Hindi nakadalo ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa ginanap na "Trillion Peso March" noong Setyembre 21 sa People Power Monument, EDSA, at inilahad niya ang dahilan sa pamamagitan ng isang Instagram Live noong Setyembre 23.
Ayon kay Heart, isa siyang karaniwang Pilipino na nakakaramdam din ng pagkadismaya sa kalagayan ng bansa. Gayunpaman, ipinili niyang huwag dumalo sa kilos-protesta dahil sa mga pagbabanta umano sa kanyang seguridad na natanggap niya online mula sa ilang netizens.
Marami ang nagtaka kung bakit hindi siya nakita sa rally, lalo na’t kilala siya sa pagiging aktibo at may boses sa ilang isyung panlipunan. Nilinaw ni Heart na nais niya ring makiisa, ngunit kailangan niyang unahin ang kanyang kaligtasan.
“Why wasn’t I in the rally? You think I didn’t want to be in the rally? You think I don’t have a voice? You think I’m not frustrated? You think hindi ako napipikon? Pikon naman din ako ah… bakit hindi ako Pinoy?” sabi ni Heart sa kanyang live video.
Isiniwalat din ni Heart na may mga netizens na nagbanta umano na huhubaran siya kapag nakita siya sa rally. Para sa kanya, hindi makatao ang ganitong pagbabanta at wala siyang ginawang masama para tratuhin ng ganoon.
“I’m not in the rally is because you said — a lot of people said — na huhubaran n’yo ako kung pupunta ako sa rally. How cruel can you be? What did I do? Huhubaran n’yo ako sa rally? I have been nothing but a hardworking citizen. I have complied,” pahayag ni Heart.
Binigyang-diin din niya na hindi siya naiiba sa ibang Pilipino pagdating sa galit at pagkadismaya sa mga katiwalian sa gobyerno. Aniya, maraming bagay siyang gustong sabihin, pero piniling manahimik dahil sa banta sa kanyang seguridad.
“For you questioning me why I’m not in the rally — you think I don’t have a burning flame in my heart? That I feel like I have a lump in my neck or my throat? That I have nothing to say? I have so many things to say because it is unfair,” paliwanag niya.
Sa kabila ng kanyang hindi pagdalo, nagpahayag si Heart ng suporta sa mga lumahok sa nasabing kilos-protesta. Aniya, ipinagdarasal niya ang bansa at ang mga namumuno na sana'y gabayan ng Diyos sa paggawa ng tama para sa kapakanan ng lahat.
“I am praying for us all sana gabayan ni Lord ‘yung mga nakaupo para gawin nila kung ano ‘yung tama… do not stay silent, speak up,” ani Heart.
Si Heart Evangelista ay asawa ng dating Senate President na si Chiz Escudero, na kasalukuyang nanunungkulan bilang gobernador ng Sorsogon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!