto ay nagbahagi naman ng isang cryptic post ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account.


Mensahe sa post ni Ruffa Gutierrez, "The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF"


Bagama't walang pinangalanan si Ruffa Gutierrez sa kanyang iniuugnay ito ng mga netizens kay Gretchen Barretto.




Nabaliktad Na! Dominic Roque Bumango Ang Pangalan Bea Alonzo Ganito Pala Sa Mga Nakakarelasyon Niya!

Walang komento


 Tila nabaliktad na ngayon ang pagkakataon sa pagitan nina Dominic Roque at Bea Alonzo, si Dominic Roque naman ngayon ang tila kinakampihan ng netizens habang nababatikos naman ngayon si Bea Alonzo dahil nalaman na umano ng mga netizens ang totoong pag-uugali ng aktres.


Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng ilang mga netizens ang nangyaring hiwalayan ng celebrity couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo na naging kontrobersiyal na kalaunan.


Matatandaan na naunang nababatikos noon si Dominic Roque dahil sa kahina-hinala umano nitong mga negosyo at naisyu pa na may karelasyon na isang lalaking pulitiko.


Subalit, tila nabaliktad naman ang pagkakataon ngayon dahil si Bea Alonzo na naman ang nababatikos dahil nalaman na umano ng mga netizens ang totoong kulay ng aktres kaya palaging nauuwi sa hiwalayan ang kanyang mga relasyon.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, nina Manay Cristy Fermin, naging laman ng kanilang pag-uusap ang patungkol ang paninisi ni Bea Alonzo sa mga taong nagsiwalat sa naging hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Palagay ni Cristy Fermin na sila umano ang sinisisi ni Bea Alonzo na nalaman ng publiko ang nangyaring paghihiwalay nila ni Dominic Roque. Ayon kay Cristy Fermin, hindi naman umano maaring sisihin ni Bea Alonzo ang mga katulad nila dahil ang aktres naman ang unang nagpahiwatig na hiwalay na sila ni Dominic Roque.


Binalikan pa ni Cristy Fermin ang naging pagsalungat ni Bea Alonzo sa mga naging pahayag ni Dominic Roque patungkol sa plano nila sa kasal.


Ayon pa kay Cristy Fermin, si Bea Alonzo na mismo ang nagsasabi na wala nang kasalang magaganap sa kanila ni Dominic Roque nang isiwalat niya sa publiko na wala pa silang balak na magpakasal sa kabila ng pagpapahayag ni Dominic Roque na may nabuo na silang ilang mga detalye sa kanilang kasal.


Inilahad pa ni Cristy Fermin na kaagad na hinusgahan ni Bea Alonzo si Dominic Roque na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ayon pa kay Romel Chika na kung una pa lang ay kaagad nang inamin nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang paghihiwalay ay hindi na sana naglabasan pa ang kung ano-anong isyu patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin, na bagama't hindi nagbigay ng consent si Bea Alonzo talagang kakalat sa mga pahayag at pag-uusapan ang kanilang lovelife ni Dominic Roque dahil pareho naman silang public figure. 


Doon pa lamang umano sa hindi pagsusuot ni Bea Alonzo sa kanilang wedding ring ni Dominic Roque ay malaking pahiwatig na umano na may nangyayaring hindi maganda sa kanilang relasyon.




Rita Daniela Umamin Na Naging Third Party

Walang komento


 Kamakailan lamang ay ginulat ng actress-singer na si Rita Daniela ang kanyang mga tagahanga nang aminin niyang minsan na rin siyang naging kabit o third party sa isang relasyon. Talagang naghiwalay umano ang mga ito kaya naman maituturing na siya talaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa naging guesting ni Rita Daniela sa Sarap Di Ba?, ibinahagi ni Rita Daniela ang kanyang nakaraan kung saan siya ang naging dahilan para maghiwalay ang kanyang nobyo at dating karelasyon nito.


Sumalang si Rita Daniela sa segment ng Sarap Di Ba? na 'Truth or Charot', dito na niya naamin ang nangyari noong 2017 kung saan siya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng isang couple na hindi na niya pinangalanan.


Ayon kay Rita Daniela, nanligaw sa kanya ang nasabing lalaki pinaniwala umano siya nito na hiwalay na sila ng dating nobya. Naging magkasintahan rin umano sila at siya pa ang naging dahilan ng totohanang paghihiwalay ng mga ito.


Gayunpaman, iginiit ni Rita Daniela na noong malaman niyang nagsinungaling ito sa kanya ay tinigil na rin niya ang pakikipagrelasyon rito. Hindi naman umano kaagad na tumigil ang lalaki sa panunuyo sa kanya, naging makulit pa umano ito kaya naman ng malaman ng unang girlfriend nito ay nakipaghiwalay rin ito sa guy.


Inilahad din ni Rita Daniela na nagsisisi siya sa nangyari at pauli-ulit siyang humihingi ng tawad sa dalawa. Sa ngayon ay nagpakasal na umano ang couple na ito.


Sakabilang banda, marami sa mga netizens ang naintriga sa pagkakakilanlan ng nasabing couple dahil nang maitanong kay Rita Daniela kung celebrity couple ba ang mga ito sinabi ng aktres na pwede.


Samantala, sinigundahan naman ni Ken Chan, na kasama rin ni Rita Daniela sa guesting, ang mga pahayag ng aktres patungkol sa pagiging third party nito noon.


Matatandaan na noong nagdaang taon ay inamin ni Rita Daniela na naghiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na ama ng kanyang anak. 


Hindi man idinetalye ni Rita Daniela ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, iginiit naman ni Rita Daniela na ginawa nila ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon subalit mas makaakbuti umano para sa kanilang dalawa ang maghiwalay na lamang.



@adventuretastemoments Rita Daniela, naging third party sa isang relationship noon?! #ATM #SarapDiBa #AdventureTasteMoments #RitaDaniela #FYP #foryoupage ♬ original sound - @adventuretastemoments

Tape Inc Nasa 800 Milyon Ang Utang? Tahanang Pinakamasaya Matsutsugi Na

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang show ng TAPE Incorporated na kamakailan lamang ay nagpalit ng pangalan mula sa Eat Bulaga pinalitan nila ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa mga naglabasang mga balita ngayon, tila hindi na umano nakakabawi ng rating ang nasabing show mula nang magpalit sila ng titulo. Ayon pa sa mga usap-usapan halos umaabot na sa isang bilyon o nasa mahigit 800 milyon na ang pagkakautang ng TAPE Incorporated na siyang producer ng Tahanang Pinakamasaya.


Gayunpaman, may mga nagsasabi na ang pagkakautang na ito ng TAPE Incorporated ay nagmula pa noong nasa kanila pa ang titulong Eat Bulaga kung saan ang mga legit dabarkads pa ang mga host nito na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang dumidepensa sa mga panibagong host ng show, wala umanong kinalaman rito ang mga panibagong hosts dahil wala pa naman umano sila roon sa mga panahong nag-uumpisa nang magkakaroon ng utang ang TAPE Inc.


Sa kabila nito, may mga naglabasan pa ring mga  ulat na umano'y malapit nang ipatigil ng TAPE Incorporated ang kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya dahil sa iba't-ibang dahilan.


May mga nagsasabing nakakaapekto na sa show ang mga natatanggap na pambabatikos ng ilan sa kanilang mga host. Marami na rin ang hindi nagagandahan panoorin ang show magmula noong nagbago na ang mga hosts, lalong-lalo na noong pinalitan na nila ng pamagat ang kanilang show.


Hindi naman makapaniwala ang mga avid supporters ng show dahil marami namang advertisers ang Tahanang Pinakamasaya kaya naman hindi umano kapani-paniwalang ititigil na ito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang TAPE Incorporated patungkol sa totoong estado ng kanilang show kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na mga haka-hakang hanggang sa December 2024 na lamang mapapanood ang kanilang show.


Bukod pa rito hinihintay rin ng kanilang mga tagahanga ang pagtugon ng TAPE Incorporated sa sinasabing 800 milyon na pagkakautang nila na nag-umpisa pa noong nasa puder pa nila ang TVJ at iba pang legit Dabarkads.



Aktres Nagsisi Na Lumipat Sa GMA Network!

Walang komento


 Ipinahayag ng isang Kapuso actress ang kanyang pagsisisi sa paglipat niya sa GMA Network dahil sa mga masasamang karanasan niya sa nasabing network.


Inilahad ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan ang kanyang labis na pagsisisi sa paglipat niya sa GMA network dahil sa samu't-saring kadahilanan. 


Sa kamakailang panayam ni Luis Manzano sa aktres para sa kanyang YouTube vlog na Luis Listens, bakas sa mukha ng Kapuso starlet na si Mariel Pamintuan ang kanyang pagsisisi sa paglipat niya ng network.


Ayon kay Mariel Pamintuan, walang umanong nangyayari sa kanyang showbiz career sa Kapuso network hindi umano niya inexpect na ganito ang mangyayari sa kanyang showbiz career dahil mataas rin naman ang kanyang pinangarap at ini-expect.


Matatandaan na nauna nang naging laman ng mga usap-usapan noon ni Mariel Pamintuan nang isiwalat niya matapos ang GMA Gala na lasang liver spread ang mga pagkaing pinili ng GMA Network.


Inilahad rin ni Mariel Pamintuan ang dahil kung bakit pansamantala siyang tumigil sa kanyang showbiz career noon, hindi umano niya nakayanan ang pressure nito. Bukod pa rito, dumagdag pa sa kanyang stress ang mga hindi magagandang karanasang sa set at sa taping.


Hinding-hindi rin umano malilimutan ni Mariel Pamintuan ang pagmumura sa kanya noon ng isang director kahit bata pa lamang siya at ang umano'y pananapaw sa kanya ng isang kasamahang batang artista.


Ayon pa kay Mariel Pamintuan bibo siya sa tuwing nasa harap ng kamera at sa tuwing may interview pero in reality ay tahimik lamang siya. Kaya naman noong maranasan niya ang pananapaw sa kanyang ng isang co-star ay pinalampas na lamang niya ito para hindi na magkaroon ng isyu.


Sa ngayon ay sikat na umano ang artistang nanapaw sa kanya noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kinakausap. 


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matagal na sa industriya ng showbiz si Mariel Pamintuan dahil nag-umpisa siya bilang child star. 


Bilang matagal na sa industriya at hindi pa rin nabibigyan ng isang big break, aminado si Mariel Pamintuan na minsan ay nararanasan rin niya ang panghinaan ng loob at isiping tumigil na lamang sa pag-arte.




Jericho Rosales Nauna Pa Nagreact Sa Life Update Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Muling naging laman ng mga bulong-bulungan online ang totoong relasyon nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo ng mapansin ng mga netizens na ang aktor ang kauna-unahang nag-react sa kamakailang social media post ng aktres.


Nitong February 17, 2024 ng gabi, nagbahagi ang Kapamilya actress at Box-Office Queen ng mga larawan na nagpapakita ng ilang mga kaganapan sa kanyang buhay nitong mga nakaraang araw.


Ilan sa mga photos ay naroon ang kanyang mga fans at ilang mga mahal sa buhay kabilang na ang kanyang larawan sa airport.


Sa kanyang caption, ipinahayag ni Kathryn Bernardo ang highlight patungkol sa kanyang araw.


"Let’s start with day 1, shall we? 


Pic 1: First time to travel alone!


Pic 2: Look who picked me up from the airport. I missed you, dsnts!! 


Pic 3: Where most of the catching-up happened 


Pic 4: Worked out the next day (as promised @lulumromero)


Pic 5: Bought some “healthy”

snacks from the grocery (who are we?!)


Pic 6: No electricity for almost an entire day.. that was so random.


Pic 7: Saw some kangaroos within the neighborhood


Pic 8: Finally met the beautiful people they consider family here!


Pic 9: Had a sumptuous Japanese meal prepared by Tito Alex


Pic 10: He gave each one of us a rose for valentine’s day"


Sa kabilang banda, napataas naman ang kilay ng ilang mga netizens ng mapansin nila na naunahan pa ng actor-producer na si Jericho Rosales ang mga best friends ni Kathryn Bernardo sa pag-iwan ng mensahe para sa aktres.


Matatandaan na nauna nang naging laman ng mga usap-usapan sa social media sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo nang ilang beses silang mamataang magkasama. Marami ang naghinala na baka mayroon nang namamagitang higit pa sa pagkakaibigan sa kanilang dalawa.


Ayon naman sa ilang mga netizens, wala namang problema kung sakaling magkakaroon ng romantic relationship ang dalawa dahil pareho naman itong mga singles. Kinumpirma na rin ang kasi ng ninong sa kasal nina Jericho Rosales at Kim Jones na matagal nang hiwalay ang dalawa.


Samantala, kaagad namang nilinaw ni Kathryn Bernardo na kaibigan lamang sila ni Jericho Rosales at friendly bonding lamang ang kanilang ginagawa.



Kris Aquino Nakakaawa! Inamin Na Huling Birthday Na Niya Ngayong Taon Mga Huling Habilin Nya

Walang komento

Biyernes, Pebrero 16, 2024


 Isang nakakaantig pusong mensahe ang ibinigay ni Kris Aquino sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh sa kanyang 53rd birthday noong February 14, 2024.


Sa isang panayam na inilabas  sa “Fast Talk with Boy Abunda,” isiniwalat ni Kris  Aquino ang posibilidad na ang kanyang kaarawan ngayon ay maaaring huli na niya dahil sa lumalalang kondisyon.


“Yes, because of Churg Strauss, I now have cardiomyopathy. This means my heart muscles are having trouble pumping blood due to inflammation, and because of that inflammation, it’s exhausting my heart and causing it to begin to fail and ultimately,” pag-amin ni Kris Aquino.


Ayon pa kay Kris Aquino sakaling ito na ang magiging huling kaarawan niya, nais lamang niyang pasalamatan ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby dahil siya ang napiling maging ina ng mga ito. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kapatid para sa love & generosity. 


Bagama't alam umano ni Kris Aquino na matagal na siyang humihiling panalangin, nais niyang kapalan ang kanyang pagmumukha dahil ayaw pa niyang iwan ang kanyang dalawang anak na alam niyang labis na nangangailangan sa kanya.


Hiniling rin ni Kris Aquino na patuloy siyang ipagdasal dahil alam umano niyang didinggin ng panginoon ang panalangin mula sa maraming mga tao. Kaya naman kahit nahihirapan na ay pilit pa rin siyang lumalaban.


Matatandaan na kabilang sa inamin ni Kris Aquino sa kanyang live interview with Boy Abunda na maari na umano siyang mawala anumang oras dahil labis nang lumalala ang kanyang kondisyon.


Inamin pa ni Kris Aquino, na labis na umano siyang nahihirapan dahil kailangan na niyang mag-ingat kahit sa pagbabanyo dahil labis na lumalakas ang pintig ng kanyang puso.



@dzrhnews Kris Aquino, may mensahe sa mga anak sakali mang ito na raw ang kanyang ‘last birthday’; inamin na magiging ‘crucial’ ang susunod na 6 na buwan para sa kanyang kalusugan #DZRHNationwide #EntertainmentNewsPH ♬ original sound - DZRH News

Jake Ejercito, Balak Nang Ligawan Si Kim Chiu

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga  social media platforms ang balitang isa ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito sa mga nagbabalak na ligawan ang actress TV host na si Kim Chiu.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses na ring nagkasama sa iisang proyekto sina Jake Ejercito at Kim Chiu kaya naman hindi nakakagulat kung may pagtingin na ito kay Kim Chiu noon pa man.


Wala na rin naman umanong magiging problema kung sakali mangligaw man si Jake Ejercito kay Kim Chiu dahil pareho namang single ang mga ito. Ang tanging tanong na lamang ngayon ay kung handa na bang magmahal muli ang Chinita Princess matapos ang failed relationship nila ni Xian Lim na naging nobyo niya sa loob ng mahabang panahon.


Samantala, marami naman ang naghinala na bagama't hindi sinasara ni Kim Chiu ang kanyang puso na magmahal muli makikita naman umano na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ito sa nangyaring paghihiwalay nila ni Xian Lim.


Hindi man umano ito sabihin ni Kim Chiu mahahalata naman umano ito sa mga mata ng aktres na puno parin ng lungkot hanggang ngayon. Tila napatunayan pa ito nang maging emosyunal si Kim Chiu sa kanyang naging pahayag patungkol sa moving on.


Hanggang ngayon ay tiula hindi pa in malilimutan ni Kim Chiu ang nangyari sa kanila ni Xian Lim. Matatandaan na marami ang nagulat nang aminin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang hiwalayan.


Inakala kasi ng lahat noon na fake news lamang ang lahat dahil naniniwala silang mauuwi rin sa kasalan ang pagmamahalan ng dalawa.




Ang Bilis Pinalitan Si Kim Chiu! Kilalanin Ang New Girlfriend Ni Xian Lim

Walang komento


 Matapos ang ilang buwan magmula ng inamin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay, tila unti-unti na umanong nabubunyag ang totoong dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon na tumagal rin ng mahigit isang dekada.


Noon pa mang hindi pa inaamin nina Xian Lim at Kim Chiu ang kanilang hiwalayan, may mga naglabasang ng isyu kung saan iniuugnay sina Xian Lim at isang writer na kalaunan ay kinilalang si Iris Lee.


May mga larawan pang kumalat noon kung saan magkasama ang dalawa subalit hindi ito binigyan ng pansin noon ng mga netizens dahil hindi naman ito kinakitaan ng posibilidad.


Subalit, kamailan lamang ay muling naging laman ng mga usap-usapan ang dalawa ng magbahagi ng isang larawan ang isang riding school kung saan makikitang nakaakbay pa si Xian Lim kay Iris Lee. Bukod pa rito, makikitang hinawakan ni Iris Lee ang kamay ni Xian Lim na tila ba ay komportable na sila sa isa't-isa.


Ayon sa ilang mga usap-usapan na nag-aaral na umanong mag-motor si Iris Lee upang masundan niya ang hilig ni Xian Lim at makasama rito joy rides nito.


May mga kumakalat ring larawan kung saan makikitang kasama sa bonding ng mga kaibigan ni Iris Lee si Xian Lim.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, may mga napapatanong kung bakit ipinagpalit ni Xian Lim si Kim Chiu kay Iris Lee na kung titingnan naman umano ay napakalaki ng inilamang ni Kim Chiu.


May mga nasisiyahan naman dahil sa wakas ay nakawala umano si Kim Chiu kay Xian Lim,  habang hindi pa sila kasal dahil cheater rin pala ito. 


Ayon naman sa ilang mga netizens na kaya pala walang balak na pakasalan ni Xian Lim si Kim Chiu dahil may namumuo na pala itong relasyon kasama si Iris Lee.



Kabaong Ni Dingdong Dantes, Naibenta Ng Ganitong Halaga!

Walang komento


 Ikinagulat ng multi-millionaire business man na si Boss Toyo ang panibagong item na dinala sa kanyang shop. 


Alam naman ng maraming mga netizens na bumibili ng mga memorabilia ng mga sikat na artista si Boss Toyo sa pamamagitan ng kanyang vlog at business na Pinoy Pawnstar. Binibili ni Boss Toyo ang ilang mga items mula sa mga kilalang personalidad sa malaking halaga .


Samantala, ikinagulat ng maraming mga netizens ang panibagong episode ng Pinoy Pawnstar kung saan may isang pambihirang gamit na naman na dinala sa kanya upang ibenta. Hindi makapaniwala si Boss Toyo na isang kabaong ang dinala sa kanya na sinasabing ginamit ni Dingdong Dantes sa pelikulang Rewind.


Sa kasalukuyan ay hawak ngayon ng pelikulang Rewind na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang record ng highest grossing film in the Philippines, napataob nito ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na matagal ring may hawak sa nasabing titulo.


Bukod pa rito, ito rin umano ang kauna-unahang kabaong na hinigaan mismo ni Dingdong Dantes. Personal na dinala ang nasabing kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa kanyang pelikula ng may-ari ng St. Atanastious Memorial Chapel.


Ipinagmalaki pa nito na imported at gawa sa metal ang nasabing kabaong. Bagama't ikinagulat ito ni Boss Toyo, tinanong naman kaagad niya kung magkano ibinebenta ang nasabing item.


Inilahad naman ng may-ari na ibinibenta niya ito sa halagang isang milyong peso, kaagad naman itong tinawaran ni Boss Toyo ng 200,000 pesos. Nagbigay naman ng maraming dahilan si Boss Toyo kung bakit hindi niya maibigay ang halagang hinihingi ng may-ari sa kanya kapalit ng kabaong.


Pinag-iisipan pa rin umano ni Boss Toyo kung saan niya ilalagay ang nasabing item sa loob ng kanyang museum lalo pa't kumakain umano ito ng malaking space. Naitanong rin ni Boss Toyo kung may pirma ba sa kabaong si Dingdong Dantes bilang patunay na ginamit nga niya ito.


Hindi na umano napapirmahan pa ng may-ari kay Dingdong Dantes ang kabaong dahil napakagulo umano sa set ng mga oras ngayon. Subalit, may mga ipinakita namang video na siyang nagpapatunay na totoong humiga roon si Dingdong Dantes.


Sa huli, napagkasunduan nila ang presyo sa 250 thousand pesos.



Karla Estrada Pinanindigan Ang Pangako Sa Kabila Ng Nangyari Sa Abs-Cbn

Walang komento


 Ipinahayag ng celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang speech sa naganap na contract signing ng kanyang anak na si Daniel Padilla sa Star Magic, kung gaano siya ka-loyal sa ABS-CBN.


Naging emosyunal si Karla Estrada sa kanyang naging speech noong February 12, 2024 kung saan una niyang binati ang kanyang anak sa muling pagrenew nito ng kontrata sa ABS-CBN. Kasunod nito ay inalala ni Karla Estrada ang kanilang pangako noon na kailanman ay hindi nila iiwan ang ABS-CBN.


Ipinahayag din niya kung gaano siya kasaya sa muling pagpirma ni Daniel Padilla ng kontrata at ang pagtupad umano nito sa kanilang ipinagako noon na hindi nila iiwan ang ABS-CBN anuman ang pagdaanan nito.


Ipinahayag din niya na buong angkan nila ang sumusuporta kay Daniel Padilla sa showbiz career nito at humihiling nasa mapagtagumpayan nito ang lahat ng mga hamon sa buhay.


Ikinataas naman ito ng kilay ng mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sinuportahan noon ni Karla Estrada sa nagdaang eleksyon ang partido ng mga pulitiko na hindi pumirma na mabigyan ng panibagong franchise ang ABS-CBN.


Ayon sa ilang mga netizens na talagang mga play safe sina Daniel Padilla at Karla Estrada dahil sumuporta ang mga ito sa magkaibang partido para kung sino man ang mananalo sa pagitan ng mga ito ay hindi pa rin sila magkakaroon ng problema.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring nakakatanggap ng mga pambabatikos si Daniel Padilla dahil pa rin sa naging hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo. Marami ang tumatawag kay Daniel Padilla bilang ingrato dahil sa kanyang pagpapanggap bilang conservative at gentleman gayung hindi naman umano ito totoo.


Sa ngayon ay pinapalampas lamang lahat ni Daniel Padilla ang mga ibinabatong isyu sa kanya at sa paninisi ng ilang mga KathNiel fans sa nangyaring hiwalayan nila Kathryn Bernardo.


@egoi_showbizinsights #danielpadilla #foreverkapamilyadaniel #kapamilyaforever #kapamilya #contractsigning #karlaestrada #showbizinsights ♬ original sound - ShowbizInsights

Nakakaiyak Na Wedding Vows Nina Heart Evangelista at Chiz Escudero

Walang komento


 Muling pinatunayan ng mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa publiko na matatag ang kanilang pagsasama sa loob ng maraming taon nila bilang mag-asawa.


Nitong huwebes February 15, 2024 naganap ang renewal of vows sa pagitan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa Balesin Island kung saan sila nagpakasal noon sa parehong lugar at sa kaparehong petsa.


Kasabay ng wedding, inilabas rin ng Harpers Bazaar SG fashion magazine ang kanilang panibagong edition kung saan itinampok nila si Heart Evangelista at ang naganap na intimate renewal of vow nito.


Ibinahagi pa ng fashion magazine ang maikling behind the scenes ng naganap na photoshoot para sa fabulous beach wedding gown ni Heart Evangelista na gawa ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab.


Naging mas espesyal ang renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa pagkakataong ito dahil sinamahan ni Cecile Ongpauco ang anak sa paglalakad sa aisle.


Malaki ang epekto nito dahil matatandaang hindi pumunta noon sa kasal nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ang mga magulang ni Heart Evangelista dahil tumututol sila sa relasyon ng mga ito.


Subalit, sa tagal ng pagsasama nina Heart Evangelista at Chiz Escudero tila napatunayan na rin ng actress na masaya siya sa piling ni Chiz Escudero at totoong nagmamahalan silang dalawa.


Ilang beses ring naging emosyunal si Heart Evangelista sa kabuuan ng ceremony lalo na noong nagpalitan na sila ng wedding vows ni Sen. Chiz Escudero.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang ilan sa mga pinagdaanang pagsubok ng couple mula pa noong magkasintahan pa lamang ang mga ito. Una na rito ang pagtutol ng mga magulang ni Heart Evangelista sa kanilang relasyon.


May mga naglabasan ring isyu noon na ginawa lamang na panakip butas ni Heart Evangelista si Chiz Escudero sa kanyang failed relationhip. May mga nagsasabi ring tila nagrebelde umano si Heart Evangelista sa kanyang mga magulang kaya pinakasalan niya si Chiz Escudero na hayagang tinutulan ng kanyang mga magulang.


Hindi rin nakalagpas sa mga netizens ang matinding pagsubok na pinagdaanan ng dalawa noong 2022 kung saan napapabalita pa sa maraming mga pahayagan ang kanilang paghihiwalay.


Subalit, pinatunayan ng dalawa ang kasabihang love conquers all dahil sa pagiging masaya nila ngayon matapos ang lahat ng mga pagsubok na tila lalong nagpapalakas sa kanila.




Sa Wakas! Nanay Ni Heart Hindi Na Masama Ang Loob Kay Chiz! Dumalo Na Sa Renewal of Vows!

Walang komento


 Naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang nakakakilig na renewal og vows ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nitong hwebes February 15, 2024 sa Balesin Island.


Labis na lumutang ang ganda ni Heart Evangelista habang naglalakad sa aisle bakas sa mukha ang kasiyahan.


Tuwang-tuwa naman ang kanilang mga tagahanga sa matatag na pagsasama nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa kabila ng mga pinagdaanang marital issues sa loob ng siyam na taon nilang pagsasama.


Sa naganap na renewal of vows nina Heart Evangelista at Chiz Escudero ay nakadalo na rin ang ina ng fashion icon na si Cecile Ongpauco. Subalit, sa kasamaang palad ay hindi naman nakadalo ang ama nito na si Rey Ongpauco dahil kasalukuyan itong nagpapagamot sa United States.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga loyal fans nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang natutuwa dahil sa wakas ay nakadalo na rin ang ina nitong si Cecile dahil hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang nagdaang isyu sa pagitan nila noong nagpakasal si Heart Evangelista kay Chiz Escudero.


Matatandaan na parehong hindi dumalo sa kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ang parehong mga magulang ng aktres. Lalo pa itong naging kontrobersyal nang isapubliko ng mga ito ang kanilang pagtutol sa relasyon nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.


Sa isang opisyal na pahayag noon ng ina ni Heart Evangelista tinawag pa niya noon si Chiz Escudero na isang arogante, alcoholic at bastos na tao. Noong 2015, tanging liham lamang ang natanggap ni Heart Evangelista mula kanyang ama sa mismong araw ng kasal nito.


Subalit, ngayon ay tila naging maayos naman ang kanilang relasyon ngayon at inamin na ng ama ni Heart Evangelista na nanghinayang siya na hindi siya dumalo sa kasal ng kanyang anak at sana ay noon pa sila nagkaayos.


Ang labis pa na ikinatuwa ng mga fans ni Heart Evangelista dahil mismong ang ina na nitong si Cecile ang naghatid sa kanya sa altar. Makikita pa sa video ang pagiging emosyunal nito habang yakap-yakap si Heart Evangelista.


Matatandaan na hinangaan rin ng mga netizens ang ginawang pagsuporta noon ni Cecile sa mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nang magkaroon sila ng isyu noong 2022. Napapabalita kasi noon ang paghihiwalay nina Chiz Escudero at Heart Evangelista.


@celebrity_clips8 #fyp #fypシ #foryoupage #foryoupageofficiall ♬ original sound - D
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo