Naglabas ng matapang na pahayag si Andi Eigenmann, aktres at matagal nang residente ng isla ng Siargao, kaugnay sa mga proyektong pang-resort na aniya’y unti-unting sinisira ang kalikasan at orihinal na kagandahan ng isla. Sa isang mahaba at taos-pusong post sa kanyang social media account, ipinahayag ni Andi ang kanyang pangamba sa epekto ng mabilis na komersyalisasyon ng isla, lalo na’t tila nalilihis na umano ang intensyon ng mga bisita at negosyante.
Ayon kay Andi, tila hindi na nauunawaan ng marami ang tunay na diwa ng Siargao. Dati raw, ang mga dumarayo sa isla ay pumupunta upang maranasan ang simpleng pamumuhay, makihalubilo sa mga lokal, at magsaya nang hindi kailangang i-post ang bawat sandali sa social media. Ngunit ngayon, mas pinapahalagahan na umano ng iba ang “aesthetic” o ganda sa paningin at ang posibilidad ng kita kaysa sa pagpapahalaga sa kalikasan at komunidad.
“Gone are the days when people came to Siargao simply to enjoy the island for what it truly is— to surf, to connect with the locals, to celebrate without needing to post every moment,” aniya.
“Now we see others coming in for the estettiqqqq, for the siargao is my home bruhhh… Some even go as far as backhoe-ing beachfronts for their luxury villas, touching what has not been touched for a reason,” dagdag pa niya.
“If the locals wanted this spot to be more swimmable 100 years ago, they would have removed it. But did they? No. Because they understand the importance of what these reefs do to the area,” she said. “Don’t be entitled to do the same just because it’s in your resort’s beachfront—a beach you do not own.”
Binatikos rin ni Andi ang mga developer na umano’y ginagamit ang heavy equipment gaya ng backhoe upang baguhin ang anyo ng mga dalampasigan at magpatayo ng mga luxury villa. Aniya, may ilang bahagi ng baybayin na sadyang hindi ginagalaw ng mga lokal dahil naiintindihan nila ang kahalagahan ng mga likas na yaman doon, tulad ng mga coral reef na nagsisilbing natural na depensa laban sa malalakas na alon.
Bukod sa epekto sa kalikasan, iginiit din ni Andi na ang mga ganitong proyekto ay may pangmatagalang epekto sa buong isla—sa mga lokal na naninirahan doon, sa kulturang surfing na siyang nagpapa-angat sa Siargao sa buong mundo, at sa mga susunod na henerasyong may karapatang mamana ng isang malinis at maayos na kapaligiran.
Nanawagan siya sa lahat—lalo na sa mga may planong magnegosyo o mamuhunan sa isla—na magpakita ng tunay na paggalang.
“Respect this island, or it will reject you,” ani Andi sa pagtatapos ng kanyang mensahe.
Ang pahayag ni Andi ay umani ng papuri mula sa netizens at environmental advocates. Marami ang sumang-ayon sa kanyang paninindigan at nagsabing kailangan nang mas paigtinging protektahan ang isla laban sa labis na turismo at maling uri ng development.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!