Matapang na sinagot ni Heart Evangelista ang mga kritiko na bumabatikos sa kaniyang kredibilidad at pagkatao, lalo na matapos siyang maiugnay sa mga umano’y influencer na ipinapakita ang marangyang pamumuhay na sinasabing pinopondohan mula sa buwis ng taumbayan. Sa halip na manahimik, ipinakita ng aktres at fashion icon ang ebidensya ng kaniyang mahigit dalawang dekadang pagsusumikap—isang mahabang listahan ng mga endorsement at kolaborasyon mula sa malalaking lokal at internasyonal na brand.
Sa kaniyang Instagram account, ipinagdiwang ni Heart ang ika-27 taon niya sa industriya ng showbiz.
Aniya, “13 going 40 years old! Happy 27 years of hard work. It may be a little incomplete but I am so, so grateful for everything.”
Sa simpleng caption na ito, ipinaramdam niya sa publiko ang kaniyang pagpapahalaga sa mahabang panahong ibinuhos niya sa trabaho at kung paano naging bunga nito ang tiwala ng napakaraming kompanya.
Para sa taong 2025 lamang, higit sa 40 brand na ang kinakatawan ni Heart bilang endorser at ambassador. Ilan sa mga ito ay Absidy, Aivee Clinic at Aivee Skin, Akemi Glow, Avon, Baby Boo, CAD Clinic, Casetify, Cherry Home, Coke Zero, Creamsilk, Dolce & Gabbana Beauty, Dyson, Entree Gourmet Pet Treats, GCash at GSave, Genteel Home, GRWM, HP, IAM Worldwide, Kotex, Lancaster Paris, Le Maurice Paris, Luxe Organix, McDonald’s, Mugler, Perfect Smile, Philip Stein, Pond’s, Potencee, Purefoods, RLC Residences, SM, Strokes Beauty Lab, Teviant, Tiger Balm, Toni & Guy, Ulthera, Uratex, Vone World, Zalora, Zert, Zion at marami pang iba na nakatakdang ianunsyo.
Bukod sa pagiging endorser, ipinakita rin ni Heart na siya ay aktibong negosyante. Siya ay co-owner at endorser ng Extraordinail at Harlan Boracay, at kasalukuyan ding CEO at endorser ng kaniyang sariling kumpanya na Luxelle. Pinapakita lamang nito na hindi basta-basta natatapos sa pagmomodelo ang kaniyang karera, kundi umaabot din sa larangan ng negosyo at entrepreneurship.
Hindi lang sa 2025 makikita ang kaniyang kahanga-hangang portfolio. Sa mga nagdaang taon, nakipagtrabaho na rin siya sa mga prestihiyosong brand at kumpanya tulad ng Bonchon, Comfort, Galeries Lafayette, Havaianas, Ion Orchard Singapore, Manulife Investment, Nescafé Gold, Red Ribbon, Salvatore Ferragamo (Silk Your Style campaign), Sarsaya Oyster Sauce, Simparica Trio, Tea Talk, Thiocell, Vicks, Vision Express, at Xtreme Appliances.
Kasabay nito, naging bahagi rin si Heart ng mga espesyal na proyekto at kolaborasyon kasama ang malalaking pangalan sa fashion at beauty industry. Kabilang dito ang Brandon Boyd x Heart Evangelista, Fornasetti x Heart Evangelista x Opulence, Gas Bijoux x Heart Evangelista, Happy Skin x Heart Evangelista, Kamiseta x Heart Evangelista, L’Oréal x Heart Evangelista, Royal Gem x Heart Evangelista, Sequoia Paris x Heart Evangelista, at Aivee x Heart Evangelista. Ang mga proyektong ito ay patunay ng kaniyang impluwensiya sa pandaigdigang fashion scene.
Sa kabila ng mga pambabatikos, nanindigan si Heart na ang kaniyang marangyang pamumuhay ay hindi nakasalalay sa pondo ng publiko kundi bunga ng kaniyang dedikasyon, kasipagan, at pagiging bukas sa samu’t saring oportunidad. Ang kaniyang ipinakitang listahan ng mga brand ay malinaw na pruweba ng kaniyang kredibilidad bilang isang artista at fashion icon na patuloy na kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sa madaling salita, sa halip na magpahulog sa negatibong komento, pinili ni Heart Evangelista na ipakita ang totoong ebidensya ng kaniyang tagumpay—ang kaniyang sariling pinaghirapan at hindi inutang sa iba.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!