Nakaraang Interviews Ni Sylvia Sanchez Nina Korina Sanchez at Karen Davila, Kinalkal Ng Mga Netizen

Martes, Setyembre 9, 2025

/ by Lovely


 Muling uminit ang usapin sa social media matapos masangkot sa kontrobersiya ang aktor at mambabatas na si Arjo Atayde, na kasalukuyang kinatawan ng Unang Distrito ng Quezon City. Ang isyu ay may kinalaman sa diumano'y korapsyon at maanomalyang flood control projects na inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 8.


Sa nasabing pagdinig, isa si Arjo sa mga pangalan na isinangkot ng contractor na si Curlee Discaya, na nagsabing may ilang mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang umano'y humihingi ng "cut" mula sa mga infrastructure projects. Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Discaya na ang mga umano’y “komisyon” ay umaabot sa 10% hanggang 25% ng kabuuang halaga ng proyekto.


Ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, na kilala rin sa negosyo ng konstruksiyon, ang may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp. Si Sarah Discaya ay tumakbo rin sa pagka-alkalde sa Pasig ngunit natalo kay Mayor Vico Sotto, na anak ni Vic Sotto at kilala ring may malinis na track record sa pamahalaan.


Matapos pumutok ang isyu at mag-trending ang pangalan ni Arjo Atayde sa social media, agad siyang naglabas ng opisyal na pahayag sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Buong linaw niyang itinanggi ang mga paratang.


Aniya, "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”


Dagdag pa niya,  “I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”


Subalit hindi natapos ang pag-uusisa ng publiko sa kanyang pahayag. Kasabay ng paglabas ng isyu, binalikan ng mga netizen ang isang panayam kay Sylvia Sanchez, ina ni Arjo at isang beteranang aktres, kung saan ipinakita ang marangyang lifestyle ng kanilang pamilya.


Ang eksena ay mula sa programang "Korina Interviews", kung saan makikitang ipinagmamalaki ni Sylvia ang kanilang beachfront family resort, ang kanilang yacht, at pati ang jetski ride na tila bahagi ng kanilang pribadong bakasyon. Muling umikot online ang clips ng nasabing panayam, at agad itong ginawang batayan ng ilang netizens para kwestyunin ang yaman at lifestyle ng pamilya.


Isa sa mga netizen na nagbahagi ng naturang video ay gumagamit ng username na @foxxysoul, na nagsabing: "Ito yung vlog feature kay Sylvia Sanchez sa show ni Korina. Makikita dito yung yate, yung pagdating niya sakay ng jetski, at yung beach house daw ng pamilya nila kasama si Arjo Atayde."


Hindi rin nakaligtas ang pamilya ni Arjo sa pangungutya ng ilan sa social media, kung saan tinawag silang "nepo babies" at "Disney Princess" — mga terminong ginagamit para sa mga anak ng sikat o may pribilehiyong pamilya na pinaniniwalaang nakikinabang sa pangalan ng kanilang magulang.


Habang wala pang pinal na desisyon o imbestigasyon na nagsasabing may kasalanan si Atayde, malinaw na ang epekto ng isyu ay hindi lamang sa kanya, kundi pati sa imahe ng kanyang pamilya. Habang nagpapatuloy ang isyu, patuloy din ang pagbatikos at spekulasyon mula sa netizens na tila hindi pa handang manahimik.


Sa ngayon, inaabangan ng publiko kung ano ang magiging susunod na hakbang ni Arjo upang linisin ang kanyang pangalan, at kung may mas malalim pang bahaging mabubunyag sa isyung patuloy na lumalalim.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo