Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tsismislangpo!. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tsismislangpo!. Ipakita ang lahat ng mga post

Nambabae ba si Ricci Rivero?! Iniintriga ngayon si Ricci na may kasamang ibang babae sa kanyang Unit

Walang komento

Lunes, Mayo 23, 2022

 


Ricci Rivero namataang may ibang babae na kasama sa kanyang unit ayon sa isang delivery rider.

Hindi na tinantanan ng intriga sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero simula nang aminin nila na may relasyon na sila in public. Ngayon may panibagong kontrobersiya na naman na lumabas tungkol sa basketball player na si Ricci Rivero. 

Mukhang panibagong dagok na naman sa relasyon nina Ricci at Andrea Brillantes ang kumakalat ngayon online. Sa Facebook page kasi may bago na namang isyu, isang delivery rider ang nagbunyag na may nakita siyang ibang babae umano sa unit ni Ricci.

Ayon sa post ng Rider,

"Nagdeliver ako sa bahay ni Ricci Rivero kagabi, iba kasamang babae. Pabulong pa ako kinausap sa phone na deretso ako sa unit niya, sabay tawa pag abot ko ng foods. Mag comment kaya ako sa TikTok ni Andrea Brillantes, sabihin ko iba kasama ng jowa niya sa ganitong address, trip lang."



Hindi pa naman malinaw kung totoo nga ba ang sinasabi ng delivery rider na si Arvin o gawa-gawa niya lang ang kwentong ito tungkol kay Ricci.

Matatandaan na kamakailan lang din ay nadawit sa fake news si Ricci kung saan kumalat din sa social media na may pinusuan siyang picture ng isang babae na naka-bikini. Mariing pinabulaanan ni Ricci ang balitang iyon at pinagdiinan na edited lamang ang nasabing screenshot na kumalat.

Saad pa nga noon Ricci, bakit pa umano siya pupuso sa picture ng ibang babae gayung di hamak na mas sexy naman ang girlfriend niyang si Andrea Brillantes doon.

Pinagpipyestahan naman ngayon ang isyung ito kung saan may kasamang ibang babae umano si Ricci Rivero sa kanyang unit at umani pa ito ng samu't saring reaction ng mga netizens. May nagsasabing tigilan na ang pang-iinttiga kay Andrea Brillantes at sa boyfriend nita at mag-focus na lamang sa sariling buhay.

Sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ay isa sa mga pinakamainit na couple ngayon. May katotohanan nga ba ito? O isa lamang bagong paninira upang mabuwag ang kanilang relasyon?

Kilalanin ang Bagong Mayaman na BF ni Barbie Imperial

Walang komento

 


Magkasama sina Barbie Imperial at ang napapabalitang boyfriend nito na si Mico Clavano sa El Nido Palawan.

Noong nakaraang linggo ay nag-viral din ang mga larawan ng dalawa sa isang restaurant na pagmamay-ari rin ng bagong boyfriend ni Barbie. Samu't sari ang reaction ng mga netizens sa bagong natagpuang pag-ibig ni Barbie Imperial.

Karamihan dito ay nagsasabing, mabilis na nakapagmove-on at hindi nababakante sa lalaki ang aktres. Matatandaang noong February 2022 lamang kinumpirma ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego Loyzaga.

Sino nga ba itong sinasabing bagong boyfriend ni Barbie?

Siya ay si Atty. Mico Clavano na nagmula sa prominenteng angkan ng mga Clavano sa Cebu City. Nagtapos sa Ateneo Law School at pumasa sa Bar Exam noong 2010. Siya at ang kanyang mga kapatid ang nagmamay-ari ng Restaurant na Tagwagyu Studio. Isa ring Duterte supporter si Mico.



Sa katunayan isa si Mico sa mga representatives ng BG Party list o ang Bisaya Gyud Party list ngunit nabigo itong makapasok sa hanay ng mga nanalo. May nagsasabing level up naman si Mico kung ikinumpara sa ex ni Barbie na si Diego Loyzaga. Kung totoo man ang mga bali-balitang ito, si Barbie lamang ang makakasagot.

Bakit nga ba nasabi 'to ni Paulo kay Zanjoe sa pagsasama nila ni Janine sa Dirty Linen?

Walang komento



Ang mga mainit na rebelasyon sa tambalang Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo sa kanilang bagong project na Dirty Linen. 

Isinapubliko na ang mga cast ng Dirty Linen kung saan kasama si Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo  na magkatambal sa project na ito. Marami ang hindi nakapaniwala sa pagtatambal ni Janine at Zanjoe. Ngunit ayon sa ilan na ang proyektong ito ay hindi ikinagulat ni Paulo Avelino. Dahil ayon sa kanya na normal lang sa mga artista na iba-iba ang makakasama sa mga proyekto. 

Ayon naman sa ibang source, hindi naman nagseselos si Paulo Avelino sa pagpapartner ng kanyang girlfriend kay Zanjoe Marudo dahil alam umano niya ang pagkatao ni Janine at kumpyansa siya na walang mangyayaring third party sa pagitan nila ni Zanjoe Marudo.

Dagdag pa ni Paulo na kailan man ay hindi sila nag-aaway ni Zanjoe Marudo patungkol sa isang babae. Kaya kampante siya na hindi ito gagawin ni Zanjoe. Makikita rin naman ang pagmamahal ni Janine kay Paulo Avelino kaya hindi siya gagawa ng anumang makakasira sa kanilang relasyon.

Lolit Solis may ibinunyag sa relasyon nina Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

Walang komento

Biyernes, Abril 1, 2022





Manay Lolit solis ibinunyag kung paano ipinaglaban ng business man na si Mateo Lorenzo ang relasyon nila ni Erich Gonzales sa kanyang pamilya. Ayon sa instagram post ng showbiz columnist na si Lolit Solis isinulat niyang,

Ikinasal na pala sila Erich Gonzales at Mateo Lorenzo, Salve. Bongga noh! Talagang natuloy sa altar ang pagmamahalan ng dalawa. Talagang ipinaglaban ni Mateo Lorenzo ang pagmamahal niya kay Erich Gonzales. Medyo conservative ang pamilya Lorenzo kaya siguro hindi kaagad nila matanggap na isang mula sa showbiz ang magiging in law nila. Pero para naman sinasadya, dahil iyon isang kapatid daw ni Mateo si Claudia Barretto naman ang GF. Mukhang mga taga showbiz ang magiging dagdag pamilya sa mga Lorenzo. Maipapakita naman ni Erich Gonzales na karapat dapat siya ipagmalaking asawa ni Mateo Lorenzo. Congrats and best wishes sa dalawang bagong kasal, live forever happily. Bongga ❤️ #classiclolita


Ibinunyag ni Lolit Solis rito na matagal umanong natanggap ng pamilya ni Mateo si Erich dahil ang pamilya umano ni Mateo ay may pagka conservative at si Erich naman ay nagtatrabaho sa showbiz. Dahil rito pinatunayan naman ni Erich Gonzales na tunay, seryoso at  may respeto ang pagmamahal nito sa kanyang asawa at sa pamilya nito dahil pinoprotektahan at hindi isinapubliko ni Erich ang kanilang relasyon ni Mateo noong magkasintahan pa lamang sila. Gayundin naman ang ginawa ni Mateo kay Erich Gonzales.

Dahilan ng pagsasama nina Pauleen Luna at Vic Sotto ibinunyag na!

8 komento



Sinagot na ng kapuso aktres at TV host na si Pauleen Luna Sotto ang matagal nang isyu na pilit na ibinabato sa kanila ng asawa niyang si Vic Sotto tungkol sa malaking agwat ng kanilang mga edad. Si Pauleen Luna ay kasalukuyang 33 years old lamang habang si Vic Sotto ay 67 years old na.

Ayon nga sa ibang mga netizens ay senior citizen na ito. Dahil sa malaking agwat ng kanilang edad sa isa't isa kadalasan naging tampulan ito ng samu't saring pambabatikos sa kanila. Sa kamakailang panayam sa kanila hindi umano nasagot ng maayos ni Pauleen nang tanungin sa tungkol sa isyu at kung paano niya hinahandle ang malaking age difference nilang mag-asawa.



Bilang pambawi nagpost si Pauleen sa kanyang social media accounts ng sagot sa mga ito matapos umano niyang pag-isipan ng mabuti.

"A few weeks ago we were interviewed by Miss Luchi Cruz- Valdes for her show. She asked me, 'How do you deal with the age gap? I wasn't able to give a good answer because honestly I do not feel the gap that we have. That afternoon, I thought hard about that question and I came up with an answer, a real answer. My husband loves me very much and gave me a certain kind of confidence and security about our relationship. But I think the thing that I love most about him is the amount of respect he gave me. He respects my life decisions, he respects my room to grow and he respects me like an equal. Never did I heard my husband raise his voice and felt like I was younger and didn't matter. I always felt validated. I always felt important around him. To respect is a big role in a relationship. I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy."

Ang pahayag na ito ni Pauleen Luna ay patunay lamang na age doesn't matter hanggat mahal na mahal niyo ang inyong partner at may respeto kayo sa isa't isa. 

Manny Pacquiao tila napahiya ng sabihin sa kanya boboto ang Visayas at Mindanao! Mainit ang pagtanngap kay BBM!

Walang komento



Tila malaking sampal kay Sen. Manny Pacquiao ang diumano'y mainit na pagsalubong ng mismong mga kababayan niya sa General Santos City at ng buong Mindanao kay presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. Matatandaang sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na ang mga taga Mindanao at mga Bisaya ay paniguradong sa kanya raw boboto dahil ayon sa kanya sa lahat umano ng mga kandidato ay siya lang daw umano ang bisaya.

"Importante yung Mindanao na ikutin ko kasi alam ko na yung mga kababayan ko na mga Bisaya, eh sa lahat ng mga kandidato ako lang ang Bisaya, so I'm sure lahat ng mga taga Visayas at Mindanao, saan pa ba sila susuporta kundi sa kababayan nila na bisaya."



Makikita naman sa iba't ibang mga surveys na laging nanguguna ang dating senador na si Bongbong Marcos sa Mindanao na tila pinapatunayan nito ng napakaraming tao sa kanyang mga grand rallies. Simula umano ng mag-iikot si Bongbong Marcos sa Mindanao mainit na ang pagtanggap ng tao sa kanya. Makikita naman ito umano sa mga surveys na laging nangunguna si BBM. 

Janine Gutierrez hindi pa umano natuto sa mga nagdaang relasyon ni Paulo Avelino!

Walang komento



Umamin na si Janine Gutierrez umamin na nagdate sila ni Paulo Avelino sa Malibu Beach sa U.S. Tila natapos na ang haka-haka ng mga fans kung sino ang babaeng nakatalikod sa post sa Instagram ni Paulo Avelino.


Hirit naman ngayong ng ibang netizens, hindi pa umano natuto si Janine sa mga ex ni Paulo Avelino. Kasalukuyang nasa U.S ang rumored couple dahil guest sila sa U.S concert tour ni Ogie Alcasid. Komento ng mga netizens, 'The prey in the predator's eye.' May mga nagtanggol naman kay Janine at sinabing nasa tamang edad na ito upang magdesisyon para sa kanyang love life. Choice naman diumano ni Janine na makipagdate at makilala si Paulo Avelino at kung sakaling masaktan man ito ay labas na tayo.



Mukhang masama ang impression ng ilang mga netizens kay Paulo Avelino. May mga nagsasabi pang hindi pa natuto si Janine sa mga naunang relasyon ni Paulo.

OGIE DIAZ NAG-DELETE NG POST! may utang na sakanya pinangaralan!

Walang komento



Nagbigay ng komento si Ogie Diaz tungkol sa mga diumanoy kumakalat na placard at posters patungkol kay VP Leni Robredo. Aniya pekeng mga larawan umano ito para siraan ang bise presidenteng tumatakbo pagka pangulo ngayong Halalan at tila paraan daw ito ng mga kalaban upang babuyin ang pangalan ng sinusuportahan niyang kandidato sa pagka pangulo.

Sa kanyang official facebook account ipinost niya ng all caps ang quote,

GANITO BABUYIN NG KALABAN SI VP LENI ROBREDO

GAGAWA NG PEKENG LARAWAN PARA MAGALIT ANG MGA TAO KAY VP

JUICE KO, BAKIT DI NIYO NALANG ILATAG ANG ACHIEVEMENT NG KANDIDATO NYO?

Ngunit ngayon kapansin pansin na hindi na makikita sa kanyang facebook page ang nasabing post na ito at ang tinutukoy na dahilan ang paglabas ng ebedinsya na talagang kakampink ang may gawa ng tarpaulin na may picture ni VP Leni at may nakasulat na "HAIL LENI FULL OF GRACE MY VOTE IS WITH YOU!"

Pinaulanan din ng panwawasto si Ogie Diaz sa comment section, ayon sa ilang mga netizens,

anyare ogie D. ginigisa mo ang sarili nyong mga taga suporta ahh ahahah, anong gawain ng kalaban eh mismong sa rally niyo yan

Really @ogiediaz ?? Tama ba yan? Kasalanan ng co-kakampink mo tapos isisisi mo sa iba? Sabagay, like pinapaburan na candidate, like supporter. Kasalanan n'yo isisisi n'yo sa iba funny n'yo ah. Halatang dilawan pa rin pag uugali eh nagpalit lang ng kulay but the same attitude pa rin

Maging si Doctor Ethel Pineda ay nagsalita patungkol dito.

 If you are a Catholic but not offended by this....you need guidance.

 Fake news daw. Black propaganda daw. Photoshopped daw. Nasaan daw ang shadow?

Resibo.
Ok na? Any question, class?





Gayunpaman kahit deleted na ang naunang post, nagpost naman si Ogie Diaz ng panibago na may nakasulat na,

 Napakasinungaling ko daw. Wow, galit pala kayo sa sinungaling pero ang sinusuportahan nyo, honest ba?

Kasunod naman nito ay isang tila umanong paninira niya sa isang tagasuporta ng kabilang team na may utang umano sa kanya,

Nakakatawa yung may utang sa akin. Buong buhay niya yata, itataya niya para sa kanyang manok para manalo.
Eh ang laki ng utang sa akin. Masyado siyang busy sa pangne-nega kay VP Leni Robredo.
Kaya kinontak ko. Sabi ko sa kanya, “Wala tayong problema. Igagalang ko ang choice mo, pero sana, nagre-research ka tungkol sa mga kandidato. Anim na taon yung ipagkakatiwala mo sa kanila. Wag yung kuda ka nang kuda, pero walang basis yung rant mo. Nakiki-join ka pa sa mga fake news.
“Gusto mo ba, i-repost ko yang mga kuda mo, tapos, isusulat ko doon, ‘Ang tagal na ng utang mo sa akin, isang dekada na, sino ka para mag-claim na babayaran ng kandidato mo ang lahat ng utang ng Pilipinas? Baket, babayaran din ba niya pati utang mo sa aking 80k? Gusto mo, i-repost ko, na yan ang caption?”
-“‘Wag naman, friend. Sorry, sorry. Sige, ide-delete ko na yung ni-repost ko.”
“Hindi kita dinidiktahan. Desisyon mo yan. I-delete mo dahil na-realize mong mali ka, otherwise, panindigan mo yan.”
-“Yes, na-realize ko naman, mali ako.”
“Magre-research ka tungkol sa achievement ng bawat kandidato. Isipin mo na lang yung future ng inaanak ko sa kamay ng susunod na Pangulo.
-“Tingnan mo, hanggang ngayon, nababalitaan ko, kung kani-kanino ka nang common friends natin ikaw umuutang. Ni hindi mo nga nababayaran, kung makapambastos ka kay VP Leni, parang wala kang nanay, wala kang kapatid na babae, wala kang misis at wala kang anak na babae.”
“Sorry, Ogs, hindi na mauulit. Oo nga, na-realize ko nga. Sorry.”


30th birthday ni Enrique Gil sa Palawan, may napansin ang mga fans sa kanilang dalawa ni Liza!

Walang komento



Sa Palawan nagcelebrate ang aktor na si Enrique Gil ng kanyang 30th birthday nitong March 30, 2022 kasama ang kanyang girlfriend na si Liza Soberano. Ipinakita ni Liza through her social media post ang mga ginawa nila sa isang island getaway sa isang beach club at resort sa El Nido Palawan. Caption na pagbati ni Liza kay Enrique,

My boy in his element 🌊


Happy 30th champ. I love you with all my heart 🤍


Kasama nito ang isang video kung saan ibinahagi ni Liza ang kanilang mga ginawa as a celebration and getaway sa birthday ng boyfriend. Ipinakita rin ni Liza ang birthday cake nito at ang kanilang masayang dinner with the family.

Sa sumunod na post naman ni Liza makikita na naka twining outfit sila ni Enrique habang sweet na nagkakatitigan. Caption ni Liza rito,

 Paradise is anywhere with you. Happy birthday my love 🤍


Samantala nagpost rin si Enrique Gil sa kanyang Instagram ang parehong larawang ibinahagi ni Liza at ng mga kasama nila sa beach. Caption naman ni Enrique,

 30 is bangin with this crew. For life ❤️


Subalit ang mga netizens ay may napansin sa pagcecelebrate ngayon ni Enrique sa kanyang 30th birthday. May mga nagkomento na tila hindi tumatanda ang itsura ni Enrique Gil considering na 30 na siya ngayong taon. Pareho umano sila ni Liza na bata pa ang itsura. Samantala may mga netizens din ang nakapuna na tila pareho umanong alagang alaga nila ang isa't isa dahil pareho silang tumataba ngayon mula sa pagiging macho at sexy noon. Marahil ito daw ay bunga ng pandemya at sa pagkawala ng prangkisa ng ABSCBN kaya ineenjoy muna ng dalawa ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila habang wala pa silang trabaho.

Si Liza Soberano, 24 year old ay naging onscreen partner ni Enrique mula noong 2014. Nagcelebrate sila ng kanilang 7th year anniversary as a couple noong October 2021. Pareho sila naka showbiz hiatus mula noong makansela ang prangkisa ng ABSCBN at makansela ang kanilang serye na Make It With You noong June 2020. Nakatakda naman ang pagbabalik telebisyon ng dalawa ngayong taon.

Ogie Alcasid ibinahagi ang naging engagement proposal ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez!

Walang komento



Trending at naging usap usapan ng mga netizens ang napabalitang ginawang engagement proposal ng aktor na si Paulo Avelino sa aktres at rumored girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Isa umano sa naging saksi sa ginawang proposal ay walang iba kundi ang OPM icon na si Ogie Alcasid. Kung saan guest ng singer at song writer ang rumored couple sa concert nito sa California. Pag-amin ni Ogie tungkol kay Janine at Paulo kahit tahimik daw ang mga ito sa real score sa kanila noong una ay ramdam daw niya na may pagtitinginan sa isa't isa ang mga ito. Naging totoo umano ang kanyang hinala noong ginawa na ni Paulo ang proposal niya kay Janine.

Naalala din daw ni Ogie ang nakaraan nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez kung itinago nila ang tungkol sa relasyon nila noon na nauwi rin sa kasalan kinalaunan. Willing din daw kung sakali si Ogie na maging ninong sa magiging kasal nila Janine at Paulo.



Ikinagulat at ikinakilig ng mga tagahanga at tagasuporta nina Janine at Paulo ang naging pahayag na ito ni Ogie Alcasid. Maraming mga netizen ang nag-aabang at naghihintay ngayon kung kailan at saan gaganapin ang diumanong nalalapit na kasalan ng dalawa. Hinihintay din ng mga fans ng dalawa ang pagbabalik ng dalawa mula sa ibang bansa at ang kumpirmasyon nila sa naganap umanong engagement proposal.

Ratings ng mga pumalit na show sa Wowowin nakakuha ng mas malaking ratings! Willie walang pakialam!

1 komento

Huwebes, Marso 31, 2022



Muling nagreact si Willie Revillame sa isang balita kaugnay sa ratings ng isang show na pumalit sa kanyang programa. Matapos umalis ng show ni Willie Revillame sa GMA7 na Wowowin dahil sa hindi niya pagrenew ng kontrata sa network. Agad nagkaroon ang Wowowin ng kapalit sa timeslot nito sa nasabing network. Ipinalit ng GMA7 ang show na Dapat Alam Mo na hosted ni Kim Atienza at ng iba pang host. Dati rin ito umere sa GTV, isang channel ng GMA7.

Matapos umanong ipalabas ay nagkaroon ng mas mataas na rating ang Dapat Alam Mo kaysa sa naging ratings ng Wowowin na show ni Willie Revillame noong umiere pa ito sa GMA7. Hindi naman napigilang magreact ni Willie Revillame rito. Matatandaang nagtapos ang show ni Willie Revillame sa GMA7 na Wowowin Tutok To Win noong February 11, 2022. Kasunod ito nang pagexpire ng kanyang kontrata sa Kapuso Network.

Ang pansamantalang pumalit sa timeslot ng Wowowin ay ang Dapat Alam Mo nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak originally ay napapanood ito sa GTV ngunit umere sa GMA7 mula February 14 hanggang March 18. Nitong March 21 naman ang nagsimulang umere ang Family Feud ni Dingdong Dantes sa dating timeslot ng Wowowin at Dapat Alam Mo. Ayon sa mga lumabas na balita, bahagyang tumaas ang mga rating ng dalawang programa kumpara sa rating noon ng Wowowin.



Sa kanyang online program na Wowowin Tutok Para Manalo na napapanood ngayon sa Youtube at Facebook, naglabas ng saloobin ang host na si Willie Revillame kaugnay rito. Ayon kay Willie mas malawak ang kanyang kalayaan sa kanyang show ngayong hindi na siya nakatali ng kontrata sa isang network. Sa kanyang pagbabalik programa sa pamamagitan ng Youtube at Facebook ginagawa na raw ng host ang lahat ng kanyang kagustuhan. Pinalagan din niya ang mga sulat na nawalan siya ng premium dahil online na lamang ang show niya ngayon.



Sa bahagi ng kanyang pahayag ay sinabi niya,

"Sa inyo na yang ratings, sabihin mataas ang ratings nung wala ako, sa inyo na lahat 'yan. Basta ako, gagawa kong kabutihan sa aking mga kababayan at sa kapwa ko. Saka kahit naman siguro papa'no nakapagpasok naman siguro kami ng malaking pera diyan sa mga istasyon na pinasok namin dahil marami din naman mga sponsor mga sponsors na pumasok. Ganun lang 'yan, laging positive, tanggalin niyo na.. ang hirap na, naggiyera na, na-COVID na, tama na 'yang ganyan. Maging mabuti tayo sa kapwa natin. Tayo ay magtutulungan. Mabuti na rin 'tong nangyaring 'to, sa Facebook at sa Youtube, nasasabi ko yung gusto ko. Kasi pag nasa channel ka, 'Psst, bawal 'yan, di puwede 'yan,' di ba? Pag naggi-guest ka ng artista galing sa ibang channel kahit hindi na lumalabas, 'Bawal 'yan, di pupuwede 'yan,' ang hirap. Gusto mo pagandahin ang programa mo para quality, ayaw, 'Bawal 'yan, di puwede 'yan.' Hindi po puwedeng bawal. If you want entertainment, dapat intindihin mo yung mga taong nanonood. Yung mag-eenjoy sila kaya nga sila nanonood eh. Uy, a, yung iba diyan nagsusulat parang nakakaawa daw ako, nasa Youtube at Facebook na lang daw ako. Mag-isip nga kayo, 'yan na ho ang mundo ngayon, social media na- Youtube, Facebook na talaga. Nagyo-youtube din naman sila, gayundin na naman wala silang mga programa."

Gretchen Barretto handang magbigay ng ebidensya laban kay Sen. Bato!

Walang komento



Rumesbak si Gretchen Barretto kay Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa matapos sagutin ng mambabatas ang mga  akusasyon sa kanya ng actress.

Martes ng gabi March 29, 2022 ibinahagi ni Gretchen ang screenshot ng balita tungkol sa mga banat sa kanya ni Dela Rosa sa interview nito sa SMNI News. Matapang na hamon ni Gretchen kay Dela Rosa,

"I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato Dela Rosa. In front of media."

Sa panayam kay Sen. Dela Rosa ng SMNI News sinagot nito ang mga patutsyada sa kanya ni Gretchen kaugnay sa ginawang hearing sa senado ukol sa controversial na E-sabong.

Si Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsisiyasat  sa kaso ng mga nawawalang sabongero. Sa nasabing hearing maririnig sa Instagram story ni Gretchen,

"Get down to business Bato. Stop grand standing just get down to the investigation."

Sinasabi ito ni Gretchen habang nakafocus ang camera sa mukha ni Bato sa nasabing senate hearing. Patutsada pa ni Gretchen,

"My God ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My God a senator has that watch. Oh my Gosh."



Sa panayam kay Bato ng SMNI News iginiit ni Dela Rosa na may karapatan din siyang magmay-ari ng mamahaling relo. Aniya,

"Unang una sabi niya mahal daw yung relo ko, bakit siya lang ba ang may karapatang magsuot ng 85,000 na halaga ng tag heuer na relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga 'yun para sa akin, pero sa kanila? Ewan ko kung talagang mahal ba iyon sa kanila."

Hindi rin pinalampas ni Bato ang patutsyada ni Gretchen tungkol sa kanyang trabaho. Sinabi ni Gretchen na hindi karapat dapat si Bato na manguna sa imbestigasyon sa mga nawawalang mga sabongero.

Si Atong Ang ay isa sa mga resource person na ipinatawag ng Committee ni Dela Rosa sa senado dahil sa allegation sa arena ng negosyante huling nakita ang ilan sa mga missing sabongeros. Si Gretchen naman ay sinasabing myembro ng Team Alpha ng Pitmaster Group na isa sa mga sabong branch ng negosyo ni Atong Ang na Lucky 8 Star Quest Incorporated.

Matatandaang kinuwestyon din ni Gretchen kung bakit  naging senador si Bato. Sinabi din ng actress na kailangan umanong lawyer ang mga nakaupo at sinabihan ang mamamayan na,

"Vote wisely don't vote a Bato."

Dagdag pa ni Gretchen na ang mas bagay umano kay Bato ay game show.



Sagot naman ni Sen. Dela Rosa, character assasination ang ginagawa ni Gretchen sa kanya.

2022 Most Controversial na HIWALAYAN ng CELEBRITIES ang Iba THIRDPARTY ang DAHILAN!

Walang komento



Kilalanin ang mga celebrity couples na gumawa ng ingay matapos ang kanilang napapabalitang hiwalayan at ang pangunahing sanhi ng iba dito diumano ay third party!

1. Maggie Wilson and Victor Consunji


Ilang buwan bago matapos ang taong 2021 nagbigay ng isang malaking anunsyo ang kinoronahang Bb. Pilipinas World 2007 na si Maggie Wilson. Inihayag niya sa publiko na nagwakas ang kanyang 11 years marriage sa real estate magnate na si Victor Consunji. Sa isinulat niya sa kanyang IG sinabi ni Maggie na mahirap ang kanilang pinagdaanan subalit wala namang pagbabago sa kanilang relasyon sa pagpapalaki sa anak. Sa desisyon na tapusin na lamang ang kanilang relasyon, walang nabanggit na dahilan si Maggie sa kung ano ang dahilan at ang pinagmulan nito at kung bakit napagdesisyunan na lamang nitong wakasan ang kanilang pagsasama. Subalit ilang linggo lamang ang nakalilipas nagsalita muli si Maggie sa kanyang social media at sinabing ang isang  bagay na hindi maaring itago ay ang katotohanan. Naintriga din ang beauty queen sa isang business man na si Tim Connor at ilang beses na rin natanong kung sila ay may affair. Sinagot ito ni Tim at pinabulaanan ang mga espekulisasyon. Naiulat din na hindi pinayagan ni Victor na makapiling ni Maggie ang kanilang anak noong holidays. Ngunit sa pagpasok ng taong 2022 nakita ang mag-ina na kasamang namamasyal sa Clark, Pampanga at sa sumunod na buwan naman ay nasa Palawan sila.

2. Maxine Magalona and Rob Mananquil


Unang buwan ng taon 2022 nang umugong ang balitang hiwalay na ang aktres na si Maxene Magalona sa mister nitong si Rob Mananquil. Ito ay nang makita ng mga netizens na naka unfollow na ang aktres sa IG acount ng kanyang mister. Maging ang huling pangalan nito ay hindi na rin mababasa sa kanyang profile. Ilang cryptic post din ang inupload ni Maxine na mas nakadagdag sa mga espekulasyon ng marami tungkol sa kanilang pahihiwalay. Hindi naman narinig ang mga panig nila tungkol dito. Ngunit nagawa pang ipagdiwang ng aktres ang mga nagdaang holidays kasama ang pamilya ni Rob.

3. Heaven Peralejo and Kiko Estrada


Buwan ng September taong 2021 nang lumabas sa online world ang hiwalayan umano nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada. May ilang buwan lamang matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon naharap naman agad sila sa isyung hiwalayan. Nakita kasi ng mga netizens na biglang nagtanggal si Kiko ng mga pictures nila na magkasama sa kanyang social media at hindi na rin ito naka follow sa acount ng actress. Hindi naman pinatagal ni Heaven ang mga balita at inaming natapos na nga ang kanilang tatlong buwang relasyon. Matatandaang dumaan sa matinding intriga si Heaven noong nagkahiwalay sina Kiko at Devon Seron at siya ang itinuturong third party na naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Isang buwan matapos ang balitang hiwalayan nina Heaven at Kiko nalink naman si Heaven sa vlogger na si Kempoy Feliciano. Itinanggi naman nila pareho ang mga aligasyon at sinabing magkaibigan lamang sila.

4. Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich


November 2021 nang mapabalita ang hiwalayan ng isang kilalang vlogger na si Wil Dasovich at ng Cosplay Queen na si Alodia Goseingfiao. Kinumpirma naman agad ni Alodia sa kanyang social media accounts na nagwakas na ang mahigit apat na taon nilang relasyon. Sa pag-amin ni Alodia sinabi nitong hindi naging perpekto ang kanilang pagsasama. Sinabi ng cosplayer at e-gamer na ilang beses na rin silang nagkaroon ng time out sa kanilang relasyon. Nalungkot naman daw si Alodia sa nangyaring hiwalayan subalit mabilis naman niyang natanggap ang sitwasyon. Sa katunayan maayos na ang kanyang kalagayan ngayon. Isa pang nakikitang rason sa kanilang hiwalayan ay ang pagkakaroon diumano ng third party ni Wil sa katauhan ng kaibigan nilang si Christy Samson.

5. Kris Aquino and Mel Sarmiento


Marami ang nag-akalang panghabang buhay na ang relasyon nila Kris Aquino at Mel Sarmiento. Ilang buwan kasi matapos aminin nito ang relasyon sa dating DILG Secretary na si Mel Sarmiento, inanunsyo nito na engage na sila. August 2021 nang aminin ni Kris na may lalaking nagpapatibok ng kanyang puso at ang kanyang Kuya Noy ang naging match maker nilang dalawa. Subalit ilang araw lamang matapos ang bagong taon kinumpirma ni Kris na naghiwalay na sila ni Mel bago mag new year's eve. Ayon kay Kris ay niloko at ginamit lamang daw siya umano ni Mel at marami itong tinago tungkol sa tunay nitong relasyon kay Pnoy.

6. Janine Gutierrez and Rayver Cruz


October 2021 nang sabihin ni Janine sa publiko na hiwalay na sila ng aktor na si Rayver Cruz. Apat na taon din ang itinagal ng kanilang relasyon na itinago nila noong una sa publiko. Matapos lumipat ni Rayver sa GMA7, nakasama niya si Janine sa network. Marami ang nag-abang sa proyektong kanilang pagsasamahan ngunit hindi na ito nangyari dahil nagdesisyon naman ang aktres na lumipat sa ABSCBN. Hindi naman naging problema noong una ang pagtatrabaho nila ng magkahiwalay subalit dumating ang araw na naging busy sila pareho. Kakulangan sa oras ang sinabi ni Janine bilang dahilan ng kanilang hiwalayan. Paliwanag naman nila pareho na walang third party involved at mutual decision nila ang maghiwalay.

7. Barbie Imperial and Diego Loyzaga


Mula sa pagiging magkaibigan ang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Matatandaan na noong inamin ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon sinabi nitong 'hindi niya akalain na mahuhulog ang kanyang loob sa kanyang bestfriend. Subalit hindi akalain na magwawakas ang kanilang relasyon. Ilang linggo matapos ang bagong taon inamin ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego at maayos umano ang usapan nila tungkol doon. Nadawit din ang pangalan ng sexy star na si AJ Raval na siyang third party umano sa kanilang relasyon. 

8. Carlo Aquino and Trina Candaza


Ang house tour vlog na ibinahagi ng modelo at long time partner ng aktor na si Carlo Aquino na si Trina Candaza ang nagbigay ng kumpirmasyon sa napapabalitang hiwalayan nila. Ipinakita kasi nito ang paglipat nilang mag-ina sa bago nilang tahanan. Ilang cryptic post din ang nabasa mula sa modelo tungkol sa mga lalaking may pinupuntahang ibang babae. Dahil dito naging matunog at lumalabas na may third party involved.

9. Tom Rodriguez and Carla Abellana


Taong 2014 nang pumasok sa isang relasyon ang aktres na si Carla Abellana at aktor na si Tom Rodriguez. Ito ay matapos ang isang taon nilang nagsama sa isang serye sa GMA 7 na My Husband's Lover. Kahit inamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon binigyan pa rin sila ng trabahong magkahiwalay at nanatiling matibay ang kanilang pagsasama. Ang pitong taon nilang magkarelasyon ay isa sa mga kinaiinggitan sa mundo ng showbiz. October 2021 nang magpakasal ang dalawa. Subalit ilang buwan lamang matapos ang kanilang pag-iisang dibdib napansin ng ilan na hindi na suot ni Carla ang kanyang wedding ring. Dito na nagsimula ang mga haka hakang naghiwalay na ang dalawa at ang sinasabing dahilan umano ay may naka one night stand si Tom na ayon mismo sa ama ni Carla Abellana.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo