Vice Ganda Nagparinig Kay Daniel Padilla Sa Kanyang Pagbabalik Sa It'S Showtime

Walang komento

Lunes, Disyembre 4, 2023


 Naging malaman ang hirit ni Vice Ganda sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime, hinala ng maraming mga netizens na patama ito ni Vice kay Daniel Padilla na kamakailan lamang umamin na hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.


Sa isang segment ng kamakailang episode ng It's Showtime, napansin ni Vice Ganda ang pagpapalit-palit ng box ng kanilang contestant.


Pinuna ito ni Vice Ganda na naging malaman para sa mga netizens dahil tila swak ang naging pahayag ni Vice Ganda sa isyung kinakaharap ngayon ng KathNiel.


Kilala naman kasi ang komedyante sa kanyang mga double meaning na biro na palaging may mga pinapatamaan.


Patanong na pahayag ni Vice Ganda sa kontestant kung bakit nito pinagpalit gayung babalikan lang rin naman, pinagpalit pero magsisisisi sa huli.


Kaagad namang naghiyawan ang mga madlang pipol sa loob ng studio ng It's Showtime dahil na gets nila kung para kanino talaga ang hirit na ito ni Vice Ganda.


Maayos naman ang relasyon ni Vice Ganda sa KathNiel sa katunayan ay imbitado rin ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa naging birthday party noon ni Ion Perez.


Sa kabilang banda, hinala ngayon ng ilang mga netizens na hindi nag-work ang panunuyo ni Daniel Padill kay Kathryn Bernardo dahil tuluyan na nilang inamin ang kanilang hiwalayan sa publiko.


Matatandaan na kumalat noon ang isang conversation kung saan sinabi ni Daniel Padilla na siya na ang bahala at huwag nang mangamba ang fans nila ni Kathryn Bernardo.



Vice Ganda Muling Binuking Ang Estado Ng Relasyon Nina Kim Chiu at Xian Lim

Walang komento


 Naging sunod-sunod ang hirit ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime kung saan tila binuking niya ang kasalukuyang estado ng relasyon nina Kim Chiu at nobyo nitong si Xian Lim.


Pinuna ni Vice Ganda ang napapansin niyang pananahimik lately ni Kim Chiu. Hayagan nang tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang dahilan ng pananahimik umano nito lately na tila ikinababahala na niya.


Tila na-miss na umano ni Vice Ganda ang dating ingay ni Kim Chiu. Ikinagulat naman ni Kim Chiu ang hayagang pagtanong sa kanya ni Vice Ganda na tiyak pagmumulan na naman ng isyu.


Buti na lamang at sinalo ni Vhong Navarro si Kim Chiu na tila hindi makapagsalita sa mga hirit ni Vice Ganda.


Ayon kay Vhong Navarro, baka napagod lng si Kim Chiu dahil galing pa itong taping. Kaagad naman itong sinang-ayunan ni Kim Chiu.


Kalaunan ay binawi naman ni Vice Ganda ang kanyang naging hirit kay Kim Chiu lalo na sa sinabi niyang inom na inom na ito ngayon, nang mapansin niyang nakaramdam na ng pagka-awkward si Kim Chiu.


Sa ngayon ay nirerespeto ng mga KimXi fans ang hindi pa pag-amin nina Kim Chiu at Xian Lim sa kasalukuyang estado ng kanilang relasyon.


Matatandaan na nagviral noon ang pag-attempt ng ABS-CBN reporter na kapanayamin si Kim Chiu kung saan tinanong nito ang patungkol kay Xian Lim. Makikitang tumanggi noon si Kim Chiu at sinabing ayaw na muna niyang magbigay ng anumang pahayag.




Alora Sasam May Rebelasyon Sa Kathniel, Ganito Ang Kathniel Offcam

Walang komento


 Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa naganap na hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, binalikan ngayon ng ilang mga netizens ang dating video ng kaibigan nila na si Alora Sasam kung paano tratuhin ni Daniel ang kanyang nobya sa mga behind the scenes.


Makikita ngayon sa mga kumakalat na video ang naging pahayag ni Alora Sasam patungkol sa kung ano ang kanyang napapansin sa tuwing naglalambingan noon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Ayon kay Alora Sasam, napakalambing umano sa isa't-isa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kahit walang kamera na nakatutok sa kanilang dalawa.


Inakala rin umano niya na si Kathryn lamang ang nagbi-baby talk sa tuwing nilalambing nito si Daniel Padilla subalit nasaksihan umano niya na maging si Daniel ay napapa-baby talk na rin kapag kasama niya si Kathryn Bernardo.


Nagulat umano siya nang mawitness niya ito dahil sa image ni Daniel na brusko at very manly ay nag-bi baby talk pa pala ito kay Kathryn.


Samantala, dahil sa videong ito lalong nanghinayang ang mga KathNiel fans dahil hindi na umano ngayon mauulit pa ang mga sweet moments ng dalawa at hanggang alaala na lamang ang mga ito.


May ilan naman na umaasang magkakabalikan pa ang dalawa at naniniwalang nagpapahinga lang muna ngayon si Kath at balang araw ay babalikan rin niya si DJ.


Sa ngayon, mas hiningi ng mga fans na sana ay maging maayos na ang pakiramdam ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mas nasaktan sa nangyaring hiwalayan.




Ricci Nilabas Ang Baho Ni Andrea, Lihim Na Pagkikita Nila Ni Dj Higit 10 Beses

Walang komento


 Pinatunayan ngayon sa nangyaring isyu sa pagitan ng KathNiel kung saan nadawit ang pangalan ng aktres na si Andrea Brillantes, ang kasabihang kahit anong tago ng isang tao sa kanyang mga baho ay mangangamoy at mangangamoy pa rin ito.


Tila bumaliktad na rin umano ngayon ang mundo at pinatunayan na ng basketball player na si Ricci Rivero ang kanyang tweet noon kung saan ipinagdiinan niya na 'time is the ultimate story teller.'


Sa ngayon si Andrea Brillantes naman ang nalalagay sa hotseat at binabatikos ng mga netizens lalong lalo na ng mga fans ng KathNiel dahil sa pagkakasangkot niya sa hiwalayan ng phenominal loveteam na KathNiel.


Matatandaan na pinutakte noon ng pambabatikos si Ricci Rivero matapos ang hiwalayan nila ni Andrea Brillantes dahil sa pagiging cheater umano niya at kinawawa lamang si Andrea Brillantes.


Samantala ibinulgar na ng isang nagpakilalang source na dating malapit sa buhay nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes, ang kanyang mga nalalaman hinggil sa pagkakasangkot ni Andrea Brillantes sa naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Ibinulgar ng nasabing source ang totoong namagitan kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla na matagal nang tinatago ng dalawa. Isiniwalat din niya ang totoong ugali ni Andrea Brillantes na palipat-lipat umano ng mga lalaki at tila hindi napapakali sa iisang lalaki lamang.


Marami ang nagsasabing tila na karma na umano ngayon ang aktres na si Andrea Brillantes dahil kung noon ay siya ang kinakampihan ng mga netizens ngayon siya naman ang pinag-iinitan at kinukuyog.


Bumubwelta na rin ngayon ang mga fans nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista kung saan ipinamukha nila sa aktres ang sakit ng hagupit ng kapalaran dahil siya naman ngayon ang nalalagay sa sitwasyon ng dalawa dahil sa pagkakasangkot sa hiwalayan ng KathNiel.


Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin matanggap ng mga KathNiel fans ang hiwalayan ng kanilang mga idolo dahil sa tinuturong third party na walang iba kundi si Andrea Brillantes.


Mas marami ang naiinis ngayon kay Andrea Brillantes dahil sa panlalandi umano niya kay Daniel Padilla gayung alam naman nito na may girlfriend na ang aktor.


Bukod pa rito, isiniwalat din ng nasabing source na hindi bababa sa sampung beses na palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla noong karelasyon pa ni Andrea si Ricci Rivero.


May mga naglabasan ring isyu na umano'y nagsimulang magkita nang palihim sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla noong si Seth Fedelin pa ang nobyo ng aktres.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng opisyal na pahayag ang aktres na si Andrea Brillantes hinggil sa pambabatikos na kinakaharap niya ngayon. Patuloy pa rin siyang nanahimik ngayon maging ang kanyang mga kaibigan ay hindi rin nagbibigay ng pahayag.


Gayundin ang aktor na si Daniel Padilla, hindi rin nito nilinis ang pangalan ni Andrea Brillantes na sa simula pa lamang ng isyung hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo ay nadadawit na ang pangalan.


Matatandaan, na lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na may kinalaman talaga si Andrea Brillantes sa hiwalayan ng KathNiel dahil inunfollow siya ni Kathryn Bernardo.


Makalipas ang ilang araw ay in-unfollow naman niya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Gladys Reyes, Gustong Samp4lin Si Kathryn Bernardo

Walang komento




 Ipinahayag ng beteranang aktres na si Gladys Reyes na gusto niyang sampal-sampalin ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo.


Nagpahayag ng malaking pasasalamat ang aktres na si Gladys Reyes sa lahat mga kanyang mga netizens at manonood na tinitingala at iniidolo siya sa larangan ng showbiz lalo na sa pagganap niya bilang kuntra-bida sa mga pelikula at teleserye.


Kamakailan lamang ipinahayag ni Gladys Reyes sa isang panayam ang kanyang pasasalamat dahil maraming mga baguhang artista na nagnananais na makatrabaho siya. 


Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan dahil nakatawid siya sa mga batang artista sa panibagong henerasyon ngayon na mas marami pa rin ang tumitingala sa kanya at nagbibigay ng respeto sa kanyang galing.


Samantala, sinabi ni Gladys Reyes na kung siya naman ang tatanungin kung sino sa mga aktres ngayon ang nais niyang makatrabaho sa pelikula at teleserye, ito ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Gusto umano niya itong alilahin at pagsampal-sampalin sa pelikula o sa teleserye na kanilang pagtatrabaho.


Nilinaw naman ni Gladys ang dahilan kung bakit si Kathryn ang nagustuhan at napili niyang artista na aapi-apihin at aalilahin sa mga pelikula o kaya naman sa mga teleserye.


Ayon kay Gladys Reyes, makikita umano kay Kathryn Bernardo ang awra ni Judy Ann Santos na masarap kawawahin dahil makikita at mararamdaman talaga ang pagiging kawawa nito.


Pinuri at hinahangaan din ni Gladys Reyes kung paano umarte si Kathryn Bernardo at kung paano itong humugot emosyon.


Sa kabilang banda, sinigundahan naman ito ng ilang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang pahayag na ito ni Gladys Reyes dahil hindi naman maikakaila na isa nga sa mga premyadang aktres sa larangan ng pag-arte lalo na sa pagiging kontrabida.


Si Gladys Sommereux na mas kilala bilang si Gladys Reyes, ay isang Filipino actress, negosyante at komedyante. Nagsimula siya ng karera bilang isang child actress pagkatapos sumali sa Little Miss Philippines noong 1984 at sumikat pagkatapos gumanap ng "Clara," ang pangunahing kontrabida mula sa klasikong serye sa telebisyon na Mara Clara.


Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo na mas kilala bilang si Kathryn Bernardo ay isang Filipino actress at businesswoman. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pag-arte bilang isang child actress, kung saan ginagampanan niya ang mga batang bersyon ng mga pangunahing karakter sa mga serye tulad ng It Might Be You (2003), Endless Love (2010) at Magkaribal (2010).


Nagsimulang makilala ang kanyang pangalan sa industriya matapos makakuha ng mataas na rating ang kanilang remake ng klasikong Mara Clara noong 2010 na pinagbigahan niya kasama si Julia Montes. Kung saan ginampanan naman niya ang papel bilang si Mara.



Andrea Brillantes Nadulas, Umamin Na?

Walang komento


 Unbothered at walang pakialam ang young actress na si Andrea Brillantes sa mga natatanggap niyang pambabatikos ngayon mula sa mga fans ng KathNiel matapos madawit ang kanyang pangalan sa isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Mapapansin na hanggang ngayon ay naka-open pa rin sa lahat ang comment section ng kanyang Instagram account kaya naman malayang nakakapagbigay ng komento ang mga fans ni Kathryn Bernardo na nanggagalaiti ngayon kay Andrea Brillantes na naging dahilan umano ng hiwalayan ng KathNiel.


Pinuputakte ngayon ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo ang Instagram comment section ni Andrea Brillantes. May ilan pa na nagbantang ipapakalat nila ang mga nakaraang videos ni Andrea Brillantes para lalong masira ang kanyang pangalan sa industriya ng showbiz.


May ilan pa na talagang pinagbabataan na ang kaligtasan ng aktres gayung hindi pa naman kumpirmado ang isyung dawit nga siya sa hiwalayan ng KathNiel.


Samantala, makikita sa kamakailang Instagram post ni Andrea Brillantes kung saan ibinahagi niya ang isang teaser video ng vlog ni Luis Manzano kung saan siya naging guest, mababasa ang ilang mga hate comments ng mga bashers kay Andrea Brillantes.


"Hindi ka karapat-dapat na maging tao. Hindi ka karapat-dapat sa pag-ibig. Sana ay matugunan mo ang mga kahihinatnan sa lalong madaling panahon"


"Ikaw yung tipo ng babae na napakagaling magsalita pero napakalandi ng gawa.."


May mga naniniwala rin naman na hindi lamang kasalanan ni Andrea Brillantes ang pagkasira ng relasyon ng KathNiel kundi dahil din ito sa pagpatol at pag-entertain ni Daniel Padilla sa mga third party katulad na lamang ni Andrea Brillantes.


Sa kabilang banda may mga nagtatanggol naman kay Andrea Brillantes kung saan ipinahayag nilang lalabas rin ang katotohanan at malilinis din ng aktres ang kanyang pangalan. Naniniwala rin umano sila na hindi kaya ni Andrea Brillantes na manira ng relasyon dahil naranasan na rin niya ito noon.


"Pakatatag ka blythe pagsubok lang to, matatapos to Sabi nga ni God ibiGay lng natin lahat ng worries and burdens sa knya at siya na bahala basta lagi mu ipapauna ang kababaang loob blythe c God ang iyong comfort zone kaht anu mangyari d ka nia iiwan ❤️ love u blythe hnd kami hihinto na supurtahan ka pgkatapos ng 2023 magnda ang iyong 2024 basta kept praying with faith to God..God bless you more."


Hiniling din ng iba pang mga fans na sana ay magbigay na ng pahayag si Andrea Brillantes kung saan pabubulaanan niya ang mga isyung binabato sa kanya para malinis na ang kanyang pangalan at magkaroon na ng linaw ang lahat.


May mga nagsasabi rin na bukod kay Andrea Brillantes dapat ay magbigay rin ng pahayag si Daniel Padilla para magkaroon na ng linaw ang lahat at malinis na ang pangalang nadadamay, kagaya na lamang kay Andrea Brillantes kung totoong inosente ito sa isyu.


"Sis kung di ikaw please say na HINDI AKO...para matapos na issue..kasi the more nananahimik ka the more iicpin ng tao na ikaw nga....kung ang reasin mo ng pananahimik is para mas sumikat..to what extent?"


Samantala, nauna nang ipinahayag ni Andrea Brillantes sa mga panayam noon na iba-iba ang kanyang atake sa mga natatanggap niyang pambabatikos.


Minsan ay nagiging palaban umano siya subalit kadalasan ay siya naman ang napapasama sa tuwing dinidipensahan niya ang kanyang sarili dahil sinasabi naman umano ng iba na napaka-defensive niya.


May mga pagkakataon umano na nananahimik na lamang siya para hindi na lalala pa ang isyu pero kung nadadamay na umano ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay ay magsasalita na siya para maitigil na ang lahat.


Sa ngayon ay natututoo na umano si Andrea Brillantes na palampasin ang mga batikos na sasagutin niya at kung ano ang mga batikos at isyu na kailangan niyang pabayaan na lamang.


Ate Ni Kathryn Bernardo Pinaringgan Si Daniel Padilla at Andrea Brillantes

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment site ang kamakailang post ng ate ni Kathryn na si Kaye sa kanyang Facebook account.


Ibinahagi ng nakakatandang kapatid ni Kathryn Bernardo ang isang Facebook reel patungkol sa karma. Makikita sa nasabing reel ang lyrics ng kanta ni Taylor Swift na Karma.


"Karma's gonna track you down."


Kaagad naman itong umani ng mga komento mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo kung saan marami ang naghinala na patama ito ng ate ni Kathryn sa dating nobyo ng huli dahil sa panlolokong ginawa nito.


Marami ang nagpahayag ng pagsuporta kay Kathryn Bernardo sa naganap na hiwalayan nila ni Daniel Padilla lalo pa't nagsipaglabasan ngayon ang mga baho ng aktor na noon pa man ay pinagtatakpan na umano ng pamilya ng aktor at maging ng aktres na si Kathryn Bernardo mismo.


"Kathryn siya yung actress na hindi umaasa sa kasikatan ni Daniel kaya niya makipag loveteam sa ibang actors, but look Daniel umaasa sa kasikatan ng pamilya niya kasi nga Padilla palaos na din sya mas madami projects si Kath go go Kath"


May mga fans pa na sinigundahan ang pagpopost ni Kaye dahil naiintindihan umano nila na nasasaktan din ito sa sinapit at pinagdadaanan ng kanyang kapatid.


"Our Queen! We love you, Kath! I literally believe in KARMA!"


"Tama! Halerrr kaya naman sumikat si Daniel Padilla is dahil kay Kathryn Bernardo Official at nahatak nito ulit si Karla Estrada kaya nakabalik sa industriya.. ngayon malalaos ulit sila sa pinagagawa nang anak niya."


Matatandaan na nitong November 30, 2023, tuluyan nang inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang hiwalayan makalipas ang ilang linggo na napapabalitang hiwalayan ng dalawa.


Kaagad ding naglabasan ang mga haka-haka patungkol sa umano'y mga kalokohan ni Daniel Padilla habang karelasyon pa niya ang aktres na si Kathryn Bernardo.


Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay unang nagkatambal sa Kapamilya teleserye na Princess and I noong 2012. Dito na rin nanligaw ang aktor kay Kathryn Bernardo sa isang filming. Ipinahayag umano ni Daniel Padilla ang kanyang feelings kay Kathryn sa pamamagitan ng tissue paper.


Mula noon ay naging official na ang loveteam ng dalawa hanggang naging totoo na silang magkarelasyon. Umabot ng 12 years ang tambalan nilang dalawa habang 11 years naman ang kanilang romantic relationship.


Marami naman sa mga KathNiel fans ang nanghihinayang sa relasyon ng dalawa dahil sa tagal ng kanilang samahan. Gayunpaman, marami rin naman ang nagsasabi na hindi sa  tagal ng relasyon masusukat ang pagmamahal sa isa't-isa.


May mga nagsasabi rin na mas mabuti na rin na maghiwalay na lamang ngayon pa lang ang dalawa. Kung saan hindi pa sila kinakasal dahil mas mahirap na umano kung saka na sila maghihiwalay kung kasal na.


Ngayon, hindi lamang ang KathNiel ang magmo-move on kundi maging ang mga fans na labis ring nasasaktan sa naganap na hiwalayan ng dalawa na nagkapagbigay sa kanila ng kilig at pag-asang may forever sa loob ng 11 years.




Reaksyon Ni Kathryn Bernardo Sa Lasing Na Lasing Na Live Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Tila nagsisisi na ang aktor na si Daniel Padilla na pinakawalan niya ang kanyang long time girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Naging mainit na usapin sa social media ang kumakalat na live video ni Daniel Padilla kung saan tila nasa loob ito ng sasakyan at lasing na lasing.


Makikita rin sa nasabing live si Khalil Ramos na tila ba ay naaawa sa kalagayan at pinagdadaanan ngayon ni Daniel Padilla.


Habang naka-live, mapapansin na lasing na lasing si Daniel Padilla. Paulit-ulit din nitong sinasambit ang pangalan ni Kathryn Bernardo gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naghiwalay na sila.


Kaagad naman itong umani ng mga reaksyon at komento mula sa mga netizens at KathNiel fans, dahil tila nagsisisi na umano ngayon si Daniel Padilla sa kanyang mga ginawang panloloko kay Kathryn Bernardo. Ngayong huli na ang lahat at tuluyan nang napagod si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, may ilang mga fans naman na nagsasabing nakakaawa ngayon ang aktor dahil makikitang nasasaktan din ito sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo. May mga naghinala pa na nadala lamang si Daniel Padilla sa kanyang kaya naman nakipaghiwalay si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.


May mga nagsasabi naman na nadala lamang si Daniel Padilla sa panlalandi ni Andrea Brillantes.


Gayunpaman, marami rin ang naniniwalang may kasalanan din si Daniel Padilla dahil mas pinili niyang mag-cheat kaysa maging loyal at makuntento na lamang kay Kathryn Bernardo.


Ipinunto pa ng iba na hindi lamang kasalanan ni Andrea Brillantes ang lahat o ng kung sino mang babae na nakarelasyon ni Daniel Padilla may kasalanan din ang aktor dahil pumatol din siya sa mga ito at piniling lokohin si Kathryn Bernardo sa kabila ng kanilang mahabang relasyon.


Samantala, narito pa ang ilang mga komento ng mga KathNiel fans hinggil sa nasabing live video ni Daniel Padilla.


"Wag na pag-iniwan mo na isang tao ibig sabihin non may nakita kang mali sa kanya di dahilan yong masasayang araw nyo just a memories nalang yon ang importante sa future ka tumingin may nakalaan pa palang mas mabuting tao para sayo…mas ok nayan na isang bagsakan sakit pagnaghiwalay ka kaysa paulit ulit na sakit kasama yong akala mo sya lang pwede mong mahalin"


"Wag ng balikan ni kathryn si Daniel..she deserves someone better than DJ. fan din nla ako kayang masyado ng masakit ung ginawa ni DJ"


"don't be stupid kath.... you deserve someone better... if i were you but it is always your decision.. No one else can do that except you alone. It's your life."


"Not yet right now! Time and space needed.Let the future desides.Kung sila? sila!The importance is to learn their mistakes if they accept it."


"hobby na nya yun. Humihingi sya ng tawad tapos uulitin nya lang, wala syang respeto at totoong pagmamagal kay Kathryn. Kung totoong mahal mo ang isang tao dapat di mo kayang saktan ng paulit ulit!"


Sa kabila ng pagpapalabas at tila pagpapaawa ni Daniel Padilla nanatili namang tahimik si Kathryn Bernardo na tila ba wala itong pakialam sa mga pinaggagawa ngayon ni Daniel Padilla. Tila alam na alam na umano ni Kathryn Bernardo ang gawing ito ng aktor para balikan naman niya ito.



Daniel Padilla Naligwak Sa Mga Endorsement

Walang komento

Biyernes, Disyembre 1, 2023


 Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, may naglabasang haka-haka na nagpahayag na umano ng pagkadismaya ang isang CEO ng produktong iniendorso ni Daniel Padilla Padilla.


Hinala ng maraming mga netizens na may kaugnayan ito sa mga isyung nagcheat umano itong si Daniel kay Kathryn Bernardo ng ilang ulit at hindi lang sa iisang babae.


Ayon pa sa mga bulungbulungan, pinag-iisipan na umano ng nasabing CEO na tanggalin na si Daniel Padilla bilang endorser ng kanilang brand dahil nakakasira na umano ang imahe nito ngayon at baka madamay pa ang kanyang negosyo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami ngayon sa mga KathNiel fans ang naiinis at nagagalit kay Daniel Padilla dahil sa pagiging cheater umano nito.


Bukod kay Daniel Padilla, kinakaharap din ngayon ng aktres na si Andrea Brillantes ang parehong pambabatikos kay Daniel dahil siya ang itinuturo at pinaghihinalaan na ibang babae ng aktor.


Bagama't may mga naglabasang isyu kung saan dawit ang isa pang personalidad sa umano'y hiwalayan ng celebrity couple, malakas pa rin ang hinala ng ilang mga fans na kagagawan lang din ito ni Andrea Brillantes upang hindi umano masentro sa kanya ang galit ng mga netizens at KathNiel fans.


Sa ngayon ay hinihintay ng mga netizens ang pahayag nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes bago pa man mahuli ang lahat. Kung saan maaapektuhan na ang kanilang mga careers at endorsements.


Hiling din naman ng mga fans ni Andrea Brillantes na naniniwalang inosente ang aktres na sana ay magbigay ng pahayag si Daniel Padilla upang linisin ang pangalan ng kanilang idolo na nadadamay ngayon sa hiwalayan nila.


Samantala, hangga't wala umano nilalabas na resibo at pahayag si Daniel Padilla hinggil sa pagiging inosento ni Andrea Brillantes, hindi maniniwala ang mga KathNiel fans na inosente ito at walang kinalaman sa hiwalayan.




Abs Cbn Star Magic Nagsalita Na, Kathryn Bernardo Magkakaroon Ng Rebranding

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Star Magic hinggil sa naging pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay.


Sa kamakailang Instagram post ng Star Magic official page, ibinahagi nila ang mga official statements nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Samantala sa kanyang Facebook page ipinahayag nilang nirerespeto nila ang desisyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na maghiwalay.


Hiniling din nila sa lahat na patuloy pa ring suportahan ang dalawa kahit pa hindi na sila magkakasama sa iisang loveteam.


Hindi naman maikakaila na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay kabilang sa malalaking star ng Star Magic. Sinusubaybayan ng kanilang mga tagahanga hindi lang ang kanilang buhay bilang magdyowa kundi maging ang lahat ng mga proyekto ng dalawa na magkasama.


Kamakailan lamang ay tuluyan nang kinumpirma nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kani-kanilang Instagram post ang pagtatapos ng kanilang relasyon at ang tila pagtatapos na rin ng kanilang loveteam.


Sa kabilang banda, matunog rin ngayon ang isyung may susunod pang pasabog ang kampo ni Kathryn Bernardo. Hinala ng lahat na ang pagkalas ni Kathryn Bernardo sa Star Magic ang kanilang tinutukoy rito.


Bagama't hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito, marami ang naghinalang ito nga ang mangyayari dahil nauna nang kumalat ang mga larawan kung saan kasama ni Kathryn sina Maja Salvador at Rambo Nunez.


Ayon sa mga naglabasang isyu, hindi na rerenew ng kontrata itong si Kathryn Bernardo sa Star Magic at lilipat na ito ng agency na pagmamay-ari ni Maja Salvador.


Magkakaroon umano ng rebranding si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan hindi na sila magkakasama sa iisang management.



Daniel Padilla, Itinanggi Na Sila Ni Andrea Brillantes Ang Nasa Resibo Ni Xian Gaza

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang resibong isiniwalat ni Xian Gaza ng umano'y resibo ng pagpunta nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa isang condo.


Sa Facebook account ni Xian Gaza makikita niya ang dalawang nakatalikod na tao na sinasabi niyang sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Dahil din sa mga larawang ito, lalo pang nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang dalawa dahil sa pagiging manloloko at traidor ng mga ito.


Samantala, marami naman sa mga fans ng KathNiel ang nagresearch at inalam kung totoo nga bang si Daniel Padilla at Andrea Brillantes ang nasa larawan. 


Sa kanilang pananaliksik napag-alaman na hindi naman umano si Daniel Padilla ang nasa litrato kundi ang ka-look a like niyang si Kenji David ang lalaki habang nobya naman nito ang kasama nitong babae.


Kinumpirma na rin ito mismo ni Kenji David kung saan hayagan niyang inamin na sila ng kanyang nobya ang nasa larawang ito at hindi sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Sa pagkakamaling ito ni Xian Gaza, tila nag-aalinlangan na ngayon ang mga netizens na paniwalaan ang iba pang isiniwalat ni Xian Gaza sa kanyang social media live.


Inaakusahan ngayon ng marami na ginagamit lamang ni Xian Gaza ang naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para umingay muli ang kanyang pangalan bilang pambansang marites.


Sa ngayon umaasa ang mga fans ni Daniel Padilla, na maglalabas itong muli ng pahayag kung saan tutugunan nito ang mga ibinabatong alegasyon ni Xian Gaza.


Mas mabuting tugunan na ito ngayon ng aktor upang hindi tuluyan na masira ang kanyang good at loyal image at para na rin malinis ang pangalan ni Andrea Brillantes sakaling inosenti ito sa kanilang hiwalayan ni Kathryn  Bernardo.




Xian Lim Gustong Makipag-Balikan Kay Kim Chiu

Walang komento


 Sa gitna ng mainit na usapin hinggil sa kumpirmadong paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nangangamba naman ngayona ng ilang mga KimXi fans na ang susunod na aamin sa kanilang hiwalayan ay walang iba kundi sina Kim Chiu at Xian Lim na nauna na ring pinaghihinalaang naghiwalay na rin.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nananahimik ang dalawa sa mga naglalabasang mga haka-haka sa kanilang paghihiwalay, subalit marami sa mga netizens ang naghinalang totoong naghiwalay na nga ang mga ito dahil na rin sa mga nakikitang pahiwatig sa social media.


Tila nagbibigay na rin umano ng pahiwatig sina Kim Chiu at Xian Lim na totoong naghiwalay na sila dahil sa kanilang mga social media post.


Wala namang napapabalitang third party sa pagitan nina Kim Chiu at Xian Lim. Tila ang naging isyu lamang ng mga ito ay pagiging busy nilang pareho sa kani-kanilang showbiz career.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na tila hindi pa umano handa si Xian Lim na magsettle down dahil sa mga responsibilidad nito sa kanyang pamilya na tila, hindi naman ikinatuwa ni Kim Chiu.


Agad namang nagviral ngayon ang ibinahaging video ni Xian Lim kung saan makikitang may kasama siyang isang puppet. Hinala ng mga netizens na baka ay nami-miss na ngayon ng aktor ang kanyang nobya at naghahanda pa para makipag-ayos rito.


Matatandaan na unang lumabas ang balitang naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na sila nagsasama sa mga pagbabakasyon.


Hindi na rin nila pini-flex ang isa't-isa sa kani-kanilang mga social media accounts na dati naman nilang gawain.



Bukod dito, humakot na rin ng mga komento ang pag-iwas ni Kim Chiu na pag-usapan ang kanilang relasyon ni Xian Lim sa mga panayam. Minsan naman kapag nakokorner ang aktres ay hindi siya nagbibigay ng detalye at iniiba na ang usapan.


Gayunpaman, hiling ng mga KimXi fans na sana ay maayos nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang relasyon at hindi sila matulad sa KathNiel na tuluyan nang naghiwalay.



Gillian Vicencio, Ipinagtanggol Ni DJ Jhaiho Sa Gitna Sa Pagkakadawit sa Hiwalayang KathNiel

Walang komento


 Maliban sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, may panibagong pangalan na naman na nadawit sa isyu ng hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ito ay ang isa pang young actress na na si Gillian Vicencio.


Matapos ang malungkot na pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang desisyon na maghiwalay na matapos ang kanilang 11 years long relationship, nagsilabasan naman ang samu't-saring reaksyon at mga haka-haka hinggil sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


May dalawa ring personalidad na nadadawit ngayon sa tuluyang paghihiwalay ng long standing celebrity couple-loveteam, sina Andrea Brillantes at Gillian Vicencio.


Nauna nang binatikos ng mga KathNiel fans ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa pagkakaulat sa kanya na palihim na nagkikita. 


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang isang kumakalat na screenshot kung saan nadadawit at nadadamay na nga ang pangalan ni Gillian Vicencio. Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung saan at kanino nanggaling ang nasabing screenshot.


Mababasa naman sa screenshot na umano'y may nangyating night stand sa pagitan nina Daniel Padilla at Gillian Vicencio.


Samantala, binalikan naman ng ilang mga netizens ang interview noon ni Gillian Vicencio sa Marites University tatlong buwan na ang nakakalipas.


Matatandaan na noon pa man ay naiisyu na sina Daniel Padilla at Gillian Vicencio na nagkasama sa iisang project kung saan kasama rin nila si Kathryn Bernardo.


Iginiit noon ni Gillian Vicencio na wala talagang namamagitan sa kanila ni Daniel Padilla at magkakaibigan lamang umano silang apat.


Ipinahayag pa noon ng aktres na nagkakalapit silang apat nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at ilang beses na rin umano silang nagkabonding. Hindi rin umano alam ni Gillian kung ano ang pinagmulan sa isyung may something sa kanila ni Daniel Padilla.


Samantala, tila ipinagtanggol naman ni DJ Jhai Ho si Gillian Vicencio laban sa mga bumabatikos sa kanya ngayon kasunod ng pagkakadawit niya sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Sa kamakailan nitong tweet, iginiit ni DJ Jhai Ho na fake news ang kumakalat patungkol sa pagkakadawit ni Gillian sa hiwalayang KathNiel kung saan siya pa ang sinasabing dahilan ng hiwalayan.


"FAKE NEWS! Nakakatawa na ngayon naman si GILLIAN naman ang idadawit? Lahat nalang talaga?

Actually nakarating saakin to pero Kulang mga character sa another gawa gawang kwento na to!!!!

Tigilan niyo si GILLIAN! Nanahimik at walang kaalam alam dinadamay niyo!"


Sa kasunod na post ipinahayag pa ni DJ Jhaiho na kilala niya kung sino ang nagpapakalat sa isyung ito upang maitago kung sino ang totoong sumira sa relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pinapatigil na niya ang taong ito at hiniling na huwag nang idamay ang mga inosenting tao.


Sa ngayon marami ang nalulungkot at nagdadalamhati sa tuluyang pagkabuwag ng KathNiel, gayunpaman, hiling ng mga fans at nagmamahal sa dalawa na malampasan nila ito at mas maging matatag pa sa pagharap sa buhay ng magkahiwalay na ang mga landas.




Gillian Vicencio Nagsalita Na, Matapos Iturong Dahilan Sa Hiwalayang KathNiel

Walang komento


 Labis na ikinagulat at ikinalungkot ng mga KathNiel fans ang tuluyang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tinapos na nila ang kanilang romantic relationship sa loob ng 11 years.


Nitong November 30 ng gabi, ginulat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang lahat nang magbigay na sila ng pahayag at nilinaw ang estado ng kanilang relasyon ilang linggo matapos lumabas ang mga espekulasyon na naghiwalay na silang dalawa.


Sa kani-kanilang official statements na inilabas nila sa pamamagitan ng kanilang mga official Instagram account, kinumpirma nilang naghiwalay na sila ngayon ng lahat matapos ang 11 years na pagsasama sa iisang relasyon.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa kanilang mga tagahanga na sumusuporta at nagmamahal sa kanila mula pa noon nang mag-impisa ang kanilang loveteam.


Samantala, sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, lumutang naman ang iba't-ibang pangalan na nadadawit at itinuturong dahilan kung bakit nagwakas ang pagmamahalan sa pagitan ng KathNiel sa loob ng 11 years.


Unang idiniin sa hiwalayan ng dalawa ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes. Ayon sa mga naunang kumakalat na balita na umano'y madalas na nagkikita ng palihim ang dalawa.


Samantala, may panibagong pangalan na naman na lumutang ngayon ito ay walang iba kung ang aktres na si Gillian Vicencio.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isang conversation kung saan idinadawit ang pangalan ng aktres sa nangyaring hiwalayan ng KathNiel. Ayon sa mga kumakalat na balita, si Gillian Vicencio ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng KathNiel dahil sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Daniel Padilla at may nangyari pa umano sa kanilang dalawa.


Maging ang pangalan ng aktres na si Sue Ramirez ay nadawit din sa isyu dahil ito umano ang taong pinagsabihan ni Gillian sa nangyari sa kanila ni Daniel Padilla. Si Sue rin umano ang nagsumbong kay Kathryn sa mga inamin ni Gillian sa kanya at mga kalokohan nila ni Daniel.


Pinuntahan din umano ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa condo ng actor sa BGC para makipag-usap rito bago siya pupunta ng South Korea. Subalit, napansin ni Kathryn na abala sa pagso-cellphone ang aktor.


Tinangka pa umanong hiramin ni Kathryn Bernardo ni Daniel Padilla subalit tumanggi ito. Nagalit si Kathryn dahil dati naman ay ipinapahiram sa kanya ni Daniel ang cellphone nito. Dito na napaamin si Daniel Padilla na totoong nagcheat siya at lagi pa niyang ka-chat ang babae dahil dito tuluyan nang naghiwalay sina Daniel Padilla at Kathryn Padilla.



Samantala, kaagad namang naglabas ng reaksyon si Gillian Vincencio matapos madawit sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanyang pangalan. Sa kanyang Facebook stories, naglabas siya ng isang cryptic post patungkol sa inner peace.


Ayon sa kanyang post, "Do not let the behaviour of others destroy your inner peace."


Dagdag pa nito sa kanyang Facebook stories, "Sometimes you just have to take a deep breath, relax and let things go." 


Mas mabuti na rin umano na mag-focus na lamang sa mas mahahalagang bagay at kung ano ang mahalaga sa kanya kaysa pagtuunan niya ang mga isyung ibinabato sa kanya.


Samantala, marami naman sa mga netizens na hindi totoo ang isyung pagkakadawit ni Gillian Vicencio sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil makikita na naka-follow pa rin si Kathryn Bernardo sa Instagram account ni Gillian.


Marami rin sa mga netizens ang ipinagtatanggol si Gillian dahil isang desenting babae ang kanilang pagtingin sa aktres. Naghinala pa ang ilang mga netizens na baka umano pilit lamang na idinadawit ang pangalan ni Gillian Vicencio sa hiwalayan ng KathNiel upang mapagtakpan ang totoong third party sa isyu.





Dahilan Ni Kathryn Bernardo Kung Bakit Sya Bumitaw Sa Relasyon Nila Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Marami sa mga netizens lalong-lalo ang mga KathNiel fans ang nagulat at hindi makapaniwala nang hayagan nang inamin nina Katheryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay.


Sa kani-kanilang Instagram accounts nitong November 30, inilabas nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang statement kung saan inamin nilang tinuldukan na nila ang kanilang relasyon na tumagal rin ng 11 years.


Samantala, marami naman ang nakapansin na tila inisa-isa umano ni Kathryn Bernardo sa kanyang mahabang statement ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Daniel Padilla.


Ayon kay Kathryn Bernardo, sa loob ng 21 years na pagtatrabaho sa showbiz industry, 12 years sa pagiging magka-loveteam nila ni Daniel at 11 years na relasyon nila ng aktor, hindi umano siya lumaki sa industriyang ito na palagi na lamang kino-kontrol o dinidiktahan sa kanyang mga desisyon.


Iginiit rin ni Kathryn Bernardo sa kanyang pahayag na ang lahat ng mga tinatamasa at achievements niya ngayon ay pinaghirapan niya, maging ang nakukuhan niyang suporta mula sa kanyang mga tagahanga.


Sinabi rin ni Kathryn Bernardo na mula noong naging adult na siya ay hindi na niya hinahayaan na may magdikta sa kanya kung ano ang mga dapat na gawin. Siya na rin umano ang nagdedesisyon kung ano ang mga tatanggapin niyang proyekto, kung ano ang mga dapat niyang suotin at kung paano siya manamit.


Ipinaliwanag din niya na kailangan niyang mamili ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ipinagdiinan din ng Kapamilya actress na dapat siya rin ang siyang nagdedesisyon para sa kanyang sarili.lalo na pagdating sa mga personal na bagay at higit sa lahat patungkol sa kanyang buhay pag-ibig.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag noon ni Ogie Diaz na kilala niya si Daniel Padilla bilang isang conservative boyfriend lalo na sa pananamit ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Ito umano ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng problema ng dalawa.


Tila ayaw umanong payagan ni Daniel Padilla si Kathryn na gawin ang kanyang mga gusto, lalo na sa kanyang pananamit at sa kung sino ang gusto niyang makasama.


Matatandaan na ang nakakasama lamang ni Kathryn Bernardo ay iyong mga taong nakakasama nila ni Daniel Padilla sa mga dates at pagbabakasyon.


Ayon naman sa hinala ng mga netizens na napuno na si Kathryn Bernardo sa pambabawal at paghihigpit sa kanya ni Daniel Padilla gayung ito naman ang palagi niyang nahuhuli na gumagawa ng kalokohan sa likod niya.


Matapos ang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay, nagsisilabasan ngayon ang umano'y mga baho ng aktor na noon pa pinagtatakpan ni Kathryn Bernardo. Kabilang na rito ang ilang beses na pambababae ni Daniel Padilla na pinagtatakpan lamang ng pamilya nito.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo