Dalagang Anak Ni Pokwang Na Si Mae Subong Buntis!

Martes, Oktubre 4, 2022

/ by Lovely


Kamakailan lamang ay nagbahagi si Pokwang ng isang video kung saan makikita ang kanilang simpleng celebration para sa kaarawan ng ama ng kanyang bunsong anak na si Lee O'brian.

Ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang video kung saan kumakanta sila ng Happy Birthday song para kay Lee. Makikita sa video na walang ibang bisita sina Pokwang, ang naroon lamang ay ang panganay na anak nito na si Mae Subong, Malia at ang birthday celebrant na si Lee O'brian.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na tila malaki ang tiyan ng panganay ni Pokwang na si Mae. Makikita sa video na nakasuot ng maluwang na t-shirt si Mae. Sa kabila nito, mapapansin pa rin ang tila paglaki ng tiyan nito.



Sa comment section, mababasa na marami sa mga followers ni Pokwang ang nakapansin rito at tila may isa pang lalaki na kumukuha ng video na pinaghihinalaan ng ilang mga netizens na ito ang ama ng pinagbubuntis ni Mae. Ayon naman sa isa pang netizen na wala namang masama kung sakaling totoong buntis ito dahil nasa tamang edad na at tiyak natutuwa si Pokwang sa pagkakaroon ng apo.

Sa kabila ng mga komentong ito, nananatiling tahimik si Pokwang at hindi sinagot ang mga tanong ng mga netizens hinggil sa kanyang panganay na anak.

( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo