Heart Evangelista Kinumpirma Makikita Siya Sa " Bling Empire Season 3"

Miyerkules, Oktubre 5, 2022

/ by Lovely


Mapapanood si Heart Evangelista sa sikat na American reality show na Bling Empire bilang cameo sa ikatlong season nito.

Matatandaang spotted noon si Heart na nakikipagbonding sa ilang mga stars nag nasabing palabas sa isang Filipino inspired party upang ipagdiriwang siya bilang Most Influencial Influencer sa buong mundo.

Samantala, ibinahagi ni Heart kamakailan sa kanyang Twitter account ang confirmation na kasama siya sa ikatlong season ng Bling Empire.

"Bling on Netflix in about 30ish minutes ?:) see you."

Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang pagbabahaging ito ni Heart. Ang ilan ay labis ng na-eexcite na makikita ang aktres sa isang American show.

Samantala, kinumpirma rin ni Kane Lim na talagang makakasama si Heart sa Bling Empire sa pamamagitan ng Instagram stories. Agad namang nagpahayag ng pasasalamat si Heart kina Lee at Lim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo