Pagsawsaw Ni Kathryn Bernardo Sa Flood Control Project, Peke!

Lunes, Setyembre 22, 2025

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano'y paglahok ni Kathryn Bernardo sa isang protestang laban sa korapsyon, partikular na ukol sa mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan. Ayon sa ilang fans, ito raw ay patunay na ang aktres ay hindi lamang mahusay sa kanyang propesyon, kundi may paninindigan din sa mga isyung panlipunan.


Nag-viral ang isang larawan ni Kathryn na tila kuha sa isang rally o protesta. Sa nasabing imahe, makikita siyang may suot na itim na T-shirt na may nakasulat na mensaheng: “Stop Flooding Us with Corruption,” habang hawak ang isang stop sign. Agad itong kumalat sa social media, at marami ang humanga sa aktres dahil sa tila paglabas niya ng saloobin laban sa katiwalian.


Isa sa mga unang nagbahagi ng larawan ay ang netizen na may handle na @Lance8637, na ipinakita ang kanyang suporta at paghanga kay Kathryn sa isang X (dating Twitter) post.


Aniya, “I love you so much Kathryn. Kathryn Bernardo is always here and there. She may not be very vocal but she can hear and clearly see what really is happening. Like her personality, she fought silently, and that’s what really matters. ‘Stop Flooding Us with Corruption.’”


Ngunit agad ring nabasag ang moment ng mga tagahanga nang may ilang netizens ang nagsabi na hindi totoong larawan iyon—at mas malala pa, ito raw ay AI-generated o digitally manipulated.


Ilan sa mga tumuligsa sa viral image ay nagbigay ng maanghang na komento. Ayon kay @whines_01, “Hindi siya ramdam sa sobrang tahimik. Edited po 'yan. Sobrang out of town ni ate girl!” 


Binanggit niya rin na hindi raw ito ang unang pagkakataon na ginagamit si Kathryn sa mga gawa-gawang political sentiments sa social media.


Pabirong sabi naman ni @handriakath, “Dadamay niyo pa si AI.” Sinundan ito ni @cathren30 na nagsabing, “'Di naman 'to si Kath, AI man 'to. Halatang peke.”


Bukod sa usaping political, may ilang netizens na muling ibinabalik ang isyu tungkol sa sinasabing relasyon umano ni Kathryn kay Laguna Mayor Justin Marc ‘Timmy’ Chipeco o di kaya’y kay Mayor Alcala, bagama’t walang kumpirmadong pahayag ang aktres ukol dito. Para sa ilan, tila ginagamit lamang daw ang kasikatan ni Kathryn para ibenta ang mga usaping wala namang batayan.


Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling tahimik si Kathryn Bernardo. Wala pa siyang inilalabas na opisyal na pahayag ukol sa viral na larawan, gayundin sa mga panibagong isyung ibinabato sa kanya. Kilala si Kathryn sa pagiging pribado pagdating sa kanyang personal na buhay, at bihira rin siyang magsalita sa mga isyung politikal—kaya naman lalong nagdulot ng pagdududa ang biglaang “paglahok” niya sa isang sensitibong protesta.


Ang pangyayaring ito ay muling nagpapakita ng kapangyarihan—and panganib—ng teknolohiya gaya ng AI sa paglikha ng content na maaaring magpanggap bilang totoo. Mahalaga para sa publiko na maging mapanuri at hindi agad maniwala sa mga larawang kumakalat online, lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga kilalang personalidad.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo