Rita Daniela Umamin Na Naging Third Party

Lunes, Pebrero 19, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay ginulat ng actress-singer na si Rita Daniela ang kanyang mga tagahanga nang aminin niyang minsan na rin siyang naging kabit o third party sa isang relasyon. Talagang naghiwalay umano ang mga ito kaya naman maituturing na siya talaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa naging guesting ni Rita Daniela sa Sarap Di Ba?, ibinahagi ni Rita Daniela ang kanyang nakaraan kung saan siya ang naging dahilan para maghiwalay ang kanyang nobyo at dating karelasyon nito.


Sumalang si Rita Daniela sa segment ng Sarap Di Ba? na 'Truth or Charot', dito na niya naamin ang nangyari noong 2017 kung saan siya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng isang couple na hindi na niya pinangalanan.


Ayon kay Rita Daniela, nanligaw sa kanya ang nasabing lalaki pinaniwala umano siya nito na hiwalay na sila ng dating nobya. Naging magkasintahan rin umano sila at siya pa ang naging dahilan ng totohanang paghihiwalay ng mga ito.


Gayunpaman, iginiit ni Rita Daniela na noong malaman niyang nagsinungaling ito sa kanya ay tinigil na rin niya ang pakikipagrelasyon rito. Hindi naman umano kaagad na tumigil ang lalaki sa panunuyo sa kanya, naging makulit pa umano ito kaya naman ng malaman ng unang girlfriend nito ay nakipaghiwalay rin ito sa guy.


Inilahad din ni Rita Daniela na nagsisisi siya sa nangyari at pauli-ulit siyang humihingi ng tawad sa dalawa. Sa ngayon ay nagpakasal na umano ang couple na ito.


Sakabilang banda, marami sa mga netizens ang naintriga sa pagkakakilanlan ng nasabing couple dahil nang maitanong kay Rita Daniela kung celebrity couple ba ang mga ito sinabi ng aktres na pwede.


Samantala, sinigundahan naman ni Ken Chan, na kasama rin ni Rita Daniela sa guesting, ang mga pahayag ng aktres patungkol sa pagiging third party nito noon.


Matatandaan na noong nagdaang taon ay inamin ni Rita Daniela na naghiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na ama ng kanyang anak. 


Hindi man idinetalye ni Rita Daniela ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, iginiit naman ni Rita Daniela na ginawa nila ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon subalit mas makaakbuti umano para sa kanilang dalawa ang maghiwalay na lamang.



@adventuretastemoments Rita Daniela, naging third party sa isang relationship noon?! #ATM #SarapDiBa #AdventureTasteMoments #RitaDaniela #FYP #foryoupage ♬ original sound - @adventuretastemoments

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo