Andrea Brillantes Nadulas, Umamin Na?

Lunes, Disyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Unbothered at walang pakialam ang young actress na si Andrea Brillantes sa mga natatanggap niyang pambabatikos ngayon mula sa mga fans ng KathNiel matapos madawit ang kanyang pangalan sa isyu ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Mapapansin na hanggang ngayon ay naka-open pa rin sa lahat ang comment section ng kanyang Instagram account kaya naman malayang nakakapagbigay ng komento ang mga fans ni Kathryn Bernardo na nanggagalaiti ngayon kay Andrea Brillantes na naging dahilan umano ng hiwalayan ng KathNiel.


Pinuputakte ngayon ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo ang Instagram comment section ni Andrea Brillantes. May ilan pa na nagbantang ipapakalat nila ang mga nakaraang videos ni Andrea Brillantes para lalong masira ang kanyang pangalan sa industriya ng showbiz.


May ilan pa na talagang pinagbabataan na ang kaligtasan ng aktres gayung hindi pa naman kumpirmado ang isyung dawit nga siya sa hiwalayan ng KathNiel.


Samantala, makikita sa kamakailang Instagram post ni Andrea Brillantes kung saan ibinahagi niya ang isang teaser video ng vlog ni Luis Manzano kung saan siya naging guest, mababasa ang ilang mga hate comments ng mga bashers kay Andrea Brillantes.


"Hindi ka karapat-dapat na maging tao. Hindi ka karapat-dapat sa pag-ibig. Sana ay matugunan mo ang mga kahihinatnan sa lalong madaling panahon"


"Ikaw yung tipo ng babae na napakagaling magsalita pero napakalandi ng gawa.."


May mga naniniwala rin naman na hindi lamang kasalanan ni Andrea Brillantes ang pagkasira ng relasyon ng KathNiel kundi dahil din ito sa pagpatol at pag-entertain ni Daniel Padilla sa mga third party katulad na lamang ni Andrea Brillantes.


Sa kabilang banda may mga nagtatanggol naman kay Andrea Brillantes kung saan ipinahayag nilang lalabas rin ang katotohanan at malilinis din ng aktres ang kanyang pangalan. Naniniwala rin umano sila na hindi kaya ni Andrea Brillantes na manira ng relasyon dahil naranasan na rin niya ito noon.


"Pakatatag ka blythe pagsubok lang to, matatapos to Sabi nga ni God ibiGay lng natin lahat ng worries and burdens sa knya at siya na bahala basta lagi mu ipapauna ang kababaang loob blythe c God ang iyong comfort zone kaht anu mangyari d ka nia iiwan ❤️ love u blythe hnd kami hihinto na supurtahan ka pgkatapos ng 2023 magnda ang iyong 2024 basta kept praying with faith to God..God bless you more."


Hiniling din ng iba pang mga fans na sana ay magbigay na ng pahayag si Andrea Brillantes kung saan pabubulaanan niya ang mga isyung binabato sa kanya para malinis na ang kanyang pangalan at magkaroon na ng linaw ang lahat.


May mga nagsasabi rin na bukod kay Andrea Brillantes dapat ay magbigay rin ng pahayag si Daniel Padilla para magkaroon na ng linaw ang lahat at malinis na ang pangalang nadadamay, kagaya na lamang kay Andrea Brillantes kung totoong inosente ito sa isyu.


"Sis kung di ikaw please say na HINDI AKO...para matapos na issue..kasi the more nananahimik ka the more iicpin ng tao na ikaw nga....kung ang reasin mo ng pananahimik is para mas sumikat..to what extent?"


Samantala, nauna nang ipinahayag ni Andrea Brillantes sa mga panayam noon na iba-iba ang kanyang atake sa mga natatanggap niyang pambabatikos.


Minsan ay nagiging palaban umano siya subalit kadalasan ay siya naman ang napapasama sa tuwing dinidipensahan niya ang kanyang sarili dahil sinasabi naman umano ng iba na napaka-defensive niya.


May mga pagkakataon umano na nananahimik na lamang siya para hindi na lalala pa ang isyu pero kung nadadamay na umano ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay ay magsasalita na siya para maitigil na ang lahat.


Sa ngayon ay natututoo na umano si Andrea Brillantes na palampasin ang mga batikos na sasagutin niya at kung ano ang mga batikos at isyu na kailangan niyang pabayaan na lamang.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo