Detalye Ng Pagbibitiw Ni Atty. Topacio Bilang Abogado Ni Deniece Cornejo Alamin!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 6, 2022


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa online ang biglaang pag-atras ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio.

Ayon sa balita, umatras si Atty. Topacio bilang legal council ni Deniece Cornejo. Sa inilabas na pahayag ni Atty. Topacio, inilahad niya ang dahilan ng kanyang biglaang pag-atras ay ang ilang mga taong nakikialam sa kasong isinampa ng kanyang kliyente laban kay Vhong Navarro.

Ayon kay Atty. Topacio, may ilang taong nangingialam at nais maiba ang takbo ng kaso. Paliwanag pa ni Atty. sa ngalan ng kanyang malinis na konsensya hindi na niya kayang magsilbi bilang abogado ni Deniece Cornejo.

"I wish to state that I am henceforth dissociating and distancing myself from the prosecution of Mr. Ferdinand 'Vhong' Navarro in the rape case filled by Ms. Deniece Cornejo against him."- pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio.



Si Atty. Ferdinand Topacio ay nagsilbing abogado nina Deniece Cornejo at Cedric Lee nang sampahan sila ng kaso noon ni Vhong Navarro na Serious Illegal Detention hanggang sa makapagpyansa ang mga ito. Naging legal counsel nina Deniece si Atty. Topacio dahil sa pakiusap ng pamilya ng dalaga na matagal na niyang kaibigan.

Samantala, nakipag-coordinate na si Atty. Topacio sa bagong abogado ni Deniece na hahawak sa kasong rape laban kay Vhong Navarro.

Sa huli, hiling ni Atty. Topacio na makamit ni Deniece ang hustisyang hinahangad niya sa umano'y panggagahasa sa kanya ni Vhong Navarro, matapos ang maraming taon.

Nagsalita Na! Faceb0ok Maaring Managot Sa Ivana Alawi at Zeinab Harake Fb Account Removal!

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 5, 2022


Dismayadong ibinahagi kamakailan ni Ivana Alawi na tinanggal ng Facebook ang kanyang verified page na may 19 million followers.

Ayon kay Ivana, wala siyang natanggap  na notification o kung anuman na puwedeng maging dahilan ng pagtatanggal sa kanyang Facebook page. Makalipas lamang umano ang ilang sandali, maging ang official Facebook account ng Ivana Skin ay nawala na rin.

Malaki ang magiging apekto sa mga katulad ni Ivana ang pagkawala ng kanyang Facebook page na may maraming followers sa income na pumapasok sa kanila. Hindi lamang si Ivana ang nawalan ng page sa Facebook. Maging ang Facebook page ni Zeinab Harake ay tinanggal din ng Faceb00k.

Hanggang ngayon ay wala pa rin ibinibigay na dahilan ang Facebook kung bakit tinanggal ang kani-kanilang pages.

Ayon naman sa ilang mga netizens na baka ang ilang mga post ni Ivana kung saan makikita ang dibdib ang dahilan ng pagkawala ng kanyang Facebook account.

Samantala, may sariling pananaw si Xian Gaza hinggil sa pagkawawala ng page ni Ivana. Ayon kay Xian, sinadyang burahin ni Ivana ang kanyang page upang maakaiwas ito sa mga isyu tungkol sa pagbabayad ng buwis.



Heart Evangelista Kinumpirma Makikita Siya Sa " Bling Empire Season 3"

Walang komento


Mapapanood si Heart Evangelista sa sikat na American reality show na Bling Empire bilang cameo sa ikatlong season nito.

Matatandaang spotted noon si Heart na nakikipagbonding sa ilang mga stars nag nasabing palabas sa isang Filipino inspired party upang ipagdiriwang siya bilang Most Influencial Influencer sa buong mundo.

Samantala, ibinahagi ni Heart kamakailan sa kanyang Twitter account ang confirmation na kasama siya sa ikatlong season ng Bling Empire.

"Bling on Netflix in about 30ish minutes ?:) see you."

Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang pagbabahaging ito ni Heart. Ang ilan ay labis ng na-eexcite na makikita ang aktres sa isang American show.

Samantala, kinumpirma rin ni Kane Lim na talagang makakasama si Heart sa Bling Empire sa pamamagitan ng Instagram stories. Agad namang nagpahayag ng pasasalamat si Heart kina Lee at Lim.



Ashley Ortega Tinawag Na "My Ice Prince" Si Xian Lim!

Walang komento


 Ginanap kamakailan lamang ang storycon ng bagong drama ng GMA7 na pinamagatang Hearts on Ice.

Ang Hearts on Ice ay ang bagong sports drama ng Kapuso channel na pagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega. Ang storya ito ay may kinalaman sa figure skating.

Samantala, sa latest Instgram stories ni Ashley isinulat niya ang caption na 'My Ice Prince' sa larawan nilang dalawa ni Xian Lim.

Makikita naman sa Instagram post ng actress na puspusan na ang kanilang pag-iinsayo ng figure skating para sa kanilang bagong TV project.

Ayon kay Ashley, very grateful siya sa network dahil nabigyan siya ng opportunity na gumanap sa kanyang dream role.

Ayon naman kay Xian, napakachallenging ng bagong role niya lalo na ang training ng figure skating.



Grabe! Gerald Anderson at Julia Barretto Ginulat Ang Publiko Sa Kanilang Bagong Update!

Walang komento


 Tila walang katapusan ang pang-iisyu sa magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ilang beses na ring laman ng mga usap-usapan ang umano'y paghihiwalay ng dalawa. Lalo na nung naging kaloveteam ni Gerald ang sexy actress na si Ivana Alawi, sinundan naman ng pagpunta nina Gerald at Kylie sa Switzerland upang i-shoot ang kanilang pelikula na magkasama.

Ngunit ang lahat na mga haka-haka ay tila tinuldukan na ng dalawa matapos ang kanilang bagong update sa social media. Ipinakita ng dalawa ang kanilang mga sweet moments habang nagbabakasyon sa Singapore. Tila sinasabi nila sa kanilang mga bashers na hindi sila patitinag at going strong ang kanilang relasyon.

Labis naman na natutuwa ang kanilang mga tagahanga at tila nabigyan ng assurance na hindi nagkakalabuan at naghihiwalay ang dalawa.

Herlene Budol Natangayan Ng Milyones Ng Dating Manager, Raffy Tulfo Awang Awa!

Walang komento


Emosyunal na inilahad ni Herlene sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ang mga pinagdaanan niya sa kamay ng dati niyang handler na si Elizabeth Ellise Estrada.

Sa loob ng dalawang taong hawak siya nito, mahigit milyon ang inabot ng kita ni Herlene mula sa kanyang mga ginawang endorsements at guesting. Subalit, paglalahad ni Herlene, ni hindi siya nakahawak kahit singko sa kanyang mga pinahirapan.

Naging mauwain naman umano siya sa paghihintay na maibigay ng dating manager ang pera ngunit ang labis niyang ikinagulat ay listahan ng kanyang mga utang ang inabot sa kanya ni Elizabeth. Lumalabas na si Herlene pa ang may malaking utang sa kanyang manager.



Labis na namangha ang Senador sa mga ebidensyang inilahad ni Herlene. Umiiyak na pahayag ni Herlene sa dami ng kanyang mga projects at trabaho noon, wala pa rin siyang pera. Ni hindi niya umano napa-enjoy ang kanyang Nanay Bering hangga't pumanaw na lamang ito.

Ayon kay Herlene, walang ipinakitang kontrata sa kanya ang kanyang dating manager na si Elizabeth o kung anumang kasulatan hinggil sa kanyang mga projects.

Samantala, nangangako naman si Sen. Raffy Tulfo na tutulong siya kay Herlene sa pagkuha sa dapat na sa kanya at makasuhan ang dating manager ni Herlene na tila nagtatago na. Payo naman ni Sen. Raffy Tulfo kay Herlene na maging wais at unawaing mabuti ang mga kontrata bago pipirmahan at kung may hindi naunawaan ay bukas ang kanilang tanggapan upang mahingan ng tulong.

Bam Aquino Nag React Sa Pagp4slang Kay Perci Lapid! PBBM Mas Nakakuha Ng Simpatiya!

Walang komento


Umaani ng samu't-saring opinyon mula sa mga netizens ang pagpaslang kay Percy Lapid.

Isa sa nagbigay ng opinyon ay si Bam Aquino. Ayon sa kanya, ang mga huling broadcast ni Percy, ay ang paglaban nito sa mga kasinungalingan para umano mailigtas ang ating lipunan. Nakikiramay din siya sa mga naiwang pamilya nito. Hiling din niya ay hustisya para sa mamamahayag.

"Nakikiramay po tayo sa pamilya, mga kaibigan, at mga taga-pakinig ni Ka Percy.
Malalim ang pagmamahal sa bayan ni Ka Percy. Walang preno, ika nga niya. Sa mga huling broadcast ni Ka Percy, idiniin niya ang kahalagahan ng patuloy na paglaban sa kasinungalingan para maisalba ang ating lipunan.
Nakakagalit at nakakabahala ang patuloy na pagpatay, panggipit, at karahasan sa mga mamamahayag natin. Kailangan nang wakasan ang kulturang ito.
Nawa'y maging ehemplo ang katapangan ni Ka Percy sa ating lahat, at makamit niya at ng kaniyang pamilya ang hustisya."


Matatandaang sa huling mga komentaryo niya ay pinuna niya ang dating administrasyon ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte at binalaan si Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, agad na inalmahan ng ilang mga netizens ang pahayag na ito ni Bam. Ayon sa mga ito, walang kinalaman si PBBM sa pagpaslang kay Percy Lapid. Marami sa mga netizens ang hindi natutuwa sa pag-uugnay kay PBBM sa pagpaslang kay Percy Lapid.

Magaling Na Singer-Never Nagtaksil Sa Asawa!

Walang komento


Nitong mga nakalipas na buwan, usap-usapan sa social media ang kabi-kabilang hiwalayan ng mga celebrity couples.

Isa sa mga trending at mainit na pinag-usapan ay ang hiwalayan nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre. Kinumpirma nila ang kanilang hiwalayan noong May 2022.

Sa mundo ng showwbiz iilan lamang sa mga celebrity couples ang nagtatagal. Samanta sa isang panayam kay Dingdong Avanzado nagbigay siya ng tips kung paano maiiwasan ang pagkakalabuan ng mag-asawa.

Ayon sa kanya, ang pag-iwas sa tukso ay isa sa mga paraan upang maiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa. Ito rin umano ang sekreto kung bakit hanggang ngayon ay matibay pa rin ang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jessa Zaragoza.

"Di naman tayo perpekto, puwede tayong mag-stumble, ano lang talaga kapit lang sa Panginoon. Alam mo na kapag may mga danger signs na, umiwas ka. Kasi kapag ini-entertain mo ang mga tukso, before you know it, di ka na makaalis."



Dagdag pa ni Dingdong, ang pagtataksil ay maaring makasira sa buong pamilya. Kaya ang dapat gawin ay umiwas kapag alam nang nandiyan na ang tukso.

Ipinakita! Shifting Ng Pag-aalalaga Nina Angelica at Gregg Homan Kay Baby Amila!

Walang komento

Ibinahagi ng mag-asawang Angelica Panganiban at Gregg Homan kung paano ang kanilang pag-aalaga sa kanilang anak na si Baby Amila Sabine.

Makikita sa Instagram stories ni Angelica na may shifting silang mag-asawa sa pag-aalaga kay Baby Amila. Ikinatuwa naman ng kanilang mga tagahanga ang pagiging hands on nilang dalawa sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Makikita rin na nag-eenjoy rin maging si Gregg sa pag-aalaga sa kanilang baby. Marami rin ang pumupuri kay Angelica sa pagiging maalagang ina at sa pagpapa-breastfeed kay Baby kahit na nakakaramdam siya ng sakit.

Caption ni Angelica sa kanyang Instagram Stories, "Shift na ni Mommy.. Malumanay naman kami mag-ina kapag di kami nagkakasakitan sa padede. We miss you daddy."



Maging si Gregg ay makikitang napaka-hand on sa kanyang mag-ina.

Parang Eksena Sa Telenovela! | Miguel Tanfelix, Nagselos Bianca Umali at Ruru Madrid?!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang kumakalat na short video kung saan makikitang sumasayaw sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Ruru Madrid.

Tila naging awkward ang eksena, nang matapos ang kanilang production number sa All Out Sunday ay biglang niyakap ni Bianca ang kanyang boyfriend na si Ruru Madrid. Hindi naman makatingin ng deretso si Miguel sa yakapan ng dalawa at sa ibang direksyon na lamang tumingin.

Agad na nagviral ang nasabing video clip na umaani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na nagsasabi na tila isang eksena sa teleserye ang nasabing video. May mga sinisisi si Miguel dahil pinabayaan umano nito si Bianca Umali noon.  Marami ang nalulungkot para kay Miguel dahil tila napag-iwanan ito.



Dra. Belo Dismayado, Hindi Pinapasok Sa Chanel Fashion Show!

1 komento


Malungkot na ibinahagi ni Dra. Vicky Belo na hindi siya nakapasok sa inaabangan niyang Chanel Fashion Show.

Matatandaang nitong nakaraang araw lamang ay ibinahagi ni Dra. Vicky na excited siya  na makapanood sa unang pagkakataon ng Chanel Fashion Show sa Paris Fashion Week.

"It’s the first time I’m attending the #chanel show. I’ve heard that it’s always such a beautiful show ." post ni Dra. Belo sa kanyang Instagram account.

Labis ang pagkadismaya ni Dra. Vicky Belo nang hindi na siya pinapasok dahil nalate umano siya ng limang minuto. Ayon kay Dra. Belo, nagoverslept umano siya kaya siya nalate. Dagdag pa niya, napakahigpit ng Chanel sa kanilang oras at talagang mahigpit sa mga late.

Makikita sa mukha ng Doktora na talagang nanghihinayang siya na hindi siya nakapanood ng nasabing Fashion Show. Matatandaang masayang ibinahagi pa kamakailan ni Dra. Vicky Belo ang natanggap nilang invitation mula sa Chanel.


Sino Ang Pulitikong Tumangging Tulungan Si Vhong Navarro?

Walang komento


Itinanggi ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang mga lumalabas na balitang may mga pulitikong nangingialam sa kaso ni Vhong Navarro.

May mga lumalabas na balitang humingi umano ng tulong si Vhong Navarro sa ilang mga pulitikong nanggaling rin sa showbiz industry. Sa episode ng Showbiz Now Na, napag-usapan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol sa isyung ito ng paghingi umano ng tulong ni Vhong Navarro sa ilang mga pulitiko.

Ayon kay Cristy Fermin, walang katotohanan ang isyu na may mga pulitikong nangingialam sa kasong kinakaharap ngayon ni Vhong Navarro.

"Wala pong pulitiko na magsasabi ng kanilang opinyon na hindi naaayon sa batas."

Ayon sa kanila, hindi umano itataya ng mga pulitiko ang kanilang pangalan para sa kaso ng isang kaibigan. Ang korte umano ang magpapasya nito at hindi sila. Maari lamang na magbigay sila ng simpatya sa nangyayari ngayon kay Vhong Navarro.

Samantala, maging si Cristy Fermin ay nais malaman kung sino ang pulitikong hiningan umano ng tulong ni Vhong Navarro ngunit dineadma lamang siya at ipinasa sa ibang tao.



Serena Dalrymple Ikinasal Sa Kanyang French Non-Showbiz Boyfriend Na Si Thomas Bredillet!

Walang komento

Martes, Oktubre 4, 2022


Ikinasal na sa kanyang non-showbiz French boyfriend na si Thomas Bredillet si Serena Dalrymple.

Isang beach side wedding ang naganap sa pagitan ng dalawa na ibinahagi ni Serena sa kanyang social media accounnt nitong Oct. 3, 2022.

"Hello, I'm Mrs. Bredillet (10/01/2022)," simpleng caption ni Serena sa kanyang Instagram post kalakip ang #newlyweds.

Agad namang nagpaabot ng mga pagbati ang dating kasamahan noon ni Serena, tulad na lamang kina Shaina Magdayao, Carlo Aquino at Amy Perez.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2018. Nagkaroon naman sila ng bahay sa New Hampshire noong 2020. Nitong nakaraang taon lamang ng mapansin ng kanyang mga followers na nakasuot na siya ng isang engagement ring.


Nakakakilig! Atom Araullo, Nag-Jowa Reveal Na Din Sa Wakas!

Walang komento


Kapuso  broadcaster Atom Araullo, ipinakilala na sa publiko ang kanyang girlfriend.

Trending ngayon sa social media ang pagpapakilala ni Atom Araullo sa kanyang girlfriend. Sa unang pagkakataon ibinahagi ni Atom ang larawan nila ni Zen Hernandez sa kanyang Instgram account. Makikita sa nasabing larawan na hawak ni Atom ang mga kuhang larawan nila ni Zen sa isang photobooth.

"Happy 28th Birthday po," simpleng caption ni Atom sa kanyang post.

Kilala si Atom bilang private person. Hindi niya basta-basta isinasapubliko ang mga nangyayari sa kanyang buhay. Matatandaang matagal ng bulong-bulongan noon ng mga netizens na may relasyon ang dalawa.



Agad namang umani ng mga pagbati ang nasabing post  ni Atom mula sa kanilang kasama sa industriya at ilang mga fans at supporters. Komento ng ilan na talagang nababagay lamang ang dalawa. Maging ang ilang mga tagahanga ng aktor ay labis na natutuwa sa muling pagtatrabaho rito.

Direk Bobet Vidanes Sinupresa Nila Matteo,Alex G at LOL Family!

Walang komento


Sinurpresa nina Mateo Guidicelli, Alex Gonzaga at LOL family si Director Bobet Vidanes bilang advance celebration para sa kaarawan nito.

Nagkaroong ng simpleng surprisa para sa Director sa pangunguna ni Mateo Guidicelli. Hindi naman nagpahuli si Alex Gonzaga sa pagbati sa director at ang iba pang hosts ng Lunch Out Loud.

Bilang pagdiriwang nagbigay ng simpleng cake si Mateo para sa direktor. Sa huli nagbigay ng mensahe si Bayani Agbayani sa lahat. Ito ay ang laging mag-ingat saan man mapunta at ugaliing magdasal.



Heart Evangelista Bumili Ng Bahay Sa Paris, Chiz Escudero Tuluyan Ng Iniwan!

Walang komento


Ibinahagi ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na nakabili na siya ng apartment sa Paris.

Kinumpirma ng actress na may bahay na siya sa Paris sa kamakailang Instagram niya noong September 28, 2022. Habang nagpapahinga ay nagkukwento si Heart at sinasagot niya rin ang ilang katanungan ng kanyang mga followers.

Ayon kay Heart, hindi panlalakwatsa ang ipinupunta ni Heart sa ibang bansa kundi traobaho. Nagtatrabaho umano siya at hindi umano ito madali. Dagdag pa niya, tila masaya at fresh lamang siyang tingnan sa Paris Fashion Week dahil ito naman talaga ang hilig niya ngunit hindi umano ito madali.

Ayon pa kay Heart, ayaw niyang manatili lamang sa bahay at palaging humihingi. Nilinaw din niya na hindi siya nakatira sa Paris kundi nagtatrabaho lamang siya roon.

"I'm a working girl. I'm not Miss Hingi. I work. So that's what I do. I have work here and I have work in the Philippines and kailangan natin ng work because you know, you gotta be independent, work for your stuff without hingi-hingi ng anik-anik. So kailangan super work yato. Hindi ako naniniwala sa hingi. I'm a working girl."



Samantala, sa kabila ng pagsagot ni Heart ng ilang mga katanungan ng mga netizens, kapansin-pansin pa rin na tila iniiwasan ni Heart ang usapin tungkol sa relasyon nila ng asawang si Chiz Escudero. Sa tanong naman kung ano ang pinakabagong nabili niya. Sagot naman ni Heart na nakabili  siya ng apartment. 

Herlene Budol Nagreklam0 Sa Raffy Tulfo in Action!

Walang komento


Nagreklamo ang beauty queen actress na si Herlene Nicole Budol sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action.

Inirereklamo ngayon ni Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang Hipon Girl ang kanyang dating Manager sa Raffy Tulfo in Action. Hindi napigilan ni Herlene na maiyak at maging emosyunal sa pag-aalala sa kanyang mga pinagdaanan sa kamay ng dati niyang manager.

Ayon kay Herlene, halos wala siyang nakuhang porsyento sa mga kinita niya mula sa kanyang mga endorsement. Pinapalabas pa umano ng kanyang dating Manager na siya pa ang may utang roon. Naipagkumpara din ni Herlene sa ilalim ng kanyang kasalukuyang manager ngayon na si Wilbert Tolentino ay nakasalin ang kanilang kontrata sa wikang Filipino upang mas maintindihan niya ang kanilang kontrata. Kabaliktaran umano sa dati niyang manager, kung saan wala umano siyang nakitang kontrata.

Malaki naman ang pasasalamat ni Herlene sa mga taong tumulong sa kanya.

"Marami maraming Salamat po Senator Idol Raffy Tulfo sa pag tulong at pag action sa aking pinag dadaanan for almost 2 years at nag suffer po ako sa panahon ng pandemia na indi ko man lang ma pa enjoy ang Nanay Bireng ko. hanggang sa pag panaw nya. walang paramdam ang dati kong Manager na pinost ko last Sept. 23, 2022 dto sa Fanpage ko.
Binigyan kta ng mahabang panahon para ayusin etong aberiang iniwan mo sa akin at wala kang proper endorsement mga documents at never ako naka kita ng kontrata. kung indi pa ako nag pursige at nag move forward at lumapit kay Ate Madam inutz at kay Sir Wilbert Tolentino hanggang ngayon isa po akong walang ka muwang muwang na tao.
Salamat Mima Wilbert Tolentino sa pag gabay at inalalayan mo ang aking karera sa industria ginagalawan ko. sa pag turo ng tama at sa mali. words cannot express how grateful i am.
isa eto sa mga experience ko na nag sisilbing aral at itama ang dapat itama. Salamat din mga KaSquamny, KaHiponatics at KaBudol ko dyan sa pag supporta at pag mamahal na ibinibigay nyo rin sa akin."


Agad namang nagpaabot ng kanyang pagsuporta si Madam Inutz para kay Herlene.

Atty. Trixie Angeles Nag Resign Na Sa Pwesto Bilang Press Secretary!

Walang komento


Press Secretary Atty. Trixie Angeles nag-resign sa kanyang pwesto dahil sa kanyang health conditions.

Kinumpirma ng Malacanang ngayong October 4, Martes na nagresign na bilang Press secretary dahil sa kanyang medical conditions. Inamin naman ni Atty. Trixie na hindi malala ang kanyang kalagayan ngunit kailangan umano niya itong bigyan ng pansin.

Ang isinumiteng resignation ni Atty. Angeles ay effective ngayon ding araw.

Matatandaang, bago pa man naging Press Secretary si Atty. Angeles ay isa siyang sikat na commentator at vlogger na may maraming followers.

Samantala, nagkaroon ng samu't-saring komento at reaksyon ang mga netizens hinggil sa biglaang pagresign ni Atty. Trexie. Ang ilan ay hindi naniniwalang nagresign ito dahil sa medical issues kundi dahil sa rejected ito ng Appointment Committee.



Dalagang Anak Ni Pokwang Na Si Mae Subong Buntis!

1 komento


Kamakailan lamang ay nagbahagi si Pokwang ng isang video kung saan makikita ang kanilang simpleng celebration para sa kaarawan ng ama ng kanyang bunsong anak na si Lee O'brian.

Ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang video kung saan kumakanta sila ng Happy Birthday song para kay Lee. Makikita sa video na walang ibang bisita sina Pokwang, ang naroon lamang ay ang panganay na anak nito na si Mae Subong, Malia at ang birthday celebrant na si Lee O'brian.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na tila malaki ang tiyan ng panganay ni Pokwang na si Mae. Makikita sa video na nakasuot ng maluwang na t-shirt si Mae. Sa kabila nito, mapapansin pa rin ang tila paglaki ng tiyan nito.



Sa comment section, mababasa na marami sa mga followers ni Pokwang ang nakapansin rito at tila may isa pang lalaki na kumukuha ng video na pinaghihinalaan ng ilang mga netizens na ito ang ama ng pinagbubuntis ni Mae. Ayon naman sa isa pang netizen na wala namang masama kung sakaling totoong buntis ito dahil nasa tamang edad na at tiyak natutuwa si Pokwang sa pagkakaroon ng apo.

Sa kabila ng mga komentong ito, nananatiling tahimik si Pokwang at hindi sinagot ang mga tanong ng mga netizens hinggil sa kanyang panganay na anak.

Broadcaster Percy Lapid pa-t4y Matapos Pagbab4rilin Ng Mga Hindi Nakilalang Suspeks!

Walang komento


Isang nakakalungkot na balita, pumanaw na ang broadcaster at kolumnistang si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid, matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspeks nitong Lunes ng gabi sa Las Pinas City.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, papasok sa isang subdivision si Percy nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo. Ayon sa mga eye witness, bago mangyari ang pamamaril, isang SUV ang bumangga sa likuran ng sasakyan ni Percy. Agad namang tumakas ang mga suspeks.

Narekober ng mga pulis ang dalawang basyo ng bala ng baril sa crime scene. Hanggang ngayon ay walang tigil ang mga pulis sa pag-iimbestiga upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspeks. Kasalukuyang tumitingin ang mga pulis sa ilang mga CCTV sa mga kalapit na lugar sa pagbabakasakaling may nahagip ang mga ito na maaring makatulong sa pagkilala sa mga salarin. Bumuo na rin ng special task force ang PNP para matutukan ang imbestigasyon.

Samantala, ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na may nagbabanta sa buhay ni Percy. Pauwi na umano ang biktima ng mangayari ang pamamaril.

Matatandaang isa si Lapid sa mga broadcaster na kritiko ng ilang mga corrupt na opisyalis ng gobyerno. Samantala, nananawagan ang dating vice president na si Leni Robredo para sa agarang hustisya sa pagpaslang kay Percy Lapid.

“Nakikiramay ako sa lahat ng nagmamahal kay Percy Lapid. Malaking kawalan ang kaniyang boses, tapang, at pananaw sa panahong bumabangga tayo sa tahasang panlilinlang sa taumbayan.
Hindi dapat palampasin ang pagpaslang kay Ka Percy; dapat agad maihain ang hustisya sa pangyayaring ito—at sa marami pang insidente ng pagpatay sa ating mga journalists. Sa isang lipunang tunay na malaya, dapat walang puwang sa karahasan at panggigipit sa ating mamamahayag.”


Hermes South Korea Naglabas Na Ng Statement Hingil Sa Pagtataboy Ng Kanilang Staff Kay Sharon Cuneta!

Walang komento


Tila nakarating na sa pamunuan ng Hermes ang pagtanggi at tila pagtataboy kay Mega Star Sharon Cuneta ng kanilang staff matapos nitong mag-viral sa social media.

Nagshopping si Sharon Cuneta at sinubukang pumasok sa Hermes store para bumili sana ng belt ngunit pinigilan siya ng doorman ng luxury store. Bagama't hindi sinabi tila naantig ang pride ng Mega Star kaya napabili ng maraming items sa kabilang luxury store. Matapos magbayad ay muling dumaan si Sharon sa Hermes store at tila ipinagmayabang ang kanyang mga nabili.

Agad namang umani ng samu't-saring komento ang nasabing vlog ni Sharon kaya naman naglabas na ng paliwanag ang Hermes at nagbigay ng dahilan kung bakit hindi nakapasok si Sharon sa kanilang store.

"Miss Sharon Cuneta,

We sincerely apologize for the inconvenience caused to Sharon Cuneta. During her visit, due to the Covid-19 protocol, only 10 people can enter the store, and there is also a rule that you must register first before coming to the store. We will always treat you with kindness. Thank you for understanding."



Matatandaang nanawagan si Mega Star Sharon Cuneta na huwag magbigay ng masamang komento laban sa Hermes dahil naiintindihan niyang may mga shops na may sariling Covid-19 protocol at naiintidihan umano niya ito.

Samantala, may ilang mga netizens ang pinuna ang ginawa pagdaan muli ni Sharon sa Hermes store at tila ipinagyabang pa ang kanyang mga binili sa Louis Vuitton. Ayon sa ilan, kung talagang naiintindihan ni Sharon ang doorman sa pagtanggi sa kanya, bakit tila inasar pa niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang mga nabili.

Kapamilya Star-Humihingi Ng Tulong!

Walang komento


Humihingi ngayon ng tulong ang isang Kapamilya star sa kanyang 8.9 million followers sa Instagram kung sino ang may kakilalang nagtatrabaho sa Facebook.

Humihingi ngayon ng tulong si Ivana Alawi kung paano maibabalik ang kanyang official page na tinanggal ng Facebook ng walang pasabi. Sa pagkakaalam naman umano ni Ivana ay wala siyang nagawang violation sa community standards ng Facebook.

Pakiusap ni Ivana sa kanyang followers, "If you guys know anyone from Facebook who can help us hindi lang ako 'yung trip nila at meron din akong mga kakilala na tinatanggal nila basta-basta 'yung mga big pages na verfied."

"My 19 Million Verified page disappeared with No Warning, No Violation, No report and no email. A few hours later my business page for @ivanaskinph also disappeared. It’s not a bug… No reports, No reason. Why??

I’m currently talking to someone from the Meta/Facebook team and they don’t know what happened or why pages have been disappearing.. There must be something deeper to this, why are big pages being targeted? Is Facebook even safe for creators and influencers?

I’m not the only one. First @zeinab_harake Verified 13M page was removed without explanation, no warning, no solution.. It’s been almost a month since her page has disappeared and endless promises from facebook team to resolve her problem but still no update. No one knows what’s happening or when it will get resolved or what to do. Who knows how many more are experiencing this??

It’s really frustrating, sad and disappointing for those of us who really supported and pushed this platform for years. @meta @facebook,"
caption ni Ivana sa kanyang Instagram post.


Komento naman ng isang netizen na minsan ay mga pangyayari talagang hindi mo inaasahan at bigla na lamang mawawala.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo