Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Brexit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Brexit. Ipakita ang lahat ng mga post

Vice Ganda Nagreact Sa Pag Alis Ng Showtime Host Para Lumipat

Walang komento

Biyernes, Mayo 17, 2024


 Pormal nang ipinakilala ang unang tatlong 'Win Girls' na siyang makakasama ng TV host na si Willie Revillame sa muling pag-ere ng kanyang show sa TV5.


Ito ay ang Batanguena TikTok influencer na si Queenay Mercado, dating beauty queen at internet personality na si Inday Fatima at ang host ng It's Showtime Online U na si Ana Ramsey.


Ikinagulat ng maraming mga madlang pipol ang paglipat ni Ana Ramsey sa show ni Willie Revillame sa TV5 dahil aktibo pa naman ang kanyang programa sa Showtime Online U.


May mga netizens at madlang pipol naman ang nagsasabing sana ay magtagal si Ana Ramsey sa show ni Willie Revillame at hindi nito pagsisihan ang pag-alis sa Showtime gayung naka-establish na ito at tila malaki ang kanyang potensyal na sumikat.


May mga naghinala naman na baka malaki ang ibinigay na offer ni Willie Revillame kay Ana Ramsey kaya naman pinili ng host na tumalon sa ibang show dahil mahirap naman talagang tumanggi sa pera sa panahon ngayon.


Samantala, binalikan naman ng ilang mga netizens ang naging isyu noon ni Willie Revillame na paninigaw sa mga casts at crews ng kanyang show. Ayon sa mga netizens, dapat ay sanayin na ni Ana Ramsey ang kanyang sarili na masigaw-sigawan ni Willie Revillame kapalit ang malaking talent fee.


Sa kabilang banda, tila nagparinig naman sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario patungkol sa kanilang loyalty sa kanilang show at sa walang iwanan anuman ang mangyari.


Hindi man sila nagbigay ng anumang detalye ay marami ang naghinala na tila ito na ang sagot nila sa paglipat ni Ana Ramsey.


Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo kung kailan magsisimula ang show ni Willie Revillame sa TV5 ang sinigurado lamang ng mga ito na magkakaroon pa sila ng dalawang pasabog na host na hindi aakalain ng mga taong mapapabilang sa kanilang line up.



Paulo Avelino Iba Na Kung Tumitig Kay Kim Chiu, KimPau Lalong Kinilig

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang mga video at larawan na kuha sa media conference ng Philippines adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim?, dahil tila may ibang kahulugan na umano ang mga tinginan ngayon ng aktor na si Paulo Avelino kay Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga fans ng dalawa, kapansin-pansin umano ang pagiging alerto ni Paulo Avelino kay Kim Chiu, palagi umano nitong nililingon lingon ang aktres kahit pa nasa harapan sila ng maraming tao.


May mga netizens na nagsasabing naiiba na umano ang tinginan ngayon ni Paulo Avelino kay Kim Chiu, tila naging gentler at softer. May mga nagkomento pa na ito ang mga tinginan ng mga taong inlove.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman na nagsasabing strategy lamang ito ni Paulo Avelino para mapag-usapan at lalong tangkilikin ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim Chiu.


Ipinunto pa ng iba na kung totoong seryuso si Paulo Avelino kay Kim Chiu ay aamin na umano ito at hindi iyong nagpapaligoy-ligoy ito sa mga sagot.


Wala naman na umanong masama kung aamin na ngayon ang dalawa kung sakaling totohanan na ang kanilang loveteam dahil pareho naman na silang single at nasa tamang edad na rin para magligawan o pumasok sa seryosong relasyon.



May mga nagsasabi ring ganoon naman talaga noon pa ang galaw ni Paulo Avelino sa tuwing nagkakaroon siya ng loveteam dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis ring pinakilig ni Paulo Avelino ang kanilang mga tagahanga ni Janine Gutierrez subalit noong naipareha na kay Kim Chiu ay bigla na lamang na nanahimik.


Karla Estrada Umamin Sa Ginawa Ni Daniel Padilla Kay Kathryn Bernardo!

Walang komento


 Inamin ng celebrity mom na si Karla Estrada na totoong may nagawang mali ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa dating girlfriend nito na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang pinaghihinalaang dahilan ng paghihiwalay ng celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang pambababae ni Daniel Padilla ng ilang beses sa likod ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo.


Matapos ang pagkumpirma ni Kathryn Bernardo ng kanilang paghihiwalay ni Daniel Padilla ay nagsilabasan na ang mga resibo at isyu ng pambababae ni Daniel Padilla, mismo pang malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo ang nagsiwalat nito.


Gayunpaman, nanatiling tahimik si Daniel Padilla at hindi man lamang nagbigay ng anumang pahayag o humingi ng public apology si Daniel Padilla.


Sa kamakailang panayam kay Karla Estrada, inamin nito na may kamalian si Daniel Padilla. Gayunpaman, ipinahayag niyang kahit anong nangyari ay ilalaban at poprotekahan pa rin niya ang kanyang mga anak, kabilang na ang aktor na si Daniel Padilla.


Ayon kay Karla Estrada, lahat naman ng tao ay makakagawa talaga ng mga kamalian ang mahalaga ay natututo mula rito at humihingi ng tawad sa lahat ng mga nagawang kamalian.


Bagama't wala namang sinabi si Karla Estrada kung ano ang kamaliang nagawa ni Daniel Padilla, marami ang nagsasabing tila pag-amin na ito sa mga nagawang mali ni Daniel sa kanyang dating nobya na si Kathryn Bernardo.


Ayon kay Karla Estrada, patuloy niyang hinihiling ang ikakabuti ni Daniel Padilla subalit ang tanging nakakaalam ng kalagayan ng kanyang anak na si Daniel ay ito lamang.


Gayunpaman, nais niyang ipabatid sa lahat ng kanyang mga anak na naroon lamang siya at handang umagapay sa kanyang mga ito.



Lolit Solis, Muling Ipinagtanggol Ang Kanyang Anak-Anakan Na Si Paolo Contis

Walang komento


 Hiniling ng batikang showbiz reporter at talent manager na si Lolit Solis sa mga netizen na bigyan ng privacy ang isa sa mga aktor na inaalagaan niya na si Paolo Contis.


Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Lolit Solis ang kanyang kalungkutan sa mga isyung ibinabato laban sa kanyang alaga, iginiit niyang karapat-dapat ding maging private si Paolo pagdating sa kanyang personal na buhay.


“Salve naawa naman ako kay Paolo Contis na para bang nasa aquarium na gusto laging pinapanuod ng tao. Iyon kahit pa nga dapat pribado na niyang buhay talagang gusto parin kalkalin ng mga walang magawa. Tutoong public figure ang artista. Pero sana naman iyon gusto nila na sila na lang ang may alam hayaan na natin,” saad ni Lolit Solis.


Nanindigan din si Lolit Solis na dapat nang itigil na mga netizens ang pakikialam sa pribadong buhay ni Paolo Contis at i-enjoy na lang ang pagganap nito bilang aktor.


“Sana naman iyon na lang muna tignan natin. Kung anuman ang buhay niya sa labas ng kamera, pagbigyan na lang natin siya basta maligaya siya. For the longest time naging sad and lonely si Paolo Contis dahil sa ilang journey niya sa buhay na hindi niya na control. Ngayon meron siyang nadarama na konting happiness hayaan natin siya na enjoy whatever it is. Kawawa naman siya kung pati iyon aagawin pa natin sa kanya,” pagdidiin ni Lolit Solis.


Matatandaan na kamakailan lamang ay iginiit ni Paolo Contis na hindi siya maglalabas ng pahayag patungkol sa mga isyu nila ni Yen Santos dahil personal na buhay na niya ito.


Iginiit din ni Paolo Contis na may karapatan naman siyang manahimik dahil hindi kabilang sa responsibilidad niya ang pagsisiwalat at pagsagot sa mga katanungan patungkol sa personal na buhay niya lalong lalo na ang kanyang buhay pag-ibig.



TV-Host Pinapaalis Na Sa It's Showtime Dahil Sa Ugali

Walang komento


 Hindi nagustuhan ng maraming mga madlang pipol ang ginawa ng TV-host singer na si Jugs Jugueta ng noontime show na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, makikita ang pagtutuksuhan ng mga host ng nasabing noontime show matapos sabihin ni Anne Curtis ang kanyang spiel na 'Ngiting may nag-chat ng good morning'.


Napansin ng mga co-hosts ang kakaibang ngiti ni Kim Chiu dahilan para tuksuhin nila ito, sinabi rin ni Anne Curtis na itaas ang kamay ng mga nakakarelate.


Kinuha naman ni Jug Jugueta ang kamay ni Kim Chiu at pilit na ipinapataas dahil kakaiba ang ngiti nito. Kaagad naman na napansin ng maraming mga fans ni Kim Chiu na tila nagbago ang mukha ni Kim Chiu na tila ba ay hindi nito nagustushan ang ginawa ni Jugs subalit dahil nakalive sila ay dinaan na lamang ni Kim Chiu sa pagtawa at sa pagbiro.


Marami naman sa mga fans ni Kim Chiu ang nabastusan sa ginawa ni Jugs Jugueta, iginiit nila na dapat ay respetuhin naman ni Jugs ang privacy ni Kim Chiu at alamin ang limitasyon kung hanggang saan ang pagbibiruan nila.


May mga nagsasabi pang dapat ay paalisin na si Jugs Jugueta sa It's Showtime dahil nagiging corny na umano ang mga jokes nito.


Gayunpaman, may mga nagsasabi namang ganoon lamang magbiruan ang mga It's Showtime hosts at wala nang ipinagbago roon. Pamilya na rin naman ang kanilang turingan kaya naman wala lamang umano kay Kim Chiu ang ginawa ni Jugs.


"Si Jugs pa na napaka gentle at edukado. Di na kayo nasanay sa mga jokes na wagas. Only in showtime lang yan, for entertainment. May mga pisikalan at alipustaan ng mga pananamit at kung ano2 pa. Ok lang yan basta sa ITS SHOWTIME."


"Wala lang naman yon sa  kanila kahit tayo naman cguro nagawa rin natin yong parang pinipilit sa pamilya  Kya sanay wag nang bigyan nang malisya yon"


"Bakit naman paalisin si jugs .maliit na bagay .pinalaki ang issue .kaysa Hindi nagustuhan Ng fans ni kim.mabait si jugs .kesyu sikat si Kim ganunin lng nila kawawa talaga si jugs."



Kim Atienza Tinawag Na Gwapo Ang Anak Ni Lea Salonga Na 18 Years Old Na!

Walang komento


 Marami sa mga fans ni Lea Salonga ang natutuwa at sinasabing napakadali lamang ng panahon dahil kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng nag-iisang anak ni Lea Salonga ang ika-18 na kaarawan nito.


Ipinahayag ni Lea Salonga sa kanyang Instagram post ang pagbati para sa kanyang anak at ang mensahe niya para rito, "This is my 18-year-old. My artistic, sensitive, creative, smart, beautiful, affectionate, loving, incredible 18-year-old. I’m beyond blessed and fortunate to call this one mine. Happy Birthday, my babes! Momma loves you to the moon and back!"


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at ilang mga celebrities na bumati rin sa nag-iisang anak ni Lea Salonga. Ipinahayag nilang masaya sila dahil lumalaki ng maayos ang anak ni Lea Salonga na si Nicole at napaka-talented din nito katulad ng kanyang ina.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na isang Queer ang anak ni Lea Salonga kaya naman 'this' ang ginamit niyang pantukoy rito, na siyang umani ng reaksyon ng maraming mga netizens.


Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Lea Salonga ay si Kim Atienza, sinabi niyang gwapo ang anak nito.


Umani ito ng komento mula sa mga netizens, dahil mismong si Lea Salonga 'this' ang ginamit na siyang neutral na pantukoy sa gender ng anak. Ayon sa maraming mga netizens na dapat ay naghinay-hinay si Kim Atienza sa pagkokomento sa post ni Lea Salonga.


Dapat ay pabayaan na lamang umano nito si Lea Salonga na eenjoy ang kanyang anak.


Komento naman ng mga netizens na dapat ay huwag nang gawing isyu ang gender ng anak ni Lea Salonga  at pabayaan na lamang na magkapag-celebrate ito ng maayos sa kaarawan.


Paulo Avelino si Janine Gutierrez ang Kasama sa Beach HINDI si Kim Chiu

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites, ang patungkol sa kung sino ang totoong nakasama ni Paulo Avelino sa kanyang nakaraang kaarawan.


Nauna nang naiulat ang hinala ng maraming mga netizens na nagkasama sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa isang beach vacation noong nakaraang kaarawan ng aktor. Nag-ugat ang mga hinalang ito nang mapansin ng maraming mga Kim Chiu at Paulo Avelino fans ang biglaang pangingitim ni Kim Chiu sa isang episode ng It's Showtime matapos ang pag-absent nito. 


Gayundin ang napansin ng mga netizens kay Paulo Avelino kitang-kita ang uneven skintone nito sa kamay kung saan bumakat ang relo nito.


Hinala ng kanilang mga tagahanga na magkasamang nagbakasyon sa beach sina Paulo Avelino at Kim Chiu upang ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.


Samantala, viral at pinag-uusapan naman ngayon ang isang komento ng fan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan inihayag niya na walang katotohanan ang balitang magkasama sina Paulo Avelino at Kim Chiu noong nakaraang kaarawan ng aktor.


Ang totoong kasama umano ni Paulo Avelino ay walang iba kundi ang girlfriend nitong si Janine Gutierrez. Ayon pa rito, magkasamang nagbakasyon sa Siargao sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noong nakaraang kaarawan ni Paulo.


Inilahad din ng nasabing fan na mayroon siyang resibo na totoong si Janine Gutierrez ang kasama ni Paulo at hindi si Kim. Sinadya lamang umano ni Kim Chiu na manahimik sa social media sa loob ng ilang araw para isipin ng kanilang mga tagahanga na magkasama sila ni Paulo Avelino na hindi rin nagpopost.


Ginagawa umano ito ni Kim Chiu para lalo pang umingay ang kanilang tambalan ni Paulo Avelino at lalo pa silang tangkilikin ng kanilang mga tagahanga. Hinahayaan naman ito ni Paulo Avelino dahil para na rin sa promo ng kanilang pinagbibidahang teleserye.


Sa kabilang banda, isiniwalat din ng nasabing fan na ang nakasama ni Kim Chiu na mag-beach ay walang iba kundi si Atty. Oliver Moeller, dating Searchee ng Expecially For You na nanliligaw na umano ngayon kay Kim Chiu.


Samantala, nananatili namang tikom ang bibig nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Kim Chiu hinggil sa kumakalat na isyung ito sa social media. Hindi nililinaw ng tatlo kung ano ang totoong relasyon nila bukod sa pagiging magkatrabaho.




Heart Evangelista, Napikon Sa Basher Na Nagsabing Maganda Siya Kasi Wala Syang Anak

Walang komento


 Prangkang sinagot ng Kapuso actress at Fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang TikTok account ang komento ng isang netizens na nagsasabing, maganda raw siya dahil wala siyang anak.


May isang TikTok user ang nagkomento sa isa sa mga recent videos ni Heart sa platform kung saan sinabi niyang kaya maganda pa rin si Heart Evangelista sa edad niya ngayon ay dahil wala pa rin itong anak.


Dahil dito hindi napigilan ng Kapuso star na sagutin ang bastos na komento ng netizen, hindi niya nagustuhan ang pagsasali nito sa kanyang personal na buhay sa isyu.


Inamin ni Heart Evangelista na hindi niya nagustuhan ang komento ng netizen at napipikon siya rito. Hinamon rin niya ito na gamitin ang real account upang ma-address niya ng Mabuti ang pamemersonal nito sa kanya.


"Wait lang ha, napipikon ako sa'yo ah," tila pagbibirong pahayag ni Heart Evangelista.


"Please comment with your real account, please. So I can address you properly. But since you didn't use your real account, I cannot address you properly, and I will not address you properly."


"My dear, it's already 2024. I have lost four babies already," saad ni Heart Evangelista.


Ang tinutukoy ni Heart Evangelista na nawalan na siya ng apat na anak ay ang mga unsuccesssful IVF nila ni Sen. Chiz Escudero.


Inilahad din ni Heart Evangelista na kaya siya naging maganda ay dahil nag-eeffort siya na maging maganda.


"So may nag-comment na, you're only pretty because you don't have a child. Darling, nag-e-effort po akong magpaganda and I live a very grateful and peaceful life that makes a big difference and every day po akong nag-dederma kaya ako fresh," pagpapaliwanag ni Heart Evangelista.


Noong 2018, nakunan at nawalan  si Heart Evangelista ng mga kambal na sanggol. 


Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Marso, inamin ni Heart na nawalan siya ng isang sanggol na babae nang sinubukan niyang mabuntis sa pamamagitan ng IVF.


Nitong May 2024, inamin ni Heart na nagkaroon ulit siya ng miscarriage, nawalan ng baby boy, na tinawag niyang "FrancisKo" sa isang Instagram post noong Mother's Day.


Marami naman sa mga netizens ang nakisimpatya kay Heart Evangelista kung saan inilahad nilang dapat na maging sensitive ang ilang mga tao sa pagkokomento sa mga bagay-bagay na maaring makasama sa damdamin ng iba.


@philstarlife Heart Evangelista (@lme85) being the clapback queen that she is. #entertainmentnewsph #celebritynewsph ♬ original sound - philstarlife

Alden Richards Binalaan Ang Mga Nagpapakalat Ng Maling Balita Patungkol Sa Kanilang ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nagbigay ng reaksyon ang Box Office King na si Alden Richards patungkol sa mga kumakalat na isyu sa pagitan nila ng dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, nananatiling tapat si Alden Richards sa kanyang desisyon na panatilihing personal at pribado ang mga detalye ng pagkakaibigan nila ni Kathryn Bernardo.


Sa ulat ng "24 Oras," nitong myerkules nagbigay ng babala ang Box Office King na silden Richards sas mga netizens laban sa mga pekeng tweet na kumakalat online kung saan kumakalat ang mga maling balita patungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo gayundin ng ex-boyfriend ng aktres na si Daniel Padilla.


"Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat," paglilinaw ni Alden Richards.


Pinayuhan rin niya ang mga netizens na huwag kaagad maniwala sa mga balitang kumakalat sa social media dahil ang social media ay naging pugad na diumano ng mga fake news.


Ayon pa kay Alden Richards na huwag kaagad maniwala sa mga post na ginagamit ang kanilang mga pangalan at ugaliin ang pagpa-fact check.


"Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po eh pugad ng fake news, so not until 'yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nung mga tweets na kumakalat diumano, eh huwag po nating agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgement."




Mystica React to Diwata Attitude Sa Kanyang Mga Customers

Walang komento


 Hindi na-impress ang social media influencer na si Mystica kung paano tratuhin ng internet sensation na si Deo Balbuena, a.k.a Diwata, ang kanyang mga tagahanga ngayon at kung paano niya pinamamahalaan ang kanyang negosyo.


Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook, binatikos ni Mystica, na ngayon ay naninirahan sa United States, si Diwata dahil sa diumano'y walang interes na makipag-ugnayan sa kanyang mga customer.


Subalit, napansin umano ni Mystica na mas gusto ni Diwata na tanggapin at makipagsalamuha sa mga content creator na nagbibigay sa kanya ng mga regalo.


“Yung itsura ni Diwata ngayon nandidiri na sa mga taong gustong magpapicture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online. Iba ang trato niya sa mga bumibili ng pares niya na talagang sumusuporta sa kanya pero pag siya ang bibigyan ng blessing todo asikaso siya buong araw,” pahayag ni Mystica.


“Alam ko, napansin niyo rin na balewala na yung mga taong pumila at kumakain sa paresan niya, ang bilis niyang nagbago, papaano pa hahanga ang tao sa kaniya kung ganoon siya, akala mo kung sino na siya na hindi na maabot!” pagpupunto ni Mytica.


Nagbigay rin ng payo si Mystica, na nagtatrabaho din sa food industry, kay Diwata na tugunan nito ang mga isyu sa kalinisan sa kanyang establisyimento.


“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,” pagpapayo ni Mystica.


“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” dagdag pa nito.


Coleen Garcia Nagsalita Na Sa Isyung Hiwalayan Nang Mister Na Si Billy Crawford

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang aktres na si Coleen Garcia upang mabigyang linaw ang mga isyung kumakalat sa social media patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Billy Crawford.


Pinabulaanan ni Coleen Garcia ang mga tsismis na hiwalay na sila ng asawang si Billy Crawford na mainit na pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment news sites.


Matatandaan na ilang netizens ang naghinalang naghiwalay na ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia matapos mag-viral sa social media ang video ni Billy habang kumakain kung saan kapansin-pansin ang payat nitong hitsura.


Naghinala ang ilang mga netizens na ang dahilan ng labis na pagpayat ay marital problems nila ni Coleen Garcia.


Gayunpaman, naniniwala si Coleen na may iba pang dahilan kung bakit nagsimulang kumalat ang ganoong tsismis sa social media.


Naniniwala si Coleen Garcia na maaaring napansin na ng mga netizens na hindi na sila aktibo sa social media kumpara sa dati.


“Baka kasi tahimik kami. I mean, I tried to be more active on social media because it has become the extension of my job like a lot of work I get nowadays is from social media talaga. We’re moving houses and Billy has new businesses,” pahayag ni Coleen.



“Siguro kasi hindi kami nagpaparamdam online? Ever since we got married, walang naging mabigat na kasalanan sa’kin si Billy,” dagdag pa ng aktres.


Ipinunto rin ni Coleen na labis na naging abala si Billy Crawford sa pagpoprovide sa kanilang pamilya.


Matatandaang nagbigay na rin ng pahayag noon si Billy sa kanyang payat na hitsura kung saan idinahilan niya na ang pagbabago ng kanyang dieta ang dahilan kung bakit siya pumayat.



Isabelle Daza Pranks Sister Ava Daza Sa Mismong Kasal Nito!

Walang komento


 Nagbigay ng kakaibang  maid of honor speech ang aktres na si Isabelle Daza at nakakalokong prank sa kasal ng kanyang kapatid na si Ava Daza kamakailan sa Puglia, Italy.


Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Isabelle Daza ang kanyang nakakatawang speech na sinundan ng isang hindi inaasahang prank.


“At 25, I learned from my baby sister that not everything in life revolves around money and fame and what other people thought, but it’s about relationships that you nurture,” pahayag ni Isabelle sa kanyang speech.


“And it was such a bitter pill to swallow because I like money,” natatawang dagdag niya.


Nang oras na para sa toast ng kasal, gumawa ng isang prank si Isabelle kung saan hiniling niya ang lahat na tumayo nang hindi nila alam na masasaksihan nila ang pisikal na pag-aaway ng dalawang lalaki.


Nang ipahayag na ni Ava ang kanyang pag-aalala, bigla na lamang sumingit si Isabelle Daza at tinawag ang atensyon ng lahat sinasabing, “I just wanted to wake everyone up.”


Ang mga lalaking sangkot sa kalokohan ay bigla na lamang sumayaw ng "Bella Ciao," isang kanta na pinasikat ng  Netflix series na "Money Heist."


Nagkomento naman si Ava sa nasabing video at inihayag niyang maasahan talaga ang kanyang kapatid na si Isabelle sa mga weirdest wedding.


“You can count on my sister to do the weirdest thing ever.”


Kamakailan lamang ay ikinasal si Ava kay Luch Zanirato sa pangalawang pagkakataon.


Kabilang sa mga bisitang dumalo sa nasabing pag-iisang dibdib ay ang kapatid ni Ava na si Isabelle, ang kanilang ina na si Gloria Diaz, Georgina Wilson, Jess Wilson, Martine Cajucom-Ho, at Nicole Andersson.


Na-engage sina Ava at Luch noong 2019 at nagpakasal sa isang civil ceremony makalipas ang isang taon. Pagkalipas ng dalawang taon, ipinanganak ni Ava ang kanilang unang anak.


Noong 2022, inilunsad nina Isabelle at Ava ang kanilang sexual wellness brand na Jellytime. Mayroon din silang podcast na tinatawag na "Sexy Time," na naglalayong gawing normal ang mga pag-uusap tungkol sa sex and pleasure.


KimPau, Magka-Holding Hands at Spotted Ngayong Araw Para Sa Kanilang Tour!

Walang komento

Huwebes, Mayo 16, 2024


 Spotted sina Kim Chiu at Paulo Avelino na sabay na dumating sa embassy upang asikasuhin ang kanilang mga kakailanganing papeles para sa kanilang upcoming tour.


Lalong kinilig ang mga KimPau fans sa kumakalat ngayong videos kung saan makikitang magkasamang dumating sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa embassy. Personal na nagtungo roon ang dalawa upang asikasikasuhin ang mga kakailanganing VISA para sa nalalapit na kanilang Bida Kapamilya tour sa susunod na buwan.


Labis naman na kinilig ang mga taong nakasaksi ng personal sa mga galawan ng dalawa noon. Sila lamang dalawa ang pumasok sa opisina dahil naiwan sa labas ang kani-kanilang mga handler.


Ayon sa ilang mga netizens na nakasaksi sa galawan ng dalawa, talagang mahahalatang nag-level up na ang kanilang relasyon sa ngayon kaysa noon una nilang pagsasama sa serye.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na maari namang hindi sila sabay na pumunta roon subalit talagang magkasabay pa ang mga ito.


Bukod pa rito, magkatabi rin umano ang dalawa at nagbubulungan. May pagkakataon pa umanong hinawakan ni Paulo Avelino ang kamay ni Kim Chiu at hinalikan. Tumawa lang naman ang aktres at pabirong hinampas si Paulo.


Samantala, ayon naman sa ilang mga netizens na tila sinadya lamang ng dalawa na hindi magsama sa iisang sasakyan para hindi mahalata ang kanilang relasyon dahil nagpapaka lowkey ang dalawa sa ngayon.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga netizens ang nagdududa sa sinasabing relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa parehong pananahimik nila.


Naniniwala silang pakulo lamang nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang mga pagsasama upang lalong lumakas ang kanilang loveteam.


Maniniwala lamang umano sila kung aamin na ang dalawa dahil dalang-dala na sila sa ganitong pakulo ni Paulo Avelino dahil ginawa na rin niya ito sa dating nakatambal na si Janine Gutierrez.



Kim Chiu at Sarah Geronimo Sinabing Magka Level, Mga Fans Umalma

Walang komento


 Isa na namang malaking blessing ang natanggap ng nag-iisang Chinita Princess na si Kim Chiu. Muli na namang napabilang si Kim Chiu sa hanay ng mga primyadong pangalan sa industriya na kinabibilangan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo.


Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Kim Chiu ang pagiging brand ambassador ng Hyundai Philippines kasama sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo at ang kanyang kaloveteam na si Paulo Avelino.


Kinakikiligan naman ito ng mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil naging relationship goals na umano ang dalawa.


Samantala, sa isang social media post ni Kim Chiu, inilahad niya ang kanyang excitement sa pag-uumpisa ng kanyang panibagong journey bilang brand ambassador ng Hyundai Philippines.


"Happy to be part of @hyundaimotorphilippines family along with @piolo_pascual @justsarahgph and @pauavelino  thank you #HyundaiMotorPhilippines fam.☺️ Excited to take this journey as I buckle up and enjoy the hyundai ride! #InnovateEveryday"


Samantala, ayon sa mga netizens na talagang lumilevel up na ngayon si Kim Chiu, ayon pa sa ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na ka-level na umano nito ngayon si Sarah Geronimo sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at sa kasikatan.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang umalma sa pagkukumpara kay Kim Chiu sa kanilang idolo at sa pagsasabing ka-level na nito ang aktres.


Ayon sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo, hindi naman naging bold star si Sarah Geronimo at napaka humble ng profile nito kaya naman naniniwala silang malayo pa sa kalingkingan nito si Kim Chiu.


Bokalista ng “True Faith” na si Medwin Marfil, Ikinasal Na Sa Kanyang Nobyo

Walang komento


 Ginulat ni Medwin Marfil ang kanyang mga tagahanga nang ianunsyo niya ang kanyang pagpapakasal sa kanyang boyfriend na si Mark Angeles.


Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Medwin ang isa sa mga highlight ng kanyang buhay pagkatapos niyang legal na pakasalan ang kanyang kasintahan sa California, kung saan legal same sex marriage.


Makikita sa larawang ibinahagi niya na pareho silang nakasuot ni Mark Angeles ng puting mahabang manggas, khaki na pantalon, at puting sapatos, na posibleng kuha pagkatapos ng kanilang kasal.


Si Mark Angeles ay nakabase sa America at nagtatrabaho sa healthcare industry sa California habang si Medwin naman ay naninirahan na rin sa California nang maraming taon pagkatapos magdesisyon ang kanyang banda na magpahinga.


Matatandaang noong 2022, ibinunyag ni Medwin na pinag-uusapan na ng kanyang mga ka-banda ang pag-disband ng True Faith.


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at ilang mga tagahanga ng True Faith ang isiniwalat ng Bokalistang si Medwin. Marami ang nagulat sa inamin nitong kabilang pala siya sa LGBTQ community dahil wala namang umanong indikasyon nito.


Sa kabila nito, marami pa rin ang nagpadala ng kanilang mga mensahe ng pagbati para sa panibagong journey nito sa buhay.


Sachzna Laparan Kinabog Si Zeinab Harake Sa Marimar Trend

Walang komento


 Hindi nagpahuli ang social media personality na si Sachzna Laparan sa nauusong 'Marimar' trend sa social media platforms.


Matatandaan na unang kumasa sa 'Marimar' trend ang social media personality na si Zeinab Harake, na kaagad namang nakakuha ng papuri mula sa mga netizens.


Samantala, ayon sa caption ni Sachzna Laparan sa kanyang video na nais lamang nitong maranasan minsan ang pagiging Marimar.


Kaagad rin itong pinusuan ng mga netizens at ng mga tagahanga ng social media personality.


Dahil magkasunod lang ang pagbabahagi nina Zeinab Harake at Sachzna Laparan ng kanilang mga 'Marimar' video hindi naiiwasan ng ilang mga netizens na pagkumpirmahin ang dalawang mga social media personalities.


May mga netizens ang nagsasbing mas nababagay na maging susunod na Marimar si Sachna Laparan.


May mga nagkomento ring talagang kinabog ni Sachzna Laparan ang entry ni Zeinab Harake.


Sa kabila nito, marami namang mga netizens na nanawagan na huwag nang pagkumparahin ang dalawa dahil may kanya-kanya naman silang style sa pagsayaw. Hindi rin umano nakakahealthy ang pagkukumpara sa mga contents ng mga vloggers.


Si Sachzna Laparan ay isang social media personality at pinasok na rin ang pag-arte. Sa katunayan ay kabilang ngayon si Sachzna Laparan sa “What’s Wrong With Secretary Kim” na napapanood sa VIU. Pinagbibidahan ito nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na  labis ring kinakikiligan sa kanilang tambalang “KimPau.”


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo