Hindi na napigilan ng content creator na si Jeraldine Blackman ang kanyang damdamin at tuluyan nang nagsalita ukol sa mga taong aniya’y patuloy na ginagamit ang kanyang pangalan, pati na ang kanyang dating asawang si Josh Blackman, para sa pansariling interes at kita.
Sa isang matapang na pahayag na ibinahagi ni Jeraldine sa kanilang Facebook page na The Blackman Family noong Setyembre 8, tinuligsa niya ang ilang content creators na umano’y walang habas sa paggawa ng content na puno ng maling impormasyon at negatibong tsismis ukol sa kanilang hiwalayan.
Aniya sa panimula ng kanyang post, “Look at all these content creators making money by spreading HATE, LIES, and false stories about me and Josh!”
Isa itong patama sa mga gumagawa umano ng viral content gamit ang kanilang pangalan ngunit walang sapat na batayan sa mga sinasabi.
Dagdag pa ni Jeraldine, hindi siya kailanman nagsiwalat ng personal na detalye ng naging problema nila ni Josh noong sila ay nagsasama pa bilang mag-asawa. Ang pag-amin niya sa publiko noong Pebrero tungkol sa kanilang paghihiwalay ay ginawa lamang bilang respeto sa mga taong sumusuporta at sumusubaybay sa kanila sa social media.
Ayon sa kanya, “For the last 10 years of my marriage, I have never disclosed personal details about what we were truly going through behind the scenes. Back in February, I made a video letting everyone know that Josh and I have separated — because I know many of you have been following our journey, and you deserve to know the truth about where we stand.”
Ipinunto rin ni Jeraldine na kahit sila ay naghiwalay, wala siyang sinabing masama o mapanira laban kay Josh. Sa halip, ipinahayag pa rin niya ang paggalang at paghanga sa pagiging mabuting tao at ama nito sa kanilang mga anak.
“Even then, I spoke highly of him, because he is a good person and a wonderful father. I have never made any statements against him, never said anything bad about him — because that’s the truth. He has a good heart, and he is the best father my kids could ever have!” sabi niya.
Gayunman, inilahad din ni Jeraldine ang kanyang pagkadismaya sa mga kapwa Pilipino na, imbes na magtaguyod ng suporta para sa isa’t isa, ay mas pinipiling sirain ang kapwa para sa pansariling kapakinabangan.
“To those creating hate for clout — please stop! These accounts I’ve shared have been posting about me every single day, just to make money and gain attention."
“Where is the respect? What’s even more heartbreaking is that many of these people are fellow Filipinos. We should be lifting each other up, not tearing each other down,” aniya.
Ang mas masakit pa, ayon sa kanya, ay marami sa mga ito ay kapwa rin niya Pilipino. Dapat daw ay nagtutulungan at nagtataasang balikat, hindi nagsisiraan.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Jeraldine tungkol sa mga maling paratang sa kanilang dalawa ni Josh. Nauna na niyang pinabulaanan ang mga tsismis na nagkaroon umano siya ng relasyon sa iba habang sila pa ni Josh, pati na rin ang alegasyon ng panloloko umano ng kanyang dating asawa na base sa isang pekeng Tinder account.
“I want to make this very clear: no one cheated in our marriage. Please stop assuming I did. There are also posts saying Josh cheated because of that Tinder post from last year—that account was fake, and it was someone pretending to be him,” giit ni Jeraldine.
Kalakip ng kanyang post ay ilang screenshot ng mga social media accounts na aniya’y paulit-ulit ang paggawa ng content na nakasentro sa kanila, at tila ginagatasan ang kwento ng kanilang hiwalayan para sa views at pera.
Matatandaan na noong Pebrero 21, 2025, isinapubliko ni Jeraldine ang kanilang paghihiwalay ni Josh — isang desisyon na ginawa niya hindi para sa drama kundi para sa transparency sa kanilang mga taga-suporta.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!