Gillian Vicencio, Ipinagtanggol Ni DJ Jhaiho Sa Gitna Sa Pagkakadawit sa Hiwalayang KathNiel

Biyernes, Disyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Maliban sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, may panibagong pangalan na naman na nadawit sa isyu ng hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ito ay ang isa pang young actress na na si Gillian Vicencio.


Matapos ang malungkot na pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang desisyon na maghiwalay na matapos ang kanilang 11 years long relationship, nagsilabasan naman ang samu't-saring reaksyon at mga haka-haka hinggil sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


May dalawa ring personalidad na nadadawit ngayon sa tuluyang paghihiwalay ng long standing celebrity couple-loveteam, sina Andrea Brillantes at Gillian Vicencio.


Nauna nang binatikos ng mga KathNiel fans ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa pagkakaulat sa kanya na palihim na nagkikita. 


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang isang kumakalat na screenshot kung saan nadadawit at nadadamay na nga ang pangalan ni Gillian Vicencio. Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung saan at kanino nanggaling ang nasabing screenshot.


Mababasa naman sa screenshot na umano'y may nangyating night stand sa pagitan nina Daniel Padilla at Gillian Vicencio.


Samantala, binalikan naman ng ilang mga netizens ang interview noon ni Gillian Vicencio sa Marites University tatlong buwan na ang nakakalipas.


Matatandaan na noon pa man ay naiisyu na sina Daniel Padilla at Gillian Vicencio na nagkasama sa iisang project kung saan kasama rin nila si Kathryn Bernardo.


Iginiit noon ni Gillian Vicencio na wala talagang namamagitan sa kanila ni Daniel Padilla at magkakaibigan lamang umano silang apat.


Ipinahayag pa noon ng aktres na nagkakalapit silang apat nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at ilang beses na rin umano silang nagkabonding. Hindi rin umano alam ni Gillian kung ano ang pinagmulan sa isyung may something sa kanila ni Daniel Padilla.


Samantala, tila ipinagtanggol naman ni DJ Jhai Ho si Gillian Vicencio laban sa mga bumabatikos sa kanya ngayon kasunod ng pagkakadawit niya sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Sa kamakailan nitong tweet, iginiit ni DJ Jhai Ho na fake news ang kumakalat patungkol sa pagkakadawit ni Gillian sa hiwalayang KathNiel kung saan siya pa ang sinasabing dahilan ng hiwalayan.


"FAKE NEWS! Nakakatawa na ngayon naman si GILLIAN naman ang idadawit? Lahat nalang talaga?

Actually nakarating saakin to pero Kulang mga character sa another gawa gawang kwento na to!!!!

Tigilan niyo si GILLIAN! Nanahimik at walang kaalam alam dinadamay niyo!"


Sa kasunod na post ipinahayag pa ni DJ Jhaiho na kilala niya kung sino ang nagpapakalat sa isyung ito upang maitago kung sino ang totoong sumira sa relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pinapatigil na niya ang taong ito at hiniling na huwag nang idamay ang mga inosenting tao.


Sa ngayon marami ang nalulungkot at nagdadalamhati sa tuluyang pagkabuwag ng KathNiel, gayunpaman, hiling ng mga fans at nagmamahal sa dalawa na malampasan nila ito at mas maging matatag pa sa pagharap sa buhay ng magkahiwalay na ang mga landas.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo