Latest Update Ng Kapulisan | Hindi Naniniwala Sa Nakakita Kay Jovelyn Galleno!

1 komento

Sabado, Agosto 20, 2022

Hindi naniniwala ang kapulisan sa ibinigay na pahayag ng Pastora na nakita umano niya si Jovelyn Galleno na nakasakay sa isang brown innova na tila tulala. Nagpasa na diumano ito ng sinumpaang salaysay hinggil sa kanyang nakita. Ngunit, ayon sa mga pulis wala pa silang hawak na kopya ng nasabing pahayag ng isang pastora.

Kinumpirma naman ito ng City PNP, spokeperson na si Police Major Joy Iquin sa panayam niya sa SupeRadyo. Ayon rito, hangga't hindi ni naveverified at napatunayang totoo ay hindi nila ito maikukunsidera bilang isang matibay na ebidensya upang malaman ang kasalukuyang kinaroroonan ngayon ni Jovelyn Galleno.

Nananawagan din ito na ipaubaya na lamang sa pulisya ang pag-iimbestiga at paghahanap sa nawawalang dalaga na si Jovelyn. Hindi na dapat pa umanong makisali ng publiko dahil baka imbes na makatulong ay napapatagal lamang nito ang imbestigasyon at ang pinakamasama maaaring mapahamak pa lalo si Jovelyn.

Matatandaang, kumalat kamakailan sa social media ang pahayag ng isang Pastora at kasamahan ni Jovelyn sa simbahan. Ayon sa nasabing Pastora, nakita umano niya si Jovelyn na tila tulalang nakasakay sa isang brown innova. Ngunit, hindi umano nito nakuha ang plate number ng nasabing sasakyan dahil naka-focus umano siya sa pagtingin sa mukha ng dalaga.

Mahigit dalawang linggo nang nawawala ang dalaga sa kasalukuyan. Huling namataan si Jovelyn sa kanyang trabaho sa Robinson's Mall Palawan noong August 5, 2022. Samantala, naglabas ng hinaing ang kapatid ni Jovelyn Galleno na si Jocelyn Galleno. Ayon sa kanya, tila sa reward money lamang interesado ang ilang mga netizens at hindi sa pagkakakita kay Jovelyn ng ligtas.

Ayon sa ibinahaging post ni Jocelyn sa kanyang Facebook account, "Ganto na ba talaga mga tao ngayon? Gagawa acc kunware si jovelyn, mga hacker kunware kanila tlga ung mga picture pero kuha lng naman sa soc med, mga nagkakalat ng fake news na nakita na, mga ginawang content ung ahas sa Robinson na kumuha daw kay jovelyn, tatawag na gusto reward muna bago nya daw kesyo ituro si Jovelyn.

Napakaraming text and calls na puro gawa gawa at halatang reward lng gusto, wla ba kayong konsensya? Kung may number dyan na public please para lng yan sa may information para makatulong na mahanap si jovelyn galleno na Hanggang Ngayon ay nawawala parin.
Nananahimik ako dahil ayoko makagulo sa mga nag iimbestiga pero hindi ibig sabihin non na nakita na si jovelyn, we need information pero instead kayo pa atah nagdedemand ng update, appreciated ng family ung concerns nyo pero sana wag po tayong magdemand at tatawag pa para sa update lng.
Salamat sa prayers and continue lng natin ung pagspread para makakuha na reliable na information.
Thankyou rin sa patuloy na pag boost nung post ko kaya na reach ng KMJS at Tulfo."


Jocelyn Galleno Nagsalita Na Tungkol Sa Issue Na Nagtatago Lang Si Jovelyn Galleno!

1 komento

Pamilya ni Jovelyn Galleno, ang nawawalang babae sa Palawan, nagbigay na ng pahayag tungkol sa kumakalat na bali-balitang nagtatago lamang umano si Jovelyn at nakipagtanan. May ilan pang ulat na nagsasasabing nakauwi na umano ito ngunit tinatago lamang ng kanilang pamilya.

Ayon sa pahayag ni Jocelyn Galleno, kapatid ng nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno, "Good pm po

WALA PANG JOVELYN NA UMUWI O KUMUNTAK MAN LANG!
Sa mga nanghihinalang nakita na si Jovelyn at nagtatago dahil binayaran at alam na nang pamilya. Maaring magbayad ng danyos ang pamilya! Hindi biro ang ganitong kaso. Alam niyo naman yan na malalantad yan sa huli. Walang lihim na di mabubunyag. Don sa case ng nakakita na nakasakay siya sa innova, affidavit po yun ng isang witness at confidential yun di pwedeng ilabas kasi walang pang kaso na isinasampa dahil hindi pa nakikita ang biktima. Hindi namin alam kung paano lumabas ang statement na yun without permission from us at sa PNP. PnP lang po dapat ang nakakaalam at kami.. Pero nung malaman namin sinabi ko na agad sa pnp nang mga oras na iyon mga ilang minuto pa lang. Hindi kasi pwedeng habulin ni Mr. Galve dahil may karga siya na mga materiales at mabagal ang sasakyan niya. Di niya nakuha ang plate number dahil nakatutok siya sa mukha at sinisiguradong kung siya ba talaga yun. Innova yun sa bilis ng takbo kakayanin kaya niya yun. Hindi namin pwede isapubliko yun dahil under invistigation pa lang.
Nagtataka kami bakit nagkaron ng leak at naipost pa nang ganon ganon lang. Di maiiwasan ang mga haka-haka kaya lang nakakasakit sa pamilya at sa amin. Yung walang tigil ang pabalik balik mo sa pnp at sa ibang awtoridad para lang mapabilis ang paghahanap sa kanya. Hindi nakakatulong ang panghuhusga niyo...kailangan namin impormasyon don sa mga maaring nakakita sa kanya at panalangin.

Salamat po."



Sa nasabing pahayag nilinaw ni Jocelyn na hindi pa nakauwi o kumuntak man lang ang kanyang kapatid sa kanila. Nagtataka din umano ito kung bakit nagleak sa social media ang sinumpaang salaysay ng isang witness ng walang pahintulot mula sa PNP at sa pamilya ng biktima. Sa huli sinabi ni Jocelyn na hindi nila kailangan ang panghuhusga ng publiko kundi impormasyon kung nasaan na ang kanyang kapatid.

Nanay Ni Jane De Leon Humagulgol Ng Iyak Sa Airport!

Walang komento

Hindi napigilan ang emosyon at napaiyak ang ina ni Jane De Leon sa kanilang unang pagkikita matapos mapanood ang pagganap ng anak bilang Darna.

Labis na natutuwa ang ina ni Jane at napaiyak pa sa tuwa matapos makita ang anak.

"My family after seeing me as Darna for the firsttime," caption ni Jane sa kanyang videong ibinahagi sa kanyang Instagram stories.

Matatandaan na naikwento ni Jane sa panayam para sa Youtube vlog ni Ogie Diaz na marami silang pinagdaanang paghihirap bago niya nakamit ang pangarap niyang ito. Ayon sa kwento ni Jane De Leon, matapos maloko sa negosyo ang kanyang ama ng isang kaibigan, nakaramdam umano ito ng matinding trauma. Hindi na umano ito nakakapagtrabaho ng maayos hanggang sa binawian na ito ng buhay.

Ibinahagi pa ni Jane ang kanyang mga karanasan sa kahirapan at kung ano na lamang ang kanilang kinakain noon dahil wala silang pambili ng ulam. Ayon rito, asin, toyo at mantika na lamang minsan ang kanilang inuulam dahil sa kakulangan sa pera.

Napakalaki umanong tulong sa kanilang mag-iina ang kanyang big break ngayon sa pagganap bilang si Darna. Samantala, kasalukuyang nasa Thailand ang pamilya ni Jane kasama ang ilan sa kanilang mga kaanak para sa maikling bakasyon.



Mga Eksena Sa Darna TV Series-Kuha Sa Loob Ng Sound Stage Ng ABS-CBN!

Walang komento

Biyernes, Agosto 19, 2022

Trending ngayon sa social media ang pilot week ng Darna TV series. Unang episode pa lamang ng series ay marami na ang nakatutok makikita ito sa counts ng mga nanood sa Kapamilya Online Live sa Youtube at Facebook.

Samantala ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang unang tatlong episode ng Darna series ay kuha sa loob mismo sa malaking Sound Stage ng ABS-CBN sa San Jose Del Monte, Bulacan at ABS-CBN lamang umano ang may ganitong stage sa buong Pilipinas.

 

Jane De Leon Kinabog Ang Lahat Ng Naging Darna Kasama Na Sina Angel Locsin at Marian Rivera!

Walang komento

Literal na don't judge the book by it's cover ang nangyari sa ipinakitang tranformation ni Jane De Leon mula sa karakter ni Narda sa pagiging Darna.

Marami sa mga manonood ng Darna series ang napahanga sa ipinakitang husay at galing ni Jane De Leon sa pilot week ng nasabing palabas. Marami rin ang nagandahan sa transformation nito sa pagiging Darna.

Matatandaang, hinusgahan ng ilang mga netizens si Jane De Leon at sinabihang walang appeal at hindi nababagay sa nasabing role. Ngunit sa episode ngayong byernes pinahanga ni Jane De Leon ang mga manonood at pinatunayang nararapat siya sa role bilang bagong Darna. Sa nasabing episode, nasaksihan ng lahat sa unang pagkakataon ang pagtransform ni Jane bilang Darna.



Komento ng ilang manonood kung nasaan na ang sinasabing hindi siya nababagay sa role at walang appeal. Ayon naman sa ilan, kinabog ni Jane De Leon ang lahat ng artistang gumanap sa iconic role as Darna maging sina Angel Locsin at Marian Rivera.

Napakagaling ng pagkapili kay Jane at talagang worth the wait ang paghihintay sa unang paglipad nito. Maganda rin ang costume, pag-arte ng mga artista at maging ang cinematography ng series. Napatunayan talaga nito na tama ang pagpili sa kanya ng management dahil literal na nakuha niya ang pansin ng mga manonood.

Napansin din ng ilang mga netizens na lahat umano ng gumanap bilang Darna, si Jane lamang ang may strong character na ipinapakita kahit pa ang papel ni Narda pa lamang ang ginampanan. Hindi lamang sa fantasy world umiikot ang storya, ipinakita rin nito ang ilang isyu sa realidad sa ngayon. Kagaya na lamang ng discrimination, mataas na qualifications sa paghahanap ng trabaho at ang pagkakaroon ng katiwalian sa gobyerno na kadalasa'y humahantong sa mga pinsala.

Bea Alonzo May Pasaring Nga Ba Kay Lolit! Mensahe Ni Bea Iwas Siya Sa Mga Toxic Na Tao!

3 komento

Nagbigay na nga ba ng pahayag si Bea Alonzo tungkol sa mga banat ni Lolit Solis sa kanya? Matatandaang kahit nasa hospital noong ang showbiz columnist, hindi pa rin nito tinitigilan ang panghahanash kay Bea. Nilalait pa nito ang aktres at sinabihang matanda na umano.

Tila nagbigay na ng pahayag si Bea Alonzo kung bakit tila hindi niya pinapatulan ang mga hanash si Manay at piniling manahimik na lamang.

Narito ang ibinigay na pahayag ni Bea, “Namimili ako ‘di lang sa kaibigan, namimili ako ng mga taong I surround myself with. Ayoko yung mga taong toxic.

Ayoko ng masyadong mapuri sa akin, parang too good to be true.

Ayoko rin ng may sinasabing masama tungkol sa ibang tao. Kasi pag nakatalikod ako, ako na yung gaganunin.”

Tila nilinaw na ni Bea sa lahat kung bakit kahit anong sinasabi ni Manay ay tila wala pa rin siyang pakialam.

Samantala, patuloy naman ang pagbuhos ng biyaya para sa aktres sa kabila ng panlalait at paninira ni Lolit Solis rito.

 

Joshua Garcia Inamin May Crush Din Siya Kay Bella Poarch !

Walang komento


 Kinumpirma ng Kapamilya Actor na si Joshua Garcia na may communication sila ng singer na si Bella Poarch. Nagpaplano din umano silang magkikita sa personal.

Matatandaang naiulat sa ABS-CBN News ang pag-amin ni Bella na may crush siya kay Joshua Garcia. Masaya naman umano si Joshua na malamang may nagkaka-crush sa kanya. Sinabi din ng aktor na humahanga rin siya sa galing ni Bella. Ibinunyag din nito na may balak sana silang magkita noong nakaraang June at July ngunit hindi natuloy dahil sa mga commitments niya sa Star Magic.

Nangangako naman si Joshua na sasamahang niya si Bella sa paglilibot kung sakaling makakabisita ito sa darating na December. Ayon pa kay Joshua, good friends na umano sila ni Bella.

Samantala, minsan nang itinampok ni Bella si Joshua Garcia sa isang Tiktok video niya.



Kritikal Na Operasyon! Kilalang Singer Nasa Hindi Maayos Na Lagay Dahil Sa Sakit!

Walang komento

Sumailalim sa isang operasyon ang singer na si Thor Dulay ngayong araw ng Byernes, August 19, 2022.

Matatandaang ibinahagi ni Thor sa kanyang social media ang pagkakaroon niya ng mga cyst sa kanyang mga vocal chords. Ito umano ang dahilan kung bakit hindi na siya nakakapagperform. Noong nakaraang linggo pa sana dapat ooperahan si Dulay ngunit nagbago ang petsa nito matapos niyang magpositive sa Covid-19.

Agad namang nagbahagi ng update ang singer matapos ang kanyang surgery. Ayon sa kanya, natanggal na umano ang pinaka-main na problema at tiyak kakayanin niya ang iba pa.

"One step at a time... Natanggal na yung major na problema, kayang kaya na for sure yung iba! Maraming salamat sa lahat ng nagdasal at nagsend ng message... Love you all! THANK YOU LORD!!!"

Kalakip nito ang kanyang larawan habang nakahiga sa hospital bed.

Si Thor Dulay ay isang singer at vocal coach. Noong 2013, sumali si Dulay sa The Voice of the Philippines. Noong 2019 naging finalist naman siya sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions ng It's Showtime.

 

Julia Barretto Ganito I-Flex Ni Gerald Anderson Sa Social Media!

Walang komento

Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Tila tinuldukan na ni Gerald ang mga haka-hakang nagkakalabuan na sila ng girlfriend.

 Sa Instagram stories ibinahagi ni Gerald ang video ng kanyang girlfriend habang nag-cacarwash. Tila sinasabi ni Gerald na pawang mga haka-haka lamang ang mga isyung maghihiwalay na sila.

Samantala, viral ngayon sa social media ang isang behind the scene shoot ni Julia. Makikita sa nasabing photo ang kaseksihan ng aktres na labis na hinangaan ng kanyang mga fans.

 

Hindi Pa Tapos! Coco Martin Sinagot Na Ang Pagkakaroon Ng Part 2 Ng Ang Probinsyano

Walang komento


Pinag-uusapan sa iba't-ibang social medial platforms ang pagtatapos ng longest running TV series na Ang Probinsyano. Sa loob ng pitong taong pagpapalabas sa nasabing serye, hanggang sa huli hindi nito binigo ang lahat ng manonood.

Sa pagtatapos ng nasabing serye marami ang nakakamiss rito dahil kinasanayan na nila na makakasama ito sa kanilang hapunan. Ang FPJ's Ang Probinsyano ay nagsilbi na ring bonding time ng ilang pamilyang Pilipino. 



Sa pagtatapos nito, hiling ng ilang mga fans na sana'y magkaroon ito ng part 2. Ang tanong nais din kaya ni Coco Martin na magkaroon ng part 2 ang teleserye? Willing pa rin kaya itong maging main character at maging director ng serye?

Ayon kay Coco Martin sa isang panayam sa ABS-CBN kamakailan lamang, bagama't marami ang nagnanais na magkaroon ng part 2 ang kanilang teleserye sa ngayon ay hindi pa nito masabi kung posible nga ba ito. Ngunit kung pagbabasehan ang kanyang sariling opinyon, nais niyang magbigay ng saya sa mga manonood at kung ang magpapasaya sa mga ito ay ang pagkakaroon ng part 2 ng Ang Probinsyano malugod niya itong tatanggapin. Ngunit nasa management pa rin ito kung mangyayari ba.

Sa ngayon ay naka-focus pa ang attention ng mga cast sa kanilang tour abroad bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanilang palabas.

Donnalyn Bartolome Palaban Sumagot Sa Opisyal Ng Gobyerno! Nag@lit!

Walang komento

Galit na pinagsabihan ng vlogger na si Donnalyn Bartolome ang Supreme Court Associate Justice na si Marvic Leonen matapos nitong magbigay ng opinyon sa kanyang isinagawang 'kanto-themed birthday party'.

Ayon kay Donnalyn ang pagre-react umano ng Associate Justice ay very unprofessional, insensitive at nagnanais lamang umano na makakuha ng maraming likes sa Twitter.

Umani ng samu't-saring opinyon at reaction mula sa mga netizens ang ginawang 'kanto-themed birthday party' ni Donnalyn Bartolome na ipinalabas niya sa kanyang Youtube vlog noong August 11, 2022. Komento ng ilang mga netizens na ginawa pang pagkakakitaan ni Donnalyn ang kahirapan dinaranas na kahirapan ng karamihan Pilipino sa bansa.

Ayon pa sa ilan, nagsasayang lamang umano ito ng pagkain sa paggawa ng tutong rice cake. Sigurado naman umanong hindi nila ito kinain. Ayon naman sa isang sociologist, isa umano itong display na ipinapakita ang buhay ng mga mahihirap. Ginagaya lamang umano ni Donnalyn ang buhay ng mga taong totoong nahihirapang mag-celebrate.



Maging si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ay hindi napigilang magbigay ng opinyon hinggil sa viral vlog ni Donnalyn. 

Ayon sa tweet ni Leonen, "Intead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is too be poor and find ways and means to assist. To be poor is not something to celebrate by the rich.

It is insensitive.

Just saying."

 Bagama't hindi pinangalanan ni Leonen ang kanyang pinagsabihan sa nasabing post. Sigurado naman ang marami na ito ay walang iba kundi si Donnalyn. Samantala, agad namang nagbigay ng reaction si Donnalyn hinggil sa opinyon ni Leonen sa kanyang birthday party at itinag pa mismo si Leonen.

"Wow pati Supreme Court Justice Associate? Bawal po ako pumary the way I partied before fame? Sino po kayo para mag-assume I don't know what it's like to be poor? Supreme Court Justice Associsste tapos di nag-gather ng facts bago mangjudge? What a shame!"

Dagdag pa ni Donnalyn, "Who told you I never did anything to assist Sir? I celebrated my life by lookoing back at my past and not being ashamed of it. Did I pretend to be poor? Poor pa rin po ba sa inyo naka Bvlgari watch ako dun with diamond earring ang my imported P10,000 slippers? Mga naka-Prada pa mga bisita ko at Chanel, sadyang sa kanto lang kami pumarty at nakapambahay lang."

Pinagsabihan din ni Donnalyn si Leonen. Aniya, "Insensitive mo din po Sir para mag-assume sa past ko taht this was not a reality for me. I even provided inspiration for everyone to work hard for their dreams. Pwede pong mag-focus nalang kayo sa mga nawawalang babae and assist with preventing such events from happening kesa judging po kayo sa birthday party ng dati pang pumaparty sa kanto?"

Tila pinasarinngan din nito si Leonen na ginawa lamang ito upang magkaroon ng maraming likes sa Twitter. Ayon pa kay Donnalyn walang karapatan si Leonen na pagbawalan siya sa mga bagay na dati pa niyang ginagawa.

Heart Evangelista Ginawang Canvass Ang Mamahaling Hermes Bag!

Walang komento

Actress and Fashion Icon na si Heart Evangelista idinaan sa pagpipinta ang kanyang nararamdamang emotion sa kasalukuyan.

Ibinahagi ito ni Heart sa social media sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ayon kay Heart sa caption ng kanyang Instagram post, "I named her “Uniqua” 🤍 expressing yourself can be very difficult at times … social media can paint a totally different image of a person . So let me paint and translate the language of my soul🤍 dearest Kelly Uniqua , you are a one and only."

Kalakip nito ay ang video ng kanyang pagpipinta gamit ang kanyang mamahaling Hermes Kelly Bag bilang canvass. Ayon kay Heart ang kanyang ipininta ay ang kanyang tunay na nararamdaman ngayon.

Agad namang umani ng papuri at paghanga mula sa kanyang mga tagahanga ang kanyang painting.

 

Alodia Gosiengfiao Nagsalita Na Sa Tunay Na Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Wil Dasovich!

Walang komento

Idinaan ni Alodia Gosiengfiao sa isang coded message ang mensahe niya sa kanyang ex.

Ibinahagi ni Alodia sa kanyang Facebook account ang bwelta niya sa kanyang ex na nagsasabing maraming bawal sa kanilang relasyon.

Nakasulat ito sa language na ginagamit sa isang role playing video game na Final Fantasy. Agad naman itong naa decode ng isang fan ni Alodia na isang gamer. Ayon sa translation sa post ni Alodia, "Maraming bawal in my past relationship? Ok, I didn't know 'maraming bawal' na pala to sleep with other girls since 2018 when you're still in a relationship, di ba basic lang yun?"

Samantala, nagreklamo man noon ang cosplayer tungkol sa pambababae, masaya na siya ngayon sa kanyang buhay pag-ibig.

"Tbh, I think we are happy with our present. Me, I am. Please stop using our past as content."



Hindi man pinangalanan ni Alodia kung sino ang tinutukoy niyang ex boyfriend. Sinabi naman nito na nakarelasyon niya ang lalaki noong 2018. Matatandaan na isinapubliko nina Alodia at Wil Dasovich ang kanilang relasyon noong February 2018.

Si Wil Dasovich ay isang vlogger at nakapasok din ito sa bahay ni Kuya bilang housemate. Plano na sana nina Alodia at Wil na magpatayo ng kanilang dream house base sa isang vlog na ibinahagi noon ni Wil. Ngunit, noong November 2021 kinumpirma ni Alodia ang kanilang hiwalayan matapos ang ilang attempt na pakikipag-ayos. Hindi naman sinabi ni Alodia ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa noon.

Sa kasalukuyan, masaya na si Alodia sa piling ng kanyang fiancee na si Christopher Quimbo. Napapabalita naman ang relasyon nina Wil Dasovich at sa aktres na si Carla Humphries ngunit wala pang official na confirmation mula sa kanilang dalawa.

Zeinab Harake, May Inamin Tungkol Kay Skusta Clee at Mr. Black!

Walang komento

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang bagong videong ibinahagi ng Vlogger na si Zeinab Harake.

Sa video makikita si Zeinab habang nagdu-dub ng awitin na ang mensahe ay para sa taong pinagpalit siya. Bagama't ipinagpalit umano siya hindi naman siya nasaktan dahil mas mahal siya ng pumalit. Matatandaang naging usap-usapan noon na may bagong karelasyon na si Zeinab Harake.

Base naman sa mga kumakalat na larawan, makikitang masaya ito ngayon sa kanyang bagong karelasyon. Makikita rin ang kakaibang glow na makikita sa kanya ngayon. Madalas na ifini-flex ng dalawa ang isa't-isa sa kani-kanilang social media.

Komento naman ng ilang mga netizens, tila talagang nakalimutan na nga umano ni Zeinab ang dati niyang partner na si Skusta Clee. Agad namang nagviral ang nasabing video ni Zeinab Harake at umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Komento ng ilang mga netizens, na kahit ipinagpalit siya ni Skusta Clee noon maswerte pa rin siya ngayon dahil may isang Mr. Black na nag-aalaga sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang ilang mga fans nito sa tila bagong banat nito para kay Skusta.



Yari! Kylie Padilla Hindi Nakapagpigil Nagsalita Na Sa Hiwalayang Gerald Anderson at Julia Barretto!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y pinagdadaanan ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.

Marami kasi ang nakapansin na hindi na nagkakasama ang dalawa sa pagbabakasyon. Matatandaang ilang beses nang nagtravel si Julia na siya lamang mag-isa o di kaya'y kasama niya ang ilang mga kaibigan. Wala namang paramdam si Gerald Anderson na nagkakasama sila ni Julia matapos ang shoot nito sa Switzerland.

Matatandaang nagtungo sa Switzerland si Gerald para sa filming ng pelikula kung saan nakasama niya at nakatambal sa unang pagkakataon si Kylie Padilla. Makikita naman sa mga ibinahaging larawan ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawa na gaganap sa roles nina Noah at Lucy.

Hinala naman ng ilang mga netizens na nagkakamabutihan na sina Gerald at Kylie na naging dahilan ng pagkakalabuan nina Gerald at girlfriend nitong si Julia Barretto. Sa kabila ng mga isyung ito, nananatili pa ring tahimik ang dalawa.



Hiling naman ng mga tagahanga nila na sana'y malampasan nila ang anumang pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang relasyon. Komento naman ng iba na hindi totoo ang nasabing isyu dahil nagbabalak na umano ang dalawang magpakasal. Nangangamba naman ang ilan na baka umano nagkamabutihan na ang dalawa. Alam naman ng lahat na hiwalay na sa asawa si Kylie Padilla.

 Samantala, dahil sa mga kumakalat na isyu nagbigay na ng pahayag si Kylie Padilla at nilinaw sa lahat na wala siyang intensyong mang-agaw ng boyfried. Trabaho lamang talaga umano ang namagitan sa kanila ni Gerald. Dagdag pa ni Kylie na trabaho at ang kanyang mga anak ang priority niya ngayon. Wala pa umano siyang balak pumasok sa isang relasyon ngayon dahil naka-focus siya sa kanyang mga priorities.

Ayon kay Kylie, dapat i-respeto natin ang relasyon ni Julia at Gerald dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya, may mga panahon din umano na hindi nagkakaunawaan.

Direk Darryl Emotional Sa Pagbati Sa Kaarawan Ni Ella Cruz!

Walang komento

Huwebes, Agosto 18, 2022

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pinagdaanang pambabatikos kay Ella Cruz matapos mag-viral ang kanyang pahayag tungkol sa History. Maging ang ilang mga celebrities ay nakisali pa sa pambabatikos sa aktres at may ilan pang below the belt na ang mga salitang binibitawan para sa dalaga.

Matatandaang, maging ang pamilya nito ay dinamay pa ng ilang mga netizens sa pambabatikos sa aktres. Maging ang mga nakasama at itinuring niyang kaibigan sa showbiz na hindi inaakala ni Ella na makisali ay nagbitaw ng masasakit na salita laban sa kanya.

Samantala, hindi naman natakot si Ella at hinayaan na lamang na mawala ang isyu at alam naman niya na nasa likod niya sina Direk Darryl Yap at iba pang kasamahang sa pelikulang Maid in Malacanang. Makikita naman ang bond at ang nabuong samahan at pagkakaibigan na pamilya na ang turingan sa mga cast ng Maid in Malacanang.



Sa kabilang banda, binati ni Direk Darryl Yap si Ella Cruz para sa kaarawan nito. Post ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account, "Happy Birthday Ella Cruz,

Mahal na mahal kita!
Maghanap ka ng Photographer at ako ang magbabayad.
kasi kahit 7M ang followers ng VinCentiments at 8M ang followers mo, wala tayong tapang mag-alok ng XDEAL. HAHAHAHA!"

Sagot naman ni Ella sa pagbating ito ni Direk Darryl, "Love you direk! wag na hanap direeek pa-gcash na lang po hahahahhahaha"

Dahil sa pagbabahagi nito ni Direk Darryl, agad na bumuhos ang pagbati para sa aktres na si Ella Cruz.

Samantala, sa nasabing post ni Direk Darryl tila may pinapatamaan din ito. Ito ay walang iba kundi si Vince Tanada. Matatandaan na nagpost kamakailan si Vince na naghahanap siya ng photographer na makakagawa ng X DEAL shoots para sa kanyang birthday party.

Wow! Heart Evangelista Collectibles Art Toy Halos Sold Out Na ! Nagkakahalaga Ng 200,000!

Walang komento

Halos sold out na ang hand printed toy collectibles ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista. Inanunsyo ni Heart na malapit na niyang i-exhibit ang kanyang kauna-unahang art toy na binubuo ng 12 figures.

Ibinahagi ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account ang gaganaping exhibit ng kanyang art toy collectibles. Ayon kay Heart, "LoveMarie x @secretfreshgallery My first ever Art Toy release, a collectible set of 12 figures - each hand painted - will be released in a limited run of only 50 sets. "

May kasama umanong personalized message ang nasabing art collectible set. Inaasahan naman ng may-ari ng art gallery na maibebenta ang mga toy collectibles ni Heart matapos ang dalawang araw mula sa pagpapalabas nito.

Ang bawat set na may wooden box at may kasamang message ay nagkakahalaga ng 200,000 PHP.



Spotted: Bea Alonzo at Dominic Roque Sobrang Sweet Sa El Nido Palawan

Walang komento


 Spotted sina Bea Alonzo at Dominic Roque na masayang nagbakasyon sa El Nido Palawan. Ibinahagi naman ng magkasintahan ang magagandang tanawin sa lugar sa kani-kanilang social media accounts pati na rin ang masaya nilang lambingan at pagkukulitan.

Verified

"I’ve been busy shooting a movie in Palawan and finally squeezed in a much-needed short break before going back to work. We took a five-hour land trip from Puerto Prinsesa and reached one of our favorite places in the Philippines, EL NIDO!," caption ni Bea sa kanyang Instagram post.

Kalakip nito ay ang video ng kanilang pag-sstay sa isang villa. Makikita sa nasabing video ang magagandang tanawin sa El Nido at ang ilang mga activities na ginawa nila sa isla.


Kim Chiu at Xian Lim Nagyakapan Ng Mahigpit at Nag-Iyakan Matapos Magkita Muli!

Walang komento


 Matapos ang ilang linggong hindi pagkikita sa personal, muling nakapiling ng magkasintahang Kim Chui at Xian Lim ang isa't-isa.

Sa latest post ni Kim sa kanyang Instagram account, "Finally!!!🫶🏻🏡 complete again after almost a month!😘❤️🥹 huggsss!!!"

Kalakip nito ay ang video ng pagyayakapan ng dalawa na ipinapakita ang labis na pagkamiss sa isa't-isa. Kilig na kilig naman ang kanilang mga tagahanga sa ipinakita nilang ito. May ilan pang nagbibirong na-iinggit sila sa relasyon ng dalawa. Komento naman ng ilan na dapat magpakasal na ang dalawa.


Hindi Alintana Kay Pops Fernandez Ang Edad Upang Makipag-Date!

Walang komento

Ready na umanong makipag-date muli si Pops Fernandez!

Ibinahagi ni Pops Fernandez na may ilang mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang kanyang pakikipagdate dahil sa kanyang edad. Ayon umano sa komento ng netizen, dapat umanong iayon ang kanyang mga ginagawa sa kanyang edad.

Sagot naman ni Pops rito, na age is just a number. It is how you take care about yourself. Ayon pa kay Pops ngayon lamang niya naramdaman na parang bata pa siya. Dahil umano siguro napakarami umano niyang responsibilities noon. Wala umano kasi siyang time noon na lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan. Kaya naman ang na-miss niyang gawin noon ay gagawin na niya ngayon.

Wala naman umanong mali sa kanyang mga ginagawa. Gagawin umano niya ito habang single pa siya dahil baka mag-asawa na siya at hindi na niya ito magagawa pa. Dagdag nito na as long as you know your responsibilities. Nais lamang din umano ni Pops to live her life to the fullest.

Hindi naman alam ni Pops kung nais pa ba niyang maikasal. Ngunit hindi naman niya sinasabing ayaw na niya.

 

Latest Update! Jovelyn Galleno Nakita Na Sakay Ng Isang Kotse!

Walang komento

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap at tila wala pa ring konkretong kasagutan kung nasaan na nga ba si Jovelyn Galleno, ang nawawalang dalaga sa Puerto Prinsesa, Palawan.

Ngunit sa bawat pagkilos ng binuong task force para mahanap ang dalaga, unti-unti nang nabibigyan ng linaw ang pagkawala nito at kung ano ang kasalukuyang kalagayan nito.

Sa pinakabagong update mula sa isang reliable source tungkol sa kaso ni Jovelyn, may isang malapit umano sa dalaga ang nagbigay ng impormasyon na maaring makakapag-solve sa kaso. Ayon sa source, may nakakitang kasamahan ni Jovelyn sa simbahan ang nakakita rito noong Martes, August 16, 2022. Bandang alas tres ng martes nakita umano nito si Jovelyn Galleno sakay ng isang kotseng lenova. Ngunit hindi pa tukoy kung sino ang nagmamay-ari nito.

Base sa nasabing pahayag, mau malaking chance na nasa Puerto Prinsesa pa rin si Jovelyn. Pero malaking palaisipan pa rin kung sino ang may hawak sa kanya at kung sino ang nagmamay-ari sa kotseng sinasabing sinakyan nito.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga kapulisan sa Puerto Prinsesa sa kaso ni Jovely at patuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang dalaga.

 

Matapos Ipamalita Hiwalay Na Kay Ion Perez, Vice Ganda Tinawag Na D3monyo Si Cristy Fermin!

Walang komento

Matapos ang isang linggong hiwalay na bakasyon ng mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez muling nagkasama ang dalawa. Matatandaang may kumakalat na haka-haka na naghiwalay na umano sila na agad naman nilang itinananggi pareho.

Sa nakaraang episode ng It's Showtime, nagsalita na si Vice tungkol sa isyung naghiwalay na sila ni Ion. Tinawag pa niyang mga chismosang demonyo ang mga nagpapakalat ng balitang naghiwalay na sila ng asawang si Ion Perez.

Hinuha naman ng mga netizens na si Cristy Fermin ang pinapatamaan ni Vice dahil matatandaang  tinalakay nina Cristy Fermin at mga kasamahan nito sa Showbiz Now Na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez.

Ayon kay Cristy, napapadalas umano ang pakikipagkita ni Vice sa mga dati niyang kasamahan sa bar at sa tuwing ginagawa ito ni Vice ay may pinagdadaanan umano itong problema. Nabanggit di ni Nay Cristy ang isang social media post ni Vice kung saan sinabi umano nitong mahirap at nakakapagod ang mga nagdaang buwan sa kanyang buhay.



Kahapon sa live episode ng It's Showtime, napaka-sweet ni Vice kay Ion at sinabing 6 days na umano silang hindi nagkasama dahil sa magkahiwalay nilang bakasyon. Inamin din ni Vice na gabi-gabi siyang umiiyak dahil namimiss niya si Ion. Hindi na kasi umano siya sanay na magkalayo silang dalawa.

Nagpunta si Ion sa Japan kasama ang pamilya nito habang nagpunta naman si Vice sa Cebu at Bohol kasama naman ang kanyang pamilya. Bale naglaan sila ng time para sa kani-kanilang families.\

Samantala, pabirong tinawag na demonyong chismosa ni Vice ang mga nagpapakalat ng balitang nagkakalabuan na umano sila ni Ion Perez at malapit ng maghiwalay. Ipinagdiinan din ni Vice na masaya sila ni Ion at wala silang problema sa kanilang relasyon. Kaya pinagsabihan niya ang mga gumagawa ng kwento sa kanila.

Katotohanan Sa Tunay Na Pagkatao Ni Jema Galanza! | Creamline Cool Smashers

Walang komento

Isa si Jema Galanza sa mga sikat at magaling na volleyball player na hinahangaan ngayon ng mga Sports Fanatics.

Matatandaang nakuha ni Jema ang pansin ng mga netizens dahil sa pagkalat ng kanyang mga larawan kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagiging photogenic. Sa kabila nito, nananatiling humble si Jema Galanza.

Si Jema Galanza ay isang Pilipino Volleyball player. Siya ay ipinanganak noong November 28, 1996. Siya rin ay ang former lady captain ng Adamson Soaring Ladies. Ipinanganak at lumaki si Jema Galanza sa San Pedro Laguna. Siya ay nag-aral ng high school sa San Pedro Relocation Center National High at nakapagtapos ng course sa Adamson University.



Noong 2013, Jema Galanza debuted as a reserved player of Adamson University sa isang beach tournament. Noong 2019, sa premiere Volleyball League Open Conference nasungkit ni Jema ang titulo bilang first best outside spiker.

Naimbitahan naman si Jema sa training poll ng Philippine National Volleyball Team na nakipagcompete noong 2021 sa Asian Womens Club Volleyball Championship na ginanap sa Thailand noong October 1-7 2021.

Napasama rin si Jema sa line up ng Philippine National Team at ito ang kanyang kauna-unahang appearance sa SEA Games na gaganapin sa Vietnam.

Hindi lamang ang kanyang buhay sa court ang sinusundan ng mga fans kundi maging ang kanyang buhay pag-ibig. Naging karelasyon ni Jema Galanza ang isa pang volleyball player na naging internet sensation na si Deanna Wong. Bagama't inamin nilang hiwalay na sila, marami pa ring mga fans ang kinikilig sa tuwing nakikita silang dalawa.

 

Yari! Chiz Escudero May Gusto Na Hindi Kayang Ibigay Ni Heart Evangelista!

Walang komento


Sa gitna ng kontrobersiya at intrigang kinakaharap ngayon ng Fashion Icon na si Heart Evangelista, nananatili siyang tahimik matapos tanggalin ang surname ni Chiz sa kanyang profile sa Instagram. Dahil rito naghinala ang ilang mga netizens na mayroon silang pinagdadaanan ng kanyang mister na si Chiz Escudero. Nakadagdag at nagpalakas pa sa hinala ng mga netizens matapos mamataan ang isang post ni Heart na tila walang suot na wedding ring.

Hiling naman ng mga followers at fans ni Heart na magbigay na ito ng paliwanag upang mabigyan ng linaw ang mga kumakalat na isyu ngayon.

Samantala, sa kabila ng masasayang videos na ibinahagi ni Heart kamakailan sa kanyang social media accounts mula sa mga pictorials at pagtatravel niya abroad, tila makikita pa rin sa background ang umano'y kalungkutan ni Heart.

Hinuha ng mga fans ni Heart na may tinatago itong problema at sana naman umano ay hindi ito tungkol sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero. Sana naman umano ay kunting hindi pagkakaintindihan lamang ang naganap at simpleng away-mag-asawa lamang. Normal lang naman sa isang mag-asawa na minsan ay may hindi pagkakaintindihan.



Nakakapanlumo! Bagong Dagok, Dasal Tanging Hiling Ng Isang Sharon Cuneta!

Walang komento

Hindi pa man tuluyang nakakamove-on mula ng pagkamatay ng mga malalapit na kaibigang sina Fanny Serano at Cherie Gil. May kinakaharap na namang bagong dagok si Mega Star Sharon Cuneta.

Sa magkasunod na Instagram post ni Sharon Cuneta noong Myerkules August 17, 2022, nananawagan si Sharon sa kanyang mga followers na isama sa kanilang mga panalangin ang kanyang kaibigan at pamangkin na si Bam. Nasa hospital ito ngayon dahil sa silent stroke.

Kalakip nito ang screenshot ng prayer na humihingi ng healings sa mga may sakit. Ayon kay Sharon, "Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a “silent stroke.” Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves."



Tila hindi na umano makakaya pa ng Mega Star kung may isang malapit na kaibigan na naman niya ang papanaw. Tila nawawalan na umano siya ng pag-asa and her faith is wavering at ayaw niya itong mawala.

Kasunod naman nito, humingi muli ng panalangin si Sharon para naman sa kanyang pamangkin na si Bam nakikipaglaban sa sakit na cancer.

"For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer…She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po."

Resolusyon Sa Kongreso Inihain-Laban Sa TV5!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga resolution na inihain ngayon sa kongreso ng dalawang Congressman laban sa TV5.

Maging ang TV5 ay tila gustong paimbestigahan dahil sa isyu ng Foreign ownership. Tila hindi lamang ang naging partnership ng ABS-CBN at TV5 ang nais paimbestigahan.

Ayon sa inihaing resolution ni Quezon Province 2nd District Representative na si David Suarez, nais niyang paimbestigahan ng Committee on Legislative Franchise na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nangyaring partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Ayon naman sa inihaing resolution ni Zamboanga Sibugay Representative Wilter Palma, nais niyang paimbestigahan ang isyu ng umano foreign ownership ng TV5.

 

Alden Richards, Goodbye Eat Bulaga Na!

4 (na) komento

Miyerkules, Agosto 17, 2022

Sa videong ibinahagi ng Eat Bulaga sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts na may pambungad na 'Dabarkads napanood mo na ba ang bagong opening billboard ng Eat Bulaga?'

Sa nasabing video makikita na naglalakad sa pasilyo sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. Kasunod naman ay makikita sina Maine Mendoza na nagme-make up, Jose Manalo at Wally habang nakasakay sa jeep at ang iba pang production staffs. Sa huli muling ipinasilip ang mga naging parte ng noontime show maging ang mga audience. Makikita naman ang kulitan sa pagitan ng mga host ng show. Kapansin-pansin rin ang bagong areglo ng theme song ng Eat Bulaga.

Samantala, napansin ng mga nakapanood at maging ng mga fans ng Pambansang Bae na si Alden Richards na wala ito sa nasabing bagong video. Tanong tuloy ng mga ito, kung aalis na ba sa Eat Bulaga si Alden? Ayon namas sa Floor director ng noontime show busy umano si Alden sa mga shoots niya.

 Wala namang inilabas na oficial statement ang Eat Bulaga kung wala na nga ba talaga sa show si Alden. Ngunit ang nakakatiyak, marami ang nalulungkot sakaling hindi na ito mapapanood sa Eat Bulaga.

 

Nakakaiyak Ito! Buong GMA Nakiramay Na!

Walang komento

Nagluluksa ngayon ang buong Unang Hirit family sa pagpanaw ng boses sa likod ni Arn-Arn.

Pumanaw na ang isang sikat na puppeter na si Danilo 'Totong' Federez ang nagbibigay boses sa likod ng sikat na puppet sa GMA7 na si Arn-Arn.

Ayon sa ulat, pumanaw si Totoong kaninang madaling araw August 17, 2022 sa kanilang tahanan sa edad na 62 years old. Ibinahagi ng Kapuso TV host at news anchor na si Arnold Clavio ang malungkot na balita sa kanilang morning program na Unang Hirit.

Ayon sa kanya, nabigla silang lahat sa balitang ito at nakikiramay sa naulilang pamilya nito. Ibinahagi din ni Arnold ang naging pagpapasaya ni Totong sa mga manonood ng Unang Hirit. Ayon pa sa kanya, si Totong ang boses sa likod ng puppet sa Unang Hirit na si Arn-Arn.



Pinasalamatan din ni Arnold si Totong sa lahat ng masasayang alaala na naibigay nito sa kanya noong nagkakasama pa sila sa morning show. Samantala sa isang Facebook post nagbigay din ng mensahe ang asawa ni Totong na si Mariz.

 Matatandaan na sumikat ang puppet na si Arn-arn bilang ka-buddy at partner ni Arnold sa mga segments ng Unang Hirit at ilang commentary nito tungkol sa politics. Bigla na lamang natigil ang palabas ni Arn-Arn sa programa matapos nitong magkasakit noong 2017.

Herlene Budol Nagsalita Na Ukol Sa Issue Nila Ni Alexandra Abdon!

Walang komento

Nagbigay na ng pahayag si Herlene Nicole Budol ukol sa isyu ng alitan nila noon ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon sa isang episode ng Wowowin na ipinalabas noong December 2020.

Sa nasabing episode, nilait ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon si Herlene Budol na mas kilala noon bilang Hipon Girl. Ayon kay Miss Manila 2020, hindi qualified si Hipon Girl sa pagiging beauty queen. Dagdag pa nito na kahit ang nanay mismo ni Hipon ang magpapageant sa mismong bahay nila hindi pa rin qualified si Hipon dahil tagilid sa mga standards para maging isang beauty queen.

Muling naungkat ang nasabing panlalait ni Miss Manila 2020 kay Hipon Girl matapos nitong magwagi bilang first runner up sa Bb. Pilipinas 2022. Kaya naman naitanong ni Ms. Karen Davila sa isang panyam kay Herlene kung napatawad na ba nito si Alexandra Abdon.

Sagot naman ni Herlene na matagal na iyon at kinalimutan na niya. Nagkaayos na din umano sila dati. Tanging ang fans lamang niya ang umuungkat nito ngayon. Dagdag pa ni Herlene, hindi umano siya nasabihan na scripted lamang lahat ng sinasabi ni Miss Manila 2020 tungkol sa kanya at sa kanyang Nanay.

 

Heaven Peralejo Nag Freediving Sa Bohol !

Walang komento

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktres na si Heaven Peralejo matapos magbahagi sa kanyang social media account ng mga larawan na nagpapakita ng isang escapade niya sa Bohol. Sinubukan ng aktres ang freediving habang nagbabakasyon sa Bohol.

Ayon sa post ng aktres sa kanyang Instagram account, “Just take a deep breath and relax.”


Been wanting to try freediving for so long and I finally did! Something I can say is that its more on mental than anything else I’ve tried. So challenging yet so simple at the same time. I can see now why freediving is addictive. It’s like entering into a new state of consciousness. If you’ve been thinking of trying this out, do it! I promise you, it’s a whole different experience.

Thanks to @efgears for making sure I had the best gears on me! So glad I was able to take this class from @seazonedph Most especially thank you to @_mjricafrente @shengfuna for being so patient with a first timer like me."

Kalakip nito ay isang video clip na nagpapakita sa kanyang galing sa kabila ng pagiging first timer.

Labis naman na humahanga ang mga fans ni Heaven at pinuri ang kanyang galing kahit pa first-timer pa lamang siya. 



Bulgaran Na! Chiz Escudero Hindi Nakapagpigil Ibinulgar Ang Tinatagong Lihim Ni Heart Evangelista

Walang komento

Patuloy na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang isyu ng umano'y hiwalayan ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Matatandaan na nagsimula ang nasabing isyu matapos tanggalin ni Heart sa kanyang Instagram account ang surname ng asawa na Escudero. Napansin din ng ilang mga netizens na tila nag-iba umano ang vibes ng dalawa mula pa noong SONA ni Pres. Marcos at nang umattend ang mag-asawa sa GMA Thanksgiving Gala.

Ayon naman sa ilang mga netizens na tila hindi na nakayanan pa ni Chiz Escudero ang lifestyle ni Heart. Napakamaluho umano kasi nito at palaging nagtatravel. Wala na umano itong oras para sa kanilang pamilya.

Makikitang talagang pinagagastusan ni Heart ang kanyang sarili at palagi itong nagtatravel sa iba't-ibang bansa. Subalit, ayon naman sa ilang tagahanga ni Heart na ok lamang ang pagiging maluho nito dahil wala pa naman itong anak na dapat paggastuhan ng salapi nito.

 

Update!Mga Huling Ka-Chat Ni Jovelyn Galleno Bago Ang Kaniyang Pagkawala Ipinakita Na!

Walang komento

Mga kachat ni Jovelyn Galleno bago ito mawala ipinakita na.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ang nawawalang dalaga na nawawala noon pang August 5, 2022 sa Puerto Prinsesa, Palawan na si Jovelyn Galleno. Usap-usapan pa rin ngayon ang biglaang pagkawala ni Jovelyn dahil matagal na nakakuha ng lead ang kapulisan para sa paglutas sa nasabing kaso.

Samantala, may kumakalat na balita ngayon kung saan nahack ng isang concern citizen ang Facebook account ni Jovelyn at makikita rito kung sino-sino ang kanyang mga huling nakachat bago ito nawala. Hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang pamilya ng dalaga na makakabalik pa ito sa kanila ng buhay.



Makikita naman sa mga messages kung sino-sino ang mga nakaka-usap nito noong August 5, 2022 bago ang nangyaring insidente. Umaasa ang pamilya nito na makakatulong ang mga messages upang malutas ang kaso at makauwi ng ligtas si Jovelyn Galleno.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo