Detalye Ng Pagbibitiw Ni Atty. Topacio Bilang Abogado Ni Deniece Cornejo Alamin!

Huwebes, Oktubre 6, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa online ang biglaang pag-atras ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio.

Ayon sa balita, umatras si Atty. Topacio bilang legal council ni Deniece Cornejo. Sa inilabas na pahayag ni Atty. Topacio, inilahad niya ang dahilan ng kanyang biglaang pag-atras ay ang ilang mga taong nakikialam sa kasong isinampa ng kanyang kliyente laban kay Vhong Navarro.

Ayon kay Atty. Topacio, may ilang taong nangingialam at nais maiba ang takbo ng kaso. Paliwanag pa ni Atty. sa ngalan ng kanyang malinis na konsensya hindi na niya kayang magsilbi bilang abogado ni Deniece Cornejo.

"I wish to state that I am henceforth dissociating and distancing myself from the prosecution of Mr. Ferdinand 'Vhong' Navarro in the rape case filled by Ms. Deniece Cornejo against him."- pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio.



Si Atty. Ferdinand Topacio ay nagsilbing abogado nina Deniece Cornejo at Cedric Lee nang sampahan sila ng kaso noon ni Vhong Navarro na Serious Illegal Detention hanggang sa makapagpyansa ang mga ito. Naging legal counsel nina Deniece si Atty. Topacio dahil sa pakiusap ng pamilya ng dalaga na matagal na niyang kaibigan.

Samantala, nakipag-coordinate na si Atty. Topacio sa bagong abogado ni Deniece na hahawak sa kasong rape laban kay Vhong Navarro.

Sa huli, hiling ni Atty. Topacio na makamit ni Deniece ang hustisyang hinahangad niya sa umano'y panggagahasa sa kanya ni Vhong Navarro, matapos ang maraming taon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo