Daniel Padilla Live Ipinakilala Na Ang Bagong Babae Sa Buhay Niya Ang Bilis Pinalitan Si Kath

Lunes, Pebrero 19, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news sites matapos ipakilala ang panibagong babae sa kanyang buhay.


Kaagad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang babaeng kasa-kasama ngayon ni Daniel Padilla matapos ang ilang buwan ng paghihiwalay nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang komento ng mga netizens, tila may pagkakahawig umano ang babaeng ito kay Kathryn Bernardo. May mga naghinala naman na nililigawan ito ngayon ng aktor dahil makikita ang pagiging sweet ni Daniel Padilla sa babae.


Kinilala naman ng ilang mga netizen ang babae bilang isang social media influencer.


Samantala, may mga naghinala naman na baka ang babaeng ito talaga ang totoong third party at dahilan ng hiwalayan noon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Itinago lamang umano ito noon upang hindi madamay ang babae sa galit ng kanilang mga tagahanga.


May mga nagsasabi pa na talagang pinapatunayan lamang ni Daniel Padilla na matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo dahil kaagad siyang nagdadala ngayon ng babae sa event.


May mga nagsasabi pa na kaya pala tahimik si Daniel Padilla at Karla Estrada sa kabila ng labis ng pambabatikos kay Daniel mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo dahil totoo palang may kasalanan ang aktor, kung saan matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, lalo namang nagngingitngit ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa pagpapakita at pagpapakilala ngayon ni Daniel Padilla sa kanyang bagong babae matapos ang ilang beses niyang pagtangkang suyuin si Kathryn.


May mga naghinala pa na baka ginagawa lamang ito ni Daniel Padilla na isang panakip butas upang masabi ng mga netizens na nakakamove on na siya kay Kathryn Bernardo at masaya na rin sa kanyang buhay.


Matatandaan na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na masaya at kontento na ngayon si Kathryn Bernardo sa kanyang buhay ngayong nakalaya na siya sa relasyon nila ni Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo