Umamin Na Driver Na Sus-Pek Sa Jovelyn Galleno Case!

Walang komento

Miyerkules, Agosto 17, 2022

Nakausap na umano ng otoridad ang driver ng multicab na nakunan ng CCTV na sinakyan ni Jovelyn. Subalit ayon sa driver, hindi na niya matandaan kung naisakay ba niya ang dalaga. Dahil sa dami ng kanyang mga naging pasahero sa panahong iyon.

Sa ngayon, ay wala pa ring konkretong ebidensya kung may kinalaman ba ang driver ng multicab sa pagkawala ni Jovelyn. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon kung ano ang nangyari sa nawawalang dalaga na si Jovelyn.

Samantala, minomonitor na ng City Police ang mga pantalan at paliparan ng lungsod ng Puerto Prinsesa hinggil sa pagkawala ni Jovelyn Galleno. Patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mga tao na maaring makapagbigay ng lead sa kaso ni Jovelyn.

Maging ang paliparan ng karatig lungsod ay kanila na ring minomonitor sakaling nakalabas si Jovelyn ng lalawigan. Nananawagan naman ang otoridad sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng mga fake news dahil hindi ito nakakatulong sa isinasagawang imbestigasyon.

 

Trending: Resbak Ni Donnalyn Bartolome Sa Viral Kanto Party, Insulto Daw!

Walang komento

Donnalyn Bartolome, rumesbak sa mga netizens na bumabatikos sa kanyang kanto themed birthday party.

Agad na nagtrending ang kanto themed birthday party ni Donnalyn Bartolome na kanyang ibinahagi sa kanyang Youtube Vlogs. Agad na umano ng million views ang nasabing vlog sa loob lamang ng ilang oras matapos nitong inupload.

Marami naman ang natuwa sa ginawang selebrasyon ng vlogger lalong-lalo na ang mga tagahanga nito. Sa halip na isang bonggang party, nagsagawa ng ihaw-ihaw si Donnalyn para sa mayayaman at sikat nitong mga bisita. Makikita naman na nag-eenjoy ang birthday celebrant at maging ang mga bisita nito sa kanilang pagdiriwang.

Ayon kay Donnalyn, nais lamang niyang balikan ang mga panahon kung saan nagce-celebrate din siya ng kaarawan sa kanto. Noong mga panahon na umalis siya sa kanilang tahanan upang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang music artist. Hindi umano niya afford na magkaroon noon ng bonggang party at simpleng inuman sa kanto lamang ang tanging kaya niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa kabila naman ng pag-eenjoy nila sa kanilang ginawang party, may ilang mga netizens ang bumabatikos kay Donnalyn at sa kanyang kanto themed birthday party. Ang ginawang kanto themed party umano ni Donnalyn ay pan-iinsulto sa mga mahihirap. Nagsasayang lamang umano ang mga ito ng pagkain sa ginawang sunog na kanin bilang birthday cake at panigurado umanong hindi naman nila ito kakainin.



Komento pa ng ilan na nagpapansin lamang umano ito upang mapag-usapan ang kanyang vlogs. Ginawa lamang umano ito ni Donnalyn upang magkaroon ng kakaibang content ang kanyang vlogs.

Samantala, sinagot naman ni Donnalyn ang mga pambabatikos na ibinabato sa kanya ng ilang mga netizens. Ayon sa kanya, hindi niya ikinakahiya ang buhay niya noong hindi pa siya sikat. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na gumawa ng kanyang tutong na rice cake.

Narito ang buong pahayag ni Donnalyn, "My life before fame at di ko ikakahiya

💞 salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao. Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!! "

Nagpasalamat din si Donnalyn sa team niya sa pag-edit ng nasabing birthday party at umabot sa 5.2 million views sa loob lamang ng ilang araw. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na nagtanggol sa kanya laban sa pambabash ng ilang mga netizens.

Muling Nabash Si Donnalyn Bartolome Matapos Magkaroon Ng “Kanto-Style” Birthday Celebration!

Walang komento

Muling binash ng mga netizens si Donnalyn Bartolome matapos magkaroon ng 'kanto-style' birthday celebration.

Nauna nang nabash si Donnalyn matapos magsagawa ng birthday photoshoot na may sexy baby themed. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa publiko at sinabing hindi niya intention ang mang offend.

Naging usap-usapan naman ngayon ang kanyang latest vlog na may pamagat na 'My Kanto Bithday (shot puno)'. Agad itong nagtrending sa unang arw pa lamang ng pagpapalabas nito. Marami sa mga tagahanga ng vlogger ang natuwa at naka-relate sa ginawang celebration nito.

Samantala, may ilang mga netizens naman na tila hindi nasiyahan sa ginawa ni Donnalyn. Komento ng ilan, "Donnalyn is romanticizing poverty". Sensitibo ang ganitong paksa lalo na ngayon na maraming naghihirap sa bansa.

Sa nasabing vlog, nagbigay ng rason si Donnalyn kung bakit ito ang napili niyang theme para sa kanya birthday celebration. Nais lamang umano niyang balikan ang mga panahon kung saan wala pa siyang kaya na mag-celebrate ng bonggang birthday party. Lalo na noong panahong umalis siya sa kanilang tahanan upang i-pursue ang kanyang pangarap.

Nais din lamang ni Donnalyn na ipabatid sa publiko ang kanyang mga pinagdaanan noon at hindi niya ito kinakahiya. Maging ang kaibigan ni Donnalyn na si Awra ay nagsalita na rin tungkol sa kontrobersyal tutong cake ay hindi ideya ni Donnalyn kundi ng kanilang mga kaibigan.



Nilinaw din nito na hindi nasayang ang nasabing rice cake dahil kinain naman nila ito sa huli. Nalulungkot din umano ito dahil nais lamang ng kaibigan niyang si Donnalyn na magbalik tanaw sa kanyang nakaraan. Subalit, binatikos ito ng ilang mga netizens.

Samantala nagsalita na rin si Donnalyn tungkol sa kanyang controversial na kanto style birthday celebration. Ayon sa kanya, wala siyang pinagsisisihan sa ginawang celebration bagkus ito pa umano ang best birthday celebration niya. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na gumawa ng tutong cake niya dahil napasaya umano siya nito.

Mastermind Sa Pagkawala Ni Jovelyn Galleno Sa Robinson's Place Palawan

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media kung sino nga ba ang nasa likod ng pagkawala ni Jovelyn Galleno.

Hinuha ng maraming mga netizens na may kinalaman umano ang manager ni Jovelyn sa biglaang pagkawala ng dalaga. Sa kadahilanang may relasyon diumano ito at ng asawa ng manager. Matatandaang hindi ito sinabi ng manager sa panayam nito sa KMJS.

Ayon sa store manager ng pinagtatrabahuang botique ni Jovelyn Galleno, nakita pa niya si Jovelyn noong pumasok siya sa kanyang trabaho noong August 5, 2022. Ayon pa sa kanya, bandang 6:30 ng hapon pinauwi na niya si Jovelyn. Sa gabing iyon, nakaramdam umano ito ng kaba at hindi makatulog.

Nilinaw ng manager na malinis ang kanyang konsensya at naiinis pa siya sa ilan na kung ituring siya ay isang suspek sa nangyari sa dalaga. Marami sa mga netizens ang nagdududa sa store manager dahil magkaiba ang pahayag nito sa KMJS at sa mga chat ni Jovelyn.

Ayon sa sinabi ng store manager ay pinauwi niya si Jovelyn ng maaga ngunit ayon sa huling mga chats ni Jovelyn sa kapatid, hindi pa niya nakuha ang kanyang sweldo dahil wala ang kanilang ma'am. Kaya naman napagtagpi-tagpi ito ng ilang mga netizens na pinagmulan ng pagkakadawit sa pangalan ng store manager.

 

Senator Raffy Tulfo-Suportado Ang Partnership Ng ABS-CBN at TV5?

Walang komento

Sa isang panayam kay Sen. Raffy Tulfo, sinabi niya na makikinabanang ang mga manonood sa nangyaring partnershio ng ABS-CBN at TV5. Magkakaroon umano ito ng sapat na abilities upang makagawa ng quality shows para sa mga manonood.

Ayon pa kay Sen. Raffy Tulfo isang dream team ang partnership ng ABS-CBN at TV5.

"The best of worlds joining together at ang end result, dream team. At sino makikinabang dito? The viewing public."

Sa ngayon ay wala pa naman umano siyang nakikitang violation sa nangyaring partnership between TV5 and ABS-CBN.

"Kung merong violation, then it's a different story, it's a different ballgame. Pero kung wala tayong makikitang mali at okay lang 'yung merger ng ABS-CBN at TV5, so let it be."

Dagdag pa nito, "I, for one, will support that and I'm talking based on me being a former broadcaster na alam ko 'yung takbo at kalakaran sa media."

Samantala pag-uusapan naman sa House of Representative bukas ang tungkol sa nangyaring partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.



Just in ! John Arcilla Pinakausapan Ang Mga Fans Na Maging Mahinahon

Walang komento

Martes, Agosto 16, 2022

Pinaki-usapan ng aktor na si John Arcilla ang mga fans ng FPJ's Ang Probinsyano na maging mahinahon at itigil na ang pambabash sa kanya at pagpapadala ng death threats sa kanyang social media accounts.

Ayon sa kanyang post, "Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba  Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, undersrandable pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality. Ang moral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay. Sabi nga Walang nananalo sa giyera. Bawat kampo ay may kanya kanyang mga kapatid anak asawa at magulang."

Nabobother na din umano siya sa mga nagbibigay ng mga threats sa kaniya dahil tila pinepersonal ng ilang mga fans ang karakter niya sa katatapos lamang na seryeng Ang Probinsyano. Kahit pa tila joke jok lang naman ang mga iyon hindi na umano nakakatuwa na pagbantaan siya sa labas ng kanyang karater sa isang serye.

 

Tumbok Na Driver Na Sus-Pek Jovelyn Galleno Hawak Na Ng Kapulisan!

Walang komento

Base sa huling CCTV footage na ipinalabas ng Palawan Police ukol sa pagkawala ni Jovelyn Galleno, kasama ang pamilya ng biktima. Mayroon na umano silang suspek na maaring makakapagbigay linaw sa kaso.

Isang puting multicab ang itinuturong sinakyan ng dalaga na bumabyahe patungong Sta. Lourdes. Kinumpirma naman ng ina ni Jovelyn na ito nga ang kanyang anak. Base naman sa panayam ni Sen. Raffy Tulfo sinabi ng pulis na ang sinakyan umano ni Jovelyn ay pinagmamanehoan ng isang nagngangalang Dante. Subalit, natatakpan ito ng isang truck kaya hindi tiyak kung sumakay nga ang dalaga sa multicab o hindi.

Hawak naman na umano ng mga kapulisan ang sinasabing driver upang makatulong sa imbestigasyon. Bandang alas 6:56 ng gabi namataan ang isang puting multicab sa harap ng Robinson's Mall at patungo sa direction ng Sta. Lourdes Puerto Prinsesa. Hinsdi din umano kasali ang nasabing driver sa multicab driver's association na bumabyahe sa Sta. Lourdes. Ito ay ayon sa mga opisyales ng association na nakapanayam ng media.

Samantala ang nasabing CCTV footage ay hindi galing sa CCTV footages ng Robinson's Mall Palawan kundi sa ibang establishment. May binuo na ring Special Investigation Task Force ang Puerto Prinsesa City Police Office para tumutok sa paghahanap sa nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno.

Ang SITF ay hindi lamang tututok sa paghahanap ng mga witnesses at pagbusisi sa mga CCTV footages mula sa iba't-ibang establishments kundi maging sa pagmonitor sa mga social media platforms kagaya ng Facebook, Tiktok, Twitter, Instagram at iba pa. 

Magmemeeting din ito araw-araw upang mapag-usapan ang kanilang mga nakalap na impormasyon tungkol sa pagkawala ni Jovelyn.

 

Nagka-Totoo Na! Relasyon Nila Gerald Anderson at Julia Barretto Nanlalamig Na!

1 komento

Parehong busy sa kani-kanilang project ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Talagang masasabing napaka work-oriented ng dalawa para sa success ng kani-kanilang showbiz career. Marami naman sa kanilang mga tagahanga ay nasisiyahan sa kanilang mga achievements at naniniwalang mas tumatatag pa ang kanilang relasyon kahit pa sa kanilang busy schedules.

Samantala, mady ilan namang nagsasabi na tila nanlalamig na umano ang dalawa sa isa't-isa dahil sa kanilang mga trabaho. Nag-ugat ito sa isang pahayag mula sa isang kilalang showbiz page tungkol sa umano'y pinagdadaanan ngayon ng magkasintahan. Marami na rin ang nakakapansin na napadalas ang nagtatravel ni Julia ng mag-isa.

Tila hindi lamang umano pinapahalata ng dalawa na may pinagdadaanan ang kanilang relasyon ngayon. Ngunit malakas umano ang paniniwala ng nasabing source na tunay na ang panlalamig ng relasyon ng dalawa.

Komento naman ng ilang mga netizens na nagsimula umano ito nang magkaroon ng sunod-sunod na projects si Gerald kasama ang iba't-ibang leading lady. Ayon sa usap-usapan ay hindi na umano nagustuhan ni Julia ang kanilang set-up ni Gerald Anderson. Lalo na umano ang mga intimate scenes ni Gerald kasama si Ivana Alawi.

Samantala, hinuha ng ilang mga netizens na natulad sina Gerald Anderson at Kylie Padilla sa nangyari noon kina Paolo Contis at Yen Santos. Matapos umanong magkaroon ng project abroad nagkaroon na ng relasyon.

Nananatili namang tahimik sina Gerald at Julia tungkol sa pang-iisyu sa kanila. Tila binabalewala na lamang nila ang mga isyu tungkol sa kanilang relasyon.

 

Publiko Di Makapaniwala, Ice Seguerra Edad 38

Walang komento

Trending ngayon sa social media ang larawan ng singer na si Ice Seguerra. Marami ang nagulat at kinabahan sa nasilayan nilang ito sa social media. 

Inakala ng marami na namayapa na ang nasabing singer dahil sa ibinahagi nitong black in white photo sa kanyang Instagram account. Naging trend kasi sa social media ang pagpopost ng black in white photo kapag may namayapa bukod sa larawan ng isang nakasinding kandila.

Agad namang nagbigay ng pahayag si Ice tungkol rito at siniguro na buhay pa siya at humihinga matapos magviral sa social media ang kanyang black in white photo. Ang nasabing litrato ni Ice ay kaagad umani ng samu't-saring mga komento mula sa netizens matapos niya itong ibinahagi sa kanyang IG account. Karamihan sa mga nagkomento ay inakalang may nangyaring masama sa singer at namayapa na ito.

Inirepost ito ni Ice kalakip ang caption, "Kalma lang kayo guys. Ako lang 'to. At buhay pa ako."

Agad namang sinagot ng isang netizen ang caption ni Ice at sinabi sa comment section,  "jusko ka Ice,un naka idlip ako tpos pg gising ko sbay dampot sa fone at check ng IG,pgbungad s akin itong pic mo,Maigaddddd akala ko kinuha kn ng mga Alien!!! buset."

Ibinahagi naman ni Ice sa kanyang Facebook page ang screenshoot ng kanyang photo at ang ilang komento ng mga netizens. Sa caption sinabi niyang, "Ang hirap pala mag post ng black and white photo sa IG. May phobia na mga tao."



Karamihan sa mga tagahanga ni Ice ay nag-aalala sa kanya dahil sa kanyang ibinahaging larawan ang iba naman ay muntik na umanong magbigay ng condolence dahil sa pagkawala umano ni Ice.

Latest Update! Pagkawala Ni Jovelyn Galleno Nahulaan Na Ni Jay Costura!

Walang komento


Wala pa ring tigil sa paghahanap ng kasagutan kung nasaan na nga ba ngayon ang nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno. Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ito ng mga otoridad at pamilya nito. Maging ang paghingi ng tulong mula sa isang sikat na psychic ay ginawa na rin ng pamilya nito para lamang malaman ang kasalukuyang kalagayan nito ngayon.

 Sa inilabas na social media post ni Jay Costura, tila sinasabi nito na buhay pa si Jovelyn. Aniya sa kanyang post, tapos na umano niyang basahin ang case ni Jovelyn Galleno. Nilagyan niya ang kanyang post ng hashtag alive, power at kasunduan. Tila nagpapahiwatig ito na buhay pa si Jovelyn.

Kalakip ng post ni Jay ay ang larawan kasama ang pamilya ni Jovelyn at tila katatapos lamang nitong basahin kung nasaan na nga ba si Jovelyn at kung ano ang kalagayan nito ngayon. Hindi na idinitalye pa ni Jay ang naging resulta ng kanyang readings. Ngunit kung pagbabasehan ang mga hashtags nito tila sinasabi nitong nabubuhay pa si Jovelyn.

Ayon naman sa ilang mga netizens tila may kasunduan sa pagitan ng pamilya ni Jovelyn na hindi muna ipapalabas ang video sa pagtuntun nila kung nasaan man ngayon ang dalaga. Para na rin umano ito sa privacy ng pamilya at upang mas mapadali ang hakbang sa pagbabalik nito sa kanyang mga magulang.

 

Sylvia Sanchez G@lit Na G@lit Na Binantaan Si Ice Seguerra!

1 komento

Trending ngayon sa social media ang asaran nina Sylvia Sanchez at Ice Seguerra.

Pinagtripan kasi ni Ice Seguerra ang kaibigang si Sylvia Sanchez noong bumisita ito sa bahay ng huli. Nagselfie si Ice habang natutulog sa sofa si Sylvia at ibinahagi sa kanyang Instagram account. Nilagyan pa ito ng singer ng caption na, "Hay nay, tinulugan mo na naman ako eh.. tsk."

Nagulat naman si Sylvia ng makita ang larawan niya sa Instagram page ni Ice. Agad itong nagbigay ng komentong, "Punyeta!!! Naisahan mo na naman ako!!! Pinilit kong wag makatulog dahil alam kong wawalanghiyain mo na naman ako. Pero paanong hndi ako makatulog eh kanta ka ng kanta. May araw ka din!! Tandaan mo yan, magagantihan din kita."



Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkulitan ang dalawa sa social media. May nauna na ng post si Ice kung saan nakunan din niya si Sylvia habang natutulog. Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa ng magkasama sa trabaho sa hit Kapamilya series na Be Careful With My Heart na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.

Anak Ng Pum4naw Na Si Cherrie Gil Nabash Ng Netizen Matapos Mag Party!

2 komento

Kamakailan ay nagulat ang mga netizens sa paglabas ng balitang pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie Gil dahil sa sakit na kanser sa edad na 59. Labis naman na nagluluksa ang mga fans, kaibigan at naulilang pamilya ni Cherie Gil.

 Samantala, hindi napigilan ng ilang mga netizens na mapa-react sa ginawa ng isang anak ni Cherie Gil na si Bianca.  Namataan kasi sa isang party si Bianca Rogoff. Komento naman ng ilang mga netizens bakit nakuha pang magparty ng anak ni Cherie na tila ba walang nangyari sa kanilang pamilya. Binalewala lamang ba umano nito ang pagpanaw ng kanyang ina?

Agad namang sinagot ni Bianca ang tila panghuhusga sa kanya ng ilang mga netizens. Sa kanyang IG stories sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung bakit nasa party na ito gayung kamamatay pa lamang ng kanyang ina.

"Absolutely.

Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived. And if you knew her, she'd be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.

I am grieving and that is similarly sacred- but it is not my job to show you that. I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me.

If you'd like to unfollow, please feel free. I will keep enjoying the life my mother and granted me."

Ayon sa kanyang caption sa nasabing convo, sinabi niyang hindi niya masagot isa-isa ang mga nagmemessage sa kanya kaya i-consider na lamang umano bilang overall statement ang sagot niyang iyan sa mga netizens nagtatanong kung  bakit nasa party ito.



Katotohanan at Kasinungalingan Sa Misteryosong Pagkawala Ni Jovelyn Galleno!

Walang komento

Hanggang ngayon ay pinaguusapan pa rin sa iba't-ibang social media platforms ang umano'y mysteryosong pagkawala ng isang dalagang nagtatrabaho sa Robinson's Mall sa Palawan na si Jovelyn Galleno.

Ayon sa nakakabatang kapatid ni Jovelyn, hindi umano ito nakauwi noong August 5 at hanggang ngayon ay patuloy pa ring hinahanap. 6:30 ng gabi ang paglabas ni Jovelyn sa kanyang trabaho, bandang 6:38 naman nakatanggap ng chat ang kapatid nito mula kay Jovelyn na nagtatanong kung ano ang ulam. Ibig sabihin umano nito ay pauwi na ang dalaga.

Samantala, family-oriented umano itong si Jovelyn at wala ring boyfriend, ayon sa pamilya nito. Wala rin umano itong bisyo at nagpapaalam naman sa tuwing may pinupuntahan.

Base sa CCTV footages, pumasok si Jovelyn sa kanyang trabaho bandang alas 9 ng umaga ngunit hindi nakunan ng CCTV ang paglabas nito. Dahil dito, muling naungkat ang mga usap-uspan noon na may malaking taong ahas umano sa loob ng Robinson's Mall na nangangain ng tao.

Maging ang ilang mga fortune teller ay tumulong na rin sa pamilya ni Jovelyn sa pamamagitan ng kanilang card reading techniques.



Sa kabilang banda, marami ring fake news na kumakalat ngayon tungkol sa pagkawala ni Jovelyn at sa kasalukuyan niyang kalagayan ngayon. Mayroon pang gumagawa ng fake account ng dalaga at nanghihingi ng tulong. Kaya naman, nakiki-usap ngayon ang pamilya ng dalaga na itigil na ang paggawa ng kwento dahil hindi ito nakakatulong sa imbistigasyon ng mga pulis.

ABS-CBN TV5 Merger-Mag-Iiwan Ng Hindi Kaaya-Ayang Lasa Ayon Kay Rep.Marcoleta.

2 komento

Matapos ang dalawang taon ng pagpapasara at hindi pagbibigay ng bagong franchise sa ABS-CBN  ng Kongreso. Tila hindi pa rin nakakamove si Rep. Rodante Marcoleta at tinatarget pa rin ang ABS-CBN.

Ayon sa kanyang speech sa kongreso, mag-iiwan umano ng hindi kaaya-ayang lasa ang merger ng ABS-CBN at TV5. Subalit ayon sa paglilinaw hindi merger ang nangyari sa ABS-CBN at TV5 kundi isang joint venture.

Ayon kay Rep. Marcoleta, "To be honest, I think the merger left a bad taste in the mouth. It leaves much to be desired."

Dagdag pa nito na aabot ng mahigit 1 trillion pesos ang penalty na dapat bayaran ng ABS-CBN sa gobyerno base sa kanyang calculation.

"This representation calculated the administrative penalties that should be paid by ABS-CBN to the government, and my calculation totaled P1.6 trillion. If these can be considered as obligations to the national government then the NTC order, again, should be applied."

 

Heart Evangelista Napahagulgol Sa Iyak! Huli Sa Akto Si Chiz Escudero!

Walang komento

Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon ang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Ngayon nagbigay na ng pahayag ang fashion icon and Kapuso actress Heart Evangelista kung ano ang mga dahilan ng kanilang paghihiwalay ng mister na si Chiz Escudero.

Ayon sa pahayag ni Heart Evangelista sa isang panayam sa isang sikat na kolumnista, sinadya umano niyang ilihim ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Chiz. Dahil nais niyang isalba ang natitira sa relasyon nila.

Nilinaw din ni Heart sa isang interview na hindi third party at tungkol sa financial ang dahilan ng kanilang pagkakalabuan. Napagod lamang umano siya sa mga panghuhusga ng publiko sa kanyang asawa.

Hiling naman ni Heart nasanay itigil na ang pambabatikos kay Chiz Escudero dahil napakabuti umano nitong tao at mabuting ama sa kanyang mga anak. Sa ngayon ay nagfofocus si Heart sa kanyang career at pagtatravel upang mawala sa isip ang kinakaharap na problema sa pag-ibig.


 

Sus-Pek Sa Pagkawala Ni Jovelyn Galleno!

Walang komento

Nagbigay muli ng pahayag ang kapulisan tungkol sa kaso ng babaeng nawala sa Robinson's Mall na si Jovelyn Galleno.

Ginagawa na umano ng mga ito ang lahat upang malutas ang kaso. Hinihikayat din nila ang lahat na tigilan ang pagpapakalat ng mga fake news tungkol sa dalaga.

Narito ang buong pahayag ng PPCPO, "𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗣𝗣𝗖𝗣𝗢 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗶𝘁𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗜𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗖𝗜𝗗𝗠𝗨) 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗼𝘂𝘀𝗹𝘆 𝗰𝗼𝗻𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗼 𝘀𝗵𝗲𝗱 𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗝𝗼𝘃𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗚𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗼.

𝗥𝗲𝘀𝘁 𝗮𝘀𝘀𝘂𝗿𝗲𝗱 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗶𝘀 𝗱𝗼𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘁𝘀 𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗲𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗮𝘀𝗲.
𝗠𝗲𝗮𝗻𝘄𝗵𝗶𝗹𝗲, 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗼𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗰𝗹𝗼𝘀𝗲 𝗰𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗱𝗶𝗳𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆 (𝗮𝗶𝗿𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗲𝗮𝗽𝗼𝗿𝘁) 𝗶𝘀 𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗼𝗻𝗲 𝗯𝘆 𝗰𝗵𝗲𝗰𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗮𝗻𝗶𝗳𝗲𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗽𝗮𝘀𝘀𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗮𝗶𝗿𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗲𝗮𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝘁𝗼 𝗶𝗻𝗰𝗹𝘂𝗱𝗲 𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼 𝗮𝗶𝗿𝗽𝗼𝗿𝘁 𝘁𝗼 𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿 𝗶𝗳 𝗝𝗼𝘃𝗲𝗹𝘆𝗻 𝗚𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗼 𝗹𝗲𝗮𝘃𝗲𝗱 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆.
𝗙𝘂𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗿𝗲𝗾𝘂𝗲𝘀𝘁𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝟮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝘁, 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗳𝗼𝗿 𝘀𝗲𝗮𝗯𝗼𝗿𝗻𝗲 𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗮𝘁𝗿𝗼𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗶𝘁𝘆 𝘄𝗮𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗲𝗿𝗿𝗶𝘁𝗼𝗿𝘆.
𝗟𝗶𝗸𝗲𝘄𝗶𝘀𝗲, 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗼𝘂𝘀 𝗰𝗼𝗹𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗖𝗖𝗧𝗩 𝗳𝗼𝗼𝘁𝗮𝗴𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝗻𝗲𝗮𝗿𝗯𝘆 𝗲𝘀𝘁𝗮𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗺𝗲𝗻𝘁.
𝗪𝗲 𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗴𝗮𝗶𝗻 𝗮𝗽𝗽𝗲𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝘁𝗼 𝗿𝗲𝗳𝗿𝗮𝗶𝗻 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗱𝗶𝘀𝘀𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗼𝗮𝘅 𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗮 𝘀𝗼 𝗮𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝘁𝗼 𝗵𝗮𝗺𝗽𝗲𝗿 𝗼𝘂𝗿 𝗶𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻.
𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗼𝘂𝘀 𝘀𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝘁𝗼 𝗣𝗣𝗖𝗣𝗢."


Matatandaan na nakapanayam na din ni Jessica Soho ang pamilya ng dalagang nawawala ngunit hindi pa rin natukoy ang mga suspek at na-solusyonan ang kaso.

Smart-Shaming Ni Karla Estrada Kay Kaladkaren, Pinalagan Ng Netizens!

Walang komento

Lunes, Agosto 15, 2022

Naging mainit na usapin sa social media ang biro nina Karla Estrada at Jane De Leon kay Kaladkaren bilang co-judge sa isang segment ng It's Showtime noong Sabado.

Habang nagbibigay ng komento si Kaladkaren bigla na lamang tumayo sina Jane at Karla at iniwan ito at sinabing tila hindi na sila kailangan dahil kayang-kaya na nito mag-isa ang pagiging judge. Ayon pa kay Karla, pinagtatanggol lamang niya ang kaibigang si Ruffa Gutierrez na na bash matapos magkomento nito tungkol sa sagot ng isang contestant.

Matatandaang nabash si Ruffa dahil sa diumano'y paglalagay nito ng political color sa naging komento nito tungkol sa sagot ng isang contestant. Habang pinuri naman ang komento ni Kaladkaren dahil sa pagpunto nito na kahit gaano pa man kasikap at katyaga ng ibang mamamayan ay hindi pa rin umuunlad dahil sa bulok na sistema.

Uminit naman ang ulo ng ilang mga netizens dahil sa umano'y smart-shaming ni Karla kay Kaladkaren. Komento ng ilan mga netizens na feeling entitled umano itong si Karla Estrada kung mamahiya kay Kaladkaren. Nagbibigay lamang umano ng opinyon si Kaladkaren at kabastusan ang ginawa nina Karla at Jane. Hindi umano ito nakakatuwa bagkus nakakasakit pa ito ng damdamin.



Samantala nilinaw na noon ni Kaladkaren na bagama't magkaiba sila ng sinusuportahan presidente ni Karla Estrada, nananatili pa rin ang pagkakaibigan nila. Sa katunayan, envited pa ito noong opening ng KFC business ni Karla sa Tacloban City sa Leyte.

Sa kabilang banda, naging guest naman ni Kaladkaren si Ruffa sa isang vlog niya. Nagpapatunay lamang ito na walang sama ng loob sa pagitan nila at nananatili pa rin silang magkaroon. Naging OA lamang ang ilang mga netizens at tila pinag-aaway pa ang dalaga.

Jovelyn Galleno Binawi-an na ng Buhay!

Walang komento

Ayon sa isang fortune teller, binawian na umano ng buhay si Jovelyn Galleno base sa kanyang mga card readings.

Narito ang buong paglalahad ng fortune teller, Ilang oras ko inisip kung dapat ko ba ito i-post o hindi dahil sensitive ang case na ito ni Jovelyn Galleno. Kaso last resort ko kagabi, bukod sa ilang araw na akong nakakakuha ng signs na basahan siya at ayon na nga kagabi, napanaginipan ko pa siya. Drawn na drawn ako sa kanya. Salamat Ilu Sion sa pagpapalakas ng loob ko.

DREAM KO LAST NIGHT:
Magkasama kami sa isang school. Pareho kaming nakasuot ng pang-highschool na uniform. Pupunta raw kami sa kabilang building ng school kaso bago makapunta dun, kailangan muna na umakyat sa mataas na pader or bato. Ako, naka-akyat na pero siya, hindi siya makaakyat hirap na hirap daw siya. Kaya bumaba raw ako uli. Sabi ko, sa kabilang building na lang kami magpunta. Hanggang nagbago yung scene. May parang convinience store tapos magkasama kami na naglalakad nang may sumusunod daw sa amin hanggang nagising na ako.
DISCLAIMER:
Wala akong intention na manakot ng kahit sino specially sa pamilya niya o kaanak. Iinterpret ko lang yung cards based sa energy na nasasagap ko mula sa name and pictures niya. Mahalagang hintayin pa rin ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad. Ipagdarasal ko rin na mali itong reading ko at makauwi siya ng buhay at ligtas sa kanyang pamilya. Sa pamilya po ni Jovelyn, hindi ko po alam kung paano kayo kokontakin kaya kung makarating man po ito sa inyo, I am just following signs kasi ilang araw na ako binabagabag.
One more thing, iba-iba rin po ang interpretation ng bawat readers so stop comparing po. Thanks! So, ito na yung readings...
First, we have the significator and representation of Jovelyn. 5 of cups can be a sign of loss and death. Based sa aking readings, possible na wala na siya o patay na siya (again, I am praying na mali ako). May nakikita rin akong malaking regrets na dala-dala niya.
Second, we have a queen of cups. Maaaring nasa malapit sa dagat o ilog ang katawan niya or anything na malapit sa tubig. Basta may body of water na malapit sa kanya.
Third, we have inverted 8 of pentacles, queen of swords and knight of pentacles. Maaaring may kinalaman sa love affair ang case na ito. Possible love triangle pero ayaw ni Jovelyn or nag-aalinlangan siya. May "friend zoned" na naganap. Meron din involved na babae... kaya nasabi kong love triangle. So, maaaring ang babaeng tinutukoy ng card na ito ay siya ang mastermind. Medyo powerful ang mga taong involved. On the other hand, nakilala ni Jovelyn si guy maaaring related sa work or nakilala sa working place at ang may gusto talaga is yung lalaki.
Fourth, New Moon is a sign of something that needs to be kept. A confirmation of love affair or love related. Dawn is a sign of farewell and acceptance... for the family and stone people is a sign na may mga kutob at signs na ang pinakikita pero binaliwala.

So, I hope... mali ang maging readings ko. Kasi napakasensitive niya. Nawa'y makauwi siya ng buhay at ligtas."

Sa huling bahagi ng post, tinaya nito ang kanyang reputation bilang fortune teller at nananalangin na sana'y mali ang kanyang hula at buhay pa si Jovelyn. 

 

Direk Daryl Yap Pinalagan Ang Fact Check Ng Rappler!

Walang komento

Hindi sinang-ayunan ng direktor ng Maid in Malacanang movie na si Direk Darryl Yap ang naging article Rappler hinggil sa nasabing pelikula.

Ayon sa Rappler, "The palace staff did not know of the first family's departure plans minutes before they fled Malacanang Palace, according on a 1986 report."

Dahil sa nasabing caption ng Rappler tila ipinapalabaas nito na hindi totoo ang napanood ng sambayanan tungkol sa nangyari sa mga Marcos noon ilang araw matapos nilang umalis sa Palasyo.

Samantala agad namang bumwelta si Direk Darryl Yap sa nasabing pahayag ng rappler tungkol sa pelikulang Maid in Malacanang.

"According to 1986 report ng mga wala rin sa palasyo.

Rappler, tama na... tapos na ... kayo."



Tila sinasabi rito ni Direk Darryl na wala nang magagawa pa ang Rappler dahil basag na sa publiko ang diumano'y pagiging bias nila at hindi nagbabalita ng magaganda tungkol sa mga Marcos.

Samantala ayon sa komento ng ilang mga netizens, bakit umano ang mga kasalanan ng mga Aquino ay hindi man lamang inirereport. Kagaya na lamang ng Hacienda Luisita Massacre at Plaza Miranda Bombing.

 

Tukoy Na!!! "B@ngkay" Ng Dalagitang Si Jovelyn Galleno, Natagpuan Sa Pinakasulok Ng Bodega Ng Mall?

Walang komento


 Trending at pinag-uusapan pa rin sa mga social media platforms ang balita tungkol sa nawawalang empleyado ng Robinson's Mall na si Jovelyn Galleno.

Noong August 5, 2022 ng umaga ay nakunan pa ng mga CCTV ang pagpasok ng dalaga sa kanyang trabaho sa loob mismo ng Robinson's Mall sa Palawan. Nananatiling palaisipan ngayon kung ano nga ba ang totoong nangyari sa dalaga matapos ang kanyang shift sa trabaho roon.

Hanggang ngayon ay wala pa rin tumatayong testigo upang makapagbigay ng detalye sa mga posibleng nangyari sa dalaga.

Samantala, kumakalat ngayon ang ilang larawan kung saan ito ang pinaghihinalaang bangkay ng dalagang nawawala simula pa noong August 5. Ayon sa mga usap-usapan baka ang bangkay na natagpuan sa isang bahagi ng basement ng mall ay ang bangkay na ni Jovelyn.

Ngunit, hindi pa tiyak at wala pang kumpirmasyon mula sa mga kinauukulan kung totoo nga ba ang mga bali-balitang ito. Hiling naman ng mga kaibigan at ilang mga netizens na hindi ito ang bangkay ni Jovelyn Galleno. Sana ay buhay pa at nasa maayos ang kalagayan nito.



Grabe! Jovelyn Galleno Si Robinson Snake Ba Ang Dahilan Kaya Siya Nawawala at Hindi Makita!

Walang komento


 Hindi pa rin tumitigil ang mga pulis sa paghahanap ng mga lead na makakatulong upang matuntun ang kinaroroonan ni Jovelyn Galleno.

Si Jovelyn Galleno ay nagtatrabaho sa Robinson's Palawan at nawawala noon pang August 5, 2022. Sa CCTV footage mula sa isang tindahan sa loob ng Robinson's Mall, nakuhanan si Jovelyn habang tila papauwi na sa mga oras na iyon. Base sa time stamp sa CCTV napadaan doon si Jovelyn bandang alas 7 ng gabi.

Samantala, maraming mga netizens ang naghinala na may kinalaman umano sa pagkawala ngayon ni Jovelyn ang mga haka-haka noon na may naninirahang taong ahas sa Robinson's Mall. Subalit hindi naman ito napatunayan kung sakaling totoo man.

Labis namang nag-aalala ang pamilya at mga kaibigan nito ngayon dahil hindi pa rin natutukoy ang ensaktong kinaroroonan nito. Ayon naman sa mga pulis, kulang-kulang ang ipinalabas na mga CCTV footages ng mall upang malaman ang tunay na nangyari sa dalaga. Ang ipinakita lamang ay ang pagpasok ni Jovelyn sa trabaho at hindi ipinakita ang paglabas nito.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang mga pulis sa Robinson's Mall at hinihintay ang kanilang pahayag tungkol sa nawawala nilang empleyado.



Sedan Na Sinakyan Ni Jovelyn Galleno Tukoy Na?

Walang komento

Ayon kay Major Cabellage, sumakay umano sa isang sedan si Jovelyn noong siya ay nawala. Mag-iisang linggo na umano itong sinusundo ng sedan na sasakyan ang dalaga. Ngunit, tila hindi sang-ayon ang Palawan Star sa pahayag na ito ng Major at nagbigay ng komento ukol rito sa pamamagitan ng isang post.

Ayon sa ibanahaging post ng Palawan Star, "Mukhang palabo at hindi paliwanag yung mga sinabi ni Major Cabellage kay Sen. Raffy Tulfo patungkol sa Sedan na maaring sinakyan daw ni Jovelyn Galleno.

At mukhang nasubo pa si Major at mukhang masasabon ng mga boss 'nya ng sabihing Sedan yung sasakyan pero sabay bawi at ayaw ng sabihin kahit kulay lang nung sasakyan ng busisiin ni idol Raffy.
Ang tanong sigurado kaba talaga Major sa Sedan? si Major din sumagot na hindi pala clear sa CCTV na sumakay si Jovelyn maging yung paghahatid allegedly daw noon kay Jovelyn ng umaga Aug. 5. NALOKO NA TSKTSK!
Ang nakakainis dito, nadulas este binangit mo narin lang Major yung Sedan hindi mo pa binangit ang kulay para mapabilis ang paghahanap at makatulong ang publiko, tutal nadulas ka na din lang, bakit hindi mo pa dinetalye? dahil hindi kayo sure sa sedan, totoo ba?.
Pero hindi natin alam kung ito ay diversionary tactics lang na ating kapulisan o talagang nabigla lang itong si Major.
Sa totoo lang duda ako 'dyan sa sedan mo sir Major, maniniwala lang ako 'dyan kung may ilalabas kayong malinaw na kuha ng CCTV na makikita mismo si Jovelyn na sumakay ng Sedan, pero i doubt dahil sa itsura ng mga kuha ng CCTV ng Mall ang lalabo at sila na din ang umamin na sira ang maraming CCTV nila. Tsktsk!
Tip lang Major kung ikaw parin nagiimbestiga, tingnan 'nyo din ibang angulo, nung huwebes issue dito din sa BANAT ay sinabi ko na nakalabas talaga si Jovelyn ng mall at base sa mga info data na nakuha ko may sinakyan si Jovelyn but not Sedan Major. Hhmmm.
Pero kukumbinsihin ko sarili ko na mas totoo muna 'yang Sedan mo Major... medyo double time lang ha, at 'wag kang ma-insecure kung minsan nauunahan kapa ng media, galaw-galaw din kasi
baka makarating pa kayo ng senado 'nyan, yari kayo kay idol Raffy."
 



Ion Perez, Sinagot Si Cristy Fermin: ”Wala Pa Rin Matinong Lumalabas Sa Bibig Mo!”

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang pahayag ni Cristy Fermin sa kanyang Youtube vlog na Showbiz Now Na.

Ayon kay Cristy Fermin, nagkakalabuan na umano sina Ion Perez at Vice Ganda. Base sa mga cryptic post ni Vice tungkol sa kanyang mga pinagdadaanan. Hindi na umano kasing init tulad ng dati ang relasyon ng dalawa. Ayon pa kay Cristy Fermin, nakakatakot ang paghihiwalay ng bakasyon nina Vice at Ion. Si Ion ay nagbabakasyon sa Japan kasama ng kanyang pamilya habang nagbakasyon naman si Vice sa Cebu kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Tila sinagot naman ni Ion Perez ng panlalait ang pahayag na iyon ni Cristy Fermin. Bagama't hindi pinangalanan, halatang si Cristy Fermin ang tinutukoy nito.



Ayon sa pahayag na inilabas ni Ion, halos wala na umanong boses, wala pa ring matinong salita ang lumalabas sa bibig. Ipinaalala rin ni Ion na 2022 na at iilan na lamang umano ang araw sa mundo.

Samantala, from Cebu ay dumiretso sa Bohol sina Vice at mga kasamahan nito upang doon ipagpatuloy ang kanilang pagbabakasyon.

Jovelyn Galleno Newest Update! Raffy Tulfo Galit Sa Mga Dumukot Sa Dalagita

Walang komento

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ng mga kapulisan ang nawawalang dalaga na nagtatrabaho sa loob mismo ng Robinson's Mall sa Palawan na si Jovelyn Galleno.

Nadismaya naman si Sen. Raffy Tulfo sa manager ng nasabing Mall dahil hindi niya ito nakunan ng tama at detailed na impormasyon. Siguro nga ay tama ang mga hula ng ilang mga sikat na fortune teller at ng ilang mga netizens na may malalaking tao ang involved sa pagkawala ni Jovelyn.

Labis na rin ang pag-aaalala ng mga magulang at pamilya nito. Maging ang mga netizens ay nakikisimpatya sa mga pagdadalamhati ng pamilya. Huling namataan si Jovelyn sa kanyang trabaho sa loob mismo ng Robinson's Mall sa Puerto Prinsesa, Palawan. Nagtatrabaho roon ang dalaga upang makatulong sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Nagalit naman si Sen. Raffy Tulfo sa mga tao sa likod ng pagkawala ng dalaga. Maging sa ilang pulis ay nadismaya rin ito dahil sa mahinang pag-update ng kaso. Nagalit naman si Sen. Raffy Tulfo sa manager at ilang staff ng nasabing mall dahil hindi sila nakikipagcooperate ng maayos sa imbestigasyon upang agad masolusyunan ang nangayari kay Jovelyn.

Hindi pa kasi pinapakita ng mall ang mga CCTV footages nila upang malaman kung ano ang sinakyan ni Jovelyn matapos ang kanyang shift sa trabaho.

Samantala, umabot na sa 250,000 PHP ang reward money sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon at makakaturo sa kinaroroonan ngayon ni Jovelyn Galleno. 



Natukoy Na Sasakyang Sumundo kay Jovelyn Galleno!

Walang komento


Sentro ng imbestigasyon ngayon ang sasakyan sumundo kay Jovelyn Galleno.

Matapos umire sa Raffy Tulfo in Action ang kaso ni Jovelyn Galleno na nawala sa Robinson's Mall sa Puerto Prinsesa Palawan, agad na nagkaroon ng meeting ang mga pulis kasama ang mga magulang ng nawawalang dalagita upang magbigay ng ilang impormasyon tungkol kay Jovelyn at i-confirm ang identity nito mula sa mga CCTV footages na hawak na ng kapulisan.



Kinumpirma ng City PNP na may anim na CCTV footages na silang nakuha mula sa mga establishments na malapit at nakaharap sa Robinson's Mall sa Palawan kung saan huling namataan si Jovelyn.

Samantala, nagbigay naman ng assurance ang PPCPO sa mga nag-aalalang pamilya ng biktima na ginagawa nila ang lahat upang malocate ang kinaroroonan ngayon ni Jovelyn Galleno. Maging si Sen. Raffy Tulfo ay nangangakong tututukan niya ang kaso ng pagkawala ng dalaga.

Jovelyn Galleno Latest Update! Spotted Ngayon Sa CCTV Sa Robinsons Mall!

Walang komento

Nananatili pa ring mysteryo ang pagkawala ng estudyanteng si Jovelyn Galleno. Hanggang ngayon ay inaalam pa rin kung ano ang tunay na nangyari sa dalagita. Maging ang mga pulis sa Puerto Prinsesa ay inaalam pa rin ngayon kung nasaan si Jovelyn.

Ayon sa CCTV footage ng Robinson's Mall, nakitang pumasok si Jovelyn sa kanyang trabaho sa loob ng nasabing Mall. Ngunit, hindi nakakuha sa mga CCTV footage ang paglabas ng dalagita sa Robinson's Mall matapos ang kanyang shift sa trabaho.



Ayon sa hula ng ilang mga fortune teller, hawak ngayon si Jovelyn ng malalaking tao sa lipunan. Kaya nahihirapan ang mga pulis sa pagtukoy kung nasaan na ito ngayon. Labis-labis ang paghihinagpis at pag-aalala ang nararamdaman ngayon ng pamilya ni Jovelyn. Lalong-lalo na ang ina nito na hindi inaakala na mangyayari ito sa kanyang anak.

May mga kumakalat na balita ngayon na umano'y dinukot si Jovelyn ng isang puting van ngunit hindi pa rin matukoy kung saan dinala si Jovelyn.

Samantala, humihingi ng tulong ngayon ang pamilya ni Jovelyn upang makauwi ng ligtas ang dalagita. Nananawagan sila sa mga nakakita o may impormasyon tungkol sa kinaroroonan nito ngayon.

 Sa kabilang banda, kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isang CCTV footage kung saan makikita ang isang babaeng palabas ng isang Mall na ayon naman sa ilang mga netizens, ang babaeng ito ay si Jovelyn Galleno. Makikita rin sa nasabing footage na habang palabas ito ay may nagmamatyag na isang kahina-hinalang lalaki. Hinuha tuloy ngayon ng mga netizens na ang lalaking ito ang dumukot sa dalagita.

Xian Gaza Ibinulgar Ang Totoong Dahilan Ng Hiwalayang Heart Evangelista At Chiz Escudero

Walang komento

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang isyu ng diumano'y hiwalayan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero. Nag-ugat ang nasabing isyu matapos tanggalin ni Heart sa kanyang Instagram account ang surname ng asawa na sa Escudero.

Hinuha naman ng ilang mga netizens na baka may problema ang mag-asawa. Ayon naman sa ilang komento ng mga netizens na kapansin-pansin din diumano ang kawalan ng sweetness ng dalawa noong SONA ng pangulo at sa Thanksgiving Gala Night ng GMA7. Tila may tensyon umano sa pagitan nila.

Samantala, may wife pa naman umanong nakalagay sa description ni Heart Evangelista sa Instagram. Baka umano ay wala namang ibang ibig sabihin ang pag-edit niya sa kanyang name sa IG. Dagdag pa ng iba na baka ay for business purpose lamang ang ginawang ito ni Heart.



Subalit nagbigay ng opinyon ang self proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza tungkol sa isyu ng hiwalayan nina Heart at Chiz. Ipinagtanggol nito si Heart Evangelista. Ayon kay Xian, tinanggal ni Heart ang Escudero sa IG account niya dahil may incoming endorsement project si Heart with a global luxury brand kaya need niya i-retain ang Heart Evangelista brand without her husband's surname.

Oops! Francine Diaz Muntik Ng Masilipan Kanina Sa Ginawa Nilang Tiktok Dance Video!

Walang komento

Linggo, Agosto 14, 2022

Francine Diaz, muntik ng masilipan kanina sa ASAP rehearsal dahil sa kanyang  maiksi masyadong suot na short. 

Habang nasa break sila ay naisipan nilang gumawa ng Tiktok video at habang gumawa ng Tiktok dance video ay nakatakip ang mga mata. Dahil dito hindi alam ni Francine at mga kaibigan nito na muntik na pala siyang masilipan.

 

Anak Ni Marian Rivera at Dingdong Dantes Na Si Zia Kinantahan Ang Nanay Sa Ika-38th Birthday Nito

Walang komento

Sabado, Agosto 13, 2022


Panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marrian Rivera na si Zia nag-alay ng kanta para sa birthday ng kanyang ina. Kinanta nito ang sikat na OPM song na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.

Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga bisita lalo na si Marrian na proud na proud sa anak. Makikita naman kasi kay Zia na nagmana ito sa galing mula sa primetime King and Queen na mga magulang.

Maririnig mula sa background ng pagkanta ni Zia ang tinig ni Marian habang proud na sinasabing 'anak ko 'yan'.



Bongga Kim Chiu Inikot Ang New York Sakay Ng Helicopter!

Walang komento

Habang rumampa ang ilang Kapamilya stars sa New York sumakay sa Helicopter si Kim Chiu upang libutin ang lugar at makita sa itaas ang buong lugar at ang Statue of Liberty.

Makikita ito sa Instagram post ni Kim kung saan katabi pa siya sa piloto. Ayon sa caption ni Kim, "As Anastasia Steele yern!!!

New York from up above!!!! #KIMadvenCHIUre mode ON!! #CHIUrista

Have a great day everyone!!!! sending you hugs and kisses from me and ate LIBERTY!!!"

Kakaiba talaga ang naging experience ni Kim pero syempre komento ng ilang mga netizens na tila may mayamang nagsponsor sa trip ni Kim na iyon. Dahil napaka bongga naman talaga nito at hindi lahat ng aktres ay nabigyan ng ganitong pagkakataon. 



Nabuking Na! Pagbubuntis Ni Julia Montes Sa 2nd Baby Nila Ni Coco Martin Kumpirmado Na

1 komento


Nagtrending ang pagtatapos ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Naging usap-usapan ito ngayon sa internet dahil sa maaksyon at madamdaming pagtatapos nito. Hindi naman binigo ng teleserye ang mga manonood nito na nakakatutok at talagang sumusubaybay nito.

Gabi-gabi itong inaabangan ng mga manonood hindi lamang dahil sa aksyon kundi sa mga nakakakilig ding eksena nito. Lalo na nang pumasok sa eksena ang rumored girlfriend and online partner ni Coco Martin na si Julia Montes. Sa pagtatapos ng teleserye hindi napigilan muling mapag-usapan ang dalawa.

Sa huling bahagi ng program muling nagpakita ang karakter ni Julia bilang Mara matapos itong mawala sa maikling panahon. Bukod sa kilig napansin ng ilang mga netizens na tila may nagbago sa pangangatawan nito.

Kapansin-pansin kasi ang tila pananaba ng aktres na tila ba ay nagdadalang tao. Makikita kasi umano ang baby bump nito na tila kumpirmasyon naman na magkakaroon na sila ng pangalawang baby ni Coco Martin. Hindi rin ipinakita sa nasabing eksena ang buong katawan ni Julia.

Samantala, nananatili pa ring tahimik ang dalawa sa kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo