Annabelle Rama Boto Sa Relasyon Ni Barbie Imperial at Richard Gutierrez Kaysa Kay Sarah Lahbati!

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news site ang balitang pumabor umano ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama sa relasyon ngayon ng kanyang anak at Barbie Imperial.


Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pagkakaroon ng relasyon nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez matapos kumalat ang larawan ng kanilang pagbabakasyon sa isang resort.


Bagama't hindi naman sila nakitang magkasama sa iisang larawan, naghinala ang marami na nasa iisang resort lamang ang dalawa dahil sa magkakaparehong background ng kanilang mga ibinahaging larawan sa kani-kanilang social media account.


Naghinala pa ang ilang mga tagahanga ni Richard Gutierrez na nasa Ticao Island sila sa Masbate na dating pinupuntahan nila ni Sarah Lahbati noong sila pa ang magkarelasyon.


Sa kabilang banda, ayon naman sa ilang mga mula mula sa ilang mga sikat na kolumnista, matagal na umanong palihim na nagkikita sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.


Hindi pa umano nila maamin sa publiko ang kanilang pagkakamabutihan para makaiwas na rin sa kontrobersiya. Bukod pa rito, bagama't naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay hindi pa rin naman naa-annulled ang kanilang kasal.


Sa kabilang banda, may mga naghinala rin na may alam na sa relasyon nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez ang ina ng aktor na si Annabelle Rama. Subalit, maayos umano itong tinanggap ni Annabelle dahil boto siya kay Barbie para sa kanyang anak.


Kabaliktaran umano ang nararamdaman ngayon ni Annabelle Rama para kay Barbie Imperial kaysa noon kay Sarah Lahbati na una palang ay hindi na kaagad niya nagustuhan para sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.


Laman din ng usapan ang kumakalat na mga screenshots ng post ni Annabelle Rama. Kung saan tila kinumpirma niya ang relasyon nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.


 "Yes mga 'Day! true na magkasamang nag vacation si Chard at Barbie. E ano naman ngayon? Single ang anak ko. Boto ako kay Barbie, mabait na manugang. Hindi katulad ni Devil Woman, walang alam gawin kung hindi ang gumastos ng gumastos. Nakikita nyo naman diba? Hindi na kailangang sabihin pa."                                             



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo