Isa sa mga muling lumutang na isyu laban kay Gela ay isang TikTok video kung saan sinagot niya ang tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang opinyon sa political dynasty sa Pilipinas. Ang tanong: “What are your thoughts about political dynasties here in the Philippines?”
Sa medyo pabirong tono, sinabi ni Gela: “Paano ba yan, nasa political dynasty yung pamilya ko.” Sinundan pa niya ito ng “I mean, controversial,” na tila nagpatawa sa kanya at sa nagtanong.
Para sa kaalaman ng publiko, si Gela ay anak ni Biñan City Mayor Angelo “Gel” Alonte. Ang kanyang tiyahin ay si Marlyn “Len” Alonte Naguiat, dating Deputy Speaker at naging alkalde rin ng Biñan. Hindi lang iyon, ang kanyang lolo na si Bayani Alonte ay nagsilbi ring mayor ng lungsod noong taong 1987.
Dahil dito, hindi nakaligtas si Gela sa mga puna. Marami ang nagsabing insensitive at hindi maingat ang naging sagot niya, lalo na’t sensitibong isyu ang political dynasty sa bansa. Kaagad namang umamin si Gela na nagkamali siya at nagbigay ng pahayag sa pamamagitan ng kanyang social media.
Ayon sa kanya:
“There’s a difference between pulling others down and calling them out. The world would be so much better if majority chose to do the latter. Nobody is perfect yet so many of you act like you’ve never had any mistakes in your life just cause they aren’t publicized. It’s not fair to use others’ mistakes against them when you can call them out properly [and] give them a chance to grow [and] learn. Isn’t that how it should be?”
Ipinunto ni Gela na ang lahat ay nagkakamali, at hindi patas na gamitin ang isang pagkukulang para tuluyang pabagsakin ang isang tao. Mas mainam daw kung gagamitin ang pagkakataon upang itama at matuto.
Subalit kahit may paliwanag na siya, hindi pa rin nakalimutan ng netizens ang mga kontrobersya na nakadikit sa pangalan ng kanilang pamilya, lalo na ang mga usapin tungkol sa umano’y anomalya sa ilang flood control projects. Dahil dito, mas lalo pang tumindi ang batikos ng mga netizens, partikular sa mga personalidad na nagpapakita ng marangya at magarbong pamumuhay online.
Hindi si Gela lamang ang napupuna, kundi pati sina Claudine Co, Jammy Cruz, at magkapatid na Vern at Verniece Enciso na pare-parehong binabatikos dahil sa kanilang mala-high society lifestyle na lantad sa social media.
Dahil sa sunod-sunod na negatibong komento, nagdesisyon si Gela na i-restrict o limitahan ang comment section ng kanyang mga social media accounts. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang diskusyon tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya, na tila nagsisilbing simbolo ng koneksiyon ng kayamanan, pulitika, at social media influence sa bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!