Sunshine Cruz at Cesar Montano Nag Kaayos Na!

Walang komento

Sabado, Agosto 27, 2022


Pinatawad na ni Sunshine Cruz ang kanyang dating asawa na si Cesar Montano. Matatandaang naging masalimoot ang naging hiwalayan ng dalawa na humantong pa sa korte.

Sa ibinahaging update ni Sunshine Cruz sa kanyang social media kalakip ang larawan ng kanilang pamilya sa celebration ng kaarawan ni Sam Cruz.

"In God’s perfect time always 🙏🏻☺️❤️

Happiest 18th Birthday."


Tila matapos ang mahabang panahon muling nagkasama ang dating mag-asawang Sunshine Cruz. Naging daan sa pagkakaayos ng dating mag-asawa matapos ang mahabang taong hindi pagkakaunawaan ang kanilang mga anak. Kitang-kita naman na masayang-masaya ang mga anak nila na muling nabuo ang kanilang pamilya. 

Kaagad namang bumuhos ang mga positibong reaction mula sa mga celebrities at kanilang mga tagahanga ang pagkakaayos ng dating mag-asawa.

Kc Concecpion Palaisipan Ang Ginawang Birthday Message Kay Kiko Pangilinan!

1 komento


 Marami ang nagtataka kung bakit tila may kakaiba sa birthday message ni Kc Concepcion sa kanyang step-father na si Kiko Pangilinan. Kadalasan kasi ay tinatawag nitong daddy ang kanyang step dad.

Sa Instagram, ibinahagi ni KC ang kanyang mensahe para kay Kiko Pangilinan. Aniya, "Happy birthday @kiko.pangilinan 🎂🎈We love and appreciate you for educating us, guiding and disciplining us- and for all the ways you’ve kept the family together, through all of life’s twists and turns. Enjoy Korea and may your birthday cake be as great as your daily dose of samgyupsal"

Makikita sa pagbating ito ni KC na talagang malapit sila sa isa't-isa ng kanyang step dad na si Kiko Pangilinan. Kasalukuyang nasa Korea kasama ang kanyang asawa't mga anak.

Samantala, hindi naman pinalampas ng ilang mga netizens ang tila nakaligtaan lamang na pagtawag ni Kc ng 'dad' sa kanyang step dad.



Up_date:Jovelyn Galleno Itinago at Kinulong Ng Malaking Tao at Buhay Pa!

Walang komento

Matapos nang pag-amin ng suspek na si Leobert Dasmarinas kay Jonalyn Galleno na hindi ang nawawalang si Jovelyn ang kalansay na natagpuan ng mga otoridad,

Usap-usapan ngayon sa social media na may nagdidikta umano sa mga suspek para umamin sa krimen. Hinuha ng mga netizens na may malalaking tao sa likod ng pagkawala ni Jovelyn.

Ayon kay Jonalyn, hindi sila naniniwala na si Jovelyn ang nakitang kalansay. Nagugulahan umano siya sa mga nangyayari at sa salaysay ng kanilang pinsan na siya ring itinuturong suspek. May napansin din umano siya sa mga ikinikilos ng kanyang pinsan. Tila tulala umano ito habang nagbibigay ng statement sa mga pulis.

Si Jovelyn Galleno ay isang working student. Sa edad na 22, nagtatrabaho siya sa shop sa loob ng Robinson's Mall sa Palawan. Huling namataan si Jovelyn bandang hapon sa kanyang pinagtatrabahuan noong August 5, 2022.

 

Showtime Fam Nagcelebrate Ng B-Day Ni Sir Ogie, Ms. Regine May Pasuprise Sa Mister!

Walang komento


Bumuhos ang pagbati para sa kaarawan ni Ogie Alcasid mula sa kanyang showtime family.

Special guest naman sa It's Showtime kanina ang asawa ni Ogie Alcasid na si Ms. Regine Velasquez. Samantala, bilang pagbati sa kaarawan ni Ogie, kinanta ni Ryan Bang ang isang kanta ni Ogie Alcasid.

May ibinahagi ring surprise si Regine Velasquez para sa asawang si Ogie Alcasid. Ayon sa Instagram post ni Regine, Happy Birthday Mahal @ogiealcasid... pangatlong beses na to.. but ika nga #dasurvnadasurv mo. Marami kasing nagmamahal sayo. Happy Birthday uli baba I love you soooooo much."



Kris Aquino Sumusuko Na! Bagong Sakit Sa Kanya Natagpuan Na Naman!

Walang komento


Inamin ng kapatid ni Kris na si Ballsy na habang sumasailalim si Kris sa mas maraming tests, may mga panibagong sakit na nadidiskubre ang mga doktor.

Napakahirap umano ng gamutan ni Kris dahil sa napakaraming allergies nito sa pagkain at gamot. Bumagsak rin ang timbang ni Kris na ayon sa kapatid nito na nasa 90-85 lbs. na lamang. 

Labis na umanong nahihirapan ngayon si Kris ngunit kapag nakikita niya ang kanyang mga anak ay lumalakas ulit ang loob nito.



Ang dapat pagpapagaling ni Kris sa Amerika ay nauwi sa mas marami pang nadiagnose na mga sakit. Samantala, sa kabila ng paghihirap ni Kris may mga tao pa ring nang-iintriga rito.

Halikan in Public Nila Edu Manzano at Cherry Pie Picache Binatikos Sa Social Media

Walang komento

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang halikan in public ng celebrity couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Si Edu Manzano ay 66 years old habang si Cherry Pie ay 52 years old.

Naganap ang nasabing kissing scene ng dalawa sa naganap na baby shower ng actress na si Angelica Panganiban. Natuwa at kinilig naman ang kanilang mga tagahanga at napapa-sana all na lamang. Ngunit may ilan ring nagtaas ng kilay at binash ang ginawa ng dalawa.



Ayon sa ilang komento mula sa mga netizens, hindi na umano nababagay sa kanilang edad ang ganitong pag-PPDA. Kinikilabutan umano sila sa mga ganitong actions ng matatanda.

May mga sumuporta naman sa dalawa at ipinagtanggal ang couple. Ayon sa kanila, wala namang edad at limitasyon ang pag-ibig. Lahat naman umano ay may karapatang magpakita ng pagmamahal at hindi ang mga young people lamang.

Ikaw ano ang masasabi mo sa halikan nila? Leave a comment down.

Lolit Solis Suko Na Sa Kanyang Dialysis! Sey Ng Netizen Bea Alonzo Iginanti Ng Panahon!

Walang komento


 Tila kinakarma na umano ngayon si Manay Lolit Solis sa mga pinagsasabi niyang masasama kay Bea Alonzo. Ito ang komento ng ilang mga netizens matapos makita ang kanyang latest Instagram post kung saan sinabi niyang suko na siya sa pagpapadialysis.

Matatandaang matapos isugod sa hospital noon si Manay ay patuloy pa rin nitong binibirahan si Bea Alonzo. Maging ang producer ng Start-up Korea ay dinamay pa nito. Samantala, tila titigilan na ni Manay Lolit si Bea Alonzo matapos nitong sawayin ng GMA Entertainment at ipamukha sa kanya na aprubado sa Korea ang pagkapili kay Bea Alonzo.

May bagong ibinahaging update si Manay Lolit sa kanyang Instagram kung saan sinabi niyang ayaw na niyang ipagpatuloy ang kanyang pagdadialysis at tila nawalan na ng pag-asang gumaling.



"Nasa dialysis chair na naman ako Salve. Apat na oras na naman ako mag people watching, observing mga dialysis patients like me. Nakakatuwa naman na accepted na nila ang mga kalagayan nila, na parang regular thing na lang ang nagaganap, na magiging normal ang buhay nila after the treatment na sinasabing nagpro prolong ng buhay. Hindi nga preventive ang dialysis, pero sabi nga, mas hahaba ang buhay mo pag ginawa mo ito, kaya siguro may hope sa bawat mukha ng mga nasa dialysis machine. Naku, talaga lang siguro likas ang pagka maldita ko, kaya hindi ko ma feel iyon hope na iyon.Para sa akin, kung gagaling ka, tiyak na gagaling ka. At lalo ako naiinis pag narinig ko na iyon iba ang tagal ng ginagawa ang dialysis. Ewan ko ba kung bakit hindi tulad nila na parang happy sa kanilang kalagayan.Siguro nga pag maysakit ka iyon hope ang huwag mo alisin sa utak mo. Iyon ay kung gusto mo pang ituloy ang buhay mo. Pero kung siguro wala ka ng motivation, mahirap ng ituloy pa ang pangarap mo na humaba pa ang buhay mo. Hay naku, kaya nga iyon 4 na oras ko dito sa dialysis talagang dusa. Kung anuano talaga pumapasok sa utak ko. Kaya dapat, matapos na ito or else , suko na ako, huh huh huh."


Tila nahihirapan na si Manay Lolit Solis sa kanyang kalagayan ngayon, base sa kanyang Instagram update. Tila nagbabalak na rin itong sumuko at tigilan na ang pagpapadialysis dahil ayon pa sa kanya, kung gagaling siya ay gagaling siya.


Naniniwala naman ang ilang mga fans ni Bea Alonzo na nakarma na itong si Lolit Solis kaya kailangan na niyang tigilan ang pambabanat at panlalait sa aktres.

Congressman-Hinimok Ang Abs-Cbn at Tv5 Na Ituloy Ang Partnership Deal?

Walang komento


Kamakailan sa naganap na hearing ng kamara tungkol sa partnership agreement ng Abs-cbn at TV5, alinsunod sa ginawang petition ni Rodante Marcoleta na pagpapaimbestiga kung may nilabag nga bang batas ang ABS-CBN at TV5 sa isinagawa nilang partnership.

Samantala, ayon sa isang kongresista, dapat umanong ipagpatuloy ng ABS-CBN at TV5 ang agreement dahil wala naman umano silang nilalabag na batas.

Ayon kay Cong. Edcel Lagman, dapat umanong maging matapang ang dalawang network at ipagpatuloy ang kanilang partnership dahil wala naman umano silang nilalabag na batas.

Ipinagdidiinan din nito na walang merger between ABS-CBN and TV5.

"There is no merger of ABS-CBN ang TV5, and ABS-CBN's minority investment in TV5 does not result in the acquisition of control."


500k at Pabahay Ibibigay Ni Idol Raffy Sa Pamilya Galleno!

Walang komento

Ililipat ng bahay ni Idol Raffy Tulfo ang pamilya ni Jovelyn Galleno upang mabigyan ng proteksyon. Bibigyan din niya ng 500,000 ang pamilya upang kanilang magiging pangkabuhayan.

Samantala, ayon sa kapatid ni Jovelyn Galleno, umamin umano sa kanya ang suspek at sinabing hindi si Jovelyn ang nakitang kalansay. Dalawang beses umano niyang tinanong ang kanilang pinsang si Leobert Dasmarinas na isa ring suspek sa kaso at dalawang beses rin umano nitong sinabi na hindi ito ang nawawala niyang kapatid.

Nais naman ni Sen. Raffy Tulfo na bigyan ng kopya ang NBI sa magiging resulta ng DNA test sa nakitang kalansay at kung sakaling hindi ito tumugma sa DNA ni Jovelyn. Malilipat ang kasong ito sa NBI.

Matatandaang nakita ang mga personal na gamit ni Jovelyn at ilang mga Identification cards ng dalaga malapit sa mga nakitang buto at bungo ng tao. Hanggang ngayon, ay hindi pa lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test kaya hindi pa tukoy kung si Jovelyn nga ba talaga ang nakitang kalansay na lamang.

 

Sikat Na Teleserye Ng Abs-Cbn-Wagi Sa Content Asia Awards 2022 Sa Bangkok,Thailand!

Walang komento


Nanalo ang intense drama teleserye na adaptation ng Doctor Foster na The Broken Marriage Vow sa katatapos lamang na Content Asia Awards 2022 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Nananalo bilang best format adaptation ang The Broken Marriage Vow sa ContentAsia Awards 2022. Tinanggap ang nasabing awards ng Kapamilya actress at lead star ng nasabing teleserye na si Jodi Sta. Maria.

Patunay lamang ito na nangingibabaw ang galing ng Pilipino sa buong Asia.



Kasarian Ng Unang Apo Ni Vilma Santos Ibinunyag Nina Luis Manzano at Jessy Mendiola!

1 komento

Biyernes, Agosto 26, 2022

Masayang ibinunyag nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kasarian ng kanilang first baby.

Sa Youtube channel ni Jessy mapapanood ang gender reveal sa kanilang Baby Peanut. Kita naman sa mukha ni Vilma Santos ang saya ng malaman ang gender ng kanilang unang apo. Agad namang bumuhos ang congratulatory message para sa mag-asawa.

Makikita sa vlog ni Jessy na babae ang magiging unang anak nila ni Luis Manzano.



Bea Alonzo Hinde Napigilang Magreact Sa Napapabalitang Hiwalayan Ni Gerald at Julia Barretto!

5 komento


 Hindi napigilan ni Bea Alonzo na magreact sa napapabalitang hiwalayan nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa kabila ng paglilinaw ng mga itong hindi totoo ang tsismis.

Nananatiling usap-usapan ngayon ng mga netizens sa kabila ng pagtanggi ng dalawang kampo hinggil sa umano'y relasyon nila. Matapos ang matagumpay na filming ng movie nina Kylie Padilla at Gerald Anderson sa Switzerland, usap-usapan naman ngayon ang pelikula nina Julia Barretto kasama si Carlo Aquino.

Ikinagulat ng mga tagahanga nila ang pagbabago ng genre ni Julia sa nasabing pelikula. Mula sa pagiging sweet role, pinasok na ni Julia ang mga sexy at daring role. Tila hindi naman makapaniwala ang ilang mga fans ni Julia at ayon sa kanila, tila nagawa lamang ito ni Julia bilang ganti sa mga ginampanang role ni Gerald.

Ayon naman sa ilan pang mga netizens na talagang may nagaganap na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkarelasyon. Samantala, hindi naman umano napigilan ni Bea Alonzo na makapagreact sa nasabing isyu tungkol sa dalawa.

Ayon sa interview kamakailan kay Bea Alonzo, alam na siguro nila ang nararamdaman niya noong nakaraang mga taon.



Kalansay Hindi Si Jovelyn Galleno Binawi Ng Sus-Pek!

Walang komento


 Binawi  ng suspek ang kanyang pahayag at sinabing hindi si Jovelyn Galleno ang nakitang kalansay sa Sitio Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes Puerto Prinsesa.

Ayon kay Jonalyn, kapatid ni Jovelyn Galleno, personal niyang tinanong ang isang suspek na pinsan nila kung kay Jovelyn nga ba ang kalansay na natagpuan. Ngunit itinanggi umano ito ng suspek na si Leobert.

Samantala, pinuri ni Sen. Raffy Tulfo ang chief investigator na humawak sa kaso si Jovelyn Galleno dahil sa madaling aksyon sa hinahawakan niyang kaso. Ayon kay Sen. Tulfo, maayos ang pagsagot nito sa kanyang mga katanungan at hindi pa-utal-utal.

Umaasa naman si Sen. na maresolba na ang kaso lalo na sa paglabas ng DNA test na isinagawa sa nakitang mga buto na pinaghihinalaang si Jovelyn.



Omg: Girl Bestfriend Nagsalita Na Patungk0l Sa Totoong Nangyari Sa Kasalan!

Walang komento


 Shaira Mae Bayonas nagsalita na.

Trending ngayon sa social media ang naganap na kasalan sa Tagbilaran, Bohol. Ayon sa bride, inagaw umano sa kanya ang kanyang asawa ng bestfriend nito. Agad namang na-curious ang mga netizens kung ano ang tunay na nangyari sa kanila.

Marami naman ang naaawa sa bride dahil kakakasal lamang nila ngunit tila mauudlot agad ito. Ayon sa bride, bago pa man sila ikinasal ng foreigner ay may napapansin na umano siya sa bestfriend nitong si Shaira. Sobra umano itong mag-alaga sa kanyang nobyo.

Dahil sa pagkakagulo nila at nadadamay na umano ang kanyang pamilya, nagbigay na ng pahayag si Shaira upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga nambabash sa kanya.

Ayon kay Shaira, hindi alam ng lahat ang totoong nangyari. Ginawa niya lamang umano ang dapat gawin bilang isang kaibigan. Iyong mga pictures naman umano noong kasal nina Jorryme at Ales, kung saan makikitang mas sweet pa sila ng groom kaysa mismong bride nito ay utos lamang umano ng photographer. Wala na umano silang ibang ginawa bukod roon.

Hiling naman ni Shaira na huwag idamay ang kanyang anak dahil maliit pa ito at wala itong kamuwang-muwang sa lahat ng nangyayari ngayon. Nanawagan pa ito sa mga taong nambabash at humusga sa kanya na pakinggan rin ang kanyang side. Nirerespeto naman umano ni Shaira ang opinyon ng lahat ngunit sana ay tigilan na siya ng mga pambabash dahil alam umano ng Diyos na wala silang ginagawang masama.

Hindi naman itinatanggi ni Shaira na may nakaraan sila ni Ales ngunit nakaraan na iyon at nangyari ito noon pa mang hindi pa magkakilala si Ales at ang kanyang asawang si Jorryme. Yung ibang mga larawan at video umanong ginagawang memes at kumakalat ngayon ay kuha pa noong magkarelasyon pa sila.

Ayon pa kay Shaira may gumawa umano ng dummy account gamit ang kanyang pangalan at nag-eeskandalo. Mariin niyang sinabi na hindi siya ang may hawak ng nasabing dummy account.



Mensahe naman niya kay Jorryme na sana ay masaya na ito sa pagpapahiya sa kanila. Wala naman umano itong matibay na ibidensya na may mali silang ginawa ng asawa nito at puro pagseselos lamang ang basehan ng kanyang mga sinasabi.

Humihingi naman ng paumanhin at tawad si Shaira kung sakaling mali ang kanyang nagawa. Subalit, sumusobra na rin umano si Jorryme na maging ang kanyang anak ay nadamay na sa pagseselos nito.

Kapamilya Aktor-Nakabuntis?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan kamakailan sa social ang isyu na may nabuntis umano ang Kapamilya aktor na ito. Ngunit nitog nakaraang araw ay nagsalita na ang aktres na sangkot din sa isyung ito.

Sa isang panayam kay Kylie Padilla mariing itinanggi niya at tinawanan lamang ang isyu na nabuntis umano siya ni Gerald Anderson.

Ayon kay kay Kylie Padilla, "Wala pong katotohanan ang mga lumalabas na balita. Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else."

Ayon pa kay Kylie, naiinis na umano siya sa dami ng mga balita at nabo-bother baka may maniwala sa isyung ito.



Detalye Sa Pag-Tanggal Ni Heart Evangelista Ng Wedding Ring Nila Ni Chiz Escudero!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan pa rin ang isyu ng paghihiwalay ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang larawang kumakalat kung saan makikitang hindi na suot ni Heart Evangelista ang wedding ring nila ni Chiz Escudero. Nalungkot naman ang mga tagahanga ng dalawa dahil sa kanilang napansin kay Heart.

Usap-usapan ngayon ang pagtanggal ni Heart sa wedding ring nila, na ayon naman sa ilang mga netizens tila hindi na maayos pa ng dalawa ang kanilang relasyon. Iba na ang sinusuot na singsing ni Heart at hindi ito ang wedding ring nilang dalawa.



Samantala, hindi naman naniniwala ang ilang mga followers ng dalawa na hiwalayan ang dahilan kung bakit tinanggal ni Heart ang wedding ring nila ni Chiz. Ayon sa kanila, para lamang umano ito sa pagp-promote ni Heart sa isang luxury brand ng jewelry.

Sa latest post ni Heart, muling namataan ng mga netizens na muling isinuot ng aktres ang wedding ring nila ni Chiz. Tila patunay lamang ito na tinanggal lamang ni Heart ang kanilang wedding ring dahil sa trabaho.

Bumwelta Si RR Enriquez Sa Ama Ni Ruru Madrid Matapos Siyang Tawaging Sawsawera!

Walang komento

Sinagot ni RR Enriquez ang mga banat sa kanya ng ama ni Ruru Madrid. Matatandaang umalma ang ama ni Ruru Madrid sa komento ni RR ukol sa walang label na relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Hindi pabor si RR Enriquez sa pagkakaroon ng walang label na relasyon nina Ruru Madrid at Bianca matapos ang apat na taong nagdi-date. Samantala nakarating sa ama ni Ruru Madrid na si Bong Madrid ang pakikisawsaw ni RR kaya naman umalma ito sa mga pahayag ni RR.

Ayon sa post ni Bong Madrid, "ah eto pala yung RR ENRIQUEZ. artista ba to? anong show. nagpa # ng prayforbianca, gigil daw sya sa 4 years na walang label. hindi nya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. daming pwdeng pag ka abalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. daming oras di sya busy."

May hashtag pa itong 'pag inggit pikit'. Kalakip nito ay ang larawan ni RR sa loob ng eroplano. Agad namang nakarating ang balitang ito kay RR at agad na sumagot gamit ang kanyang Instagram account.

"Ahahaha I love it na may isang lalaki na (ewan ko if lalaki ba talaga ito na pumatol sa pagiging sawsawera ko😂)


Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na yan hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat yung show na pinapasukan ko 13 years ago😜 So baka po somehow nabiyayaan po ako😅 Baka nga po isa ka pa sa bumili ng mga sexy cover magazines ko😂

And by looking at your pictures po sorry din ha ayaw ko po kayo idisrespect but since kayo po una nag post sa akin na nag ask if artista ba ako… Sasagutin ko po ulit kayo. Sure po ako sa ating dalawa mas mukha po akong artista😂😂

Pasensya na din po pala kayo if sumawsaw ako sa issue ng anak nyo.. It was already published.. Sumawsaw lang ako. Bakit hindi po yung unang nag publish na @pikapikaph ang inaway nyo? dahil dun ko po sa kanila nakuha ang issue na about walang label… Why kasi takot ka na lalo maissue ang anak mo?✌️😝

And one more thing po if you want privacy huwag nyo po pag artistahin ang anak nyo para po may privacy sya.

Lastly po sa sinasabi nyo na kapag inggit pikit. Sorry po I can’t pikit my eyes dahil hindi po kinakainggitan ang relasyon na walang label pasensya na po🤪🤪

And if you like privacy huwag ka po sumawsaw sa issue ng anak mo😘😘😘

Pero ok lang naman atleast ayan napasikat din kita. Compared to your post na 7 comments lang aba gusto ko po sabihin na mas sikat ang pagiging Sawsawera ko kesa sa inyo😩😅

PS. Magbasa ka po ng maayos at mukhang mahina ang reading comprehension nyo. I didn’t put any hashtag na pray for Bianca.

No bad blood here.. Gusto ko lang po sawsawan yung post nyo bilang sawsawera ako CHAROT😅

#NaexplainKoNaLabyu

PS. Watch for my Vlog sawsawan ko ito si Tatay Bong para naman sumikat," post ni RR sa kanyang Instagram account.


Sa kabila ng sagutan nina RR Enriquez at ng ama ni Ruru Madrid, nananatili pa ring tahimik ang dalawa pang sangkot na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Coco Martin Tinulungan Si Andrew Schimmer at Ang Misis Nitong Nasa Ospital!

Walang komento


Sa isang panayam kay Andrew Schimmet ng Abante TV, tungkol sa kanyang asawang matagal nang nakaratay sa hospital. Matatandaang isinugod sa hospital si Joy Rivero matapos nitong atakehin ng matinding hika na nagresulta sa cardiac arrets at brain hypoxia.

Ibinahagi ng aktor na isa sa mga unang nagpadala sa kanila ng pera matapos ang nangyari sa kanyang asawa ay walang iba kundi ang aktor na si Coco Martin. Pinadalhan umano siya nito ng 20,000 pesos matapos malaman na na-ospital ang kanyang asawa.

Marami pang mga celebrities na tumulong rin sa kanya kagaya nina Ketchup Eusebio at Ejay Falcon. Samantala, isiniwalat rin ni Andrew na umabot ng million ang kanilang binayaran nang maratay sa hospital ang kanyang asawa.

Hindi umano alam ni Andrew kung papaano niya mababayaran ang bill ngunit naniniwala siya na hindi siya pababayaan ng panginoon. May natatanggap din umano siyang mga donasyon mula sa mga kapwa niya artista at ilang mga netizens.



Sus-Pek May Ipinagtapat Nakakagulat Na Rebelasyon Tungkol kay Jovelyn Galleno!

Walang komento

Palaisipan ngayon sa mga kapulisan kung bakit ibinaon ng suspek ang mga gamit ni Jovelyn Galleno sa likod ng kanilang bahay.

Na-recover ng mga pulis ang mga nawawalang gamit ni Jovelyn Galleno na ibinaon sa tabi ng saging sa likod ng bahay ng isang kinikilalang suspek na si Leobert Dasmarinas. Kinilala naman at kinupirma ng pamilya ni Jovelyn na pagmamay-ari lahat ni Jovelyn ang ilang mga alahas na natagpuan.

Ayon sa tagapagsalita ng City PNP, isasama sa mga ebidensya laban sa mga suspek ang nakuhang alahas.

Na-recover ang mga nasabing item matapos inihayag ng suspek at sinabi sa mga pulis ang kinaroroonan nito. Matapos umano nilang halayin at patayin si Jovelyn pinagnakawan pa nila ito.

 

Kritikal! Kris Aquino Na Diagnosed Mga Doktor May Na Tuklasan Na Naman Na Panibagong Sakit!

Walang komento

Kinumpirma ni Ballsy Aquino na may mas marami pang autoimmune diseases si Kris Aquino. Ito ay nadiagnose ng mga doktor matapos ang ilang mga tests at pagsusuri kay Kris sa Amerika.

Ayon kay Ballsy ang medikal team ni Kris ay kasalukuyang naghahanap ang medical team ni Kris ng tamang treatment para sa sakit ni Kris. Kailangan din nilang isaalang-alang ang mga allergies ni Kris sa pagkain at gamot.

Ayon naman kay Ballsy tamang treatment naman ang naibibigay sa kanyang kapatid ngunit dahil sa maraming mga allergies nito, tila hindi umeepekto. Samantala, sa halip na sumuko determinado si Kris na labanan ang sakit na nararamdaman para kina Joshua at Bimby Aquino.

Labis na nag-aalala ang mga kapatid at kaibigan ni Kris Aquino. Hiling nila  na malalampasan ni Kris ang mga karamdamang ito. Noong pumunta si Kris sa Amerika inakala ng lahat na magagamot na ito at gagaling.

 

Kris Aquino Lumalaban Sa Kabila Ng Paglubha Ng Kanyang Kalagayan Sa America!

Walang komento


 Ayon sa pagsususri ng hospital sa America may bagong dalawang autoimmune disease na nadiskubre kay Kris Aquino. Bukod pa ito sa dalawang nauna nang nadiskubreng autoimmjune diseases habang siya ay nasa Pilipinas pa lamang.

Marami sa mga tagahanga ni Kris ang nag-aalala matapos magbahagi ang kapatid nito na si Ballsy Aquino Cruz ng update tungkol sa kalagayan ni Kris. Hindi umano mahanap-hanap ang pinag-ugatan ng sakit ni Kris lalo pa't may nadiskubreng bagong sakit nito.

Nitong August 20 sa isang Zoom interview, nagbigay ng update si Ballsy tungkol sa kondisyon ni Kris ngayon. Ayon kay Ballsy may nadiagnose pa umanong bagong autoimmune disease kay Kris ngayon, matapos sumailalim ng mas marami pang test sa Amerika.

Gayunpaman nagsusumikkap pa rin ang mga doktors ni Kris na makahanap ng lunas para sa kanyang sakit. Kailangan din kasi nilang i-consider ang maraming allergies ni Kris at sa gamot. Ibinahagi rin ni Ballsy ang laki ng ibinagsak ng timbang ni Kris. Ayon rito, hindi na umabot na 90 pounds ang timbang ni Kris ngayon.

May mga treatment umanong nais subukan ang medical team ni Kris ngunit nangangailang muna umanong mag-gain ng timbang ni Kris.



Sa kabila naman umano ng lahat ay patuloy pa ring lumalaban si Kris. Ngunit may panahon ring tila gusto ng sumuko ni Kris. Lalo na kapag hirap na hirap na ito sa kanyang kalagayan.

Hindi Na Nakatiis! Julia Barretto Gumanti Na Sa Mga Pinag-Gagawa Ni Gerald Anderson

1 komento

Huwebes, Agosto 25, 2022


Inaabangan ngayon ang kakaibang pagganap ni Julia Barretto sa upcoming project nila ni Carlo Aquino.

Sa nasabing project, ipapakita ni Julia ang kanyang daring ang sexy side. Gagampanan ni Julia ang papel ni Candy na isang bayarang babae sa nasabing project.

Marami naman ang natuwa kay Julia sa pagtatry ng bagong genre sa kanyang showbiz career. Ngunit hindi naman naiwasan na may ilang netizens na nang-iintriga sa aktres sa pagganap ng nasabing role at pagpasok sa ganitong genre.

Ayon sa ilang mga netizens, tila gumaganti si Julia sa mga pinaggagawang proyekto ni Gerald Anderson. Alam naman ng lahat ang ginampanang role ni Gerald sa Kapamilya series na A Family Affair. Agad naman itong nasundan sa proyektong pinagsamahan nila ni Kylie Padilla.

Matatandaang sa bawat sexy scene ng aktor sa kanyang ka-partner, palagi tinatawag ng mga netizens ang pansin ni Julia Barretto. Napapabalita rin ang pagiging malapit umano ni Kylie at Gerald sa isa't-isa. Tila isa umano ito sa mga dahilan kung bakit naisipan ni Julia Barretto na tumanggap na ng mga daring roles.



Sa halip na magselos sa mga nakakatambal ni Gerald sa mga project sa showbiz, tila pinili na lamang ni Julia ang tumbasan rin ang mga pinaggagawa nito.

Agot Isidro Halos Atakihin Sa Pus0 Sa Gigil Sa Bday Celeb Ni Fl Liza Marcos!

1 komento


Matatandaang sinupresa nina President Bongbong Marcos at mga anak ang First Lady na si Liza Marcos. Masaksihan sa nasabing birthday celebration ang nakakakilig na mensahe ng pangulo sa kanyang asawa. Marami ang kinilig sa speech ng pangulo kabilang na ang aktres na si Dawn Zulueta na naroon sa nasabing party.

Ngunit, tila may hindi nasiyahan sa naganap na celebration. Dahil may ilan na minasama pa ang pagcecelebrate ng kaarawan ng First Lady. Isa na rito ay ang aktres na si Agot Isidro. Sa naging tweet ng aktres mararamdaman ang kanyang gigil sa nasabing pagpaparty para sa kaarawan ni FL Liza.



"Sarap kutusan yung mga politikong madalas sabihin ang mga katagang "dahil nasa gitna tayo ng pandemya" pero wala naman ginagawa kundi ang pumarty," tweet ni Agot.

Hindi man nito pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy na pulitiko, agad namang inisip ng mga netizens na ang party na inihanda para sa kaarawan ng First Lady ang tinutukoy nito at ang pamilyang Marcos ang tinutukoy nitong mga pulitiko.

Umani naman ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang tweet ni Agot. Ayon sa isa, dapat na umanong magmove-on si Agot at maging happy na lamang. Dapat na umanong itigil nito ang paghahanap ng butas sa nanalong pangulo at manahimik na lamang.

Kris Aquino Tunay Na Kalagayan Ngayon Sa Ospital Sa Amerika!

Walang komento

Sa latest episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez muli nilang napag-usapan ang kasalukuyang kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

Ayon kay Morly, nasa hospital na't lahat si Kris pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umano ito tumitigil sa pag-oorder ng kung ano-ano online. Sinagot naman ito ni Cristy Fermin na normal lamang umano ito dahil siya ay si Kris Aquino na laging binabantayan ng mga tao ang bawat galaw at alam naman ng lahat na mahilig talaga si Kris sa mga mamahaling gamit.

Tanong naman ni Wendell, kung wala nga bang batas ang nasabing hospital na pagbawalan ang mga pasyente na nagbababad sa cellphone? Dahil paano gagaling kung nagko-concentrate sa cellphone ang pasyente.



Samantala, humihiling naman sila para sa tuluyang paggaling ni Kris Aquino. Komento naman ng ilang mga netizens na hindi na dapat pang pakialaman si Kris dahil pera naman nito ang kanyang ginagamit sa pamimili. Ayon pa ng mga tagahanga ni Kris, marahil ay nabo-bored na si Kris sa hospital kaya nilibang nito ang sarili sa pag-oorder online.

DNA Test Result Positive Ayon sa mga Pulis | Jovelyn Galleno Latest Update

Walang komento

Kumbinsido umano ang mga pulis na si Jovelyn Galleno ang nakitang kalansay sa Sitio Pulang Lupa.

Ayon sa tagapagsalita ng City PNP, sana'y positibo ang magiging resulta ng DNA test na isinagawa sa nakitang kalansay na sinasabing si Jovelyn Galleno.

Kumbinsido umano silang magiging positibo ang resulta dahil may nagturong suspek at may nakita pang pagkakakilanlan ilang hakbang ng kalansay. Naniniwala umano silang si Jovelyn ito although hindi pa kumpirmado dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test na isinagawa sa kalansay.

Matatandaang, kinumpirma ng pamilya ang nakitang mga personal na kagamitan gaya ng nakitang pantalon at underwear na pagmamay-ari umanong lahat ni Jovelyn. Maging ang mga ID ng dalaga ay kasama sa mga nakita ng mga otoridad malapit sa mga buto ng tao.

Samantala, kung sakaling magnegatibo ang resulta ng DNA test, may inihanda na umanong hakbang ang kapulisan sa susunod na gagawin upang matukoy kung nasaan talaga si Jovelyn Galleno. Kung sakaling negatibo ito, nangangahulugan lamang na nagsisinungaling ang mga suspek at makakasuhan pa rin dahil sa kanyang pagsisinungaling.

 

Nakakagulat! Aljur Abrenica Nag-React Sa Isyung Buntis Si Kylie Padilla Kay Gerald Anderson!

Walang komento

May mga kumakalat na haka-haka ngayon sa buong social media na nabuntis umano ni Gerald Anderson sa Kylie Paddilla.

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa isang project na sa Switzerland ang filming. Kaya naman, iniisyu ngayon ang dalawa sa isa't-isa at ang umanong paghihiwalay nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Kumakalat din ngayon ang mga bali-balitang nabuntis umano ni Gerald ang kanyang leading lady na si Kylie Padilla. Labis umanong nagkalapit ang dalawa sa kanilang pananatili sa Switzerland at nahulog sa isa't-isa.

Sa pagkalat ng usaping ito, hindi naiwasang mapag-usapan din ang dating asawa ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica at ang reaction sa kumakalat na isyu. Ayon sa ilang mga netizens, hindi umano mapigilan ang pagrereact nito dahil mayroon din silang anak ni Kylie.

Ngunit, tila hindi naman naniniwala si Aljur sa usaping ito. Dahil alam naman nitong naka-focus lamang ang atensyon ni Kylie sa kanilang mga anak at sa trabaho nito sa showbiz. Bagama't naghiwalay na sila kilala umano ni Aljur ang kanyang dating asawang si Kylie Padilla. First priority umano nito ang kanilang mga anak.

Samantala, nilinaw naman ni Kylie Padilla na walang katotohanan ang isyu na nabuntis siya ni Gerald Anderson. Tanging dahil sa trabaho lamang umano ang kanilang ugnayan ni Gerald. Tanging para sa promotion ng kanilang movie lamang ang kanilang ginawa ni Gerald.

 

Jovelyn Galleno! Buking Na Scripted Ang Mga Ginawa!

Walang komento


Hindi naniniwala ang mga residente sa Sitio Pulang Lupa na si Jovelyn Galleno ang natagpuang kalansay sa kanilang lugar.

Tila mas naging misteryoso ang pagkawala ni Jovelyn Galleno matapos mahuli ang umano'y mga suspek na pinsan pa ni Jovelyn Galleno. Matapos magbigay ng pahayag kung ano ang kanilang ginawa at kung saan nila dinala ang dalaga. Agad namang nakita ng mga pulis ang isang kalansay at ilang mga personal na gamit ni Jovelyn kasama na ang mga Identification cards nito sa mismong lugar na itinuro ng suspek.

Ang mas kataka-taka bakit naging kalansay at mga buto na lamang ito gayung dalawang linggo pa lamang mula ng mawala ito. Ayon naman sa ilang mga residente sa nasabing lugar, hindi man lang sila nakaamoy ng masangsang gayung ilang metro lamang ang layo nito mula sa kabahayan. Ang mas nakakapagtaka, pinununtahan umano ng tao ang nasabing lugar ngunit wala man lamang nakapansin na may bangkay na roon o kahit nakaamoy man lamang bago pa ang pagdating mga pulis.



Hinuha tuloy nila, buhay pa si Jovelyn ngunit nais nang ipalabas na patay na ito ng mga nagtatago sa dalaga. Ayon pa sa kanila tila nabayaran umano ang mga sumukong suspek at may tinatakpang tao. Kapansin-pansin rin ang pabago-bagong pahayag ng isa sa mga ito.

May napansin din umano ang isang ginang na may isang sasakyan na pumasok sa kanilang lugar. Ito ang pinaghihinalaan nilang pinagsakyan ng mga nakitang buto at mga kagamitan ni Jovelyn. Kahinahinala rin umano ang galaw at kilos ng mga sakay nito na tila minamatyagan ang kanilang lugar. 

Lolit Solis Posibleng Makasuhan Ng Libel Dahil Sa Sinabi Nito Hingil Kay Bea Alonzo

Walang komento

Tila hindi pa talaga natatapos ang pambabatikos ni Lolit Solis kay Bea Alonzo sa kanyang Instagram account. Ngunit, tila sumubra na ang kolumnista dahil maging ang Start Up Korea ay idinawit na niya sa isyu niya kay Bea Alonzo.

Matatandaang kamakailan lamang ay muling nilait ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post si Bea Alonzo. Ayon sa kanya galing umano sa Start Up Korea ang pagsasabing mukhang matanda na si Bea para sa lead role ni Suzy at hindi nababagay kay Alden Richards dahil mukhang tita na umano ito. Ayon pa kay Lolit nag-react umano ang Korea kung bakit mukang tita at matandang kita na umano ang wrinkles ang pinili.



Ngunit, ayon sa GMA Entertainment Executive, walang katotohanan ang mga pinagsasabi ni Lolit Solis at puro kasinungalingan na nagreact ang Korea sa pagkapili kay Bea Alonzo para gumanap sa female lead ng Philippine adaptation ng Start- Up.

Ayon kay Cheryl Ching-Sy, Vice President ng Drama Productions, "It is not true. The Korean producers of Start-up did not react to Bea Alonzo's look or appearance in her role. Bea, in fact was approved by the Korean producers. Should these be further insinuations pertaining to this matter, we wish to clarify that these are not true."

Samantala, napuna naman ng ilang mga netizens ang umano'y kapabayaan ng GMA7 na alagaan ang kanilang talents sa kabila ng pambabastos ni Lolit Solis. Matatandaang ilang beses na itong ginawa ni Manay sa kabila ng pananahimik ni Bea Alonzo. Dapat na umanong kasuhan si Lolit Solis dahil sa ginagawa nito kay Bea.

Grabe! Julia Barretto May Inamin Sa Publiko Tungkol Sa Pagpili at Naging Desisyon Niya Ngayon!

Walang komento

Sa gitna ng pang-iisyu sa relasyon ng magkasintahan Julia Barretto at Gerald Anderson, nananatili pa ring tahimik ang dalaga at tila walang pakialam sa mga pang-iisyu sa kanila ng ilang mga netizens.

Kaabang-abang naman ngayon ang upcoming movie ni Julia Barretto na pinamagatang Expensive Candy, kung saan makakasama niya ang aktor na si Carlo Aquino. Sa ipinalabas na trailer makikita ang kakaibang Julia. Kung saan nagtransform ang dalaga bilang daring and sexy actress.

Tila nasa labas na ito sa kanyang comfort zone tila may nais din patunayan bilang isang artista. Bukod dito, ginulat ni Julia ang lahat nang kanyang isapubliko ang kanyang desisyon at nais gawin sa kanyang buhay at career.

Ayon kay Julia, sa pagsisimula ng kanyang matapang at mapangahas na role bilang si Candy, inamin ni Julia na handa pa siyang tumanggap ng mas mature pang rule sa kanyang pag-arte sa hinaharap. Nag-eenjoy umano siya sa kanyang role at ito na umano ang dapat tatatak bilang bagong Julia Barretto ngayon.

Sa kabila ng pressure, tinatanggap niya ito ng buo. Ayon pa sa kanya, panahon na para sa kanyang pag-grow-up. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ganitong role niya sinisimulan ang kanyang paggrow at pagbabago sa kinasanayan niyang sweet role noon.

Samantala, sinabi ni Julia na nais niya isapribado muna ang kanyang personal na buhay at ang kanyang buhay pag-ibig.

 

Pinakilig Nina Deanna Wong at Ivy Lacsina Ang Kanilang Mga Fans Sa Kanilang Bagong Video!

Walang komento

Labis na kinakikiligan ng mga fans ng volleyball player na si Deanna Wong kung saan nakasama niya ang kanyang rumored girlfriend na si Ivy Lacsina.

Matagal ding naghintay ang kanyang mga tagahanga na muli siyang masilyan na nagtitiktok. Sa kanyang pagbabalik kasama na niya ang kanyang girlfriend umano na si Ivy Lacsina. Matatandaang noong nakaraang linggo tila inamin ng dalawa ang kanilang relasyon. Spotted silang magkasama at laging present si Ivy sa mga laro ni Deanna.

Ang nasabing Tiktok video ay kaagad umani ng million views. Kapansin-pansin din sa comment section ang labis na pagkatuwa ng kanilang mga tagahanga.  Labis umanong natutuwa ang mga ito dahil sa muling pag-uupdate nito sa kanyang Tiktok account.

 

Yari! Heart Evangelista Sumabog Na at Naglabas Ng Sama Ng Loob Kay Chiz Escudero

Walang komento

Hanggang ngayon patuloy pa ring pinag-uusapan ang umano'y paghihiwalay ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Base sa ilang mga followers ni Heart na noon pa man kapag may pinagdadaanan ito ay idinadaan nito sa pagpipinta. Nais umano ni Heart na gawing busy ang kanyang sarili upang tila ay mawala sa isipan ang kanyang dinadala.

Matatandaang ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram ang isang video kung saan nagpipinta siya sa kanyang Hermes bag. Base naman sa caption nito, tila nahihirapan si Heart na ipakita ang kanyang emosyon lalo na't napaka-judgemental ng mga tao lalo na sa social media. Tila sa pamamagitan ng kanyang pagpipinta ipinakita ni Heart ang kanyang tunay na nararamdaman.

May isa pang ibinahaging painting si Heart kung saan makikita ang isang babaeng may luha sa kanyang kanang mata. Ayon sa caption ni Heart, "Painting is another word for feeling."



Samantala, ayon sa ilang mga netizens na mas mainam na umanong nagpipinta ngayon si Heart kaysa sa palagi itong naglalalabas at nagsho-shoping. Ayon naman sa ilang mga tagahanga ng mag-asawa, nagkaroon lamang ng pagtatampuhan ang dalawa na normal naman sa isang relasyon.

Nanawagan Ang Nanay Ni Jovelyn Galleno Para Sa Kanyang Anak!

Walang komento


Ina ni Jovelyn Galleno nanawagan sa kanyang anak na sana'y umuwi na ito.

Hindi kumbinsido ang ina ni Jovelyn Galleno na kalansay ng anak ang nakita sa Sitio Pulang Lupa Brgy. Sta. Lourdes Puerto Prinsesa noong martes ng madaling araw.  Malakas umano ang kutob nito na nabubuhay pa ang kanyang anak at may mga nagtatago lamang umano rito.

Hindi din siya naniniwala na magiging ganoon na lamang ang kalansay kung totoong kay Jovelyn ito. Ngunit, kung mapapatunayan sa mga pagsusuri na kay Jovelyn talaga ito, maluwag nila itong tatanggapin.

Nananawagan din ito sa mga taong nagtatago sa kanyang anak na si Jovelyn na pauwiin at pakawalan na ito. Huwag naman daw sanang gawan ng masama ng mga ito at ibalik sa kanila ang dalaga ng buo.


Samantala, hindi pa rin nasasampahan ng kaso ang dalawang suspek sa nangyaring krimen kay Jovelyn Galleno. Sa kabila, ng kanilang pag-amin sa panggagahasa at pagpatay kay Jovelyn. Ayon sa PNP, hindi pa umano sila nakakasampa ng kaso dahil hindi pa lumabas ang resulta ng DNA test na isinagawa sa nakita nilang kalansay. Ayon pa sa kanila, matatagalan din ang proseso nito ngunit ginagawa naman umano nila ang lahat upang malutas ang kaso.

Heaven Peralejo Walang Ka Arte Arte Naligo Sa Poso!

Walang komento

Miyerkules, Agosto 24, 2022

Walang kaarte-arteng naligo sa isang poso ang actress na si Heaven Peralejo sa isang probinsya sa Ilocos.

"Buhay isla sa Ilocos 🤪 Shooting for another upcoming movie entitled “The Fisher”, maikling caption ni Heaven sa kanyang short video.

Agad namang umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang ibinahaging short video ni Heaven habang naliligo siya sa poso. Kasalukuyang nasa naturang probinsya si Heaven para sa filming ng kanyang upcoming movie na The Fisher. Makakasama niya rito ang aktor na si Enchong Dee at ididirect ito ni Paul Soriano.

 

Duda! Jay Costura Hindi Naniniwalang Wala Na Si Jovelyn Galleno!

Walang komento

Naglabas ng pahayag si Jay Costura hinggil sa bagong update sa kaso ni Jovelyn Galleno. Ito ay matapos may umaming suspek at itinuro kung saan nila itinapon si Jovelyn Galleno at mga gamit nito.

 Matatandaang minsan na rin niyang binasahan si Jovelyn, kung saan nabanggit niyang buhay pa umano ito. Gayunpaman, may ilang netizens ang hindi naniniwala sa mga nakita ng pulis lalo na't buto at kalansay na lamang ang kanilang natagpuan.

Naglabas ng opinyon si Jay Costura, ilang oras matapos mahuli ang isa sa dalawang itinuturong suspek sa nangyaring pagkawala ni Jovelyn.

Binalikan umano nito ang nabasa sa baraha kung saan may panlilinlang, may pag-uusap at kasunduan. Nais din umano nitong basahin muli ang mga baraha kung nasaan si Jovelyn at kung totoo bang kalansay na lamang ito. Ngunit gagawin niya lamang ito nang may pahintulot mula sa pamilya nito upang makaiwas na rin sa mga isyu.



Abs-Cbn-Tv5 Partnership-Ihihinto Muna?

Walang komento


 ABS-CBN at TV5 partnership agreement ihihinto muna?

Mainit pa rin ang mata ng ilang mga Congressista sa partnership ng Abs-cbn at TV5 kaya naman napagpasyahan ng TV5 na ihinto muna ang nasabing agreement. Ito ay upang sagutin ang paparating na imbestigasyon hinggil sa mga resolution na ipinasa sa Kongreso ng ilang mga kongresista.

"To address the issues which have been raised by certain legislators and the National Telecommunications Commission on the proposed investment by ABS-CBN for a minority in terest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations.

This pause will give  the space for both media organizations to respond to the issues and accommodate any relevant changes to the terms.

Both ABS-CBN and TV5 believe that an agreement between the two media companies will have a favorable impact on Philippine media,and on free to air television--which remains the most affordable and extensive source of entertainment and public service to Filipinos."



Matinding Paghihirap Ngayon Ni Regine Velasquez Isinapubliko Ni Ogie Alcasid

Walang komento

Dumaan sa hirap at nagsakripisyo ang Asia's Songbird Regine Velasquez habang nagpapagaling ang kanyang asawang si Ogie Alcasid matapos tamaang ng sikat na sakit.

Todo ang pasasalamat ni Ogie Alcasid kay Regine dahil sa pag-aalaga at pagsasakripisyo nito noong naka self quarantine. Nag-extra effort umano ang kanyang asawa upang mapanatiling ligtas ang buo nilang pamilya. Lalo na ang kanilang anak na hindi mahawa ng virus.

Nahawa si Ogie Alcasid ng nasabing sakit sa kabila ng pagiging fully vaccinated at may booster shot na. Ibinahagi ni Ogie ang larawan ni Regine habang natutulog sa kanilang living room, habang naka isolate siya sa kanilang kwarto.

Si Regine umano ang nagpumilit na sa living room matutulog upang mas maalagaan siya ng mabuti. Isa lamang umano ito sa mga sakripisyo at hirap na pinagdaanan ni Regine dahil sa kanyang pagkakasakit.

Ayon kay Ogie, "Flex ko lang ang asawa ko. While i was in isolation, she stayed here in the living room despite having no real space to herself. Sabi ko, dyan na lang ako but she insisted to stay here because she had to take care of nate too. Ganyan siya kasimple at ka maalagain. Super Mom and Super Wife. Salamat mahal."



Agad namang nagkomento ang ilang mga netizens at maging ilang mga celebrity sa nasabing flex ni Ogie. Ayon sa kanila, napaka-swerte ni Ogie na nagkaroon ng maalagaing asawa na kagaya ni Regine. Matatandaang ibinahagi kamakailan ni Ogie na tinamaan siya ng sikat na sakit matapos ang ilang taon matapos ang lock down.

Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Ogie at nagpapalakas na lamang ng kanyang resistensya.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo